logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 Rejection

"It'll be alright, Maki." Paulit ulit niyang paalala sa sarili niya. Araw araw niyang sinasabi sa sarili iyon. Pero kahit anong pagpapalakas niya sa sarili, naroon pa rin ang takot niya.
Huminga siya nang malalim at nagpaskil ng isang matamis na ngiti bago siya lumabas ng kanyang silid.
"Good morning!" Bati niya sa mga kapatid na nag-aalmusal. Actually, pasado alas onse na ito nagsigisingan. Linggo naman kaya hinayaan na niya ang mga ito.
"Good morning, ate." bati ng mga ito sa kanya.
Nagpalingon lingon siya sa kusina. "Oh, nasan si Cellus?" tanong niya nang hindi makita ang bunsong kapatid.
"Madaling araw na natulog 'yon kanina. Malamang tulog pa 'yun, 'te." Sagot ni Mason habang nagtitimpla ng kape.
"O, siya, kayo na muna bahala dito sa bahay." Paalam niya habang nagsasapatos.
"Linggo, may lakad ka ngayon?" bungad ni Austin nang makapasok ito sa kanila.
Tinignan niya ito. Mukhang nakaligo na ito dahil nakabihis na ito ng maayos.
"Pakialam mo?" pagtataray niya dito. Tumayo na siya at kinuha ang camera bag niya. Nilingon niya ang mga kapatid na pinapanood sila ni Austin. "Hoy, maglinis kayo dito sa bahay. Sasapukin ko kayo kapag naabutan kong makalat dito."
Nagsisaluduhan naman sa kanya ang mga kapatid niya.
"Kuya Austin, kain na." sabi ni Marcus sa lalaking bagong dati. Hindi na iba si Austin sa kanila. Parang sa kanila na rin ito nakatira. Labas pasok lang din ito sa bahay nila.
"Sige sige. Thank you. Samahan ko ate niyo." Sabi nito at sumunod sa kanya palabas na ng bahay.
"May sinabi ba akong samahan mo 'ko? Manahimik ka dito." Pagtataray pa rin niya.
"Maki, naman." Hinarangan nito ang dadaanan niya. "May toyo ka na naman?"
"Wala akong toyo. Tabi diyan. Baka naghihintay na sila James." Hindi naman malayo ang lugar kung saan magsho-shoot sila ni James at ng girlfriend nito. Gagawa sila ng cover para sa bagong ire-release na rap album ni James. Isa na kasi itong record artist.
Natutuwa siya para sa kaibigan dahil naabot na nito ang pangarap na magkaroon ng sariling kanta.
"Ano ba kasing problema?"
"Ikaw ang problema. Hindi mo sa'kin sinasabi kung sino 'yong Sheryl."
Tinitigan lang siya nito. Tinatantya kung seryoso ba siya o hindi. Sa inis ay pinamewangan niya ito. Hindi siya nakikipagbiruan gantong mainit ang ulo niya sa lalaki.
Hindi nito mapigilan ang amusement sa mukha nito. Hindi nagtagal ay tumatawa na rin ito.
"Ewan ko sayo." Nilagpasan na lang niya ito patungo sa nakaparada niyang sasakyan. Maingat na nilagay niya sa likod ang kanyang camera bag.
Tumatawa pa rin ito nang sundan siya. "Wala nga kasi 'yon."
"Hindi ako naniniwala sayo." Sabi niya at sumakay na sa sasakyan. Sumakay rin ito sa passenger seat. "Labas. Hindi ko sinabing sumama ka sakin."
Seryoso na itong nakatingin sa kanya. "Wala nga iyon. Helper ko si Sheryl sa US, okay? Kung gusto mo, tawagan natin para maniwala ka." Nilabas na nito ang cell phone sa bulsa nito at akmang tatawagan ang sinasabi nitong helper.
"Huwag na." Pigil niya. "Naniniwala na ako sayo. Pero hindi ko sinabing sumama ka sakin. Labas na. Baka ma-late ako."
"Don't you miss me, Maki?"
Napabuntong hininga siya. "Of course, I missed you, kuya." pag-amin niya. Walang araw na hindi niya ito hinahanap. Pero pinipigilan niya ang sariling tumawag o magchat dito. Dahil alam niyang magkaiba sila ng timezone. Alam rin niyang may sariling buhay si Austin. Hindi pwedeng habang buhay siya nakadikit dito.
"Iyon naman pala. Edi sasama ako sayo." masayang sabi nito.
Pinaikutan lang niya ng mata si Austin. Alam niyang may pagkamakulit ito. Wala na siyang magagawa kapag nagpumilit ito. Pareho nilang alam na hindi siya mananalo kapag lumabas na ang kakulitan nito.
"Were you jealous of Sheryl?" tanong ni Austin habang nasa daan na sila.
"Yes," pag-amin niya. She was vocal to him. "I was. But not now." nakangiti pa niyang sabi. Hindi niya nililingon ang lalaki, base sa peripheral niya, nakatanghod ito sa kanya.
"I'm sorry. Nagselos rin ako kay James kanina." pag-amin rin nito. Panandalian niyang nilingon si Austin. Nakatingin na ito sa labas ng bintana.
"Kung ayaw mo, edi I can asked bad boy to stop being clingy to me."
Bad boy ang tawag niya kay James, noon biro lang niya iyon dahil sa ginawa nito and acting like a real bad boy, until it became natural. And James loved to call her Lady, which he knew, she hated it. She hated her real name, Lady Macaria. It was too feminine. Sa isang tulad niya na kilos lalaki, tatawagin siya sa pambabaeng pangalan. Well, maybe everything has an exemption. Only James is allowed to call her that.
"It's your decision, Maki. Ang akin lang, ayokong may ibang hahalik sa'yo other than me."
She smiled. Napakaseloso nga pala ni Austin. How can she forgot about that?
"Ayan ka na naman, Kuya. Papaasahin mo na naman ako." biro niya. She doesn't want to get her hopes up again. Parang napakanatural para kay Austin magsabi ng ganoon. Kung hindi niya ito kilala, iisipin na talaga niyang may nararamdaman sa kanya ang lalaki.
"Sira ka talaga." Natatawang pinisil nito ang pisnge niya. Mannerism na nito ang pisilin ang pisnge niya tuwing nagpapasaring siya ng nararamdaman para dito.
She once fell for Austin. No. The right term is she's still in love with him. Sa lahat ng lalaking nakikilala niya, hinihiling niya na sana si Austin na lang ang mga iyon. It's unfair, alam niya. Iba ang tama nito sa kanya.
She remembered few years back how he laughed at her,
"Nagseselos ako, Maki." amin ni Austin nang halos hindi na niya mabigyan ng oras ang lalaki dahil madalas siyang kasama ng mga classmate niya dahil may tinatapos silang thesis.
Yumakap siya dito, "Sorry na, Kuya. Matapos lang namin 'tong thesis, okay na."
Gumanti ng yakap sa kanya ang lalaki. "Promise, 'yan?" tila paninigurado nito.
Tumango siya. "Oo naman. Promise!"
"That's my girl." Ginulo nito ang buhok niya habang nakangiti ng matamis.
For Maki, it was the sweetest thing to see. Naglalaho ang pagod at stress niya tuwing nakikita niya ang ganoong ngiti ni Austin.
"I think, I saw your ex pala." sabi ni Austin nang kumalas ito ng yakap sa kanya. Umupo siya ng maayos sa tabi nito.
"Sinong ex?" sa dami ng naging ex-boyfriend niya, hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito.
"Iyong nakukwento mo sa'kin. Anong name nga noon?"
"Kuya, sa dami ng kinukwento ko sayo, hindi ko alam kung sino tinutukoy mo." kunot-noong sabi niya. Pag-iisipin pa siya nito kung sino ba nakita nito.
"Adan ba iyon?"
"Si Adan? Ex-boyfriend ko noong high school?"
"Oo! Iyon nga! Dumalaw kay tita. Parang hinahanap ka."
"Why?" nagtatakang tanong niya kay Austin.
Noon akala niya si Adan na ang lalaking para sa kanya. Ito ang pinakaseryoso niyang relasyon. Umabot sila ng dalawang taon, at sa mismong dalawang taon ng relasyon nila, iba na ang nararamdaman niya. Madalas manlamig ang katawan niya at manginig. Madalas rin magsasakit ang puso niya na para bang mayroon siyang sakit sa puso.
Madalas rin niya makita ito na kasama ang sinasabi nitong "kaibigan" at halos araw araw na magkasama ang mga ito. Adan's mom and hers were best friends. Ang totoo, kaklase niya si Adan noong second year high school siya. Napakamisteryo nito. Naging malapit lang sila dahil sa isang speech choir. Ito ang madalas niya nakakasama dahil sa practice.
One day, nakuha niya ang number ng sinasabing "kaibigan" ni Adan. Sinubukan niyang hulihin ang babae. Hindi siya nagkamali at umamin ang babae na girlfriend ito ng boyfriend niya. Walang gabi na hindi siya umiyak. Maging ang mommy niya ay nag-iiyak na rin. Gustong gusto raw nito si Adan para sa kanya.
Dumating din sa punto na ang mismong magulang nila ang nakiusap na mag-ayos sila. Hindi siya pinakawalan ni tita Kairi, ang ina ni Adan. Nakayakap ito ng nakayakap sa kanya. Nakikiusap na pagbigyan niya pa ng isang pagkakataon si Adan.
Dahil marupok siya sa lalaking iyon, pinagbigyan niya. Ang ending, nagloko ulit ito at niligawan ang isa sa mga kaibigan niya.
Hindi rin niya maintindihan ang sarili dahil nang tumuntong siya sa kolehiyo, tuwing bumabalik si Adan sa buhay niya ay pinagbibigyan niya. Naroon na naging third party siya nito. Open ito na may girlfriend ito at tinggap niya uli.
Mommy na niya ang pilit umaayaw sa nangyayari sa kanila ng lalaki. Naging matigas ang ulo niya at palihim na nakikipagkita siya sa lalaki. Sa huling pagkakataon, naghiwalay uli sila ng lalaki. Dahil pati ang kapatid niyang pinagbubuntis ng mommy niya ng mga panahon na iyon ay nadamay. Sinabihan siya ng girlfriend nito na kaya namatay ang bunso niyang kapatid sa tyan ng mommy niya dahil ang landi landi niya. Ni hindi man lang siya pinagtanggol ng lalaking akala niya ipagtatanggol siya.
Tila nagising na lang siya isang araw na ayaw na niya ito makita. Wala silang maayos na usapan ni Adan. Mas pinili na lang niyang huwag na itong kausapin.
Nagpapasalamat rin siya dahil nabaling ang buong atensiyon niya sa pagdating ni Austin. Una paghanga lang ang nararamdaman niya sa lalaki. Ngayon, pakiramdam niya, lumalim na ang pagtingin niya sa lalaki.
"I don't know. Hindi ko naman siya nakausap dahil paalis ako kanina. Narinig ko lang na hinahanap ka kay tita." Tila inaalala pa nito ang pangyayari kanina. Seryosong tinitigan siya nito, "Baka gustong makipagbalikan sa'yo?"
Kumunot ang noo niya. Bakit pa siya babalikan ni Adan? Dahil ba wala na naman itong makitang pwedeng paglaruan? "As if naman, kuya."
"Malay natin, hindi ba? Kung tatanugin ka niya makipagbalikan, papayag ka ba?" hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Titig na titig ito na animo pinag-aaralan ang bawat expression ng mukha niya.
Tiningala niya ang lalaki at sinalubong ang tingin nito. "Bakit pa ako babalik doon kung may nagmamay-ari na ng puso ko?" ganting tanong niya kay Austin.
Lumiwanag ang mukha nito. "Talaga? Sino naman 'yang nagmamay-ari ng puso mo?"
"Ikaw." walang pagdadalawang-isip na sagot niya. Bakit pa siya mahihiya kung pakiramdam niya na may gusto rin ito sa kanya.
Pero imbes na matuwa ito sa narinig ay nagtatawa na ito. "A-Ang galing mo talaga, Maki." Pinisil pisil pa nito ang pisnge niya. "That's a nice joke."
Hindi siya natutuwa sa ginagawa nito. Pinagtatawanan siya nito!
"Seryoso ako, kuya Austin. Anong nakakatawa doon?" nagtatampo niyang sabi. Wala na siyang balak balikan si Adan dahil nabihag na nito ng tuluyan ang puso niya.
Alam rin iyon ng mommy niya. Madalas siya punahin ng kanyang ina tuwing magkatext sila ng lalaki na halos maihi na siya sa kilig.
"Maki," tumigil na ito sa pagtawa. Mababakas na rin ang pagkaseryoso sa mukha nito. "I'm flattered. But I don't think that's love what you felt towards me. It might be an infatuation kasi I'm always with you."
Natahimik siya. Infatuation lang ba nararamdam niya para kay Austin? Kung ganoon, mababaw lang iyon? Pinakiramdaman niya ang sarili. Bakit pakiramdam niya mahal na mahal niya ito? Hindi na lang siya umimik. Nadudurog ang puso niya dahil sa rejection nito. Kahit hindi diretsong sinabi ni Austin, hindi naman siya tanga para hindi makuha ang gusto nitong ipahiwatig.

Comentário do Livro (163)

  • avatar
    De RoxasAngeline

    at nag Good morning siya sa

    03/06

      0
  • avatar
    Onilemed Puzla Horej

    subrang sayang basahin kaya Naman ako ay natuwa

    10/04

      0
  • avatar
    BaluyutJoy

    Yes

    10/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes