logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 5 SIGURO

'Stick to me, then.'
Paulit-ulit iyon sa utak ko.
Anong ibig niyang sabihin?
Uwian na pero wala man lang akong naintindihan sa mga lessons dahil sa kakaisip kung ano ang ibig sabihin ni Laurent.
"Lutang ka pa rin? What happened? Kinikilig ako bakit ka niya hinila? Saan kayo nagpunta? May gusto na ba saiyo?" Sunod-sunod na tanong ni Alem pero wala akong sinagot doon kahit na isa.
"Naguguluhan ako hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko," sabi ko sa kaniya.
"Why?"
"Kasi no'ng sumama siya roon sa Seilen na nurse sa clinic parang kumirot ang dibdib ko hindi ko maintindihan."
Nanlaki ang mga mata niya at natutop pa ang bibig niya at saka ako hinampas.
"Girl in love ka na, sobrang in love!"
"Huh?"
Akala ko simpleng pagkagusto lang ang nararamdaman ko pero bakit parang ang bilis naman?
"Ganiyan ang feeling ng in love, Anm. You're so innocent. Nagsisimula ka nang mabaliw sa lalaki!" Sabi niya pa at humagalpak ng tawa.
Napalingon ako sa gilid ko nang maramdamang may umakbay.
"Anong ginawa saiyo ng lalaking 'yon?" Bungad agad ni Ardent.
"Wala."
"May gusto saiyo?"
"Ay day! Baka si Anm ang may gusto--ay este mahal na niya," si Alem ang sumagot.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ardent.
"Mahal mo ang lalaking 'yon? Paano? Kailan pa?"
Sa sunod-sunod na tanong niyang iyon hindi ko siya magawang sagutin dahil hindi ko rin alam ang sagot.
Napatakbo ako nang makitang lumabas na ng clinic si Laurent siguro ay pauwi na.
"Kita na lang tayo bukas, Alem, Ardent, Bye!" Sigaw ko habang tumatakbo na papunta kay Laurent.
"Mr. Baider," sumigaw nanaman ako pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso siyang naglakad.
Narating namin ang parking lot pero hindi niya ako sinulyapan man lang.
"Laurent, I love you!" Naisigaw ko iyon dahilan upang matigilan siya sa pagbukas ng kotse.
Wala naman akong trabaho ngayon day off ko kaya gusto kong sumama sa kaniya.
Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse niya at saka pumasok sa loob. Nagugulat pa rin siya kaya hindi siya nagsasalita.
"What are you doing?" Kunot noo niyang tanong nang makaupo siya sa driver's seat.
"Sama ako saiyo kaso wala akong pera, huh? Hindi kita yayayain ng date basta gusto ko lang makasama ka," masigla kong sabi.
"Do'n ka sa ibang lalaki mo sumama," naiinis niyang sabi.
Sinong lalaki? Si Ardent?
Napangiti ako at kinilig.
"Nagseselos ka? 'Wag kang mag-alala ikaw lang ang tinitibok nito," turo ko pa sa dibdib ko.
"Tsk," nag-iwas siya ng tingin.
Hindi niya pinaandar ang kotse kaya naiinip na ako. Nakahawak lang siya sa manibela at nakatingin sa unahan.
"Hindi pa ba tayo aalis, bebe boy?"
Tumingin siya sa akin at kumunot nanaman ang noo. Mabilis kong hinawakan ang pisngi niya at hinalikan ang noo niya.
"Bakit ba laging kunot ang noo mo?" Tanong ko sa kabila ng pagkagulat niya.
Hindi niya ako sinagot at pinaandar na lang ang kotse. Excited ko siyang pinagmasdan.
Saan kaya kami pupunta?
Huminto siya sa maganda at malaking bahay.
Mansyon?
Namangha ko iyong pinagmasdan mula sa labas.
Bahay niya ba ito?
"Bahay mo?"
Hindi niya ako sinagot dumiretso lang siya papasok na sinundan ko naman. Mukha na akong aso kakabuntot sa kaniya. Humawak pa ako sa laylayan ng shirt niya at tumatalon-talon papasok sa loob.
Grabe! Sobrang laki! Ang gandang mansyon!
Umaapaw ang mga gitnong gamit, sobrang laki at halos mag-echo na ang magsasalita rito. Gusto ko ngang subukang sumigaw at pakinggan ang boses ko kung mage-echo nga kaso hindi ko ginawa dahil baka ma-turn off si Laurent.
Ang lawak! Tunay ngang mahirap siyang abutin pero bakit parang walang tao maliban sa taga-silbi?
Nalungkot ako sa isiping Iyon. Ang layo ng agwat ng pamumuhay naming dalawa. Sobrang yaman niya at heto naman ako simple at ordinaryong babae lang. Ang taas ko naman kasi mangarap.
"Dude!" Lumapit ang matangkad, maputi, matipuno at magandang lalaki. Tinaasan lang siya ng kilay ni Laurent.
"What are you doing here?" Masungit na sabi ni Laurent. "May pasok ka 'di ba?"
Magsasalita na sana ang lalaki pero nakita niya ako.
"I thought you don't want to have a girlfriend?" Tanong niya kay Laurent.
"She's not my girlfriend."
Ngumiti ako sa lalaki at kumaway.
"Hi! Ako nga pala si Anmela," inilahad ko ang kamay sa kaniya pero gulat akong si Laurent ang tumanggap no'n.
"Resttan Baider, pinsan niya ‘ko," nakangiting sabi ni Resttan.
"Nice to meet you."
"Me too," malapad ang pagkakangiti niya. Buti pa siya hindi ako sinusungitan samantalang itong isang ito?
Ewan ko riyan!
Iginaya ako ni Laurent sa sofa.
"I'll change my clothes," walang emosyon niyang sabi at nilampasan ako. Naiwan kaming dal'wa ni Resttan.
"Paano kayo nagkakilala?" Tanong agad nito sa akin. Umupo siya sa tabi ko.
"Sa school."
"Buti kinausap ka?" Tumawa siya na ipinagtaka ko. "Ilag sa babae 'yon dahil ayaw mag-girlfriend."
"Bakit nga ba?" Gusto kong malaman kung bakit gano'n siya.
Ano kayang mayroon sa katauhan niya?
"I'm sorry, I can't tell to you the reasons. It's our family's secret," nakangiti niyang sabi.
Ano kaya 'yon? Mas lalong naantig ang kuryosidad ko kung ano ba talaga siya?
"Buti natitiis mo siya?" Tanong niya ulit.
"Why not? Manliligaw niya ako, eh."
Biglang tumawa nang malakas si Resttan. "Manliligaw? Ikaw? Sa ganda mong 'yan?"
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.
Maganda ako? Talaga?
"Oo. Bakit masama bang manligaw?" Napakamot ako sa ulo ko.
"Bakit ikaw ang manliligaw? You're out of your mind," tatawa-tawa pa ring sabi niya.
"Oo baliw na nga ako sa kaniya."
Natigil siya sa pagtawa at tiningnan ako. "Really? Poor you," umiling-iling pa siya na animo'y awang-awa sa akin.
"Bakit masama bang magmahal dahil mahirap lang ako?"
Natigilan siya pero todo iling siya pagkatapos.
"No, it's not that. It's just you really can't understand things about us."
Saglit akong tumitig sa kaniya.
Bakit parang napakamisteryoso naman ng pagkatao nila? Gaano ba iyon kahirap ibahagi sa tulad ko?
"Okay lang kahit hindi ko maintindihan basta mahal ko siya sapat na iyon," nakangiti kong sabi.
Tumalim ang tingin niya sa akin. "I don't know if you can say the same lines if you know him well."
Naguluhan ako sa sinabi niya. Tama naman siya hindi ko pa masyadong kilala ang lalaking 'yon pero bakit pakiramdam ko kahit ano pa sya mahal ko siya?
"Hindi kita maintindihan."
"You really can't understand the family's thing."
"Resttan!"
Nilingon namin si Laurent na ngayon ay mabilis na naglakad palapit sa amin.
Kinuha niya ako at inilayo kay Resttan. Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Wag mo siyang isama sa collection mo," inis na sabi ni Laurent.
"Akala ko ba hindi mo girlfriend?" Nakangising sabi ni Resttan halata ang pang-aasar.
"Hindi pa."
Bigla ko siyang nilingon.
Hindi pa? Ibig sabihin may pag-asa ako?
Woah!
Gusto kong magtatalon sa tuwa ngayon.
Tinalikuran namin si Resttan. Muli ko siyang nilingon nang magtama ang mata namin ay kumindat siya sa akin.
Para saan 'yon?
"I can cook. What do you want to eat?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Marunong ka?"
"Tatanungin ba kita kung hindi?" Pagsusungit niya.
"Ang swerte ko naman sa boyfriend ko," malapad akong ngumiti. Kinikilig ako sa sarili kong banat.
Sinong hindi kikiligin sa lalaking Baider na ito? Saksakan ng kagwapuhan!
Tiningnan niya lang ako at hindi nagsalita. Lumapit ako sa kaniya at yumakap sa braso niya. Ewan ko ba kung bakit hindi niya ako pinipigilan.
Inamoy ko ang braso niya dahil umaalingasaw ang bango niya.
"Ang bango mo, bebe boy," pinanggigilan ko ang braso niya pero ni hindi niya man lang ako pinagtuunan ng atensyon. Nagluto lang siya na sa tingin ko ay adobo. Nakapulupot lang ako sa braso niya habang nagluluto siya. Kahit nahihirapan ay hindi niya man lang ako sinuway.
"Siguro masarap 'yan?" Nakagat ko ang labi ko at saka sumilip sa niluluto niya matapos ay tinitigan ko ang mukha niya. "Alam mo ang gwapo mo," nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at saka kumunot ang noo.
"Alam mo na siguro 'yon," nakangisi kong sabi.
Bakit ba hindi siya nagsasalita?
Ang sungit niya talaga. Napanguso na lang ako.
Napangiti ako nang may maisip na itanong sa kaniya. "Are you going to marry me?" Sa kabila ng katahimikan hindi ko alam kung saan nanggaling iyon.
Nilingon niya ako at hayon nanaman ang nakakunot niyang noo.
"Stop saying things, you don't mean it," Inilalagay niya na ngayon ang patatas.
"Gusto kong pakasalan ka," malambing kong sabi. "Pero sagutin mo muna ako hihi."
Hindi ko talaga alam bakit ganito ako kadesperada sa kaniya.
"How can I answer you, you don't ask any question."
Napangisi ako sa sinabi niya at saka kumindat sa kaniya.
"Will you marry me?" Natigilan siya sa sinabi ko pero bumuntong hininga lang at saka niya tiningnan ang niluluto.
"Let's eat," kumuha siya ng plato at inilagay sa lamesa.
Umupo ako roon pero nang makitang sa harap ko siya umupo ay lumipat ako at tumabi sa kaniya. Siniksik ko siya nang todo. Kita ko nanaman ang iritado niyang mukha.
"Kahit mukhang lukot na damit 'yang mukha mo gusto pa rin kita," masigla kong sabi at saka sumubo. "Gusto pa rin kitang makasama."
Parang wala siyang narinig at tahimik lang na kumakain. Sa gitna ng pagkain ay hindi ko na maiwasang magtanong.
"Nasaan ang parents mo?"
Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita.
"America with my sister."
"Mag-isa ka lang dito talaga?" Itinagilid ko ang ulo ko para makita ko ang mukha niya. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha niya.
"They will come back next week."
"Kapag gusto mo ng kasama tawagan mo lang ako."
Walang pasabi kong dinampot ang cellphone niya na nasa may malapit sa amin. Inilagay ko roon ang number ko. Wala man lang password. Nagselfie ako at iwinolpaper pa.
"What are you doing?" Nagtataka niyang tanong.
"Hihi. Oh," inabot ko ang cellphone sa kaniya. Tiningnan niya lang ang cellphone niya kahit nakita niya ang mukha ko roon ay wala siyang pakialam.
Kahit anong gawin ko okay lang?
"Malungkot siguro ang buhay mo lagi kang mag-isa ako naman kahit papa'no laging tumatawag sila nanay kaya hindi ko maramdamang mag-isa ako sa apartment," sumusubo ako habang nagkwe-kwento, siya naman ay parang hindi nakikinig sa sinasabi ko.
"Kapag ba minahal mo ako hindi ka na magsusungit?" Tumawa pa ako sa tanong kong iyon pero agad ring natigilan nang sumagot siya.
"Siguro."

Comentário do Livro (294)

  • avatar
    Roselyn Oco Mejia

    Wow! This story is very nice. complete package have a romance, action, comedy, tragic, suspense and drama. May maga dang lesson na mapupulot ka talaga. Dami ko ring nailuha s story na ito lalo n s last part but so sad the story of laurence.😭😭😭. Thank you so much author and keep up the good work. May the Lord always bless you. keep safe

    22/01/2022

      0
  • avatar
    Nion Rey Berco Berco

    ang ganda

    08/08

      0
  • avatar
    AmaroCatelyn

    sobrang Ganda ng story

    27/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes