logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 6

"Magkita tayo ngayon sa Park. May pag-uusapan lang tayo saglit."
SAMANTHA'S POV
"A Cinderella Story? What the heck? Bakit ang corny— aray naman Sammy! Masama na bang magsabi ng totoo— Ouch! Oo na tatahimik na ako!" paulit-ulit na pagdaing ni Mich habang hinahampas ko ‘yong braso niya.
Bakit ba kasi napakastraight forward nitong best friend ko?
"Hey bitch, watch your mouth," biglang sabi ni Diane na nakikinig pala sa amin.
Geez, isa pa 'tong si Diane eh. Medyo sabog ang ugali. Minsan mabait, pero madalas masungit. Unpredictable ang takbo ng utak.
Hindi sila puwedeng pagsamahin ni Mich. Baka magkaroon ng world war III.
"Makasabi ka naman ng bitch, akala mo ikaw hindi," sagot naman ni Mich at humagalpak ng tawa.
"Saka anong watch your mouth? Paano ko mapapanood ‘yong bibig ko eh ‘yong bibig ko nasa baba tapos ‘yong mata ko nasa taas? Bobo lang?" tuloy-tuloy na sabi ni Mich, walangbalak magpapigil.
Muntik na akong mapatawa sa sinabi ni Mich pero buti na lang at napigilan ko.
Akmang sasabunutan na siya ni Diane pero mabuti na lang at napigilan siya ni Chester.
"Tama na, Diane," pigil ni Chester. "Why are you so violent?"
"No, Ches. Dapat mabigyan ng leksyon 'tong lecheng babaeng 'to!" sigaw ni Diane at dinuro-duro pa si Mich.
Tinaasan siya ng kilay ni Mich kaya naman kinurot ko siya ng palihim. Mukhang sentimental para kay Diane ang script na 'to. Marunong naman ako magpahalaga ng damdamin kahit papaano.
"Ouch," bulong niya at sinamaan ako ng tingin.
"Hindi mo alam kung gaano kahalaga kay Ches ang title na ‘yon kaya manahimik ka na lang!" sigaw ni Diane kay Mich.
At sa sinabing iyon ni Diane, biglang nag-iba ang ekspresiyon ng mukha ni Mich. Naging guilty ito. I knew it. Kaya ganoon na lang ang galit ni Diane nang sabihin ni Mich na pangit ang title niya.
"Ba—kit?" tanong ni Mich.
Naging malungkot ang ekspresiyon ni Chester.
Parang bigla rin akong nakaramdam ng lungkot sa puso ko.
"Cinderella..." utas niya.
"Cinderella ang paboritong palabas ng babaeng mahal ko noong naaalala niya pa ang lahat..." aniya.
"Aalis na ako. Sa susunod na linggo na lang natin ipagpatuloy 'to," huling paalam niya at naglakad na paalis.
Nakaramdam ako ng lungkot abang nakatingin ako sa kan’ya. At habang paalis siya, may bigla akong naalala.
Si Cinderella ang favorite ko.
HINDI NAMAN nagtagal at nag-dismiss din sila Diane sa amin. Nakangiti lang ako habang nakatingin kay Mich na ngayon ay palakad-lakad na sa harapan ko.
Uwian na kasi namin ngayon. Tapos na ang meeting namin at kasalukuyan naming hinihintay si kuya ngayon na nagsabi kanina na isasabay niya raw ako pauwi.
"Ang tagal naman ng bruho na ‘yon. May gagawin pa ako, eh," rinig kong bulong niya.
"Mich, iwan mo na ako dito. Hihintayin ko na lang si kuya," sabi ko pero umiling lang siya.
"Hindi puwede, 'no! Dapat may kasama ka lagi!" sabi niya sa akin at umupo na sa tabi ko.
Tahimik lang kami na nag-aabang sa kuya kong napakakupad. Hanggang sa may bigla na lang pumito sa harapan namin.
"Colline, halika na," sabi ni kuya nang ibinaba na niya ang windshield ng kotse niya.
Agad namang tumayo si Mich at nagpaalam na sa akin.
"Oh, Sammy. Nand’yan na pala ang bruho mong kapatid kaya aalis na ako ah? Bye," paalam niya sa akin at maglalakad na sana siya paalis nang may humila sa braso niya.
Si kuya 'yon. Bumaba talaga siya ng sasakyan para lang mapigilan ang best friend ko. Haba ng hair, ah?
"Oh, ano na namang kailangan mo?" iritadong tanong ni Mich.
"Ikaw nga," sagot naman ni kuya habang nakangisi.
"Leche! Gago!" saad ni Mich, halatang nauubusan na ng pasensiya.
"Ano'ng sabi mo? I love you?"
Humalakhak pa si kuya kaya napatawa na lang ako habang naiiling sa mga pinaggagagawa nila. Tama nga ako, may something nga sa dalawang 'to.
Pero kung tutuusin, mas gusto ko si Mich para sa kapatid ko kaysa kay ate Rica. Sa totoo lang talaga, pero ayaw ko rin namang manghimasok sa buhay ng kapatid ko. Mas matanda pa 'yon sa akin kaya alam ko na alam niya ang ginagawa niya.
Sumakay na ako sa backseat ng kotse ni kuya at pinanood ko lang silang magbangayan doon.
Napahalakhak ako nang makita ko na binuhat ni kuya si Mich na parang sako. ‘Yong style na ‘yong likod lang ni kuya ang nakikita ni Mich at hawak-hawak ni kuya. Ganoon na ganoon ang itsura nila ngayon.
"What the hell Kristoff! Let me go!" rinig kong sigaw ni Mich habang pinapalo ang likod ni kuya.
"I wont, Miasse. Kapag binibitawan kita, lagi kang lumalayo," seryosong sagot ni kuya.
Mas lalo akong napahalakhak dahil sa itsura nilang dalawa. Para silang magjowa na may LQ.
Binuksan na ni kuya ang pinto at inihagis niya si Mich sa passenger seat. Mabilis naman siyang pumasok sa driver's seat pagkatapos no'n.
Uulitin ko. INIHAGIS. Kamuntikan pang mauntong ang ulo ni Mich sa bintana. Alam n'yo na siguro kung ano ang naging reaks’yon ni Mich the straightforward girl ‘di ba?
"Argh! Kristoff De Jesus! Walanghiya ka!" sigaw ni Mich habang sinisipa ‘yong pintuan ng kotse ni kuya.
Napailing na lang si kuya at pinaandar na ‘yong sasak’yan. Ni-lock ni kuya ‘yong pinto ng kotse kaya hindi makalabas si Mich. Ang talino ni kuya kahit baliw siya!
"I hate you! I hate you! I HATE YOU, KRISTOFF!" sigaw ni Mich habang pinagsisipa pa rin ‘yong pintuan ng kotse ni kuya.
Hindi ka ba nauubusan ng energy, Mich? Napabuntong hininga na lang ako pero ganoon pa man ay naaawa rin ako sa kotse niya.
Naaawa na ako sa kotse ni kuya. Pft.
"I love you too," sagot naman ni kuya at kumindat pa kay Mich.
Gusto ko nang humagalpak sa tawa dahil sa pamumula ni Mich, sa galit nga lang.
Pero nawala ang pokus ko sa kanila nang biglang mag-ring ang phone ko. Nang tiningnan ko ito ay nakita kong unregistered number ito.
Sino naman kaya 'to?
"Hello? Sino 'to?" tanong ko roon sa tumawag.
Narinig kong nagbuntong hininga pa ‘yong caller bago siya sumagot.
"Magkita tayo ngayon sa Park. May pag-uusapan lang tayo saglit."
Hmm, teka, pamilyar ang boses niya ah? Saan ko nga ba narinig ang boses niya?
Teka...
"Sino ka nga?" tanong ko ulit.
Tumingin sa akin si kuya gamit ang salamin sa unahan. Nakakunot ang noo niya at parang nagtatanong kung sino ang tumawag sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Natawa naman si Mich kaya sa kan'ya ulit nabaling ang atensiyon ni kuya.
Kaya ko nga tinatanong 'yong caller dahil hindi ko alam kung sino siya, eh.
"Tss." Sinamaan ako ni kuya ng tingin ni kuya at ibinalik na ulit ang tingin doon sa daan.
Samantalang si Mich, nakabusangot pa rin ang mukha at tila hindi maipinta. Ano kaya talaga ang issue ng dalawang 'to? Curious man pero hindi ko naman sila matanong.
"Slade," maikling sagot niya sa akin at pinatay na ‘yong telepono.
"What the fudge?" iyon na lang ang nasabi ko bago ko inilagay ‘yong cellphone ko sa bulsa ko.
Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Importante kaya ‘yon?
Pupunta ba ako?
Hmmm...
"Kuya, ibaba mo ako sa Park. Dali," utos ko kay kuya.
Pupunta na ako. Baka brokenhearted ‘yon at kailangan lang ng makakausap.
"Bakit?" nang-uusisang tanong niya.
Ang chismoso nitong kapatid ko, ah. Tsk.
"Nandoon‘yong kaibigan ko. Magpapasama sa akin pumunta sa mall," bored kong sagot.
"Sino'ng kaibigan?" tanong niya ulit.
"Si Icia."
"Babae?" tanong niya pa.
Tumango ako.
"Okay. Basta huwag kang magpapagabi kun'di malilintikan ka sa ‘kin," pagbabanta niya.
"Psh. Opo na," sagot ko at umirap ako sa kan’ya. Ginagawa niya talaga akong bata!
Okay, I lied. Sinabi ko na si Icia ang kasama ko kahit na si Slade talaga ang makakausap ko. Eh hindi ako papayagan ni kuya kapag sinabi kong lalaki ang kasama ko, eh. Gusto yata nito sa babae lang mag-revolve ang buhay ko.
"Sama ako, Sammy!" sabi ni Mich na biglang napangiti.
"Sige," matamblay kong sagot kasi nag-iisip ako.
Well, good idea rin na isama si Mich para naman hindi awkward mamaya sa pag-uusap namin ni Slade. Madaldal pa naman ‘yan si Mich. May experience pa sa lovelife kaya magaling mag-advice.
Nag-drive na si kuya at maya maya lang, itinigil na ni kuya ‘yong kotse sa park.
"Baba na, Colline," utos ni kuya.
Wow ah, hindi naman halatang pinapaalis na niya ako 'no?
Agad naman akong bumaba at hinintay si Mich na sumunod sa akin.
Pero hindi siya nakababa dahil pinaharurot ni kuya ang sasakyan.
"Hoy! Walangya ka talaga Kristoff!" rinig ko pang sigaw ni Mich bago sila tuluyang nakalayo.
Tss. Parang baliw talaga 'tong si kuya! Bakit ayaw niya pa hiwalayan si ate Rica kung si Mich naman pala talaga ang gusto niya?
"Bakit nakabusangot ka riyan, Samantha?" sabi ng isang pamilyar na boses.
Napalingon ako sa kan’ya at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon.

Comentário do Livro (16)

  • avatar
    Theson Ofalegent

    wow

    09/07

      0
  • avatar

    fffffff

    07/06

      0
  • avatar
    erlDalman

    napaka ganda Ng story Nito solid

    04/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes