Oceane's PoV Nakarating ako sa mansyon na nagkakagulo at hindi magkandaugaga ang mga maids. Ganoon ba kaimportante ang bisita? Na kahit nandito na ang pinakamaganda nilang lady ay hindi nila napansin? Well, kahit gaano naman siguro kaimportante yung bwesita, hindi naman na siguro need ang presence ni Oceane, rightsie? I just want to have my beauty rest today kaya imbes na hanapin ang family ko ay nagtungo na ako sa kwarto. Dahil hindi naman natuloy ang pagpunta ko sa fountain ay magpapahinga nalang ako. Noong nasa sasakyan ko lang narealize na napagod din ako. Syempre sino ba namang hindi mapapagod? Lalo na may nanira pa sa maganda kong araw. At kung hindi nga ako nagkakamali sa hinala ko kanina. Iyong babae talaga kanina ang kontrabida sa novel, ang magpapahirap sa buong school year ko. Pero tignan lang natin. Baka siya ang maghirap sa aming dalawa, hindi pa naman ako nang aaway lalo na kapag babaeng desperada. Mabait pa naman ako. Kaya lang sa mga taong deserving lang at yung mga taong hindi ako pagtataasan ng kilay, dahil kapag ginawa nila iyon ay swerte nalang nila kung hindi sila mainis sa lalabas na panlalait mula sa bibig ko. Naalala ko dati noong panahon na bago palang ako sa modelling industry. May isang gathering akong pinuntahan at may naencounter ako na babaeng feeler. Inakusahan ba naman ang kagandahan ko na kumakabet sa boyfriend niyang mukhang isang pitik ko lang nakaratay na. Sa ganda ko na 'to? Hindi ako pang low creature! Hindi ko nga alam kung tao ba o bangkay yung nobyo niya. Bukod sa pangaakusa niya na kabet ako ng bangkay niyang boyfriend, sinabihan pa ako ng gold digger! Diba ang kapal lang ng mukha?! At dahil nahurt ako ay isinampal ko sa pagmumukha niya ang Prada Small Leather Bag nadala ko ng mga oras na iyon. Kinuha ko lahat ng laman na nakalagay sa Prada bag ko at itinapon sa pagmumukha niya bago nagwalk-out. Donation ko iyon sakanya dahil siya itong gold digger sa aming dalawa pero ang lakas niyang sabihan ako ng ganon! Hindi siya marunong gumalang sa mas nakakaganda sakanya! After that night naging sikat ang pangalan ko dahil sa video na kumalat. Naging usap-usapan kung gaano kamahal yung bag na isinampal ko sa babaeng feeler. Maraming ng hinayang. Naaalala ko pa nga noon ang isang comment na bakit ko daw isinampal yung bag sa sementadong mukha ni babaeng feeler, sana binigay ko nalang daw sakanya. Doon din nagsimula na tawagin akong Human Brands. Dahil biglang kumalat yung mga pictures ko noong college pa ako na nakasuot ng iba't ibang designer clothes, bags and shoes. Nagkaroon ako ng maraming offers kagaya ng pagho–host sa isang fashion variety show, naipakita ko din ang galing ko sa pagsayaw at pagarte. Naging ambassador din ako ng mga kilalang brand. Naging highest paid model sa loob lang ng anim na buwan. Maraming nagkagusto sa paguugali ko, marami din ang umayaw. Pero ganoon naman talaga sa industry na pinasukan ko, lahat ng mata ng tao na akala mo ay sobrang perpekto ay nakatutok sa akin at isang maling galaw or salita ko lang ay maaari ng makaapekto iyon sa akin. Kadalasan ay tinatawag akong pick me girl na hindi naman suitable sa ganda ko. Kaya kahit hindi ko man gustong baguhin ang paguugali ko ay nagawa ko. Para na din sa company na humahawak sa akin, ayoko naman sirain ang pangalan ng kompanya ng mommy ko, iyon lang ang kaya kong gawin para hindi masayang ang kompanya na pinaghirapan niyang itayo. Kaya kahit gusto kong magtaray sa iba ay hindi ko magawa. Lagi kong iniisip ang consequence ng mga bagay na ginagawa ko, masyado akong naging concious sa harap ng maraming tao. Hindi ko man aminin pero masakit para sa akin na iwan nalang lahat ng pinaghirapan ko. Alam ko hindi pa totally nags-sink in sa akin ang mga pangyayare. Hindi ko pa totally tanggap na ako na talaga si Oceane. Dahil sanay ako bilang si Odette, hindi dahil sa kasikatan na nakukuha ko. Pero kontento na kasi ako bilang si Odette. Kahit pa lagi akong pagod dahil sa trabaho at nagwo–worry sa mangyayare kinabukasan ay masaya pa din naman ako. Masaya din ako na may napapasaya ako at nagiging inspirasyon ako ng iba. Pero ano na kaya talaga ang nangyare sa akin? Buhay pa ba ang katawan ko o patay na? Makakabalik pa ba ako sa mundo ko? Kung patay na ako, maganda kaya ako sa burol ko? Sino–sino kaya ang umiyak? Maganda kaya yung gown ko sa burol ko? Aisshhh!!! Erkey! Staph it na Odette! It's not healthy any more! Dapat nagbebeauty rest ako eh, hindi nage–emote hindi bagay sa kagandahan ko! Isa pa kailangan ko na din tanggapin na ako na talaga si Oceane, wala namang mawawala sa akin kung iaaccept ko siya. Bukod pa doon may kalayaan ako na gawin lahat ng nais ko, pati na ang pagexpress ng sarili ko ay mas madali kong magagawa. Nakarinig ako ng mahihinang katok kaya napataas ang kilay ko, hindi kasi ganoon kumatok si Elyssa, masyadong mahinhin ang pagkakakatok ngayon. "Oceane?" mahinhing tawag ng babaeng ngayon ay nakasilip sa pinto ng kwarto ko. Dahan dahan naman itong pumasok sa loob at nakangiting humarap sa akin. Long blonde hair, white skinned tone, blue eyes na kung tumingin ay parang pinakakalma ka niya, thin pinkish lips, thick eyebrow, long eyelashes and kahawig siya ni Oliver na kamukhang kamukha ni dad. At kung hindi ako nagkakamali. Siya si Olivia Maureen Vior ang female lead sa kwento, at para tuloy siyang girl version ng dalawa. Habang ako ay pang out of this world ang ganda! Bakit? Well, kasi Oceane is the combination of her mother and father's genes. Long curly pink with bangs ang hair ko na kapapaayos ko lang kanina, at sa tingin ko ay ang kulay ng buhok ko ay nakuha ko sa dad ni Oceane dahil kulay pink iyon, habang blonde naman ang sa mom niya. Pink eyes from Oceane's mother, na kung titignan ay mas light itong mata ko at nagmumukhang kumikinang lalo na kapag nakangiti ako. Pinkish lips, thick eyebrows and long on flick eyelashes na hindi ko na kailangan pang gumamit ng curler o ng mascara para magkabuhay ito. All in all pasado ang pamilya ko ngayon. Para kaming angkan ng mga deity dahil sa angking ganda na meron kami pero mas maganda pa din ako! "Oceane! Masaya ako na maayos kana," masayang saad nito pagkatapos ay dinamba ako ng yakap. Niyakap ko nalang ito pabalik dahil alam ko na close silang dalawa ni Oceane at ayoko naman magtaka siya. Kahit pwedeng pwede kong gamitin ang excuse na may amnesia ako ay hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sakanya. Ito ba ang tinatawag nilang female lead effect? O dahil close lang talaga sila ni Oceane? "Natatandaan mo ba ako?" nakangiting tanong nito at hinarap pa ako sakanya. Umiling naman ako bilang sagot at nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata. "Ako ang ate Olivia mo, pangalawa ako sa ating magkakapatid, hindi mo ako nakita dahil nagaaral na ako ngayon sa Carleu University, paumanhin kung hindi nakita nahintay gumising," malungkot na saad nito. Alam ko kung bakit siya malungkot dahil nakita ko sa ala–ala ni Oceane na nangako silang dalawa na sabay silang papasok sa unibersidad na iyon. Wala naman sa loob ko na hinawakan ang kamay niya at hinaplos iyon, pagkatapos ay ngumiti ako dito kagaya ng pag ngiti ni Oceane. "I am fine, sister. You don't have to worry about me," pagpapagaan ko ng loob dito. Ginaya ko lang kung paano paga–anin ni Oceane ang loob ni Olivia, kaya kahit hindi ko sure kung gagana ba dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong bagay ay ginawa ko pa din.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
good po
11/10
0this is very good
30/01/2025
0so very nice story
30/11/2024
0Ver Todos