logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Meet New Friends

Mellea's POV
Nagising ako nang may maramdaman akong kumakalikot sa ulo ko. Napamulat agad ako at marahan kong kinusot ang mata kong nag-aadjust pa sa liwanag ng paligid. Nang malinaw ko nang nakikita ang paligid, nabigla na lang ako ng malaman kong hindi pala ako nakabalik ng guild kagabi. Nandito pa rin ako sa gitna ng kagubatan at nakakapagtaka dahil may naka-balot na sa aking piraso ng tela. Umikot ang tingin ko sa gilid ko pero wala akong nakita.
Ngunit, ikinagulat ko ang dalawang nilalang na nasa likuran ko ngayon.
"Waaaaaa!!!!" gulat na napatayo ako sa dalawang kakaibang nilalang na nakangitin at nakatitig sa akin.
Ang isa ay may papak at nakalutang sya sa hangin at ang isa naman ay may matabang pangangatawan na hanggang beywang ko lang ang taas,may dala syang pamalo na malaki at may sombrero syang dahon sa ulo.
"Sino kayo?! Lumayo kayo sa akin!!" naisigaw ko na lang habang umaatras palayo sa kanila. Takot na tako pa din ako dahil ngayo lamang ako nakaita ng mga ganitong nilalang.
Oo, nakakita na ako ng demonyo at halimaw pero nakakatakot pa rin pala talaga kapag nakita mo sila sa malapitan at 'yong ngayon mukhang hindi din naman sila mukhang mga masasamang nilalang.
"Prinsesa! Hindi kami masasama." dinig kong sabi ng nilala na may matabang katawan. Kahit papaano ay kumalma ako sa sinabi nya, sa itsura nila ngayon hindi naman mukhang mananakit sila.
"Maniwala ka sa sinasabi ni Naron, Prinsesa. Hindi kami masasama. Katunayan kami ang nagbigay ng balot sayo upang mainitan ka sa malamig na gabi." sabat ng babaeng naka-lutang sa hangin. Sa tingin ko isa s'yang fairy kagaya ni Tinkerbell.
"G-ganun ba? S-salamat sa inyo." nahihiyang tugon ko. Medyo napahiya ako sa sarili ko dahil hinusgahan ko sila agad, hindi naman sila talaga mukhang masasama kasi kung may gusto silang gawin na hindi maganda sa akin, nung gabi palang dapat wala na ako.
"Wag ka na mag-alala, Prinsesa. Ayos lang, naiintindihan ka namin! Wag na po kayo sa susunod magpaabot ng gabi dito dahil may mga mas kakaibang nilalang pa po ang gumagala dito sa gabi. Mabuti na lamang ay nakita po namin kayo dito." nakangiting sabi nito at ganun din ang kasama nya na nagngangalang Naro.
Marahan namang ako lumapit sa kanila para suriin ang mga kahanga-hangang mga nilala na ito dahil hindi naman talaga sila masasama siguro naman ay pwede kong silang maging kaibigan.
"Salamat ulit," tugon ko.
Iniunat ko ang aking kamay para hawakan ang mukha ni Naro, natutuwa kasi ako sa kanya ang cute-cute para syang si Wuba sa pelikulang napanood ko. Halos magkamukha talaga, nga lang ang pinagkaiba nila ay hindi sya raddish.
"Pwede ko bang hawakan ang iyong pisngi?" tanong ko ngunit hindi sya sumagot. Napansin kong bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Tila ba napangiti sya sa sinabi ko.
Hindi ko na hinintay pa na sumagot sya at lumuhod sa harapan nya. Hinawakan ko na ang kanyang pisng at pakiramdam ko ngayon si Wuba ang hinahaplos ko, makinis at ang lambot ng kanyang mukha. Hindi pa ako nakuntento sa pisngi nya at naglakbang pa ang aking kamay sa katawan nya lalo na sa tiyan n'yang malaki.
Tinusok ko ito at mabilis na nag-bounce pabalik ang tiyan nya. Nakangiti ako habang ginagawa ko ito.
"Wow. Hahahahaha. Hala! Grabeee!" komento ko.
Halos di ko na alisin pa ang mga kamay ko dahil naaaliw ako sa pag-pisil at pag-pindot ng katawan n'yang flexible na parang slime. Napapa-atras lang si Naro habang ginagawa ko ito. Marahil ay nakikiliti sya o nasasaktan na sya ginagawa ko.
"Prinsesa, tama na po!" pagsusumamo nya. At mabilis naman akong natauhan sa ginagawa ko para kasing nawawala na ako sa sarili habang pinaglalaruan ang katawan nya.
"Ay hala...sorry. Nakakagigil ka kasi!"
"Patawad po ba ang ibigsabihin ng 'sorry'?" tanong ni Naro.
"Huh?" napaisip ako ng saglit sa tanong nya. Naalala ko na hindi nga pala ito mundo ng mga mortal, nasa ibang mundo nga pala ako kaya kapag ibang lenggwahe maliban sa filipino ang ginagamit ay na-i-alien sila. May kalaliman kasi sila sa pagsasalita dito.
Sasagot na sana ako kaso sumabat si... ay hindi ko pa pala nalalaman ang pangalan nya, basta sya 'yong parang si Tinkerbell.
"Ano ka ba, Naro? Pasensya, paumanhin o patawad ang kahulugan nun? Sinabi ko naman kasi sayo na pag-aralan mo ang lenggwahe ng mga taga-lupa." saway sa kanya ng parang tinkerbell na nasa hangin ngayon.
Natawa naman ako sa kanila, binatukan kasi sya ng kamukha ni Tinkerbell.
"Oo na, pero hindi mo ko dapat binatukan sa harapan ni Prinsesa." reklamo ni Naro na napakamot na lang ng ulo. Pareho na silang nakatalikod ngayon sa isa't-isa. Halos magpigil naman ako ng ngiti ko dahil nakakatuwa talaga silang dalawa. Napansin ko pa ng sumimangot si Tinkerbell.
"Tama na 'yan ah. Wag na kayo mag-away." awat ko sa kanila bago pa magkatampuhan ang dalawang ito.
Habang nakatingin ako sa kanila, hindi ko maiwasan na maalala 'yong panahon na nagbabangayan din kami ni Prince dahil lang sa maliit na bagay na misan umaabot sa tampuhan kaya naman habang maaga dapat ayusin agad ang problema, malaki man o maliit.
"Ngiti na kayong dalawa! Sige na! Please!" pamimilit ko sa kanila at agad naman na nagharap sila sa isa't-isa.
"Sorry." sabay silang humingi ng patawad sa isa't-isa.
Napangiti naman ako dahil ang cute pala kapag ang mga kagaya nila ang nagsasalita ng english.
"Ayan, okay na kayooo! Ang saya! Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko sa kamukha ni Tinkerbell.
"Mayumi po, Prinsesa." diretsong sagot nya habang nakangiti ito.
"Mayumi? Hmm. Napaka-gandang pangalan, bagay na bagay sayo." puri ko sa kanya dahilan para mas lalong lumawak ang ngiti nya.
"Salamat, Prinsesa." tugon nya nang may napaka-liit na boses.
Inilahad ko ang kamay ko at puma-imbabaw naman sya dito. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon na makakakita ako ng isang tunay na fairy sa totoong buhay. Totoo pala talaga sila, hindi lang sila sa pelikula nakikita, talagang totoo sila.
Hindi nga lang sila makikita sa mundo ng mga tao dahil kapag nakita sila doon at magiging delikado ito para sa buhay nila. Naalala ko sa isang libro na nabasa ko, ang sabi doon - totoong may mga diwata, elemento, enkanto at kung anu-ano pang mga supernatural. Bihira lang talaga natin sila makita o hindi talaga sila nagpapakita dahil banta ito sa kanilang lahi.
Hindi magiging maganda ang pag-trato ng mga tao kapag nakita sila, maaari kasing pag-aralan sila ng siyensya at saktan ng mga taong ignorante o di kaya naman ay katakutan. Meron lang talagang mundo kung saan doon laman sila maaaring manirahan para na rin iyon sa kanilang kaligtasan
"Ako naman si Me...Ah Elyena."
"Bagay po sa inyo ang pangalan na 'yan dahil sa inyong kagandahan." pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi nya.
"Bolera!" sabi ko na lang.
"Anong ibigsabihin nun, Prinsesa?"
"Mahal kita." nakangising sabi ko. Hindi pala kasi nila alam ang kahulugan nun kaya iniba ko na lang ang ibigsabihin.
Hahahaha.
Nagkatinginan pa silang dalawa saka tumango sa akin.
"Ahh iyon pala!" sabay nilang sabi.
"Oh sya kailangan ko nang bumalik sa guild namin. Salamat ulit sa pag-bigay nito sa akin," ani ko sabay angat ng tela na hawak ko. "Kita tayo ulit." dagdag ko pa.
"Oo naman, Prinsesa Elyena. Makakaasa kang makikita mo kami sa inyong paglilibot sa kaharian."
At pagsabi nya ng paglilibot ay nataranta na ako. Naalala ko na nagyon pala ang unang araw ng paglilibot namin. Hindi ako dapat mahuli dahil susunduin kami ng mga karwahe at ihahatid sa mga lugar ng kaharian. Nais ko pa naman mamasyal sa mundong pinagmulan ko kaya kailangan ko na talagang bumalik.
"Sige sige." sabi ko na lang saka kumaway at tumakbo na ako palabas ng gubat na ito.
Mabuti na lamang ay alam ko pa rin ang daan pabalik kaya naman hindi ako naligaw. Pagpasok ko ng pinto, nagtinginan ang mga kasamahan ko sa akin dahil hingal a hingal ako at pawisan.
"Hi. Good Morning. Magandang Umaga." bati ko saka ngumiti ng alanganin sa kanila.
"Ikaw si Elyena, hindi ba?" tanong ng isang babae sa akin pero hindi ako sumagot sa halip ay tumango lang ako.
"Pinapapunta ka ni Master Dymen sa silid-tanggapan nya." walang emosyong sabi nya. Hindi ko tuloy matukoy kung bakit ako pinapatawag sa tanggapan.
Hindi kaya dahil hindi ako bumalik dito sa guild? Hay ewan!
Hindi na ako nagpatumpikpik pa at pumunta na sa tanggapan nya.
"Hindi dyan ang tanggapan nya! Doon sa kaliwa." napahiya pa ako dahil mali ako ng direksyon na pupuntahan. Mabilis akong lumihis nang marinig ko ang sinabi nya.
Nandito na ako sa harap ng tanggapan nya at pakiramdam ko lilitisin ako sa oras na 'to. Hindi naman ako kinakabahan kaya bakit ako matatakot sa kanya.
Kumatok muna ako bago ako pumasok sa loob. Nakita ko s'yang nakatayo sa harap ng malaking bintana na para bang may hinihintay na dumating.
"Elyena?" malamig na saad nya.
"M-master." nakayukong sabi ko.
Nakatingin lang ako sa sahig at pinapakiramdaman ang susunod na sasabihin nya.
"Hindi mo ba alam na mahigpit na pinagbabawal ang pagtakas ng hatinggabi dito sa guild." litanya nya na ngayon ay nakaharap na sa akin habang ako'y nanananatiling naka-yuko.
Napahinga akong ng malalim bago ko sya sagutin saka ako tumingin ng diretso sa mga mata n'yang walang mababakas na emosyon.
Bakit ba ang lamig ng nilalang na 'to?
"H-hindi naman po kayo tumakas kagabi...katunayan ay naglalakad-lakad lang ako para ilibot ang sarili sa buong guild...ngunit hindi ko namalayan na nakatulog na po pala ako sa gitna ng gubat. Paumanhin po." paliwanag ko.
Nakatitig lang sya sa akin. Hindi ko naman mabasa ang iniisp nya kung naniniwala ba sya o hindi sa akin dahil kagaya nga ng sinabi ko, walang emosyong makikita sa mukha o mata man lang nito.
Ilang oras pa kaming nakatingin lang sa isa't-isa at pakiramdam ko nagiging awkward na ang paligid.ewan ko kung bakit pero naiilang ako kapag ganyan kalalim ang tingin nya sa akin. Para s'yang balong malalim na nababalot ng dilim, na kailangan mo pa lumusong dito para malaman kung gaano ito kalalim o kung may laman ba itong tubig sa loob.
"Palalampasin ko ang araw na ito, ngunit...ayaw ko nang maulit ang pangyayaring ito."
Mabuti naman at binasag na nya ang katahimikan.
"Salamat po, Master." at yumuko ako bilang paggalang sa kanya.
"Maghanda ka na." utos nya na may awtoridad sa pananalita nito.
Tumalikod na ako't umalis, hindi ko na kayang manatili pa sa loob. Kakaiba sya makatingin, may dumi ba sa mukha ko at ganun na lang sya tumitig sa akin. Pangit siguro ako sa kanyang paningin kaya ganun na lang ang pag-suri nya sa mukha ko. Hays ewan ko sa nilalang na 'yon.
Napaka-suplado.
Kahit saan talaga may mga suplado, maldita, maarte, pabeebe etcetera basta lahat ng ugali sa mundo. Kahit saan ka mapunta may mga ganito talaga kailangan mo lang pagpasensyahan dahil likas na sa kanila ang ganyang ugali pwera na lang kung sinasadya ng iba para lang magpapansin. Iinit lang kasi ang ulo mo kapag pinatulan mo pa.
Pero sa lahat ng suplado na nakita ko si Prince lang ang natatangi sa lahat na kahit nagagalit o nagsusuplado pogi pa rin. Hays, sya na naman ang naiisip ko.
Hindi ko naman talaga gustong makipag-hiwalay eh, napilitan lang ako dahil pupunta na ako dito sa Constellatopia at ayaw kong matabay sya sa problema ko. Ayaw kong mapahamak sya nang dahil sa akin. Oo masakit 'yong mga litratong nakita ko pero mas masakit ang hindi na sya makita at makasama pa dahil wala na kaming dalawa at malayo na kami sa isa't-isa.
Inaamin ko, mahal ko pa rin sya at hinding-hindi mawawala 'yon. Pero gusto ko nang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya ngunit hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula. Sana kasing dali lang ng pagbabasa ng a b c d ang pagmomove on.
I miss you, Prince.
Sebry's POV
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga nalaman ko. Buong gabi akong nakatulala lang sa kisame at ngayon naman ay panay ang pagpapansin ni Eno sa akin para aliwin ako.
Nasa labas kami ng guild ni Eno at naghihintay sa iba para sa pagsasanay. Nakaupo ako at nakatayo naman si Eno sa harapan ko.
"Hindi pa rin ako makapaniwala." bulong ko nang wala sa sarili.
"Saan?" nagtatakang tanong ni Eno.
"Naalala mo 'yong kagabi?" tanong ko kay Eno at tumangon naman ito.
"Oo, bakit?" tugon nya.
"Si Prince Cleyton, kaibigan namin sya ni Mellea, 'yong bestfriend ko. Naging magkasintahan sila at ang saya-saya nila. Simula noong umalis ako sa mundo ng mga tao, iniwan ko si Mellea sa kanya. Panatag ako na magiging okay sya dahil may kasama naman ang kaibigan ko. Pero yong nalaman ko kagabi mas lalo lang ako nag-alala sa kaibigan ko,"
~~
Dinala ako ni Prince sa tago at tahimik na lugar. Walang nagsasalita sa aming dalawa dahil hinihintay ko lang din na magsalita sya. Nakatalikod sya at ramdam kong may nangyari na hindi maganda na hindi ko alam kaya naman hinayaan kong mauna s'yang magsalita bago ako magtanong nang mag-tanong sa kanya.
Habang naghihintay sa kanya, napansin ko ang laki ng pagbabago ni Prince, hindi na s'ya 'yong dating masayahin at nakangiti. Kahit nakatalikod sya, ramdam ko ang bigat na nararamdaman nya. At kung hindi kami magkakakilala, unang magiging reaksyon ko sa kanya ay suplado at mahirap lapitan.
Oo, suplado naman talaga sya dati pa. Ugali na nya ang pagiging suplado pero kahit na suplado sya, hindi sya ganun kahirap na lapitan. Sa ngayon, parang masasabi kong talagang ang layo nya at idagdag mo pa 'yong katotohanan na nag-iisa s'yang tagapag-mana ng Constellatopia Kingdom.
Ilang minuto pa at nakita kong huminga sya ng malalim bago ako hinarap. Humarap na sya sa akin at binasag ang kanina pa nakakabinging katahimikan.
"Hi. Sebry. Sa wakas nagkita na rin tayo dito sa Constellatopia..." sabi nito sa akin nang may ngiti sa mga labi ngunit bakas pa rin sa kanya na pinipilit nya lamang ito.
"Palagi akong napaparito pero hindi kita nakikita." dugtong pa nito.
"Anong ibig mong sabihin? Matagal mo nang alam na isa akong Pure Blood?" tanong ko.
"Oo, matagal na nga, dahil aksidente kong nakita ang tanda mo sa iyong leeg. Nalaman ko na nagsisimula na palang umusbong ang iyong kapangyarihan."
Napanganga na lang ako sa sinabi ni Prince sa akin dahil hindi ko akalain na matagal na palang alam ni Prince ito.
"Ngunit, bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol doon, Prince?"
"Dahil gusto kong ikaw mismo ang makaalam ng totoo mong pagkatao. Isa pa nais ng iyong ama na sya ang magsabi sayo nito." tugon nya.
Tumango na lamang ako at saglit na natahimik.
"Sebry." mahinang sabi nya.
"Oh?"
"Si Mellea."
"Oh anong meron kay bes? Prince?! Nasaan ba sya? Hindi ko na sya nakita sa dati nilang bahay? Hindi ko alam kung nasaan sya at kung papaano sya hanapin? Nag-aalala na ako sa kanya? Sa kanila ni tita. Okay lang ba sila?"
"Hindi ko na alam kung nasaan sya." malungkot na sagot nito sa akin.
"Anong hindi mo alam?! Magkasama kayo diba? Ikaw ang kasama nya tapos hindi mo alam? Hinayaan mo s'yang maiwan sa mundo ng mga tao...sila ni tita. Alam mo namang delikado na sa mundong 'yon?"
"Sebry! Hindi ko alam! Simula noong naghiwalay kami hindi ko na sya nakita. Hinabol ko sya pero wala e... hindi ko na talaga sya nakita pa." at napakunot ako ng noo sa sinabi nya.
"Anong sabi mo? Wala na kayo?!" Nakatingin lang sya sa akin at nagpapahiwatig ang mga tingin nya na totoo ang sinasabi nya.
"Prince naman!? Bakit mo iniwang broken ang kaibigan ko sa mundong 'yon? Bakit ngayon pa?! bakit ngayon pa kayo naghiwalay?! anong ginawa mo?!!" naiinis na tanong ko.
Ngayon hindi na ako mapakali dahil alam kong walang kasama sila tita, hindi namin ang kung saan sila hahanapin o kung paano sila makaka-usap man lang. Paano kung may mangyari na namang kaguluhan sa mundo ng mga tao? Malalagay sa panganib ang kaibigan ko at ang mama nya. Hindi ko na kakayanin na may mawala pang isa sa buhay ko. Hindi na.
"Wala akong ginawa...nalaman nya 'yong tungkol sa akin, sa pagkatao ko at nagalit sya sa akin. Ang sabi nya di nya na daw ako kailangan." paliwanag nya sa akin.
"Prince. Alam mo naman ang mga babae kapag nagbitaw ng salita 'yan hindi ibigsabihin ayaw na namin, na sumusuko na kami. Hindi ganun 'yon, Prince!!"
"Tangina! Bakit ko ba kasi hinayaan s'yang tumakbo palayo sa akin!?" pagmumura nito sa sarili habang napapasuklay sa buhok nya.
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya at ang pagka-dismaya sa sarili. Hindi ko na sya masisisi dahil parehas lang kaming mali sa nangyare. Hindi ko alam ang buong kwento kaya naman wala ako sa lugar para husgahan kung ano ang nangyari. Mali na sinisisi ko pa si Prince ngayon.
"Nagsisisi ako na hinayaan ko syang bumitaw sa aming dalawa." mahinang sambit ni Prince na punong-puno ng emosyon.
Alam kong hindi nya ginusto ang nangyare. Kahit naman ako ay nagkamali rin dahil wala ako sa tabi ni Mellea nang mga panahon na kailangan nya ako. Lalo pa't hindi ko rin nasabi sa kanya ang totoong kong pagkatao. Hindi lang ako makapaniwal na basta-basta na lang iiwan ni Mellea si Prince dahil lang nalaman nya ang totoong pagkatao nito. Parang may mali.
Kilala ko si Mellea, hinding-hindi nya bastang sinusukuan ang mga bagay na pinaghirapan nyang makuha. Kung maaari hindi sya basta bumibitaw at nagbibigay pa sya ng maraming pagkakataon para pag-isipan ang gagawin nya. Dahil ayaw nya pagsisihan ang gagawin nya pag nagdesisyon sya agad-agad. Pero dahil hindi ko alam ang buong detalye ng paghihiwalay nila ay pinilit ko na lamang na intindihin ang sitwasyon nila.
Marahil nga ay ito ang tamang gawin nila para sa kanilang dalawa.
Bigla na lang ako nawala sa tabi nya nang di man lang nagpapaalam. Hindi ko man lang sya binigyan ng magandang dahilan kung bakit ako mawawalasa tabi nya basta bigla na lang ako nawala.
Hindi ko mapigilan ang sariling pigilan ang mga mata sa pag-iyak habang nakikita ko ang pagpatak ng luha ni Prince sa mga mata nya. Sa oras na 'to dama ko ang na sobra ang pagmamahal nya sa kaibigan ko na hanggang ngayon di pa rin sya nakakalimot. Nag-aalala ako na baka maapektuhan nito ang kanyang kapangyarihan. Napag-alaman ko kasi na kapag humihina ang puso at katawan, humihina din ang kapangyarihan naming mga Pure Blood at Half Breed.
"Sorry, Prince. Hindi dapat kita sinisisi sa nangyari. May mali din ako. Parehas lang tayo." sabi ko nang wala sa sarili saka pinunasan ang mga luha.
Nakatalikod pa rin sa akin si Prince at ramdam ko pa rin ang bigat na nararamdaman nya.
Lumapit ako sa gilid nya at sinabing, "Kailangan nating makahanap ng paraan kung paano natin mahahanap si Mellea. Kahit anong paraan subukan natin para lang masiguro kung nasaan sya at kung okay ba sya?"
Hindi sya nagsalita sa halip ay iniwas nya ang tingin sa akin at pinunasan ang mga luha nya. Nasasaktan akong na nakikita s'yang ganyan para nakikita ko na rin kasi si Mellea sa kanya na sobrang ding nasasaktan ngayon.
"Sige. Hahanap ako ng paraan. Hindi naman ako tumitigil. Gusto ko pa rin na bumalik sa kanya at sabihin ang lahat sa kanya. Marami pa s'yang dapat na malaman sa akin."
Natuwa naman ako dedikasyon nang mahanap kaagad ang kaibigan ko. Alam ko at naniniwala ako na mahahanap din namin si Melle at si tita. Kailangan lang naming laksan ang loob namin at kumapit kay Bathala. Sya lang ang tanging makakapag-hatid sa amin kay Melle muli.
~~~
Mellea's POV
Bumaba na ako matapos kong mag-ayos ng sarili. Siguro ay inabot din ako ng kalahating oras sa pag-aayos ko. Natagalan lang ako sa paghahanap ng maisusuot dahil hindi ko kabisado ang istilo ng pananamit sa mundong 'to. Inabot ako nang siyam-siyam sa pagpili ng mga babagay sa pantaas at pambaba ko. Mabuti na lamang ay mahilig akong manood ng mga fantasy movie kaya nakakuha ako ng konting ideya sa paraan ng pananamit nila.
"Magandang umaga!" Matamis na bati ng isang babae sa akin nang bigla s'yang sumulpot mula sa likuran.
"Umm. Magandang umaga din." tugon ko naman at ngumiti naman sya.
Tumabi sya sa akin at sumabay sa paglalakad. Nakalagay sa likod nya ang dalawang n'yang kamay habang iginigiwang-giwang ang balikat. Hindi ako tumitingin sa kanya pero napapansin ko ang malagkit na tingin nya sa akin.
"Mellea, diba?" dinig kong sabi nya.
Napahinto ako sa paglalakad ko ganun din naman sya. Nakatingin lang ako sa kanya nang mga buong pagtataka. Paano nya nalaman ang totoo kong pangalan.
"Tama nga ako! Ikaw si Mel---"
"Psssh. Wag kang maingay!" Putol ko sa sinasabi nya saka takip sa bibig nya. Nagpalinga-palinga naman ako sa paligid para tignan kung may nakaringin ba sa sinabi ng babaeng 'to.
"Mmm...mmmmm..." Pagpupumiglas nya.
Binitawan ko naman sya agad at inayos naman nya ang buhok n'yang gumulo dahil sa pag-akbay ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at nagbigay ng katanungan sa mga mata nya kung bakit ginawa ko 'yong sa kanya.
"Sino ka ba?" Supladang tanong ko sa kanya.
Naiinis na rin kasi ako, mukha sya pa ang magpapahamak sa akin. Bago pa lang nagsisimula ang araw ko sa Constellatopia, may sisira na.
"Nakalimutan mo na ako kaagad?"
"Magtatanong ba ako kung alam ko!" pilosopong tanong ko kasabay ng pagtaas ng kilay ko.
"Oo nga naman! Hihihi...wag ka na magalit!"
Hindi ko sya pinansin dahil mukhang nagsasayang lang ako ng oras sa kanya. Saka isa pa, ilang minuto na lang darating na ang mga kawal ng kaharian para ilibot kami sentro ng kalakalan, ang lungsod ng Cyntopia.
"Oy! Mellea!" At mas lalo akong nainis sa kanya dahil isinigaw nya pa talaga ang pangalan ko.
"Isang banggit mo pa sa pangalan ko, mawawala ka na mundong 'to." Paninindak ko sa kanya kaya naman napatikom sya ng bibig at umatras ng bahagya sa akin.
"S-sorry...pasensya na! Gusto ko lang naman makipag-kaibigan e."
Inirapan ko lang sya at bumalik na ulit sa paglalakad. Buong akala ko na kapag ginawa ko 'yon lulubayan na nya ako, 'yon pala hindi. Nakasunod pa rin sya sa akin sa likuran ko at nakayuko pa sya.
"Bakit ka ba sumusunod sa akin?" malamig na tanong ko.
Bumangga pa sya sa akin saka tumingala sa akin.
"Ummm. Gusto ko lang naman makipag-kilala sa'yo? H-hindi kasi tayo nag-uusap noon sa physics class natin,"
At napaisip naman ako sa sinabi nya. Sinasabi nya ba na mag-kaklase kami sa Physics. Bakit hindi ko manlang sya napapansin nun. Parang di ko naman sya nakikitang pumapasok.
"Simula noong nasugatan ka ng kagrupo ko sa activity natin, napansin ko ang biglang paghilom ng sugat mo sa tubig kaya naman...naisip kong isa ka rin Pure Blood." paliwanag nito sa akin.
"Pero di kita nakikita na pumapasok sa school dati?"
"Dahil simula nang may ibang estudyante na nakaalam ng sekreto ko, hindi na ako pumapasok pa sa Physics, bihira na lang dahil iniiwasan ko na ang iba natin kaklase tungkol sa pagkatao ko,"
"Sabi ng iba isa daw akong kampon ng demonyo dahil sa mga kakaibang kapangyarihan na meron ako."
Dahil sa sinabi nya ngayon sa akin, napaisip din ako na baka napansin din ni Prince ang kakaibang ikinikilos ko kaya nya ako nilayuan. Baka iyon ang dahilan kung bakit mortal ang pinili nyang mahalin at hindi ako.
"At nang..."
"Tama na! Okay na!" Pigil ko sa sasabihin nya. Hindi na maganda ang pakiramdam ko habang pinapakinggan sya. Pinapabigat nya lang ang nararamdaman ko.
"Ano bang pangalan mo?"
"Ahh...Suberbia. Suberbia ang pangalan ko." nakangiting sagot nya.
Ang bilis naman magbago nang mood nya. Kanina lang ang lungkot nya habang nagkikwento, ngayon naman nakangiti na sya.
"S-suberbia. Isa lang ipapakiusap ko sayo, kung mong makipagkaibigan sa akin. Wag na wag mong babanggitin ang totoo kong pangalan. Lihim lang natin ito. Simula ngayon Elyena na ang itatawag mo sa akin." madiin kong sabi sa kanya at tumango naman sya.
"Naiintindihan mo ba ako?" ulit ko.
"Oo, pangako! Mel---este Elyena." at pareho kaming natawa sa sinabi nya.
May pagka-kalog din pala ang isang 'yo. Tingin ko magkakasundo kami kahit na may pagka-sira sya. Okay na rin 'to para naman may makasama ako at makausap. One man is an island nga diba.
Lumarga na kami at sumakay ng karwahe matapos dumating ang mga kawal at ibang Knights at Fairies na gagabay sa amin sa aming paglilibot. Sa madaling salita may field trip kami ngayon upang malaman namin ang bawat bahagi at lugar ng Constellatopia. Nakakapanabik ang mga gawain ngayon araw at hindi na ako mapaghintay na gawin ang lahat ng iyon at may matuklasang bago na naman sa mundong pinagmulan ko.

Comentário do Livro (86)

  • avatar
    Jemjem

    ayos talaga tong story na to, ang ganda. habang pahaba nang pahaba yung story, paganda din nang paganda. more chaps pa author. 😘😘😘

    09/12/2021

      1
  • avatar
    Nathalie Kate Elizaga

    nice

    20d

      0
  • avatar
    TanomnaJessibelle

    in this first chapter maganda na agad

    26d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes