logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

Salubong ang kilay na pumasok sa kanyang balay si Prinsesa Priya dahil sa naging desisyon ng kanyang Amang Datu. Akala niya kasi ay madadala niya ‘to sa pag-iyak kagaya ng palagi niyang ginagawa kapag may kasalanan siya pero hindi niya akalain na hindi tatablan ang kanyang Ama sa pilit niyang luha.
Napasalampak siya sa kanyang tulugan dahil sa sama ng loob niya sa kanyang Ama. Malinaw naman kasi na ayaw ng lalaking yun sa ginagawa ng kanyang Ama.
“Hindi maari ‘to Dari. Hindi ako papayag na ikulong ako ng Ama ko rito.” Tiim bagang sambit ni Prinsesa Priya. Tumayo siya at akmang magtutungo sa pinto pero kaagad siyang hinawakan ng kanyang tagapaglingkod na si Dari.
“Prinsesa Priya, saan na naman kayo tutungo? Gusto niyo bang maparusahan ng iyong Amang Datu?” Paalala niya sa akin.
“Dari, hindi naging makatarungan si Ama. At paano niya naatim na ipagkasundo ako sa lalaking yun? Ni hindi ko nga siya kilala at isa pa hindi siya nabibilang sa ating tribo.” Litanya ni Prinsesa Priya.
“Kailangan kong maka-usap si Ama, hindi ako papayag na parusahan niya ako ng ganito. Hindi ko naman gustong dungisan ang kultura ng ating tribo. Ang gusto ko lang naman ay baguhin nila ang tradisyon na yun. Dahil wala na tayo sa panahon ng mga ninuno natin.” Reklamo ni Prinsesa Priya.
“Kahit ano pa ang gusto mong sabihin. Hindi pa rin natin puwedeng suwayin ang utos ng mahal na datu. Nakita mo ba kung ilan ang nagbabantay sa labas ng iyong balay? Tatlo lang naman sila kaya wag ka ng mag-aksaya pa na kausapin ang ‘yong ama dahil hindi ka rin niya papakingan. Baka nga mas bigatan pa niya ang parusa sa’yo kapag nagkataon.”
Napaisip si Prinsesa Priya. Alam niyang may katwiran si Dari dahil kilala na nila kung paano mag-desisyon ang kanyang Ama at hindi ganun kadali ang pa-amuhin ito. Bumalik siya sa kanyang higaan at naupo.
“Kailangan kong mag-isip ng paraan. Hindi puwede ang ganito.” Bulong niya sa kanyang sarili.
Nagulat na lamang si Dari sa biglang pagtayo nito na parang may naisip na magandang idea.
“Sus ginoo! Wag mo naman akong gugulatin ng ganyan!”
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Dari. At inilapit ang kanyang bibig sa tenga nito.
“Alam ko na kung paano…. patakasin natin ang estranghero.”
“Unsa?!” Bulalas ni Dari.
Mabilis na tinakpan ni Prinsesa Priya ang bibig ni Dari. At inilagay ang hintuturo sa labi nito upang hindi na makapagsalita.
“Wag kang maingay! Ako na ang bahala kailangan mo lang akong ikuha ng dahon ng senna.” Utos niya kay Dari.
“Prinsesa natatakot ako sa ginagawa niyo. Baka ipalatigo na naman ako ng Datu.” Reklamo niya.
“Basta ako na ang bahala.”
Walang nagawa si Dari kundi sundin ang utos niya at lumabas ito sa balay ni Prinsesa Priya. Ilang minuto lang ay dala na niya ang ipinag-uutos nitong dahon ng senna at nagdala na rin siya ng mainit na tubig sa saradong palayok. Ito ang kadalasang ginagamit ng prinsesa kapag hindi maayos ang kanyang pagdumi. Kaya kapag napasobra ang pagamit nito ay siguradong magpapabalik-balik ito sa palikuran. Naisip niyang gamitin ito upang makalabas sila sa balay. At gawin ang planong pagtakas sa estranghero.
Hinalo ni Prinsesa Priya ang tuyong dahon ng senna sa mainit na tubig. At nag-intay lang sila ng isang minuto pagkatapos ay isinalin na niya ito sa tatlong tasa.
“Ibigay mo ito sa kanila para mainitan ang kanilang tiyan.” Nakangiting utos ni Prinsesa Priya. Tinignan siya ng masama ni Dari.
“Mainitan ang tiyan? O sumama ang tiyan?”
“Sige na! Hindi naman sila mamatay diyan. Makakatulong pa nga yan para luminis ang bituka nila eh.” Pilyang ngiti na sabi ni Prinsesa Priya sa kanya. Naiiling na sumunod si Dari at kaagad na nagtungo sa pintuan upang ipamahagi ang tsa-a na ginawa ng Prinsesa.
“Siguradong mamaya bago dumilim ay isa-isa na silang aalis sa labas upang maghanap ng mapaglalabasan ng kanilang sama ng loob.” Natatawang bulong ni Prinsesa Priya sa sarili.
Papalubog na ang araw at hinanda na niya ang kanyang sarili. Nagbihis siya ng simpleng mahabang damit na hangang tuhod ang haba at pantalon na yare sa malabot na tela. Nagsuot suot din siya ng balabal upang matakpan ang kalahati ng kanyang mukha. At inilagay niya sa kanyang likuran ang dala niyang palaso. Wala siyang balak na manakit ng kanyang ka-tribo layunin lang niyang pigilan ang mga ito kapag nagkataon na mahuli siya. Kaya gagawin niya ang lahat upang hindi siya mahuli.
Gaya ng kanyang inaasahan ay sabay-sabay na naglaho ang kanyang mga bantay. At ito na ang oras na hinihintay nila. Akmang lalabas siya ng pinto nang bigla siyang hinila ni Dari.
“Prinsesa, kapag nahuli kayo ng Datu. Hindi lang ako ang mapapahamak kundi pati kayo.” Paalala nito.
“Wag kang mag-alala Dari. Kapag nasiguro ko na makakatakas ang lalaking yun ay kaagad akong babalik dito. Basta gawin mo ang plano. Ikaw muna ang bahala dito at kapag may naghanap sa akin ay sabihin mong tulog na ako. Nauunawaan mo ba?”
Napilitang tumango si Dari. Sanay na siya sa ugali ni Prinsesa at alam niyang hindi niya rin mapipigilan ang katigasan ng ulo nito.
Si Prinsesa Priya naman ay nagmasid sa bawat paligid na daraanan niya patungo sa piitan kung nasaan ang estranghero. At mabuti na lamang dahil maaga magpahinga ang mga tao sa tribo kaya hindi siya nahirapan na magtungo sa piitan kung nasaan ang lalaki. Ngunit pagkarating niya doon ay may dalawang lalaking nagbabantay. Nagtago siya sa patong-patong na bugkos ng kawayan kaya hindi siya nakikita ng mga ito. Pero siya kitang-kita niya ang lalaking nakaupo sa dayami at panay pa ang hampas nito sa kanyang balat. Dahil siguro sa mga lamok at insekto na kumakagat sa kanya. Nakaramdam siya ng awa dito dahil alam niyang nang dahil sa kanya ay maaring mabago ang buhay nito lalo na kapag hindi niya ito naitakas.
Umikot siya sa likuran ng piitan at agad siyang napansin ni Fernan. Pero ang mga bantay ay nanatiling matikas na nakatayo sa labas ng pinto ng kulungan.
Itinaas ni Prinsesa Priya ang kanyang daliri upang senyasan si Fernan na wag gagawa ng ingay. At tumango naman ito sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa kahoy na kulungan at senenyasan niya itong ta-tangalin ang tali sa kanyang kamay gamit ang maliit na patalim upang mabilis siyang makaka-alis kapag napatulog na niya ang mga bantay. Pagkatapos niyang kalagan si Fernan ay dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa isang bantay at may puwersang hinampas ang batok nito. Bago pa makakilos ang isa pang bantay ay nahampas na rin niya agad ito kaya dalawa silang bumulagta sa lupa. Gaad niyang kinuha ang malaking susi at mabilis na tinangal ang malaking kandado. Nilakihan niya ang pinto upang makalabas si Fernan.
“Sino ka?” Mahinang bulong niya sa akin.
“Saba diha! Hindi ako sinuka, inere ako ng nanay ko.” Giit niya dito. At kaagad niyang hinila si Fernan patungo sa likuran. May alam kasi siyang shortcut palabas sa banwa nang hindi dumadaan sa tarangkahan.

Comentário do Livro (141)

  • avatar
    Angeline Vlog

    ang ganda 10/10

    2d

      0
  • avatar
    Shanna Balbaboco

    Maganda Ang kwento maraming matutunan dito

    13d

      0
  • avatar
    mahilomruthcel

    nice story🥰

    18d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes