logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 4

"Sana pagkatapos mong basahin ‘yong kuwento, may matutuhan ka na."
SAMANTHA'S POV
"Miss Samantha, ang cute mo naman po," puri sa akin ni Kayleigh.
Omo! Mas cute kaya siya! Namula ako dahil sa sinabi niya.
"Salamat po. Ikaw din po... cute," sabi ko na lang din bago sumilay ang ngiti sa labi ko.
Nakita kong natawa si Chester dahil sa pamumula ng mukha ko. Inirapan ko tuloy siya. Leche talaga 'to.
"Ano'ng talent mo?" biglang singit ni Diane na nakabusangot ang mukha ngayon habang nakatingin sa ‘kin. Bakit naman parang pinagsakluban ng langit at lupa ang isang 'to?
"Singing po," nahihiyang sagot ko.
"Then go! Ang tagal-tagal!" masungit niyang sabi sa ‘kin.
Well, Diane Alquisola will always be Diane. Gan’yan talaga ang ugali niya but I never thought na ipapakita niya iyon sa harap ng maraming tao. Madalas kasi ay nagpapanggap siyang mabait pero hindi niya yata kaya sa akin.
Inirapan niya ako pero hindi ko siya inirapan pabalik. Sa halip ay umupo na ako roon sa upuan na nasa stage at ini-strum ko na ‘yong gitara ko.
[Now Playing: Why Can't It Be - Nina]
Habang kinakanta ko 'to, iba't-ibang flashbacks ang pumapasok sa utak ko. Tungkol sa isang lalaki. Isang lalaki na hindi ko naman makita kung sino. Isang lalaki na hindi ko naman alam kung ano ang papel niya sa buhay ko.
"Samsam, gusto mo ba ako? Kasi ako, gustong-gusto kita," aniya. "Pero alam kong hindi puwede."
Sino ka? Sino ka ba na laging tumatawag sa akin ng Samsam?
Napatingin ako kay Chester at nakita ko rin siyang nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pero kahit gano’n, hindi ko iniiwas ang tingin ko sa kan’ya.
Nang matapos na ako kumanta ay nag-bow na ako sa harapan nila. Pumalakpak si Kayleigh at Chester ngunit si Diane ay matalim na nakatingin sa ‘kin.
May nagawa ba akong kasalanan sa kan’ya? Bakit gan’yan siya makatingin? May inggit yata sa akin ang isang 'to/
"Congratulations, Samantha. You've passed the audition," matamblay na sabi ni Diane na para bang hindi siya masaya dahil pumasa ako.
"OMG! Yes, yes, yes!" rinig kong sigaw ni Mich sa likod.
Tinignan ko naman siya at 'yon, tumahimik ang bruha.
"Thank you po. Thank you!" masigla kong sabi bago ako nag-bow sa mga judges at bumaba ng stage.
Didiretso na sana ako papunta kay Mich pero nagulat ako nang may biglang humila sa braso ko.
"Oh, Diane. Ikaw pala," sabi ko nang makita ko siya na masama pa rin ang tingin sa akin. "May sasabihin ka ba?" tanong ko pa pero hindi naman niya ako sinasagot.
Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako patay dahil sa titig niya.
"Okay. Alis na ako."
Maglalakad na sana ako paalis pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Naubos na tuloy ang pasensiya ko.
"Ano bang problema mo?" medyo iritado kong tanong sa kan’ya.
Nakakainis na, eh. Pinagmumukha niya akong tanga.
"Paano kung may isang lalaking naging parte ng buhay mo pero hindi mo siya maalala? Ano'ng gagawin mo?"
Literally, napanganga ako sa tanong niya. Ano 'to, telenovela? My amnesia guy ang peg?
Napatingin ako sa kan’ya bago tumaas ang kilay ko, pero inirapan niya lang ako.
"Well, I guess, wala kang gagawin. Kasi siya nga nag-eeffort para maalala mo siya, pero ikaw, wala ka man lang ginagawa para makaalala ka ng kahit kaunti tungkol sa kan’ya," mariin niyang sabi sa akin kaya napakunot ang noo ko.
Ano raw? Nahihibang na ba ang isang 'to?
May sasabihin pa sana siya pero bigla siyang pinigilan ng isang lalaki sa likod niya.
Si Chester.
"Tama na, Diane," awat niya habang nakatingin sa akin ng parang... malungkot?
Bakit siya malungkot?
Kasalukuyan akong nag-iisip kung ano ang dahilan para malungkot siya, pero kaagad din akong nabalik sa reyalidad nang marinig ang mga kataga ni Diane na sobrang tumagos sa puso ko.
"Wala kang kuwenta, Samantha."
"Tara na," mariing saad ni Chester bago hinila si Diane papalayo sa akin.
Ako? Walang kuwenta? Eh paano pa kaya siya?! Buwisit na Diane 'yon, ah!
"OMG, SAMMY! congrats talaga. Ang galing mo kumanta! I'm so proud of you!" proud na proud na bati sa akin ni Mich habang niyayakap ako ng mahigpit.
Nandito kami ngayon sa school garden at nakytambay. Matapos kasi akong sabihan ni Diane ng "walang kuwenta" ay tumakbo na ako paalis at hinila ko na si Mich papunta dito sa school garden.
Baka kasi bigla akong makasampal ng tao. Kung girlfriend siya ni Chester, dapat ay matuto si Chester paano pakalmahin 'yong girlfriend niya! Akala mo naman kung sino na parang aagawan siya. Tsk!
"Haha. Syempre naman Mich ako pa ba? Ganda ko kaya," pagyayabang ko sa kan’ya.
Pinilit ko na lang na huwag alalahanin ‘yong tungkol sa tingin ni Chester at sa mga weird na pinagsasabi ni Diane kanina.
Magsasaya na lang ako. Woohoo!
"Mich, tara shopping tayo!" pagyayaya ko sa kan’ya.
At ang bruha, biglang nagsaya nang marinig ang word na "shopping."
"Talaga? Talaga?! Sige-"
Naputol ang sasabihin sana ni Mich nang biglang may humawak sa braso niya.
"Miasse Chynne, mag-usap tayo," ma-awtoridad na utos ni kuya Kristoff kay Mich.
Napakunot ang noo ni Mich sa inutos ni kuya. Maging ako ay napakunot din ang noo dahil sa inaasta ni kuya ngayon.
Never pa siyang naging seryoso dahil palaging kalog 'yan. Mas loko-loko pa ‘yan kaysa sa ‘kin, eh. Pero ngayon, bakit gan’yan kaseryoso ang tingin niya kay Mich?
"Bakit na naman, Kristoff? Ipinaliwanag ko na ang lahat. Ano pa bang gusto mo?" mahinahon na sagot ni Mich habang nakikipagsabayan ng tingin kay kuya.
Wait... there's something fishy between them. Aba aba! Tapos hindi man lang nagkukuwento sa akin ang Mich na ito?!
Si kuya naging seryoso. Si Mich naging mahinahon ang salita. Ano'ng nangyayari? End of the world na ba?
"Gusto ko, Miasse? Ikaw."
"Ouch!" daing ko nang bigla akong malaglag sa kinauupuan ko.
What the- ano raw? May something-something ba na namamagitan kay Mich at kay kuya? Eh, paano na si Ate Rica na girlfriend ni kuya? Hala!
"What the fudge- wait lang Sammy, may pag-uusapan lang kami ng siraulong 'to," galit na utas ni Mich. "Halika rito Kristoff!" dagdag niya pa bago kinaladkad si Kristoff paalis ng school garden.
"Aww aww what the- Miasse!" rinig kong reklamo ni kuya bago pa sila makalayo ni Mich.
Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-iimagine ako ng kung ano ang nangyayari.
Hindi kaya... may secret relationship si kuya at Mich? At hindi na maitago ni kuya ang nararamdaman niya kay Mich kaya naman nakipag-break na siya kay ate Rica? Pero ayaw ni Mich nang idea na ‘yon kasi malalaman din ng boyfriend ni Mich ‘yong secret affair nila? Hala! Baka gano’n nga!
Nanlalaki ang mga mata ko habang pinagco-connect connect ang mga hypothesis na pumapasok sa imagination ko.
This can't be... masasaktan silang lahat!
"Ate Sam!"
"Ay tokwa kutsinta!"
Halos mahimatay ako sa gulat nang biglang may tumahuwag sa akin mula sa likod ko. Siomai! Dapat talaga hindi na ako umiinom ng kape sa gabi, eh!
"Pft, ate Sam, okay ka lang po ba? Bakit po sa damuhan ka nakaupo kaysa sa upuan mismo?" natatawa at nagtatakang tanong ni Kayleigh habang nakatingin sa ‘kin.
Siguro iniisip nito na ang weirdo ko. Pero, sino ba namang hindi?
"Ah, wala lang. Trip ko lang, hehe," sagot ko bago ako tumayo at pinagpagan ang dress ko.
Parang mushroom kasi 'tong si Kayleigh. Biglang sumusulpot. Mabuti na lang talaga at cute siya.
Tiningnan ko siya at binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.
"Tawag ka ni kuya Chester sa backstage. May meeting daw ang mga new theater club members," sabi ni Kayleigh.
"Ah, sige. Pupunta na ako," sagotko naman bago inayos ang sarili ko.
Napatingin ako kay Kayleigh at napansin ko talaga na ang cute niya. Ang rosy pa ng cheeks niya. Halatang mayaman!
"Sige, Kayleigh. Aalis na ako, ah? Bye!" paalam ko sa kan’ya at maglalakad na sana ako paalis nang bigla niya akong hinila sa braso.
Naalala ko tuloy bigla si Diane. That freak. Ang sarap niyang sapatusin sa mukha.
"Oh, bakit? May sasabihin ka ba?" tanong ko, medyo masama ang loob dahil si Diane talaga ang naaalala ko. Buwisit na impakta 'yon!
Binitawan niya ‘yong braso ko at kinalkal niya ‘yong bag niya. Nagtaka ako nang may binigay siyang isang libro.
"Ito," sabi niya sa akin habang nakangiti.
Kinuha ko naman ito at binasa ko ang title nito.
"She's the lovely angel?"
Teka, wait. Ito ‘yong best-selling novel doon sa national book store, ah? Palagi ko kasi 'tong nakikita na pinagkakaguluhan ng mga customer.
"Ikaw ang author nito?"
"Yep." Tumango siya. "True story ‘yan. Basahin mo, ah?" sabi niya at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.
Tumango na lang ako sa kan’ya at itinago ko na ang libro sa bag ko.
Ang galing naman niyang gumawa ng story. Pangarap ko rin makagawa ng ganitong libro kaso pinangungunahan ako ng katamaran. Pangmasipag lang kasi ang pagiging writer, eh.
"Salamat, ah," sabi ko.
Ngumiti siya.
"Welcome. Sana pagkatapos mong basahin ‘yong kuwento, may matutuhan ka na," makahulugan niyang sabi sa akin bago naglakad paalis.
"Bye, ate Sam!" Muli siyang lumingon sa akin at kumaway.
"Bye!" paalam ko rin at nagsimula na akong maglakad papunta sa backstage ng theater club room.
At habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi niya. Sana may matutuhan na ako? Saan naman?

Comentário do Livro (16)

  • avatar
    Theson Ofalegent

    wow

    09/07

      0
  • avatar

    fffffff

    07/06

      0
  • avatar
    erlDalman

    napaka ganda Ng story Nito solid

    04/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes