logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 3 Three

Lumipas ang araw ay muling nagkatagpo ang landas naming ni Earl, at nasundan pa iyon ng ilang beses. Hanggang sa isang araw ay bigla na lang niya akong niyayang magpakasal dahil nahulog na raw ang loob niya sa akin.
“Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo?” Isang araw ay tanong ko sa fiance ko habang papunta kami sa dinner party ng aking magulang. I-a-announce na namin ang aming kasal ngayong gabi sa harapan ng aking pamilya, na simula’t sapul ay tumutol na sa pakikipagrelasyon ko kay Earl, lalo na ang aking ina. Subalit ang aking ama ay walang kontra sa desisyon ko. Bagama’t hindi nila ako pilit na pinapalayo sa fiancé ko ay ramdam ko pa rin ang hindi pagsang-ayon ng aking ina sa desisyon ko na tanggapin ang pag-ibig ni Earl.
Nang makarating kami sa aming mansiyon ay ang aking ama ang sumalubong sa amin, boto ito kay Earl. Magkapareho kasi ang hilig nila. Mula sa paboritong team sa basketball at soccer, pati brand ng perfume at brand ng relo ay magkatulad din, kaya magkasundo ang mga ito.
“My son, mabuti naman napadalaw ka.”
Ngumiti ako at napailing habang pinagmamasdan ang dalawang lalaking mahal ko sa buhay na masayang nag-uusap. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa wakas ay matulad ako sa aking ina na hindi tumandang dalaga.
Matapos ang kumustahan ay kaagad na kaming niyaya ng aking ina sa hapag. Iba’t-ibang putahe ang nakalapag sa hapag-kainan at lahat ng iyon ay paborito kong pagkain. Napatingin ako sa aking ina na may munting ngiti sa labi.
Ibig ba nitong sabihin tanggap na niya si Earl? Tumingin ako sa aking ina na medyo naluluha saka mahigpit siyang niyakap.
Kapag bumibisita si Earl sa aming bahay ay hindi nagluluto ang aking ina at lagi itong nag-oorder sa labas. Ang dahilan nito, hindi siya magluluto sa taong hindi niya gusto. Kaya ang makitang nag-effort itong magluto ay iisa lang ang ibig sabihin, tanggap na nito si Earl.
Isang tanyag na chief ang aking ina at namana ko sa kanya ang pagiging magaling ko sa pagluluto kaya nakapagpatayo ako ng sarili kong restaurant. Samantalang ang aking ina ay sa bahay na lang nila nagluluto at sa kanila lang isini-showcase ang galing nito sa pagluluto, ngunit iba ako. Gusto kong ipalasap sa iba ang sarap ng aking luto kaya nag-pursue ako na makapagpatayo ng sarili kong restaurant.
“Ano ba ang ia-announce mo at kinakabahan naman yata ako? Buntis ka na ba? Magkakaapo na ba kami ng mommy mo?”
Napukaw ang atensyon ko nang magsalita ang aking ama. Bumaling ako ng tingin sa kanya saka sumulyap kay Earl na katabi nito. Alam na nito ang ibig kong sabihin kaya nginitian niya ako saka ito tumayo at bahagyang yumuko sa aking ama.
“Mr. La Senza, nais ko pong hingin ang kamay ng inyong anak upang maging kabiyak ko. Mahal na mahal ko po si Joanne at hindi ko siya pababayaan. Hindi ko siya sasaktan, nangangako po ako sa inyo.”
Naikuyom ko ng mahigpit ang kamao ko dahil bigla akong sinalakay ng kaba nang hindi sumagot ang aking ama. Nanatili lang itong nakatitig kay Earl.
“Papa. . .” wala sa sariling bulong ko habang may nginig sa aking boses.
Ngunit hindi ako tiningnan ng aking ama at nanatili ang mata nito kay Earl. Nilapitan naman ako ng aking ina saka hinawakan sa braso at marahang hinaplos at inginuso ang dalawang lalaki sa buhay ko.
“Ramdam ko ang pagiging sensiro mo iho, ngunit hindi ako papayag—”
Nanlumo ako sa sinabi ng aking ama at yumuko upang itago ang luha na namuo sa aking mata. Ang akala ko ay tatanggapin ni papa si Earl dahil halatang botong-boto ito sa binata pero bakit—
“—na saktan mo ang anak ko! Magkakamatayan tayo!”
I raised my head the moment those words left out my father’s tongue. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya lumingon ako kay mama. Nakatingin ito sa akin na puno ng tuwa ang mga mata. Puno ng pagtanggap para sa amin ni Earl. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit.
Matapos ang araw na iyon ay agad na inihanda ang aming kasal. Mabilisan ang naging preparasyon ngunit bongga pa rin ang kinalabasan at sa loob ng isang buwan ay naikasal na kaagad kami at nangako sa harap ng altar na maging tapat sa isa’t-isa. Na mamahalin at aalagaan ang bawat isa at ngayon nga ay magkasama na kami.
Ngunit ang masayang pagsasama namin ay umabot lang ng isang taon dahil sa biglang pagbabago ng aking asawa.
Hindi ko namalayan na patuloy pa rin akong umiiyak habang nakatitig sa masayang larawan namin ni Earl noong ikinasal kami. Sa larawan makikita ang dahilan kung bakit kami nagsasama ngayon ng asawa ko. Bakas na bakas sa mga mata namin na mahal na mahal namin ang isa’t-isa, ngunit ngayon, ang nakikita ko sa asawa ko ay purong malamig na pakikitungo.
Habang tumatagal ang pagtitig ko sa larawan ay bumuo sa isip ang masayang tawanan naming mag-asawa at iyon ang nagbigay sa akin ng determinasyon.
“Hindi ako makakapayag na tuluyang mapunta sa wala ang masayang pagsasama namin ng asawa ko. Wala akong pakialam kahit saktan pa niya akong muli. Kung iyon ang dahilan upang tumahimik ang loob niya, ay gagawin ko. Handa akong magpakadesperada para lang hindi niya ako iiwan.”
Sinundan ko ang asawa ko sa kuwarto namin kahit alam kong galit pa rin siya sa akin at ipagtabuyan ako, hindi ako pinanghinaan ng loob. Dahil hindi naman gaanong kalakihan ang bahay namin dahil kaming dalawa lang ang nakatira kaya mabilis kong narating ang kuwarto namin sa second floor mula sa salas. Ngunit pagdating sa labas ng kuwarto namin ay agad akong napatigil nang marinig ko na nagsasalita ang aking asawa, may kausap ito sa cellphone niya at hindi ko alam kung sino. Medyo nakaawang ng konti ang pinto dahil hindi iyon nakasara ng ayos kaya rinig na rinig ko kung ano ang pinagsasabi niya sa kausap niya. Hindi agad ako pumasok at binalak kong makinig sa pinag-uusapan niya ng kausap niya dahil naging malambing ang boses niya.
“Babe, we just met a few hours ago. Nami-miss mo na ako kaagad?”
Napatda ako sa aking narinig at napadausdos sa pader na malapit sa pinto. Lalong tumindi ang kaba sa aking dibdib na unti-unting napalitan ng kirot. “Babe? Bakit babe? Sino ‘yon?”
May babae ang asawa ko. Kaya ba siya nagiging malamig sa akin? Pero bakit ako ang inaakusahan niyang nanloloko sa kanya? Ang luha kong natuyo na ay muling dumaloy dahil sa aking natuklasan. Hindi ko akalaing niloloko pala ako ng asawa ko. Pero bakit? Paano? Ano ba ang kulang sa akin?
Patuloy akong nakinig sa kanya kahit masakit na masakit na sa puso ko ang bawat matatamis na salitang binibitawan niya sa kausap niya. Maaayos ko pa kaya ang relasyon namin ng asawa ko?

Comentário do Livro (27)

  • avatar
    Gabriel Tolentino Lao

    😭😭😭

    02/02

      0
  • avatar
    Lorilie Reyes

    so beautiful story

    03/01

      0
  • avatar
    Roselinda Franco

    nice novel pls continue.

    21/12

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes