logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

3rd Flash: Paranormal Ability

Aina's POV
IPINIKIT ko ang aking mga mata. Nag- concentrate ako hanggang sa unti- unti na nawala sa 'king pandinig ang mga tao sa paligid. Hanggang sa unti- unti akong dalhin ng isip ko sa isang lugar na masukal, madilim, na kung naaamoy ko pa nga ang lugar na 'yon, nasisiguro kong nakakasulasok do'n. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata mula sa pagkakapikit niyon ng normal...
Nararamdaman ko na...
Naririnig ko na ang pakay sa lugar na 'yon...
"Sino si Raquel?"
"Ako po!"
"Pinapasabi ng mama mo na nakita ka raw niyang may kahalikan sa school library niyo kahapon. Itigil mo raw ang kalandian mo, dadalawin ka raw niya 'pag hindi ka pa tumigil."
"Hin-- di 'yan totoo! Peke ka!" Gusto kong iikot ang eyeballs ko sa bagets.
Oo, bagets pa si Racquel, 13? 14? Kaya pinagsasabihan ng nanay niya na itigil ang kalandian-- kamamatay pa lang ng nanay ng mga kaharap ko ngayon. Pang sampu na client ko na yata ang panganay na anak nitong multo na kinontak ko ngayon. May nais lang daw itong itanong sa nanay tungkol sa tatay nito. Ito lang daw kasi ang naiiba ang tatay sa kanilang anim. Oo, mahalaga ang pakay. Kahit mukha akong pera dahil kailangan ko ng pera, namimili naman ako ng kaso ng tutulungan.
Kauna- unahan kong natulungan ay ang multong pumatay sa lalaki na nasaksihan ng dalawang mata ko. Doon nagsimula ang lahat--- tinulungan ko siya na makausap ang asawa niya. Rapist pala ang lalaki na pinatay niya. Rapist ng anak niya. Kinausap niya ang asawa para sabihin na alagaan ang mental health ng nag- iisang anak at hindi biro ang pinagdaanan niyon sa rapist.
Nawala ang takot ko sa multo na duguan sa ospital nang malaman ko ang rason ng pagkakapatay niya sa lalaki, dahil sa simpleng rason: mas nakakatakot ang mga rapist. Ang mga rapist ang patunay na totoo ang demonyo. Na totoo ang Impyerno at ipaparanas nila 'yon sa mga ni- re- rape nila. Mapalalaki man o babae. Sila ang tinatawag na halang ang mga kaluluwa.
Kung makikisali pa 'ko sa matatakot, paano pa makakamit ng batang na- rape ang hustisya? Gumanti pa 'ko no'n para sa anak ng multo na na- rape, pinuntahan ko sa morgue ang lalaki at binaril ito nang malapitan sa sentido matapos i- autopsy ang bangkay niya.
Hindi ako mabait. Mula noong pinanganak ako sa mundo, alam ko na 'yon sa sarili ko. Dahil nabuhay ako na . Papatay rin ako kung kailangan. Papatay rin ako para sa anak ko. Nagpapabayad din ako sa serbisyo na ginagawa ko ngayon. Hindi uso sa akin ang libre. Walang personalan, trabaho lang.
"Racquel, January 20, 2004 ang birthday mo. May balat kang brown sa pagitan ng dibdib mo," sabi ko sa kaniya. Who's fake? Damn it. Wow, english 'yon ah!
"Sorry ate," agad na paghingi ng sorry ng bunso sa pamilya, partikular sa ate na hindi mahirap hulaan na breadwinner, kahit pa ito lang sa anim na magkakapatid na nasa harap ko, ang nagmula sa ibang tatay.
"Ineng, Racquel, 'wag mo sana na mamasamain ang sinabi ng nanay mo, napagdaanan ko rin 'yan. Sasabihin ko sa'yo ngayon pa lang, napakaraming ma-jo-jowa sa future. Huwag kang mag- stick sa isa." Nang pagtinginan nila 'ko sa sinabi kong 'yon, bumawi ako agad, "Ibig kong sabihin, kung kayo talaga ng lalaking mahal mo ngayon ang para sa isa't-isa, kayo pa rin sa tamang panahon." Hay, ayoko na ngang magpayo. Last ko na 'to. Nakakairita lang kahit sa sarili kong pandinig. Tunog jeje talaga ako magpayo.
"Pakitanong naman kay nanay kahit pangalan lang ng tatay ko, Aina."
"Ay, oo! muntik ko nang makalimutan! 'Ayan pa naman ang nanay niyo, hindi pa umaalis." Turo ko sa multo na nakaupo rin sa isa sa mesa ng bahay. Nagkatinginan ang audience, parang gusto pa yata na magsitakbo kaya inagapan ko, "Oy, nanay niyo 'yan. Walang matatakot!" Banta ko kaagad.
Ngumiti ang matandang multo at umusal ng pasasalamat sa isip ko. Nagkakausap kami sa isip. Lahat ng multo na inistorbo ko, sa isip ko lang nakakausap. Walang sapi na ganap. Gano'n yata talaga. Iba- iba ng ganap ang mga tulad ko na may kakayahan na makakita at makausap ang mga patay. Nang masabi ko ang mga dapat sabihin ng patay sa mga kaanak na naiwan, naghanda na 'ko para umalis. Wala akong paraphernalia, bag ko lang ang inihanda ko. Isinukbit ko sa balikat. Indikasyon na tapos na ang trabaho ko sa lugar na 'yon.
"Taralets?" Patanong na aya ko sa bestie kong si Liam.
Kasa- kasama ko siya sa raket ko na 'yon. Siya ang nagsilbing tagakuha ng anda sa client. Ganoon daw kasi 'yon sabi niya, para raw hindi ako magmukhang pera kahit totoo naman daw talaga.
"Beshywap, buy naman tayo ng milk tea. Maganda naman ang binayad no'ng client mo na 'yon, look!" Winagayway ni Liam sa harap ko ang apat na lilibuhin nang makalayo na kami sa pinanggalingan na bahay.
"Oo na. Bili mo rin ang inaanak mo," sabi ko na lang. Tuwang-tuwa naman ang loka.
Hindi naman ako nagpe- presyo sa mga raket ko. Though, again, hindi naman ako papayag na libre. Mula nang matuklasan ko ang kakayahan ko na makausap ang mga patay, ginawa ko na 'yong karera at aaminin ko na napakalaking tulong no'n sa'min mag- ina. Kahit pa hindi araw- araw na may client. Masasabi ko naman na hindi na 'ko kinakapos ngayon ng budget. Malaking tulong pati ang 10k na nakuha ko mula sa estranghero noon. May naiwan pa ro'n na 7k. Mukha ngang s'werte pa ang pera niya sa'kin at mula nang mapasakamay ko ang 10k na bigay niya, hindi na 'ko nawalan ng anda sa bulsa. Hindi na kami naputulan ng kuryente na mag- ina.
"Bongga ng multo na 'yon ano? Akalain mo na iniwan niya ang jowa niya dahil sa isang beses na pambababae."
"Sa true," agree ko kay Liam.
Bongga nga si mother ghost. Ang tatay pala kasi ng client ko kanina ay dakilang babaero kaya iniwan pala ni mother ghost. Kaya pala iba ang tatay ng client ko sa limang kapatid. Agree ako na bongga si mother ghost hindi dahil iniwan niya ang unang asawa dahil sa unang beses na pambababae nito, bongga si mother ghost for me dahil kahit mag- isa siya no'n na nagpalaki sa panganay na anak, napalaki naman niya na responsible ang panganay. Ito pa nga ang breadwinner ng mga kapatid. Ngayon na naiwan na ang panganay na anak ni mother ghost sa mga kapatid, buong- puso niyon na tinanggap ang responsibilidad na naiwan ng mga magulang. Hindi tulad ng mga nakakatandang kapatid ko--- hay, ayoko na lang silang isipin. Baka ma- atrract ko pa ang mga hindot na 'yon 'pag inalala ko. Baka biglang magsisulputan at konsens'yahin ako sa hindi ko pagre- reply sa kanila no'ng nakaraan. Na- ospital daw kasi ang pamangkin ko. Baka raw may maipapahiram ako kahit 500.
Nyeta lang, noong si Uno ang nasa ospital at nilapitan ko sila para sa pambili ng anti- tetanus vaccine dahil natusok si Uno sa bakal sa school no'n, hindi nila 'ko napahiram. Maraming beses akong lumapit sa kanila, hanggang sa nakasawaan ko na at inaral ko na lang na kayanin na mag- isa ang pagiging ina.
"Sis, matanong ko pala, kumusta na 'yong hombre na naka- jugjug mo?"
"Alin? Gaga, hindi na 'ko pumasok kay Mama G. Alangan na makita ko siya e, hindi na 'ko pumapasok sa Pegaxx Club. Isa pa, matagal nang nangyari 'yon, limot ko na nga ang itsura niya," pagsisinungaling ko. Ang totoo kasi malabo kong makalimutan ang lalaking 'yon. Kakabanggit ko pa nga lang kanina sa pera na binigay niya.
"Chos ka rin talaga minsan sis, don't me. Nakalimutan daw! Sayang kasi 'yon 'no, g'wapo, masarap, maanda at higit sa lahat, daks. Aminin mo na nanghihinayang ka. Na parang gusto mo pa ng isa pang Jolly Hotdog!"
"Monggoloid!" Natawa ako sa pa- Jolly Hotdog. Tawa naman ng tawa si Liam sa sariling kalokohan.
Nahinto lang kami sa pagtawa nang masaksihan namin ang nagpagewang- gewang na takbo ng kotse sa kahabaan ng kalsada na 'yon ng España Ave. Nilakad lang namin kasi ni Liam ang pauwi sa Antipolo St. kung sa'n kami nakatira, mula sa pinanggalingan namin na Earnshaw St. at malapit lang naman kasi. Kung sasakay pa kami, sayang lang ang pamasahe at maaliwalas naman ang panahon. Keri naman na maglakad.
"Hala sis!" Iniwan na 'ko ni Liam. Tinakbo na niya ang kotse na ngayo'y sumalpok sa gutter matapos niyong magpagewang- gewang. Klase ng kotse na iilan lang ang mayroon, nasisiguro ko.
Agad naman akong sumunod kay Liam because pera is life, chismis is lifer.
"Itakbo niyo kaagad! Sa UST!" Nagkakagulo ang mga tao, binuhat ang babaeng naka- dress na pangkasal.
Tumakas pa yata ang patay sa kasal? Kiber, pero ang ganda ni ateng. Napuna ko. Kahit duguan ang ulo at halos kalahati na lang ng mukha ang hindi duguan. Napuna ko rin na nahulog mula sa daliri niya ang singsing na suot at gumulong 'yon sa paanan ko. Pasimple kong dinampot ang singsing at binulsa. Ginto.
"Tabi, tabi!" May dumating na mga pulis sa insidente. Nagharang ng yellow tape at nahawi ang mga tao palayo, kabilang kami.
"Ganda ni ateng sis, ano?!"
"'Lika na sis, uwi na tayo," aya ko kay Liam. Wala naman na kaming sinisilip do'n. Nang hindi pa kumilos ang betla, naglakad na 'ko palayo.
"Teka lang huy, hindi makahintay 'tong Aina- pot na 'to! Hinihintay ko pa na magdatingan ang mga kamag- anak no'ng babae. Nakiki- chismis pa 'yong tao, e!"
"Hindi naman tayo magkakapera ro'n," balewalang sabi ko kay Liam.
"Hindi nga, pero ang chika kasi tumakas daw sa kasal ang babae."
Sabi ko na nga ba!
"Dito magkakapera tayo." Nanlaki ang mga mata ni Liam nang ipakita ko sa kaniya ang singsing ng babae na naaksidente.
"G, sis, bongga 'yan! Ito yata ang tinatawag sa mga nababasa kong novel na heirloom!" Namamangha na sinipat ni Liam ang singsing.
"Trots. Gumulong kanina sa paanan ko."
"Kaso sis, kasya sa'yo oh, kung gumulong 'to mula sa babae kanina, nahulog. It means, maluwag sa daliri niya. Pero sa'yo, parang sinukat ang singsing." Isinuot ni Liam sa palasingsingan ko ang singsing.
Totoo nga na kasyang- kasya sa'kin 'yon. Idagdag pa na bagay sa daliri ko 'yon.
"Mahihirapan ka na isangla 'yan, gaga. 'Yon ang pagkakaalam ko ah."
"Ha? Bakit naman?"
"May serial number ang gan'yan e. Tapos nga dahil heirloom mo at halata naman na mayaman si ateng kanina na natsugi-- SLN-- baka may code eme pa ang gan'yan na nagpapatunay kung sino ang owner. Gano'n kasi sa mga nababasa at napapanood ko."
"Gano'n?"

"Oo. Mababawi rin nila 'yan. Feeling ko lang, 'pag sinanla mo na. Sana hinintay na lang natin ang kamag- anak no'ng babae at sinauli mo 'yan."
"Hindi na. Hayaan ko na lang sa daliri ko 'to, maganda naman siya." Saka ngayon lang ako nakapagsuot ng ginto. Hindi ko naman ninakaw 'yon. Kusang gumulong sa paa ko aba!
"Ikaw ang bahala. O siya, manlibre ka muna ng isaw."
"Ang takaw mo, 'nyeta ka." Nahinto na kasi kami sa kanto ng riles kung saan may nagtitinda ng inihaw.
Paborito ng betla.

Comentário do Livro (304)

  • avatar
    Jeian Aris Castro

    this game is so fan

    2d

      0
  • avatar
    Jadlac AnneJo

    I enjoy reading this..

    10d

      0
  • avatar
    April Abella Javier

    nice

    13d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes