logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

4th Flash: The Flashlight

Aina's POV
"SHIT!" Walang hindi mapapa- shit sa nakikita ng dalawang mga mata ko ngayon.
Paupahan na lumang building. Tatalunin sa dumi ang pinagawa na gusali ni Marcos para sa mahihirap. Tatalunin ang setting sa isang thriller- suspense na pelikula. Teka, hindi pa ba thriller- suspense ang abilidad na makausap ang isang patay na, Aina? Siya ang bida, ang villain ay ang mga kaluluwang pasaway, tulad na lang ng kaluluwa na sadya niya rito ngayon. Hindi ito makuha sa concentration-- na ngayon lang nangyari sa'kin--  Nagpahabol pa sa'kin!
Ako ang tumatawag sa isip ko sa mga kaluluwa sa pamamagitan ng pag- concentrate na makapunta sa lugar kung nasaan sila. Ipapakita muna ng isip ko ang nakakatakot at mukhang mabantot na lugar bago ang nagliliwanag na pakay kong kaluluwa, and voila, makakausap ko na sila at haharapin na nila ako. Ewan ko sa isang 'to, nagpakita siya-- indikasyon na gusto naman niyang makipag- usap-- pero nagbago yata ang isip at tinakasan niya kami. Ang kaluluwa na sinusundan ko ngayon ay asawa ng bagong kliyente namin ni Liam, my sidekick. Hayun na nga at dinala kami ng multong si Bianca sa creepy na building na ito na itsurang abandonado kahit hindi naman, may iilan kasi na nakatira ro'n, napuna ko kanina.
"Makipag- usap ka na sa'kin," pakiusap ko sa kaluluwa ni Bianca.
Tinapatan ko siya ng ilaw ng tangan kong flashlight. Hinanap ko siya sa k'warto kung saan ko naramdaman na pumasok siya. At hayun nga, nasa sulok siya ng k'warto na 'yon. Malapit sa bintana, nakatalikod. Nananatiling umaarte at ayaw makipag- usap. Daig ko pa tuloy ang ghost buster sa paghabol sa kaniya. Char. Kung hindi lang talaga ako naaawa sa jowa ng multo na 'to, nunca na habulin ko siya.
Sa isang k'warto na 'yon sa 12th floor kami humantong ni Liam sa paghabol kay Bianca. Kasama namin ang asawa ni Bianca, dahil s'yempre, siya ang may pakay sa multo. Anyway, ang buong 12th floor na palapag ay abandonado. Sino ba ang gugustuhin na tumira sa floor na echos lang na 12th floor pero 13th floor? The stigma bes, at ang kaakibat niyon, huwag balewalain. Pati ang paniniwala na niluma na noong unang panahon about sa 13th floor.
"Bianca, please. Gusto ko lang malaman mo na hindi ko sinasadya na hindi sumipot sa kasal natin," biglang sabi ni Terrence, our client.
Napasinghap ako sa narinig. Aba'y gagong lalaki, hindi pala sumipot sa kasal!
"OMG, ba't hindi ka sumipot? How dare you!--"
"Hindi ikaw si Bianca, Sis. Kumalma ka," awat ko sa napipintong dialogue ni Liam.
"Ay, char. Oo nga pala." Napatakip pa sa bibig si Liam, na kinangisi ko naman.
"Bakit hindi ka sumipot? Wala ka bang cellphone? Sigurado naman na meron. Ang driver ng groom car, ano na? Naparaming means para magsabi ng rason kung bakit ka late or hindi ka pupunta dahil ganito, ganyan," kastigo ko sa kliyente ko.
Babae ako, normal lang na umusbong din ang pagkainis sa'kin sa narinig. Hindi alam ng mga lalaking 'to na isa sa napakasakit na gagawin nila sa'min ay ang iwan nila sa ere kung kailan araw na ng kasal o nalalapit na ang kasal. Kung kailan umasa ka na nang forever na kasama siya-- argh, hugot na hugot naman ako! Tsk, hindi na dapat alalahanin ang mga bagay na 'yon. Ekis, Aina!
"Hindi ako nakasipot dahil naaksidente ako, okay? Let me explain."
"Go! Naririnig ka naman ni Bianca."
"Nasiraan ang kotse na maghahatid sa'kin sa simbahan, gumamit ako ng motor para mapabilis at late na 'ko sa kasal. Kaya lang, minalas na maaksidente. Hindi ako nagising kaagad. Walang nakaalam. Apat na araw raw ako na tulog lang sa ospital. Ang gamit ko, sa ikalimang araw na nahanap ng mga pulis kaya hindi alam ni Bianca ang nangyari," mahabang paliwanag ng jowa ni Bianca sa'min na alam kong naririnig ng multo.
May dahilan naman pala...
'Mulagat ako sa nasaksihan na biglang pag- iyak ni Bianca. Pupusta ako na gano'n din ang reaks'yon ni Liam na nasa likod ko. Kasi naman, matapang ang multo mula pa nang istorbohin ko. Tapos ngayon ay umiiyak ito?
Sa lahat ng client ko, ang boyfriend-- boyfriend lang pala at hindi natuloy ang kasal-- nito lang ang hindi nagk'wento, kaya no idea ako sa story nila. Istorya nila na mukhang nahuhulaan ko na...
"Maari ko ba siyang mayakap?" Tumango ako bilang sagot sa multong si Bianca. Single ako pero hindi bitter. Chos.
Isa pa, possible naman na mayakap niya ang boyfriend niya. Kung hindi posible e, 'di hindi. Kaso nga posible...
"Huwag kang kukurap," utos ko sa multo. Mataman kong tinapat ang ilaw ng tangan kong flashlight sa mukha niya.
Sa pamamagitan niyon, makikita ang multo ng ordinaryong mga mata...
Sa pamamagitan ng flashlight na 'yon na pag- aari ni Alarcon na kauna- unahang multo na nakita ko at nakausap, makikita at makakausap ng kamag-anak ng isang multo ang namatay na kaanak. Gano'n din ang multo-- mahahawakan at makikita nito ang kaanak-- 'yon ay kung ang multo ang magri- request. Walang bisa ang flashlight kung ako lang ang magnanais na gawin 'yon. Dapat ang multo. Itinuro 'yon ni Alarcon sa'kin no'ng kinausap niya si Madam sa Bulacan. Siningil ng hudyo. Kahit nakalipas na ang ilang buwan na namatay ito at nagpakita sa'kin sa hardware, siningil pa rin niya, walang patawad! Sabagay, kahit ako, babalikan ko 'yon at sisingilin dahil pinaghirapan ko naman 'yon.
Si Alarcon pala ang bumulong sa'kin sa parking lot ng ospital. Hinanap niya ang flashlight sa'kin no'ng malaman niyang bumukas ang third eye ko that day. Lahat nang naiwan na sahod kasi ni Alarcon ay ginipit ng intsik, at ang flashlight lang ang paraan para masingil niya. Flashlight na aksidente kong naiuwi noon sa takot din kay Alarcon! Hayun, kaya naman pala hindi matahimik ang bangkay ni Alarcon, bukod sa hindi talaga 'to inatake. Natagpuan ang bangkay nito sa guard house na parang inatake pero hindi raw talaga. Ang chika niya, may nagpakitang multo sa kaniya through this particular flashlight-- katulad nang ginawa niya sa'kin. Ngunit binalewala pala ng sekyu. Ang multo nga na nagpakita rito ang nagsabi kay Alarcon ng kakayahan ng flashlight-- na ngayo'y naisalin na sa'kin.
Nang malaman ko ang k'wento ni Alarcon, buong-puso't kaluluwa kong tinanggap ang flashlight na hawak ko ngayon at ang obligasyon na tumulong sa mga relatives ng multo. Oo, mas pinili ko ang ako mismo ang iistorbo sa multo at hindi sila. Pinag- aralan ko na ako ang iistorbo sa kanila dahil ayaw ko nang maulit ang nangyari sa ospital at sa hardware. As of now, hindi ko naman pinagsisisihan ang pagtanggap sa abilidad na 'to. Aba, may sarili na kaming kotse ni Liam ngayon at nakapag- aral na 'ko na magmaneho. Hindi ko na kailangan ng ibang raket. Solved na 'ko rito at sa kotse ko na p'wedeng ipasada!
Pagsisisihan ko pa ba? Magrereklamo pa ba 'ko? Anyway, wala naman akong masusing pag- aaral sa pagiging medium na tulad ng iba na punong-puno ng terminoligies at theories, hindi naman ako fake. Sariling sikap ko lang din ang pag- block sa mga soul na makita sila anytime, anywhere. Self study ko rin kaya ako ang iistorbo, at hindi na nila 'ko maiistorbo.
"Terrence! I'm sorry, nagpakamatay ako agad sa araw mismo ng ating kasal. Hindi ko kinaya ang kahihiyan at depression sa nangyari."
Nauna pa tuloy na suminghap si Liam sa'kin sa sinabing 'yon ni Bianca, dahil sa kung sa'n na napunta ang isip ko. Well, ang lungkot naman. Tragic. Pero wala ako sa posisyon na k'westyunin at sisihin si Bianca sa pagpapakamatay. May mga taong mina- mani ang problema, tulad ko. Hindi ko naisip man lang na magpakamatay at magpakalunod sa depression no'ng iwan ako ng tatay ni Uno. At may mga taong pagpapakamatay lang ang nakikitang solusyon sa lahat. Ang siste, heto, hindi rin naman matahimik ang kaluluwa ng nagpakamatay. Naghahanap pa rin ng kasagutan. Kaya nga hindi pa nakakaalis ang mga ito sa mundo ng mga buhay.
"Oh, Bianca, gusto kong sumama na rin sa'yo--"
"Hoy, tange! Wala sa usapan natin 'yan. Itodo niyo na ang yakapan, iyakan at halikan, walang sunuran sa hukay. Dahil ang lahat ng pangyayari ay may rason!" Awat ko sa sinasabi ni Terrence.
Gunggong na 'to! Nakakaloka! Sasama raw?
"Tama siya, mahal ko. Hindi pala ako ang para sa'yo kaya nangyari ito."
Ewan ko ba, parang may kirot sa puso ko ang sinabing 'yon ni Bianca. Kahit si Liam ay apektado no'ng lingunin ko.
"Mag- usap lang kayo d'yan, do'n lang kami ni Liam sa kotse. Magyo- yosi ako at na- stress ako sa paghabol sa'yo."
"Pasens'ya ka na, Aina." Kinumpas ko na lang ang kamay ko kay Bianca, kahit nakatalikod na 'ko.
"Puntahan niyo kami ni Liam 'pag handa ka nang sumama sa liwanag," pahabol na turan ko sa multo.
Dahil oo, kahit ang mga nagpakamatay ay sa liwanag din ng flashlight nahihigop. Liwanag din ang sundo, kahit ano pa ang mga paniniwala natin sa kaluluwa nila.
"Sis, tissue?"
"Tang'namo! Strong ako 'di ba?"
"Strong ba ang ganyan? Naalala mo na naman ang kasal mo na hindi rin natuloy, for sure."
At talagang pinaalala pa ng hudyo! Minsan talaga, ang mga kaibigan na tulad ni Liam ay masarap sakalin.
"Yosi us, Sis. Huwag mo nang masyadong dibdibin ang nakalipas. Huwag mo rin masyadong ina- attach ang sarili mo sa mga kuwento ng clients natin. Napupuna ko na palagi ka na lang affected."
Naiiling na tinanggap ko ang sigarilyong inabot ni Liam at sinindihan 'yon, "Affected ba 'ko?" Tanong ko sa sarili ko, bigla.

Comentário do Livro (304)

  • avatar
    Jeian Aris Castro

    this game is so fan

    2d

      0
  • avatar
    Jadlac AnneJo

    I enjoy reading this..

    9d

      0
  • avatar
    April Abella Javier

    nice

    13d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes