logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

So Close Yet So Far

So Close Yet So Far

daddios


Prologue

"Ylac is mine!" Sigaw ko sa mga kalaro namin. "He will be the groom!"
Nandito kami sa labas ng bahay kung saan parati kaming naglalaro ng mga kaibigan ko. Malawak siyang lupain na wala pang nakatirik na bahay. May iba ring mga bata na madalas maglaro rito pero mas tambayan namin siya.
Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Maglalaro kami ng kasal-kasalan. Nainggit kasi ako sa kabilang section nung makita ko silang naglalaro nito kaya sinabihan ko agad si Ylac na maglaro kami ngayong walang pasok. Sobrang saya ko dahil pinagbigyan niya ako.
Ylac is just staring at us, waiting for our signal... my signal. Sinabihan ko ang mga kaibigan ko na ako ang magiging bride at ako rin ang pipili ng magiging groom ko. Syempre, si Ylac ang pinili ko. Kitang kita ko ang pagngiwi nila.
"Moy, you'll play as the priest." Baling ko kay Gilmore na nakahalukipkip sa tabi ni Ylac. "And you, Julie, Xyra, Stacey, Jackie, and Blanca. You will be our bridesmates." Ngumisi ako.
Naka simangot silang lima sa naging desisyon ko. Hindi naman pwedeng anim kaming bride no. Atsaka hindi ako papayag na magpakasal si Ylac sa ibang babae. Ako lang dapat. Kami ang magkakatuluyan.
"Hey... What about me?" Napalingon kami sa kararating lang na si Blaze.
I smirked, "Our singer." Kinindatan ko siya.
"I like that!" Tumawa kaming dalawa ni Blaze at nakipag-apir siya.
Inumpisahan na namin ang aming kasal-kasalan. Hawak ko na ang bulaklak na pinagtagpi-tagpi namin kanina. Pinagsama samang santan, gumamela, at bougainvillea. Pinunasan ko ang pawis ko habang naglalakad palapit kay Ylac na walang emosyon na naghihintay sa akin at kay Moy na nasa bandang gilid niya at may hawak na lumang libro. Kunwari kasi iyon ay bible. Nakapaglakad na kanina ang mga kaibigan kong babae kaya nasa gilid na sila. Pagkalapit ko kay Ylac, inoffer naman niya ang kanyang braso kaya kumapit ako roon at sabay namin hinarap ang nagpapanggap na pari na si Moy. Nag-start na ang kasal namin pero walang vows dahil hindi namin alam ang sasabihin.
"Tinatanggap mo ba si Kate bilang asawa mo, Ylac?" Natatawang tanong ni Moy. "Kung ako sayo hindi." Bulong niya sa katabi ko pero narinig ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Umayos ka ah!"
Tiningnan ko si Ylac at para bang napipilitan na lang sa paglalaro namin. Nilingon niya rin ako kaya nagpa-cute ako at naghintay ng isasagot niya.
He sighed. "Yes."
Napasigaw ang puso ko! Hinigpitan ko ang pagkapit kay Ylac sa braso at binelatan si Moy. Nagsigawan at inasar ako nina Xyra pero binelatan ko lang din sila.
"Mainggit kayo!" Natatawa kong sabi.
"Game na, tuloy na natin." Sabi ni Moy kaya nilingon ko na siya.
"Okay." Tumawa ako.
"Ikaw, Kate? Ah, do I need to ask you this?"
"Syempre!" Sabi ko. "Dali na!" Hinampas ko siya sa braso.
Tumawa siya. "Kate, tinatanggap mo ba si Ylac bilang asawa mo?"
"Yes!" Sagot ko agad.
Nilingon ko si Ylac na wala pa rin reaksyon.
"Whatever. You may now kiss the bride."
Mabilis akong lumingon kay Ylac saka siya hinalikan sa cheeks. Hindi niya iyon pinansin kahit na kilig na kilig na ako rito. Itatapon ko na sana ang ginawa naming bouquet nang may marinig kaming sigaw.
"KAAAATE!" Sigaw ni mama sa loob ng bahay. Sabay sabay kami napalingon doon. "Nandito na sina Ate Andjelka mo! Pasok na! Tama na ang laro!"
Nagtawanan kami.
"Darating pala sila, Kate?" Tanong ni Julie.
"Oo eh. Gusto n'yo muna pumunta sa bahay?" Tanong ko.
"Hindi na. Nagugutom na ako, uwi na rin kami."
Tumango na lang ako. Tinanggal ni Ylac ang kamay kong nakakapit pa rin sa kanya at nanguna na sa paglalakad. Pinanood ko siya habang naglalakad sa harap ko. Si Ylac ay anak ng nanny Rosie ko. Tumakbo ako para makasabay siya kaya sabay kaming nakapasok sa bahay pero agad siyang humiwalay nang nilapitan na ako ng mga pinsan ko.
Kay Ylac pa rin ang tingin ko kahit na niyayakap na ako nina Kuya Amiel, Kuya Allen, at Ate Andjelka. Magkakapatid sila. Nang makababa naman si Kuya Kyle ay agad nilingon si Ylac. Nilingon ko si Ylac pero napayuko na lang siya at umalis na ng sala. Napanguso ako at nalungkot. Sinamaan ko ng tingin ang kuya ko pero hindi niya ako pinansin at lumapit na kina Kuya Amiel.
Hayyy. Ylac James Montclair, you already knew my feelings for you. Yes, we're still young but I'm always happy whenever I'm with you. Gusto ko lagi kitang kasama at nakikita. Gusto ko gustuhin mo rin ako. Gusto ko mapalapit pa tayo sa isa't isa pero ikaw mismo lumalayo na para bang may pumipigil sayo.
You are so close to me yet you're so far. I can't feel you but I promise, gagawin ko ang lahat and make sure that you'll give your full attention on me.

Comentário do Livro (13)

  • avatar
    Abhi Gheil II

    so nice

    04/08

      0
  • avatar
    Jp Rosales

    landi dito landi doon

    08/07

      0
  • avatar
    Mjay Marasigan

    happy birthday

    12/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes