logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Under The Rain

Under The Rain

Iwaswiththestars


Panimula

"Sana balang araw ay matandaan mo na ako."
"Sammy, mauuna na ako, ah? Kailangan ko kasi talagang umuwi nang maaga ngayon dahil anniversary ng mama at papa ko, you know, bonding daw," paalam sa akin ng best friend ko na si Mich habang nagre-retouch ng make-up niya.
May hawak itong compact mirror sa kanang kamay niya habang hawak naman niya ang foam sa kaliwang kamay nito. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon pero roon nakalagay ang pulbo niya.
Hindi naman kasi ako mahilig sa make-up kaya hindi ko alam ang tawag doon.
Patingin-tingin pa siya sa wrist watch niya at nagmamakaawang tumingin sa akin na para bang sinasabi sa akin na sana ay payagan ko siya at nawa'y wag sana akong magalit sa kan'ya.
Ang usapan kasi dapat namin ay sabay kaming kakain doon sa bagong bukas na restaurant malapit lang din dito sa school, pero hindi naman niya inaasahan na isasama rin siya sa celebration ng anniversary ng parents niya ngayon kaya wala naman na akong magagawa roon.
As if naman na magagalit ako sa kan'ya, ano. Best buddy ko kaya siya.
"Sige, okay lang. Baliw ka, huwag ka ngang tumingin sa akin diyan na parang inaapi kita, papayag naman ako kaagad, eh," naiiling kong sagot sa kan'ya. "Pakisabi na lang din kay tito at tita na happy anniversary, ah? Nawa ay maging matatag pa sila."
Ngumiti ako at nakahinga naman siya nang maluwag.
"Aalis na ako, Sammy," wika nito bago hinalikan ang kaliwang pisngi ko. "Bye! Ingat ka pag-uwi, ha?"
Tumango ako bilang sagot at tumakbo na palabas ng school namin ngunit bago siya tuluyang makalayo ay humarap pa muna siya ulit sa direksyon ko.
"I-chat mo ako kapag nakauwi ka na!"
Muli akong tumango.
Kumaway-kaway pa siya sa akin at sinuklian ko naman iyon ng isang ngiti.
"Ikaw din! Enjoy!" turan ko naman sa kan'ya.
Sumakay na siya ng jeep kaya naman hindi ko na siya nakita pa. Tahimik ko na lang na inayos ang gamit ko. Nang matapos ay naglakad na ako hanggang sa makalabas na ako ng gate.
Siguro ay hindi na lang ako magje-jeep ngayon dahil mukhang maganda naman ang panahon ngayong gabi. Malamig ang simoy ng hangin at hindi rin naman umuulan. Tama, maglalakad na lang ako para makatipid na rin ako sa pamasahe.
Habang naglalakad ako ay patuloy lang ako sa pagkiskis ng dalawa kong palad upang makalikha ito ng init at mailagay ko ito sa leeg ko.
Wala kasi akong jacket na dala ngayon, idagdag pa na simpleng blouse na color white at may red na ribbon sa gitna at skirt na hanggang sa itaas lang ng tuhod ang suot kong uniform kaya naman ay mas lalong nagiging malamig ang pakiramdam ko.
Madilim. Malamig. At walang masyadong tao ngayon sa lugar na nilalakaran ko. Mabuti na lamang at mayroong kakaunting liwanag na nanggagaling sa mga poste kaya nakikita ko pa ang dinadaanan ko.
*bzzt bzzt*
Napatingin ako sa cellphone ko nang maramdaman ko na mag-vibrate ito.
"Ah, si ate Rica pala," pagkausap ko sa sarili bago ko binasa ang message niya.
Si ate Rica ay ang girlfriend ng kapatid kong asungot na si kuya Kristoff. Hindi ko alam kung paano sila tumagal gayong sobrang bait nito ni ate Rica, habang sobrang balasubas naman ni Kristoff. Baka opposite attracts talaga, ano?
Colline, umuwi ka na. Alas-otso na ng gabi kaya wag ka nang magpatagal pa. Hindi ka pa raw umuuwi sabi ng kuya mo. Ano'ng oras na.
Nag-type ako habang naglalakad para maka-reply kay ate. Mas protective pa talaga siya kung minsan kaysa sa kapatid ko mismo.
Opo, ate.
Iyon lang ang ni-reply ko sa kan'ya dahil wala naman akong ibang masabi.
Medyo natagalan pa ako mag-type dahil ang dami kong typo. Opo, ate na nga lang ang ita-type ko, nata-typo pa ako. Ayaw din talaga makisama ng kamay ko sa akin paminsan-minsan, eh.
S-in-end ko na 'yong reply ko kay ate at hindi na siya nag-reply sa akin pagkatapos no'n.
Seenzoned.
Ako nga pala si Samantha Colline De Jesus. Fourth-year student sa Domino High. 17 years old. Hindi ako kagandahan pero maayos naman ako sa katawan. Pagiging hygienic na nga ang puwede kong magawa, hindi ko pa ba gagawin?
Minsan ay pasulpot-sulpot pa ang tigyawat ko sa mukha kahit na inaalagaan ko naman ito sa gamot. Ngayong araw nga ay may bago na naman akong tigyawat sa pisngi. Nakakainis na rin talaga pero ayaw ko namang pisilin.
Ewan ko ba kung bakit ayaw akong iwan ng mga tigyawat ko. Feel na feel na yata nilang tumira sa mukha ko, eh.
"Ay, awit."
Napatingin ako sa langit nang maramdaman ko na may tumutulo sa ulo ko. At doon ko lang napagtanto na umuulan na pala kahit na kasasabi ko lang kanina na wala naman akong nakita na kahit anong seniyales na uulan ngayong gabi
Agad kong kinuha ang payong sa loob ng bag ko at sumilong dito saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad ako, bigla akong napaisip. Bakit parang ang layo ng bahay namin ngayon? Bumabagal pala ang oras kapag bored ka at wala kang kadaldalan habang naglalakad ka pauwi.
Bigla ko tuloy na-miss si Sammy. Mag-jeep man kami o maglakad ay palagi kaming magkasama. Bihira lang mangyari na ako lang mag-isa ang naglalakad ngayon.
Paliko na sana ako sa isang eskinita dahil doon na ang bahay namin nang biglang may humila sa akin.
"Miss, puwede pasilong?"
Napatingin ako sa kan'ya at halos mapanganga ako sa kaguwapuhang tinataglay niya.
Guwapo. Makinis. Maputi.
Ni parang hindi siya tinutubuan ng tigyawat sa mukha. Magulong buhok na bumagay naman sa kan'ya. Maputlang labi pero nagbibigay pa rin ng karisma sa kan'ya. At 'yong tayo at tindig niya, panlalaking-panlalaki talaga.
Agad akong nag-iwas ng tingin at tumango na lang ako bilang pagsagot sa tanong niya. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag pero kawawa naman kasi siya kung hindi ko siya pasisilungin dito sa payong ko.
Sayang ang kaguwapuhan niya kung magkakasakit lang siya nang dahil sa ulan, hindi ba?
Pero sa totoo lang, nakakaawa din talaga ang isang 'to. Wala siyang payong at basang-basa na rin siya. Namumutla na rin ang itsura niya at nanginginig ang labi niya. Mukhang kahit nakasilong na siya rito sa payong ko ay magkakasakit na rin talaga siya.
Tahimik lang kaming naglalakad habang rinig na rinig namin ang malakas na patak ng ulan.
Gusto ko siyang kausapin, ngunit baka sabihin niya na masyado akong papansin kaya nanahimik na lang din ako.
"Miss," siya ang unang bumasag ng katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.
Lumingon ako sa kan'ya at tinitigan ko lang siya sa mga mata niya na parang nagtatanong kung bakit niya ako kinakausap ngayon.
Hindi ko magawang magsalita dahil para bang kinakain niya ang enerhiya at lakas ko.
Sanay naman ako makakita ng guwapo dahil halos lahat naman ng mga kaklase kong lalaki ay guwapo– mas guwapo pa nga sa kan'ya 'yong iba.
Pero bakit ganito ang reaksyon ko sa presensiya pa lang niya?
Anong misteryo ba ang mayroon sa kan'ya at nagagawa niyang patahimikin ang isang babaeng katulad ko?
Tumingin din siya sa akin. Isang titig na nakakapanghina ng tuhod. Na tila ba hinihigop nito ang buong lakas ko. Na tila tinatanggal ako nito sa katinuan ko.
Dahan-dahan siyang napatingin sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napakagat sa labi ko nang makita ko kung gaano kaseryoso ang pagkakatitig niya roon.
Hindi ko sinasadyang ipakita sa kan'ya ang ginawa kong 'yon pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Para bang gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam ng labi niya na nakadikit sa labi ko.
Ah, ano bang kalandian iyan, Samantha?!
Mag-iiwas na sana ako ng tingin at lalayo na sa kan'ya pero nagulat ako sa sumunod na nangyari.
Hinila niya ako palapit sa kan'ya at ang alam ko na lang, magkalapat na ang mga labi naming dalawa.
Mainit. Ramdam na ramdam ko ang init ng labi niya sa oras na naging magkalapat ang labi naming dalawa. Hinawakan niya pa ang beywang ko at nilapit pa lalo ang katawan ko sa katawan niya.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at ginantihan ko na rin ang bawat paghalik niya bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko. Nakahawak ang kaliwa kong kamay sa leeg niya habang hawak ko pa rin ang payong sa kanang kamay ko.
Ramdam na ramdam ko ang malalalim na paghinga niya at ang malakas na tibok ng puso niya, kaparehas ng sa akin ngayon.
Mas lalo niya pang pinalalim ang halikan naming dalawa at isa lang ang masasabi ko. Masarap. Sobrang sarap. Nakakalasing. Nakakaadik. Nakakabitin at parang ayoko nang matapos ang mga bagay na 'to.
Hindi ko siya kilala. Ngunit may nagsasabi sa akin na may malalim kaming koneksyon sa isa't-isa.
Agad ko siyang naitulak nang mapagtanto ko na isa nga pala siyang estranghero. Mali ang ginagawa namin!
"S-Sino ka ba?" tanong ko habang humihinga ng malalim dahil parang nawalan na ako ng hininga sa paghahalikan namin kanina.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makagalaw. Ni hindi ko maangat ang mga paa ko. Ni hindi ko maalis ang pagtitig ko sa mga mata niya.
Bumulong siya sa tainga ko at medyo nakiliti ako sa boses niya kaya naman ay napalayo ako pero kaagad niyang nahawakan ang beywang ko.
"Sana balang araw ay matandaan mo na ako," huling sabi niya bago ito naglakad paalis.
Naiwan akong mag-isa. Nakatulala lang habang nakatingin sa kan'ya na naglalakad palayo at basang-basa sa ulan.
Parang may sariling utak ang katawan ko at kusa akong tumakbo papalapit sa kan'ya.
"Psst!" pagsitsit ko sa kan'ya at ipinahawak sa kan'ya ang payong ko.
Nagtataka naman siyang tumingin sa akin bago dumako ang tingin sa hawak kong payong. Napansin ko kasi na nandito na pala ako sa tapat ng bahay namin at puwede ko nang takbuhin iyon.
"Ibalik mo na lang iyan kapag nagkita tayo ulit, pero kung hindi, kahit itapon mo na lang. Ayos lang."
Naglakad na ako palayo pero napatigil ako sa huling sinabi niya. Hindi kalakasan ang boses niya pero rinig ko ang sinabi niya mula sa puwesto ko.
"Salamat, Colline."
Biglang napakunot ang noo ko nang tawagin niya ang pangalawang pangalan ko.
Bihira lang ang tumatawag sa akin ng Colline dahil bihira lang din naman ang nakakaalam ng pangalan kong 'yon… ng second name ko.
At paano niya nalaman ang pangalan ko?
Kaagad akong lumingon sa likod ko pero wala na siya roon.
Nakaalis na siya.
Sino ang lalaking 'yon? Bakit kilala niya ako?

Comentário do Livro (16)

  • avatar
    Theson Ofalegent

    wow

    09/07

      0
  • avatar

    fffffff

    07/06

      0
  • avatar
    erlDalman

    napaka ganda Ng story Nito solid

    04/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes