logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

From: Erin
"Good morning, bes."
Me:
"Good morning din, bes."
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Sh*t, alas-nwebe na pala! Agad ko itong pinatay at bumangon para mag-asikaso.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako ng kwarto. Pumunta ako sa kusina at doon ko nakita si Lucas na nagkakape.
"Gising ka na pala," wika niya.
Tumango lang ako sa kaniya.
Lumapit ako sa lababo at kumuha ng baso para magtimpla ng kape. Habang naglalagay ako ng mainit na tubig, tinanong ko siya.
"A-anong oras tayo aalis?" tanong ko.
"Pagkatapos na lang natin mag-almusal," tugon niya.
Wala kasi kaming pasok ngayon. Niaya niya akong mamasyal kanina kaya napapayag naman ako.
Nang makatapos kami sa almusal, umalis na kami at agad bumaba ng dorm. Hindi ko alam kung bakit, pero habang bumababa kami ay parang ang daming nakatingin sa amin. Ilang saglit lang, bigla rin naman silang umiwas ng tingin. Napayuko na lang ako, medyo naiilang.
Siguro napansin ni Lucas na hindi ako komportable, kaya bigla niya na lang hinatak ang kamay ko palabas ng dorm.
“Wag mo silang pansinin,” wika niya. Seryoso ang mukha niya habang naglalakad.
“Wow, sa’yo ‘to? Grabe, ang yaman mo pala,” mangha kong tanong. Grabe kasi, ang ganda ng kotse niya.
“Talaga? Ito na nga ang pinaka-pangit sa lahat ng kotse ko eh,” sagot niya sabay lapit sa akin. Binuksan niya ang pintuan, kaya pumasok na rin ako. Pagkasara niya ng pinto sa side ko, umikot siya at pumasok sa kabilang bahagi.
Pagkaupo niya, inistart na niya ang makina at pinaandar ang sasakyan.
Tumigil kami sa harap ng isang mall. Pagkarating namin, pina-park niya ang kotse sa isa sa mga staff ng mall at inabot ang susi.
“Let’s go!” wika niya, sabay hatak sa kamay ko. Pumasok kami ng mall na magkahawak ang kamay.
“Anong gusto mong panoorin?” tanong ni Lucas nang makalapit kami sa bilihan ng ticket.
“Ikaw na lang bahala. Hindi ko kasi alam kung anong maganda panoorin,”sagot ko.
Tumango lang siya. Nang makabili siya ng ticket, hinatak niya ulit ako. Tumigil kami sa bilihan ng popcorn. Pagkatapos naming makabili, pumasok na kami sa loob ng sinehan.
Mga isang oras din kaming nanood. Nang makaramdam kami ng gutom, napagdesisyunan naming kumain. Pagkatapos naming kumain, naglibot-libot pa kami at naglaro ng kung anu-anong mga arcade games sa mall.
“Alas-tres na, tara.” Aya niya.
Lumabas kami ng mall at nakita namin ang staff na nag-park ng kotse niya. Lumapit kami rito at ibinalik nito ang susi kay Lucas.
“Salamat!” wika ni Lucas. Ngumiti lang ang staff at umalis na.
__
From: Erin
"Bes, magkasama daw kayo ni Lucas?"
Text niya habang papunta kami ni Lucas sa isang lugar—hindi ko alam kung saan.
Me:
"Mahabang kuwento, bes. Kuwento ko na lang sa’yo bukas!"
From: Erin
"Sige, bes!"
Reply niya. Pinasok ko na ang cellphone ko sa bag.
___
Erin’s POV
"Ganun ba talaga ‘yon?" tanong ko sa ka-roommate ko.
"Oo, Erin. Naku, natatakot ako para sa kaibigan mo," sagot niya habang nakakunot ang noo.
"Hay, naku, bes..." bulong ko sa sarili ko, napapailing.
___
“Nandito na tayo,” wika ni Lucas.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong alas-kuwatro na pala. Pagkalabas ko ng sasakyan, napansin kong parang walang tao sa paligid at medyo magubat ang lugar. Kinabahan ako kaya tumingin ako sa kaniya.
“Wag kang mag-alala. Walang masamang mangyayari sa’yo dito,” paniniguro niya, sabay hawak sa kamay ko.
Tumigil kami sa isang upuang kahoy na malapit sa lawa.
“Ang ganda ng sunset,” bigla kong sabi.
“Pumupunta ako rito kapag gusto kong mapag-isa,” wika niya.
Ilang minuto kaming tahimik na tumambay, pinagmamasdan ang papalubog na araw. Nang tuluyang mawala ang liwanag ng sunset, napagdesisyunan na naming umuwi sa dorm.
Bago dumiretso, dumaan muna kami sa grocery store para bumili ng ulam namin mamayang gabi.
Pagkarating namin sa dorm, pumasok muna ako sa kuwarto para magpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng maikling shorts at sando, tapos lumabas na ako papuntang kusina para magluto.
Doon ko nakita si Lucas na nagluluto na—naka-boxer at sando lang. Lumapit na ako para tulungan siya. Nang maluto na ang ulam, inihanda na namin ito sa hapag-kainan at nagsimula nang kumain.
___
"Talaga!?" Halong takot at gulat ang tanong ko kina Erin at sa ka-dormmate niyang si Michelle, dahil sa mga ikinuwento nila sa akin.
"Pero... bakit mabait naman siya sa akin?" tanong ko, medyo naguguluhan. Nagkibit-balikat lang silang dalawa.
"Hindi namin alam, bes," sagot ni Michelle. "Basta’t mag-ingat ka na lang sa kaniya. Hindi siya basta... A-ah, sige, mauuna na ako. May klase pa ako ngayon!"
Tumango lang kami ni Erin habang papalayo na si Michelle.
"Sabi ko sa’yo, bes, lumayo-layo ka na diyan kay Lucas. Baka mapahamak ka pa," paalala ni Erin habang nakatingin sa akin nang seryoso.
"Sayang... guwapo pa naman siya," dagdag pa niya, sabay buntong-hininga.
___
Habang papasok na ako ng dorm, nakarinig ako ng bulung-bulungan mula sa ilang estudyante sa hallway.
"Talaga ba, pare?"
"Oo. Kawawa nga, eh."
"Andaming sugat at pasa sa mukha."
"Oo nga, wala talaga silang pinali—"
"Anong meron?" tanong ko sa kanila. Nagtinginan muna silang dalawa, halatang nagulat.
"Ah, kasi... may nakapasok galing sa kabilang school. Tapos nung nalaman ni Lucas, ay—"
Hindi na natapos ang paliwanag nila dahil natanaw namin si Lucas sa dulo ng hallway. Lahat ng nadaraanan niya ay tila natatakot—mga tingin na parang may nagawang kasalanan sa harap ng isang taong hindi dapat kaawayin.
Napatingin ako sa mga kakusap ko, pero agad na lang silang nagpaalam at naglakad palayo. Ako naman ay umakyat na rin papunta sa kuwarto namin ni Lucas.
___
Pagdating sa taas, nagtimpla muna ako ng kape sa kusina. Papasok na sana ako sa kuwarto nang biglang bumukas ang pintuan. Pumasok si Lucas—nakasuot ng itim na T-shirt at pantalon.
"Matutulog ka na?" tanong niya.
Kinakabahan akong tumango.
"Ah... ahm... sige. Pasok na ako," sagot ko sa mahina at takot na boses.
Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya. Agad na akong pumasok sa kuwarto at isinara ang pinto.
___
Lucas’ POV
Habang nasa opisina ako sa tabi ng eskwelahan, biglang may pumasok.
"Boss, may nakapasok galing sa kabilang school," balita ng isa sa mga tauhan ko.
"Nahuli niyo ba?" seryoso kong tanong.
"Opo!... Ano pong gagawin natin?" tanong pa niya.
"Gusto ko silang makita," sagot ko, malamig ang boses.
"Sige po. Nando’n po sila sa parking lot ng eskwelahan, binabantayan ng iba nating tauhan," sabi pa niya habang palabas ng opisina. Sumunod ako agad sa kanya.
___
Pagdating namin sa parking lot ng eskwelahan, nadatnan namin ang dalawang espiya mula sa kabilang school—nakadapa sa sahig, habang inaapakan ng mga tauhan ko.
"Boss, anong gagawin namin sa mga ’to?" tanong ng isa sa kanila.
"Bugbugin niyo. Pahirapan. Ipadala niyo sila pabalik sa school nila—para makita ng iba kung anong mangyayari kapag may nagpadala pa ulit dito." Utos ko. Tumango lang sila bilang pagsang-ayon.
Tumalikod na ako habang naririnig ko ang mga sigaw at hiyaw ng mga binubugbog. Ramdam ko rin ang tingin ng mga estudyanteng nanonood—takot at tahimik ang paligid.
Pagbalik ko sa opisina, umupo ako sa harap ng desk ko. Maya-maya, nag-video call si Dad, pero si Mom agad ang lumitaw sa screen.
"Oh, Mom? Napatawag kayo?" tanong ko.
"Hey, son. May ibabalita sana kami... pero saka ko na lang siguro sasabihin," sagot ni Mom habang nakaupo sa tabi ni Dad.
"’Yun lang po ba? Sabihin niyo na ngayon kung ano ’yon. Busy ako," matigas kong sagot, wala ako sa mood.
Nagkatinginan muna silang dalawa bago siya sumagot.
"Ah... oo, son. ’Yun lang."
Hindi na ako nagsalita pa. Agad kong in-end ang tawag at tumayo para umuwi sa dorm.
__
Pagkarating ko, nakita ko si Riley na papasok na sana sa kuwarto niya, may hawak na basong kape.
"Matutulog ka na?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya.
"S-sige... papasok na ako," paalam niya. Hindi ko alam kung naiilang ba siya sa akin o may iba siyang iniisip. Napa-iling na lang ako habang pinapanood siyang pumasok sa kuwarto.
_
Pagpasok ko sa kuwarto, pabagsak akong humiga sa kama. Ilang minuto rin akong nakatitig sa kisame, nagmumuni-muni, hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Kinabukasan, alas-singko pa lang ng umaga, nagising na ako. Bumangon agad ako at naligo. Pagkatapos maligo, nagbihis na ako at dumiretso palabas para pumasok. Doon na lang siguro ako mag-aalmusal.
__
"Bessss!" tawag ni Erin habang kumakaway, kasama si Michelle sa tabi niya.
"Ewan ko ba sa’yo, bes," bungad ni Erin nang makalapit ako. "Alam kong ako lang ang kaibigan mo dito pero grabe naman ’to, ang aga-aga!"
Umupo na ako sa tabi nila.
"Eee... dahil sa mga sinabi n’yo kahapon, at sa mga naririnig ko, parang natatakot na talaga ako."
"Ay oo nga, noh! Nababalita nga na may binugbog daw na estudyante galing sa kabilang school," sabi ni Erin, habang binuksan ang pagkain niya.
"Oo, grabe raw talaga. Hindi nga maawat ng mga teacher dahil pati sila natatakot na madamay," dagdag ni Michelle habang tumatakbo ang kutsara niya sa kanin.
Nagpatuloy kami sa pagkain, pero si Michelle ay tila naalala pa ang iba.
"Ewan ko ba... simula pa ng first year college ako hanggang ngayong third year na, magkaaway na talaga ’yang dalawang grupo. Kaya kami ng ibang estudyante, lumalayo na lang. Lalo na ’yung mga ayaw ng gulo. Tuwing gabi, wala nang lumalabas ng dorm!" bulong pa niya, habang lumalapit ng kaunti sa amin.
"Kasi daw, tuwing gabi naglalaban-laban sila," dagdag niya. "At ang sabi pa ng senior roommate ko noon, kapag nando’n ka na sa loob ng lugar ng laban... wala nang labasan. ’Yon ang ‘rules.’"
Huminga siya ng malalim, saka muling nagsalita.
"Si Lucas daw ang pinuno nila. Hindi siya nakikipaglaban pero siya ang nanonood. Para bang... siya ang nag-uutos."
Hindi na naituloy ni Michelle ang kwento dahil biglang tumunog ang bell.
"Sige, itutuloy ko na lang sa susunod. May klase pa kasi ako," paalam niya. Agad siyang tumayo, kinuha ang mga libro sa lamesa, at umalis.
"Ako rin, bes. Mauuna na ako, may klase na rin pala ako," sabi ni Erin. Bumeso muna siya sa akin bago tumayo at sumunod kay Michelle.
_
Mabagal akong naglalakad papunta sa classroom. Hindi naman ako malalate dahil ang prof namin ngayon ay si Sir Santos—ang bakla naming professor na palaging late. Palibhasa, pumasok man siya o hindi, may sahod pa rin siya.
Habang naglalakad ako sa pasilyo, pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Lumingon ako sa paligid at doon ko siya nakita—si Lucas, nasa kabilang dako, nakatingin sa akin habang may hawak na baso. Siguro, nagkakape siya.
Kinakabahan akong ngumiti lang sa kanya, sabay tango, saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom.
_
“Iniiwasan mo ba ako?”
Nagulat ako. Biglang may nagsalita sa likod ko habang binubuksan ko ang pinto ng dorm.
“H-ha? T-teka... bakit naman kita iiwasan?” tanong ko, natataranta.
“Ewan ko. Lately, feeling ko iniiwasan mo ako.”
“A-ano kasi eh... busy lang ako!”
“Talaga?” tanong niya ulit, seryoso ang tono. Sakto naman, nabuksan ko na ang pintuan.
“Oo naman!” sagot ko, pero hindi siya sumagot—nakatingin lang siya sa akin.
“Totoo! Promise,” dagdag ko pa. Pero bigla siyang dahan-dahang lumapit sa akin.
“T-teka lang... anong gagawin mo?” kinakabahan kong tanong, umaatras.
“Tumigil ka. ’Wag kang lalapit!” sabay duro ko sa kanya, halos nanginginig.
“Lucas...” bulong ko habang tuloy pa rin siya sa paglapit.
Napapikit na lang ako, hindi alam ang susunod na mangyayari. Hinintay ko kung anong balak niyang gawin sa akin.
Ilang segundo ang lumipas—wala pa rin. Pero ramdam ko ang presensya niya, malapit na malapit. At maya-maya, naramdaman ko na lang ang mahigpit at mainit niyang yakap.
_
“I think I love you!” biglang sabi niya, kaya gulat na gulat akong napatingin sa kanya.
“I know it’s too fast, pero… augh! I can’t explain. I just really know that I love you.”
“Hindi ko alam ang sasabihin ko,” wika ko, halos matulala.
“It’s okay, I understand. Alam mo ba, para akong mababaliw nung iniiwasan mo ako? Lagi kitang iniisip. Dati, gusto lang kitang makita araw-araw. Pero nung nagkausap tayo… parang gusto pa kitang makilala. At ngayon, parang ayoko nang mawala ka sa akin. Kaya please, ‘wag mo na akong iwasan ulit.”
“O-okay…”
“I love you,” sabi niya sabay halik sa labi ko—na ikinagulat ko.
“T-teka… ang bilis naman ata!” Napaatras ako, hawak ang labi ko.
“Ay, sorry,” paumanhin niya, sabay bahagyang lumayo.
“P-pwede isa pa?” tanong niya, may ngiti sa labi.
“Anooo?!”
“Hehe, please? Last na. Promise.” At bigla siyang lumapit ulit sa akin… at hinalikan ako.
At dahil marupok ako, napalaban na rin ako. Hanggang sa magkahalikan na kaming dalawa—malambing, tahimik, at punong-puno ng emosyon.
Umabot ng ilang minuto ang halikan namin bago ito naputol—biglang tumunog ang cellphone ko. May nag-text.
Napabalikwas kaming dalawa, parang biglang natauhan.
“U-una na ako. May pupuntahan pa kasi ako, eh!” sabi ko agad.
“Sige,” sagot niya, bagama’t halatang bitin.

Comentário do Livro (2)

  • avatar
    PascuaJulie

    maganda

    11d

      0
  • avatar
    Fran Reynald R. Pereyra

    5.0

    12d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes