logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Mabilis na hinanap ni Fernan ang babaeng sumagip sa kanya mula sa pagkalunod. Ramdam pa rin niya ang labi nito sa kanyang bibig at ang amoy bayabas nitong hininga. Halos isang taon na siyang pumupunta sa iba’t-ibang bahagi ng mundo mapabundok man ito o karagatan upang makalimutan ang pagkawala ni Lalaine ang kababata niya na una niyang minahal. Nagparaya siya dahil mas mahal nito si Rafael ang matalik naman niyang kaibigan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasakit ito at tuluyang pumanaw. Masakit sa kanya ang nangyari kaya ipinasya niyang kalimutan na ito ng tuluyan at mag-isang tuklasin ang ganda ng mundo dahil ito ang hilig niya noon pa man. Ang balak sana niya ay puntahan ang mossy forest ng mag-isa na nakikita niya sa internet dahil nagkaroon siya ng kuryusidad na makita ito ng personal. Ngunit napadaan siya sa magandang talon at mala-krystal na tubig nito kaya na-enganyo siyang lusungin ang malamig na tubig. Naghubad muna siya ng pang-itaas na damit at sapatos para hindi maging sagabal sa paglangoy niya. Ipinatong niya yun sa kanyang malaking bag para sa umaakyat ng bundok. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang binabagsakan na tubig sa mataas na talon at sa ganda nito ay kaagad siyang sumisid sa ilalim. Ngunit hinila siya ng pwersa sa ilalim ng tubig dahil sa paglakas ng agos ng tubig sa talon kaya pinilit niya ang kanyang sariling umangat sa tubig. Akala niya ay matutuluyan na siyang malunod. Ngunit may taong mabilis na lumangoy patungo sa kinaroroonan niya upang sagipin siya.
Gusto niya sanang magpasalamat sa babae. Ngunit bigla na lamang itong umalis ni hindi nga niya nakita ang mukha nito. Nang maging maayos na ang kanyang paghinga ay inilibot niya ang kanyang paningin at umaasang makikitang muli ang babae. Ngunit kahit saan siya tumingin ay hindi na niya ito makita.
Hangang sa mapadako ang kanyang mata sa dalawang pares ng sapatos sa ibabang bahagi ng talon. Bumaba siya sa malaking bato at kaagad na pinulot ang sapatos na yari sa pinaghalong abaka at leather sa talampakan. May maliliit pa itong kulay gold na sequence sa palibot ng sapatos.
Nasisiguro niyang ang babaeng nagligtas sa kanya ang may-ari ng sapatos na hawak niya kaya kinuha niya agad ‘yon. Kaagad siyang pumunta sa bag niya para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay ngunit nagulat na lamang siya nang isang mabilis na palaso ang bumaon sa bag niya. At muntik na siyang tamaan nito.
“Hulihin niyo siya!” Sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan. Nakaramdam siya ng takot dahil para itong isang tribo ng mga kalalakihan na nakikita niya lang sa mga American tribe at hindi niya akalain na nag-e-exist parin pala ito sa panahon ngayon.
Gustuhin man niyang tumakas sa mga ito ay napapalibutan naman siya na siya ng mga ito. Kung tama ang dinig niya kanina. Marunong ito sa salitang tagalog.
“Anong kailangan niyo sa akin?” Kinakabahang tanong ni Fernan.
“Wag ka ng lumaban pa. Kailangan ka naming dalhin sa banwa dahil may nilabag sa batas ng aming tribo.” Pahayag ng lalaki na si Bakru.
“Ano? Paano nangyari yun? Ngayon lang ako nakapunta dito?” Pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil alam niyang hindi makakatulong sa lagay niya kung sakaling lalaban siya sa mga ito dahil sa dala pa lamang nitong palaso at siguradong at mga matutulis na kahoy na may talim sa dulo ay hindi pa rin siya mananalo.
“Kung gusto mong magpaliwanag ay sumama ka sa amin. Ihaharap ka namin sa aming Datu.”
Hindi maiwasan ni Fernan ang matawa dahil sa sinabi ng lalaki.
“Datu? You mean ang pinuno niyo ay isang Datu?” Natatawang wika ni Fernan. Ngunit nanatiling seryoso ang mga mukha nila.
“Pero wala talaga akong alam sa sinasabi mo.” Katwiran ni Fernan sa kanila. Hindi parin siya makapaniwala na makakaharap niya ang mga indigenous people na kagaya ng mga ito. At hindi lang yun datu pa ang namumuno sa kanila.
“Sumama ka na lang sa amin dahil yun ang pinag-uutos ng mahal na datu Kiram. Kung talagang wala kang ginawang masama palalayain ka din namin.” Paliwanag pa ni Bakru.
Walang nagawa si Fernan kundi ang sumama sa mga ito. Hindi na rin siya nakapagsuot na ng damit dahil hindi na niya nagawang bitbitin ang mga ito. Kaya ang tanging dala niya ay ang pares ng sapatos na natagpuan niya sa ilog kanina.
Samantalang hindi naman mapakali si Priya, habang paikot-ikot siya sa balay matapos na iwan siya ng kanyang Amang Datu. Mahigpit pa ang bilin nito na wag siyang lalabas sa kanyang balay dahil ipapatawag siya mamaya kapag dumating na ang estranghero. Sigurado siyang hindi ito makakatakas kay Bakru dahil isa ito sa magaling at matapang na mandirigma sa kanilang tribo. Kaya ito din minsan ang nilalapitan niya kapag gusto niyang magsanay kaya lang nagalit ang kanyang Ama nang malaman nito ang ginagawa nilang pagsasanay kaya napilitan itong maging bantay ng Datu.
“Prinsesa Priya, nahihilo na ako sa’yo. Pwede bang tumigil ka muna sa kakalakad?” Kunot noo na tanong ni Dari. Siya ang babaeng tagapaglingkod niya na nagbibigay ng lahat ng pangangailangan niya. Simula pagkabata ay si Dari na ang nagbabantay sa kanya kaya tinuring na rin niya itong pangalawang Ina kahit sampong taon lang ang agwat ng edad nila.
“Natatakot ako Dari, hindi ko akalain na gagawin yun ni Ama. Akala ko kasi kapag sinabi ko sa kanya ang bagay na yun ay hindi na niya ako pipilitin na magpakasal kay Amir. Pero nagkamali ako, bagkus pinahanap pa nila ito. Sana ay hindi na nila matagpuan ang lalaking estranghero dahil kung hindi malaking problema ito.” Nag-aalalang wika ni Priya. Kung alam lang niyang gagawin yun ng kanyang Ama ay hindi na sana siya nagsalita pa. At gagawa na lamang siya ng ibang paraan para hindi matuloy ang kasal nila ni Amir. Dahil may hinala na siya sa kung anong gustong gawin ng kanyang ama sa oras na makaharap niya ito. Kaya mas lalo siyang natatakot sa pwedeng mangyari at kapag nagkataon maka mapilitan siyang ipakasal sa estranghero na kanina lang niya nakilala.
“Wag kang mag-alala kinakausap na siya ni Dayang Arya.”
“Hindi sapat yun Dari, kilala ko si Ama. Mahigpit siya pagdating sa batas ng tribo at ayaw niyang may bumabali ng batas na ginawa pa mismo ng ninono niya.” Katwiran niya dito. Nagulat sila nang biglang pumasok ang tagasilbi nila mula sa bulwagan ng kanyang Ama. Yumuko ito sa kanya.
“Prinsesa Priya, pinapatawag na po kayo ng mahal na Datu sa malaking bulwagan. Naroon na rin po ang mga matatandang lupon para sa paglilitis.”
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng tagapaglingkod. Nasisiguro na niya ngayon na naroon na ang estranghero pilit niyang iniligtas sa talon kanina.


Comentário do Livro (141)

  • avatar
    Angeline Vlog

    ang ganda 10/10

    2d

      0
  • avatar
    Shanna Balbaboco

    Maganda Ang kwento maraming matutunan dito

    13d

      0
  • avatar
    mahilomruthcel

    nice story🥰

    18d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes