logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

We're Done

WE'RE DONE
Sofia's POV:
Lintik lang talaga ang walang ganti sa lalaking iyon. Paano ba naman, halos isang linggo na siyang nanggugulo sa akin. Pati paghahanap ko ng trabaho binubulabog niya. Hindi ba siya maka intindi na ayoko ngang tanggapin yung inaalok niya?
"How's your day?"
"Ay baby!"
Muntik na akong mabasa ng tubig dahil sa biglaang pagsulpot na naman nitong si Alexus. Kita niyang nagdidilig ako ng halaman dito e, tapos bigla manggugulat.
"Payag ka na ba?"
"Payag mo mukha mo!" Inis ko siyang inirapan.
"Sige na kasi," pangungulit niya.
Binitawan ko muna ang hose na hawak ko at nakapamewang siyang hinarap.
"Alexus bakit ba ang kulit mong tao, ha? Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na hindi ko tatanggapin 'yang inaalok mo?" Kulang na lang talaga ay mamuti na ang buhok sa labis na stress na dulot ng isang' to. Siya lang 'yong nakilala kong sobrang kulit ng lahi at hindi maka intindi sa simpleng 'ayoko' dahil paulit ulit pa rin ang pangungulit niya.
"Babayaran naman kita,"
"Babayaran? Kita mo na 'yang ugali mo? Saan ka nakakita ng babaeng nagpapabayad para lang magdalantao, ha? Bukod sa nakakababa 'yon ng dignidad ng mga babae e, masama parin yang gusto mo!" Napasabunot na ako sa sarili dahil ang kulit-kulit niya, sobra!
"I'm willing to pay Million Dollar for the baby,"
Kita niyo na? Kakasabi ko lang ng rason ko kung bakit ayokong pumayag diba? Tapos--wait, ano daw? As in MILLION DOLLAR? Woah! Ang laking pera no'n.
"Saan ka naman kukuha ng gano'n kalaking pera ha?" Mataray kong tanong sa kaniya. Oo nga't guwapo siyang lalaki pero hindi halata sa itsura niyang mayaman siya.
Teka nga lang, hindi kaya't miyembro siya ng sindikato? Oo, yung mga sindikatong nagbebenta ng bata doon sa mga mayayaman na gustong magka anak? Sinasabi ko na nga ba e!
"Sinasabi ko na nga ba! Miyembro ka ng sindikatong lalaki ka! Ito ang nararapat sa'yo!"
Muli kong kinuha ang hose na inilapag ko at binuksan iyon, tapos siya yung diniligan ko. Loko pala 'to e. Idadamay pa ako sa pagiging masama niya.
"Sofia ano ba! Stop it!"
"Anong stop it ka d'yan! Wala, wala masama kang tao e, dapat sa'yo dinidiligan!"
"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Anong masama?"
"Kampon ka nga ng mga sindikatong nagbebenta ng mga batang sanggol sa mayayaman,"
"Stop it!"
Pilit niyang inaagaw sa akin ang hose na hawak ko't pinandidilig sa kaniya pero syempre ano siya para maagaw sa'kin 'yon?
Shete ano 'to? Natigilan ako dahil sa mabilis na pagkabog ng puso ko, dahilan para mabitawan ko yung hose ng tubig na hawak-hawak ko. Paano ba naman kasing hindi kakabog yung dibdib ko kung yakap-yakap niya ako mula sa likuran ko diba?
"I told you to stop it, now it's your turn!"
"Alexus, ano ba!"
"Anong ginawa niyong dalawa? Kayo talaga sayang ang tubig itigil niyo 'yan!"
Pareho kaming natigilan ni Alexus dahil sa biglaang pagsulpot ni Mommy.
"Basang-basa na tuloy kayong dalawa, pumasok nga kayo rito at magbihis!"
"Sorry po tita,"
"Ikaw kasi," paninisi ko kay Alexus.
"Ba't ako? Ikaw naunang nambasa sa akin ah?"
"Whatever!"
Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa sala kung saan nag uusap si Mommy at Alexus.
"Tita, pwede ko po ba'ng isama si Sofia sa condo ko?" Pagpapaalam niya.
"Anong gagawin niyo do'n?" Tila ba kinikilig na tanong ni Mommy.
"May pag uusapan lang po kami,"
"Oo naman hijo, kahit huwag mo nang ibalik 'yang anak ko sa'kin basta alagaan mo lang ng mabuti."
"Mom!" Saway ko kay mommy, hindi na kasi maganda yung pinagsasabi e. Kung ipamigay niya ako para ba'ng ang tagal tagal niya ng kilala itong si Alexus. Kung alam lang ni mommy kung ano ang hinihingi ng lalaking 'yan ewan ko lang kung buhayin niya pa ang desperadong 'to.
"Ayokong sumama sa'yo Alexus. No way, never!"
"Anak naman, baka importante yung pag uusapan niyo."
"Opo tita, importante talaga." Bigla namang sabat niya. Sinamaan ko nga tingin, kita niyang nag uusap kami ni mommy e nakikisabat bigla.
"Sige na 'nak, samahan mo na."
"Mom—"
Inis na inis ako ngayon habang nakasakay sa kotse ng lalaking ito. Wala e, napilit ako ni mommy na samahan siya.
"Ano ba kasing gagawin natin sa condo mo, ha? Gagahasain mo 'ko?"
"Aray, naman!" Reklamo ko dahil biglaan siyang nagpreno dahilan para mauntog ako ng bahagya.
"Ano ba kasi 'yang pinagsasabi mo? Kanina ka pa ah!"
"Eh, pake mo ba?"
"I'll explain to you everything later." Seryoso niyang saad. Hindi nalang din ako nagsalita pa baka mamaya kasi e nadisgrasya pa kami, sayang naman yung beauty ko kung mamamatay ako ng maaga diba?
"We're here,"
Tumingala ako sa mataas na building na hinintuan namin.
"Sa'yo 'to?" Tanong ko.
"Yap, I owned these condos over here." Simple niyang sabi.
"Okay." Simpleng sagot ko rin. Akala niya siguro mauuto niya ako sa simpleng pagsasabi niya ng, 'I owned these condos over here' syempre hindi ako yung tipo ng babae na mabilis maniwala.
"Have a sit,"
Loko ba siya? Paano ako makaka-upo sa sitwasyon ngayon kung halos pang mayaman lahat ng kagamitan niya dito sa loob nitong condo niya?
"You're not pretending, aren't you?"
"I am not," nangingiti niya pang sagot.
"Payag kana?"
"Ano ka? Syempre hindi,"
"Sabi ko nga hindi e, dito kalang ikukuha kita ng maiinom."
Condo ba talaga 'to? Ang laki naman. Mas malaki pa 'to sa bahay namin ni mommy e, tapos siya lang mag isa yung nandito? Wow. Just wow.
Isa isa kong tiningnan yung mga picture frame na nakapatong sa cabinet.
"Sila siguro yung parents niya,"
"Yes, they are." Bigla niyang sabi mula sa likuran ko.
"Ba't hindi mo kasama?"
"Nasa bahay kasi sila, minsan lang ako umuwi do'n at yung last time ko pang uwi do'n is yung hinihingan na nga nila ako ng apo." Nakayoko niyang sabi na tila ba napipilitan lang din siya sa baby thingy na 'yan.
"Eh ito, kapatid mo?" Turo ko sa hiwalay na picture frame kung saan magkasama silang dalawa na todo ngiti habang nakatitig sa isa't-isa.
"Nope. She's Nicole, my 3 years girlfriend."
Tila nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahil sa sinabi niya.
"She's a model abroad. Minsan lang kami magkita, once a year siguro." Malungkot niyang sagot.
"So, may girlfriend ka pala. Bakit hindi nalang siya ang hingan mo ng anak?" Tanong ko.
"She's busy, at bilang isang modelo hindi siya pwedeng magbuntis. Masisira ang career niya." Malungkot niyang tugon.
"Base sa pag alok mo sa'kin ng isang milyong dolyar para magbuntis, ay mayaman ka nga talaga. So, what's the point of living her dreams kung kayang-kaya mo naman pala siyang buhayin, diba?"
Iba din 'tong girlfriend niya. May pinaka mayaman na siyang boyfriend tapos todo trabaho parin at sa ibang bansa pa talaga?
"It's her passion." Simpleng sagot niya. Base sa kung paano niya ipagtanggol yung girlfriend niya ay mahal na mahal niya talaga ito. Ang swerte naman ni Nicole.
"Bakit ka ba kasi nagmamadali na magkaroon ng anak? Ilang taon kana ba?"
"It's not me, it's my parents."
"Oh,"
"Ilang taon ka na nga?"
"25,"
"Ang tanda mo na pala," mapang asar kong sabi.
"Hoy maka tanda ka dyan! Bakit, apat na taon lang naman yung tanda ko sa'yo ah?"
"Kahit na, e si Nicole ilang taon na?"
"She's 23,"
"Oh, e di magpakasal na kayo."
Muling naging malungkot ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"S-sorry, may nasabi ba akong masama?" Agad kong bawi sa sinabi ko.
"No, it's okay." Pilit ngiti niyang sabi.
"Kapag ba pumayag ako sa gusto mo, anong magiging resulta no'n sa'yo?"
"Of course I'll be happy. Mabibigyan ko na ng apo sila mama at papa, at hindi na sila mapipilitang ipakasal ako sa anak ng kumpare nila."
"Alexus," tawag ko sa atensyon niya.
"Yes?"
"Papayag akong maging ina ng anak mo, basta ba pakasalan mo 'ko."
Tingnan natin kung ano yung magiging reaksiyon niya.
"Hindi pa ba sapat yung isang milyong dolyar? Bakit gusto mo pa ng kasal para malaki ang mana, gano'n ba?"
Tila talim sa akin ang mga salitang binitiwan niya. Pakiramdam ko isa-isa itong bumabaon sa katawan ko. It hurts that much.
Naramdaman ko nalang ang sunod-sunod na pag agos ng mga luha ko.
"I'm sorry Sofia, alam mo namang may girlfriend ako diba? Mahal ko siya, at siya lang ang babaeng gusto kong pakasalan."
"Then, we're done. Huwag mo na akong pupuntahan sa bahay, huwag ka nang susunod sa akin. Iba nalang ang kulitin mo Alexus, please lang, huwag na ako!"
Pagkasabi ko no'n sa mukha niya ay mabilis akong lumabas ng condo niya, mabuti nalang at bukas pa iyon, kung hindi baka hindi na ako nakalabas ng gano'n kabilis.
Ang kapal naman ng mukha niya para sabihin sa akin iyon diba? Unang-una sa lahat, hindi naman ako mukhang pera.
Pangalawa, nagbibiro lang naman ako e. Bwesit siya! Huwag niya lang talaga akong masundan sundan kundi patay talaga siyang hinayupak na siya sa akin!

Comentário do Livro (286)

  • avatar
    QuilarioGengie

    Wow! grabe talaga kahit maikli lang naman ang storyang ito pero may mga bagay palang natutunan natin dito na sa umpisa parang joke lang pero may nasasaktan kaya super na appreciate ko yun lalong lalo na sa happy ending. Kudos sa writer & keep it up God Bless 😍♥️♥️♥️

    11/12/2021

      0
  • avatar
    Marvss Villareal

    haha

    8d

      0
  • avatar
    Ramil Ngitngit

    Excellent and great story author.Ang linis ng story.Highly recommended po.

    9d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes