logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 5

“ANA, ‘yong habilin ko ‘sayo, ha? Huwag na huwag kang magbabanggit ng pangalan ng amo mo dahil baka magbuga ng apoy ‘yon si Sunny. Baka imbis na mapapayag pa natin, baka itaboy niya tayo sa buhay niya,” paalala ni Jekka. 
Narito sila ngayon sa tindahan na nasa gilid ng bahay ni Sunny. Hinihintay nila itong umuwi dahil paniguradong naroon ito kina Jun at nagpa-tutor ang bata. Binilhan niya muna ang pinsan ng biskwit at sabay silang kumain. 
“May something ba kina Ate Sunny at Young Master?” 
Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang tungkol sa kumplikadong sitwasyon ng dalawa. 
“Ah, allergic kasi si Sunny sa gwapo. Kaya huwag mo na lang muna sabihin nang tungkol doon. Okay? Basta kung ano ang itatanong niya, iyon lang ang sagutin mo, okay?” 
Tumango ito habang kumakain. 
“Kumain ka lang diyan. May tatawagan lang muna ako.” 
Agad niyang kinuha ang cellphone upang tawagan si Mariel na kaklse nila at nagpaplano ng reunion para sa section nila. 
“Hello, Mariel.” 
“Jekka, kumusta? Ano, napapayag mo na ba si Sunny?” 
“’Yan nga ang problema natin. Ayaw niya pa rin, eh. Pero hindi ka maniniwala sa ibabalita ko sa ‘yo.” 
“Chismis na naman ba ‘yan?” Narinig niya pa ang pagtawa nito sa kabilang linya. 
“Hindi. Tunay ‘to! Promise. Alam mo ba na CEO pala si Rallion ng isang kumpanya?” 
“Ah, oo. Nakita ko na ‘yan sa isang business newspaper noong nakaraan. Isa siya sa mga speakers namin last month. Nagkita na rin kami. Nakasama pa nga namin siya sa isang business event.” 
Hindi siya makapaniwalang nahuli siya sa balita. 
“So, totoo ngang mayaman sila?” 
“Of couse! Kilalang-kilala ang papa niya noon sa business world dahil sa magandang pamamalakad sa Alta Mira, Inc. Hindi ko alam na hindi mo pala alam.” 
“Anyway, magtatrabaho na si Sunny kay Rallion,” diretsahan niyang sabi. 
“What? For real?” 
“Actually, nandito kami ng pinsan ko ngayon sa kanila. Hinihintay namin na dumating siya. Kailangan na kasi ng pinsan ko ng kapalit sa masyon ng mga Altamirano kaya hihikayatin namin si Sunny without informing her that she will be working for Rallion.” 
“Hindi kaya mayari ka niyan kay Sunny kapag nalaman niyang may kinalaman ka sa pagkikita nila?” 
“Hindi, ‘no? Basta, kapag kung sakaling nagtanong sa ‘yo si Sunny, kunwari wala kang alam, okay?” 
“Hindi ko gusto ‘yang pinaplano mo, Jek…”
“Magtiwala ka sa akin, ‘Yel! Matagal na nating sinusubaybayan ‘to at mukhang ngayon lang magkakatotoo after so many years! Hindi ka ba masaya para sa kaibigan mo?” 
“I am happy for her pero hindi nga natin alam kung mutual ang feelings nila noon sa isa’t isa. Baka naman nag-a-anticipate lang tayo.” 
“Kaya nga kailangan natin malaman ngayon kung ganoon pa rin, eh. Kung hindi na, eh ‘di ireto na natin si Sunny sa iba. Ganoon kasimple. At least, malalaman niya rin sa sarili niya kung ganoon pa rin ba ang feelings niya kay Rallion o hindi na.” 
“Ikaw ang bahala. Balitaan mo ako kung ano ang nangyari, ha? May incoming call ako. I’ll call you later.” 
Kasabay naman ng pagbaba nito ng tawag ay ang pagbaba ni Sunny sa tricycle. 
“Sunny!” sigaw niya sabay tapik kay Ana upang sumunod na sa kanya paalis sa tindahan. 
“Oh, hindi ko alam na pupunta ka.” 
“Kasama ko ‘tong si Ana. Kailangan ka niyang makausap. Hindi ba’t naghahanap ka pa rin ng trabaho?” 
“Oo. Sige. Tara, doon tayo sa bahay.” 
Pagpasok ni Sunny ay wala ang ama sa sofa kung saan niya ito palaging nakikita kapag umuuwi siya. Si Rainier ay wala rin doon. Nakakabingi ang katahimikan sa kanilang munting tahanan. 
“Pasok. Maupo muna kayo riyan. Magbibihis lang ako.” 
Dali-dali siyang nagpunta sa kwarto at nagbihis. Inilapat niya ang katawan sa kama dahil kanina pa ito nananakit. Napagod siya ngayong araw dahil exam ni Jun bukas. Kailangan maipasa ng alaga niya ang exam nito upang magkaroon siya ng incentive sa mag-asawa. Sana’y tunay na trabaho na ang pinunta ni Jekka at ng pinsan nito dahil hindi niya makakalimuta ang huling in-apply-an niya sa tulong ng best friend. Napunta siya sa pyramiding. 
Paglabas niya ay naroon na si Rainier kausap ang dalawang babae sa sala. 
“Rainier, si Papa?” 
“Ate, ano kasi…” Napakamot-ulo ang kapatid niya. Alam niyang hindi makapali ang ama kapag wala ito sa bahay kaya heto na naman sila. Hahanapin na naman nila ang ama. 
“Nasaan? Saan na naman nagpunta?” 
“Nandoon kina Aling Mameng. May ipaayos kasi na electric fan. Eh, sabi niya sa akin, saglit lang naman daw siya.” 
“Pumayag ka?” 
“H-hindi, Ate. Pero kasi…” 
Lalabas na sana si Sunny nang salubungin siya ng ama. 
“Nandiyan ka na pala, anak,” nakangiting sabi nito sa kanya. 
“Pa, saan na naman kayo nagpunta? Hindi ba’t sabi ko sa inyo na magpahinga lang kayo at huwag na kung saan-saan magpunta? Baka ubuhin na naman kayo nang matindi niyan.” 
Inakbayan siya nito. “Huwag mo akong alalahanin. Maayos ang pakiramdaman ko—“ 
Iyon na ang simula ng sinabi ni Sunny. Nagsimula na itong ubuhin kaya inalalayan niya ito paupo sa sofa. 
“Hindi ko alam na may mga bisita ka pala,” sabi pa nito. 
“Ah, Tito Melvin, si Ana po. Pinsan ko. Nandito po kami para alukin si Sunny ng trabaho. Kumain na po ba kayo?” 
“Hindi pa. Hayaan n’yo at lulutuan ko kayo.” 
“Huwag na po, Tito. Nagpa-deliver na ako ng pizza at fried chicken. Don’t worry. Magpahinga na lang po kayo.” 
Huminga nang malalim si Sunny habang pinapanood ang ama na nakikipag-usap kina Jekka. Hindi naman niya masaway ito o mapagalitan dahil nakasanayan na nitong may gagawin sa araw-araw at hindi mapakali sa bahay. 
“Anong trabaho ba ang inaalok ninyo sa akin?” tanong niya habang kasalukuyan silang kumakain. 
Siniko ni Jekka si Ana upang ito ang makapagpaliwanag. 
“Personal assistant po ako.” 
“Kasambahay?” alanganing tanong pa ni Sunny. 
“Opo. Pero isang tao lang po ang pinagsisilbihan ko.” 
Napabusangot pa siya. 
“Bakit, anak? Wala namang masama sa pagiging kasambahay, ah.” 
“Oo nga, Ate. Marangal naman na trabaho ‘yon,” segunda pa ni Rainier. 
“Hindi lang ‘yon. Maganda pa magpasahod. Kahit sa benefits, hindi ka magsisisi. Hindi pa mabigat ang trabaho. Nasa ‘yo rin kung gusto mong mag-day off o hindi basta magsabi ka lang,” sabi pa ni Ana. 
“Ilang digits ba?” 
“Hmm…sabihin na nating five to six digits.” 
Agad nabulunan si Sunny nang marinig iyon. Kinuwenta niya pa sa isipan kung gaano kalaki ‘yon. 
“Seryoso ka?” 
“Kaya nga nakapagpatayo ng bahay ‘yan sa probinsya kasi ganoon kalaki ang sinasahod niyan, eh,” dagdag pa ni Jekka. “Naku, kung ako sa ‘yo, i-grab mo na ‘yan, beshy! Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa.” 
Tumayo si Melvin upang kumuha ng tubig sa ref nang makaramdam ito ng pagsikip ng dibdib. Napahawak pa siya sa dibdib hanggang sa natabig niya ang pitsel na dapat ay kukunin niya hanggang sa bumuwal na pa sa sahig. 
“Pa!” Napatayo silang apat at saka inakay ni Rainier ang ama sa likod. Hindi na sila tumawag pa ng ambulansya at isinakay na ito sa isang tricycle upang isugod sa ospital. 

Comentário do Livro (52)

  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    hindi nakakasawa basahin

    18d

      0
  • avatar
    Lawrence Maravillia

    good

    10/08

      0
  • avatar
    MacaurogJasmine

    nice story 💓

    05/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes