logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

NMFW 6: Tatay Ruben

AKESHA'S POINT OF VIEW
"Goodbye class,"
Kasalukuyan kaming nag aayos nang gamit dahil uwian na, tinulngan ko nanamang mag re-touch ng make-up si  Torrie para hindi na kami pumunta sa cr kasi pagod na ako. Maraming nangyari ngayong araw at gusto ko nang mag pahinga.
Nakasalubong namin si Perrie na bumalik na rin sa dati. Yung ngiti niyang nakakahawa, nakakagaan ng loob. "Perrie kumusta ka?" Tanong ko.
"Okay na ako, nakausap ko na rin naman yung kapatid ko," sagot niya na nag pagaan nang loob ko. Ayaw na ayaw ko kasing nakakakita nang babaeng umiiyak kasi sabi ni daddy ayaw niya daw nakikitang umiiyak kaming dalawa ni mommy kasi sa tingin niya mahina kami, mahina kaming babae.
Lagi niya niyong pinpaalala sa'kin kaya ganon nalang ang awa ko pag nakakakita ako nang babaeng umiiyak kasi para sa'kin, mahina ka sa tingin nang mga lalaki pag nakikita nilang umiiyak ka.
"Masaya kami kung ganoon, basta tatandan mo, Perrie, wag mo akong kakalimutan pag tinarantado ka ulit nung bulbol na yon!" Pagyayabang ni Torrie at bahagyang napatawa naman si Perrie pero ako sinimangutan ko lang siya kasi ang hilig niyang pumasok sa gulo. 
"Salamat talaga, thankyou so much," masayang usal ni Perrie at yumakap kay Torrie kaya bigla siyang nagtaka. Ang saya, ilang araw palang kami dito, ay meron na agad kaming kaibigan.
"Una na ako, kakausapin pa namin nang kapatid ko si dad, magpapaliwanag pa kami," pagpapaalam ni Perrie na bakas ang kaba sa mukha pero pinipilit niyang umakto nang normal. "Ingat ka," nakangiting usal ko at kumaway sa kaniya bago umalis. Nung mawala si Perrie sa paningin namin ay naglakad na kami papunta sa  parking lot. 
"Aray!" Sigaw ko nung bigla akong hilain ni Torrie papunta sa gilid nang kotse at sinenyasan niya akong magtago. "Magtago ka, ayokong makipag basag ulo nakapag re-touch na ako." Bulong niya kaya kunot noo ko siyang nilingon. "Bakit?" Tanong ko.
"Nandiyan yung bastardong lalaking humila nang id lace mo," mayabang na sabi niya pero nandon parin yung kaartehan sa pananalita niya. Tumingin ako sa tinitignan niya at nakita ko si Zacc na nakatulala habang nakangiti! Para siyang baliw!
Nakatingin siya sa lugar kung saan niya ako sinaktan. Nakangiti siya at parang may naalala! Ilang minuto pa ang nakakalipas nung bigla niyang inayos yung necktie niya bago pumasok sa kotse at humarurot palayo. Pheeew! 
Nung makalayo na si Zacc, tumayo na kami ni Torrie at pumunta na kami sa kotse niyang ilang metro lang ang layo sa pinagparadahan ni Zacc ng kotse. "T-thanks," naiilang na usal ko dahil lahat talaga nang paraan gagawin ni Torrie hindi lang ako masaktan.
"No problem, basta sasamahan mo ako sa mall para bumili nang make-up." Sagot niya at tumango lang ako.
Buwan-buwan kaming pumupunta sa mall para mag shopping. Pagkabigay nang allowance namin, takbo agad si Torrie sa mall para bumili nang make-up kaya wala pang isang linggo kalahati na yung allowance niya. 
Palagi 'yan ang pinagtatalunan nila nang daddy niya kaya doble ang allowance niya kasi masyado siyang magastos, pero ang nagusutan ko sa'kaniya ay masyado siyang galante, hindi niya nakakalimutan yung mga kaibigan namin dati sa Canada, lagi siyang may dalang regalo pag aalis kami.
Pagkapasok namin sa kotse, nag maneho na siya at tahimik nanaman sa loob ng kotse kaya nag patugtog nalang ako. Siyempre kanta nanaman ng Bts nanaman ang pinatugtog ko para feeling nanaman namin ay nasa concert kami. Pinili ko yung kanta nilang 'MIC drop' para feel na feel namin yung kanta at mapapa-headbang nanaman kaming dalawa.
'Did you see my bag? Did you see my bag? It's hella thophies and it's hella thick. What you think bout that? What you think bout that? I bet my haters hella sick. Come and follow me with your sign up. I'm so firin' firin' boy time's up keep runnin' and running' until I catch up HOW YOU DARE HOW YOU DARE HOW YOU DARE. Another thropy my hands carry em too many that I can't count em MIC DROP MIC DROP'
Tuwang-tuwa nanaman kaming sumasabay sa kanta at feeling namin ay nasa concert talaga kami. Habang sumsabay kami sa kanta ay bigla akong kinabahan kasi hindi na nag f-focus si Torrie sa pagmamaneho at para na siyang tangang hinahampas yung manubela. "Torrie, naka 'go' sign na!" Sigaw ko na nagpabalik sa'kaniya sa ulirat. 
"Sorry! Ang ganda kasi nung kanta!" Tuwang-tuwa siya habang nag mamaneho kasi kanina pa busina ng busina yung kotse sa likod namin at nag bukas pa nang bintana at minura kami.
Malakas ang tama ngayon ni Torrie dahil sa kanta kaya binuksan niya rin ang bintana  sa driver seat at dumungaw, pinakyuhan niya yung kotse sa likod namin. "Fuck you! You don't own the road Bitch!" Sigaw niya bago humarurot palayo.
Tawa siya ng tawa habang ako ay nakangiti lang, Wala kaming ginawa kundi sumabay sa kanta hanggang makauwi. Pag-ka-park niya nung kotse ay agad akong pumasok sa bahay. Umakyat agad ako sa kwarto at nagbihis. Naka-white t-shirt ako at short. 
Nang makapagbihis na ako, bumaba na ako para magpaalam kay Torrie na bibili ako nang pagkain namin. "Naka shorts 'kang lalabas?" Tanong niya at tinignan ko ang kabuuan ko. Okay naman ang suot ko ah.
"Kung sa tingin mo nag aalala ako dahil baka mabastos ka ay nag ka-kamali ka, maraming lamok sa labas baka makagat 'yang legs mo. Eww! Ang hirap kaya magkaroon ng red marks sa legs." Pag i-inarte niya kaya napabuntong hininga nalang ako at nag tali nalang ako nang jacket sa bewang. 
Lumabas na ako ng bahay at tama nga si Torrie ang daming lamok! Ang lamig pa! Hindi ko na inintindi yung lamig at nag tuloy-tuloy na ako sa paglalakad hangang sa madaanan ko yung laudry shop ni kuya Ruben. 
"Hija," pagtawag niya, lumapit ako at nag kumaway ako sa kaniya. "May ipinadala pala sa'yo yung daddy mo," usal niya at may binigay na package sa'kin. Kinuha ko 'yon at nagpasalamat sa kaniya. "Ngapala, madilim na, bakit ka pa nasa labas at ganiyan pa ang suot mo." Sabi ni kuya Ruben na bakas ang pag-aala. 
"Kakauwi palang po namin ni Torrie galing school, bibili palang po ako ng pang dinner namin," sabi ko at ngumiti naman si kuya Ruben.
"Hija ba-balutan ko nalang kayo nang pagkain, nagluto ako nang adobo, at magmula ngayon, dito na kayo maghahapunan o dadalhan ko nalang kayo sa bahay niyo para hindi ka na naglalakad t'wing gabi napakadelikado." Mahabang lintaya niya at nginitian ko siya at nag pasalamat.
 "'O pasok ka muna ipagbabalot kita ng makakin niyo," sabi niya at sumunod ako papasok sa shop.
Umupo ako sa upuan sa tapat nung mga washing machine habang hinihintay si kuya Ruben. Nagpapasalamat talaga ako at nakilala ko siya dahil para siyang magulang namin ni Torrie.
 Nasa hita ko ngayon yung package na pinadala ni daddy at nagtataka ako kung anong laman 'non. Lumabas na si kuya Ruben na may dalang tupperware na may lamang adobo.
 Dalawang tupperware 'yon yung isa ay kanin. "Salamat kuya Ruben," pagpapasalamat ko at hindi ko alam kung paano ko bubuhatin yung dalawang tupperware at isang package kaya nag prisinta siyang tulungan ako. 
"Anak tulungan na kita," Parang may bumara sa tenga ko dahil tinawag niya akong anak. Binuhat niya yung package dahil mas mabigat 'yon.
"Salamat kuya Ruben." Sabi ko at ngumiti naman siya. "Hija, magismula ngayon, tatay,'itay na ang itatawag niyo sa'kin at anak na ang tawag ko sa inyo, para kahit pa-pano, maranasan ko na ulit ang magka-anak." Sabi niya habang naglalakad kami at bakas sa mukha niya ang matinding lungkot. 
"Opo itay," sagot ko at napatigil siya sa paglalakad. Tuluyan siyang napaluha dahil sa sinabi ko kaya hinagod ko ang likod niya. "Miss ko na ang mga anak ko," usal niya habang lumuha.
"Ka-edad niyo rin sila," Saad niya at nakarating na kami sa harap ng bahay at nakita namin si Torrie na hindi mapakali sa pagpalo sa hita niyang nilalamok.
"Akesha 'san ka ba nanggaling?" Inis na usal niya habang pinapagpag niya yung hita niya para hindi makagat ng lamok. "Pag nagkaroon talaga ng red marks 'tong legs ko mapapatay kita!"
"Kanina pa ako nandito, kasi ang tagal mong umuwi kanina pa tumatawag si Tito, tinatanong niya kung natanggap mo na daw ba yung package na pinadala niya." Tuloy-tuloy na satsat ni Torrie at hinsdi niya napansing kasama ko si Tatay Ruben, kasi busy siya sa pag palo ng hita niya.
"'O kuya Ruben napadalaw po kayo," gulat na tanong ni Torrie dahil nagulat siya nung makita niyang kasama ko si Tatay Ruben. "Tatay daw o 'itay ang itawag natin request ni tatay," sabat ko kaya ngumiti sa'kin si Tatay Ruben. 
"O-okay, tatay Ruben pasok po muna tayo, malamok dito." Sabi ni Torrie pero umiling si Tatay ruben. "Hindi na anak, iniwan ko lang yung shop kasi tinulungan ko 'tong si Akesha kasi marami siyang bitbit." Sabi ni Tatay Ruben at nauna nang ipasok yung package sa harap ng pinto.
"Anak, nagluto ako ng adobo kainin mo masarap 'yan, at bukas pupunta ako dito para sabay-sabay na tayo mag almusal." Sabi niya kay Torrie at yumakap si Torrie kay Tatay Ruben. Pagkahiwalay ni Torrie, nag paalam na si Tatay Ruben.
Pumasok na kami sa loob at dumiretsyo ako sa kusina para mag i-prepare yung pagkain. Tinawag ko na si Torrie nung  na-ihanda ko na lahat. Abala siya sa paglalagay ng lotion sa hita niya. 
Umupo na kami sa dining area. "Ake, bakit parang katatapos lang umiyak ni Tatay Ruben?" "Nalugi ba yung shop niya?" Tanong niya ulit kaya napailing ako. "Sinabi niya sa'kin kanina, kung pwede daw 'bang tawagin natin siyang 'tatay' o 'itay' kasi namimiss niya na daw yung mga anak niya." Sagot ko.
Tumango-tango siya at bakas sa mukha niyang naawa siya kay tatay Ruben. Mahirap nga naman ang mawalay sa isang anak. Katulad ko, kahit napaka-strikto ni daddy nakikita ko parin yung pagmamalasakit niya sa'kin, tulad ng pagpapadala ng allowance mga packages. 
Speaking of package ano kaya yung ipinadala niya. Pagkatapos naming kumain si Torrie na ang nagprisinta na mag hugas kaya pumunta agad ako sa sala para tignan yung package na pinadala ni daddy.
Medyo malaki yung box pero di siya yung box na malalim, para siyang box ng tv. Kumuha ako ng gunting para mabuksan ko na yung box. Tumabi sa'kin si Torrie pagkatapos niyang mag hugas at tinulungan niya akong mag bukas.
"WOW! Laptop!" Napasigaw si Torrie nung mabuksan namin yung box. Dalawang laptop 'yon at isang sulat. Mas natuwa ako nung nakita 'kong may sulat si mommy para sa'kin. Kinuha ko 'yon at binasa. 
"Honey, I miss you so much. Dad and I bought you a laptop for your school. I hope you enjoy it! I will try to go there next week, we will go shopping! I love you." 
Pagkatapos 'kong mabasa yung sulat ni mommy, palihim 'kong pinunasan yung mga luha ko. I miss you too mommy. "I know you you're crying, wanna hug?" Para siyang anghel nung binitawan niya yung mga katagang iyon.
Yumakap ako sa kaniya at para 'kong niyayakap si mommy kaya muli nanamang tumulo yung mga luha ko. "Shhh, I know you miss your mom," pilit niya akong pinapatahan, pero tuloy-tuloy parin ang pag tulo ng mga luha ko.
"Akesha nandito lang ako, hindi kita iiwan." Usal niya at humiwalay na ako sa pagkakayakap, pinunasan ko yung mga luhang natira gamit ang likod ng kamay ko. "I think it's late already, matulog na tayo, maaga pa tayo bukas." Sabi niya at kinuha niya yung laptop niya.
Tumigil siya sa harap nung hagdanan at lumingon sa'kin. "Goodnight Akeasha,"
"Goodnight Torrie, I love you," 
"I love you too," Sabi niya at tumakbo palapit sa'kin at hinalikan niya ako sa pisnge.
"Tandaan mo, nandito lang ako, hindi kita iiwan," Umakyat na siya pagkatapos niyang humalik sa pinsge ko.

Comentário do Livro (129)

  • avatar
    NatashaadilaHafizulaili

    best gilerrr

    25/06

      0
  • avatar
    Yolanda T. Hilot

    100

    23/06

      0
  • avatar
    Genesis Aonuevo Ragada

    So beautiful

    20/06

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes