logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6: Special Request

“That one from the Organic Gardens, sir. Iyong hiningi n’yo some days ago,” paglilinaw ni Rhenn kay Lucian.
Napa-ah na lang siya. Napangiti siya rito nang malungkot. “Okay. I’ll just take a look at it tomorrow. Kailangan ko na kasing umalis.” Na-excite man siyang tingnan ay natatakot din siya sa maaaring malaman niya.
“Okay, sir. Have a good night. I’ll see you tomorrow, sir,” magalang na paalam sa kaniya ng PA.
Nagmaneho na si Lucian papunta sa Korean restaurant na sinabi niya kay Rowan. Sinalubong siya ng kaniyang suking waitress doon na si Leah. Kilalang-kilala siya roon dahil parati siyang nandoon, halos araw-araw.
“My favorite spot, please,” ang sabi niya kay Leah.
Nasa thirties na ang edad ng morenang babae. May maikli itong buhok na pinakulayan ng pula.
Nakangiti ito sa kaniya nang maluwag. “Sure, Mr. Ganadan!” masiglang tugon nito.
“And I’ll be meeting someone,” dagdag pa niya sa waitress.
Mukhang hindi nito iyon inasahan kaya napalis ang ngiti sa labi nito. Palagi kasi siyang mag-isa sa tuwing pumupunta roon. Mukha pa itong na-disappoint dahil sa sinabi niya. Pero agad itong nakabawi at ngumiti sa kaniya.
“I think she’ll be here in a few minutes.” Hinubad niya ang kaniyang jacket na suot at itinira ang kurbata at dress shirt. Nag-order na rin siya ng mga pagkain pero hahayaan niya ring makapag-order si Rowan mamaya pagdating nito.
Sumilip siya sa labas ng cubicle at nakita niyang tila naiilang na pumasok si Rowan sa restoran. Sakto namang nakita siya nito na nagtaas ng kaniyang kamay upang makuha ang atensyon nito. Napangiti ito nang makita siya at agad na lumapit sa kaniya.
Parehong istilo ang suot nito nang una niya itong nakita. Pero ibang kulay naman ngayon. Itim ang jeans at pula naman ang pang-itaas nito. Dahil dito ay tila tumingkad ang hitsura ng babae na nagpapahanga na naman sa kaniya.
Napansin niyang tiningnang maigi ni Leah ang kararating na dalagang may dalang isang nakarolyong papel.
Umupo si Rowan sa tapat niya sa parisukat na mesa pagkatapos nitong tumingin sa paligid. Halatang unang pagkakataon nitong makapunta roon at nagustuhan ang restoran.
Nasamyo niya ang bango ng dalaga sa kabila ng amoy ng pagkaing Korean sa kanilang paligid. Lumundag nang bigla ang puso niya, bagay na si Rowan lang ang nakagagawa.
Ngumiti siya sa babae at napabaling ulit kay Leah na nagbibigay ng menu sa dalaga.
“You can serve mine along with her order,” habilin niya sa waitress bago ito umalis.
“Opo, Mr. Ganadan,” matamis ang pagkangiti nito at sinulyapan nito ulit si Rowan na nakatingin na ngayon sa menu bago ito tuluyang umalis. Babalik lang ito ulit mayamaya upang kunin ang order ng dalaga.
“So, you’re known here,” hula ni Rowan nang maiwan na sila ng waitress. Nag-angat pa ito ng paningin sa kaniya.
Nagtama ang kanilang paningin. Agad niyang napansin ang kakaibang ekspresyon sa mga mata nito. Iba iyon kaysa noong una silang nagkita.
‘O mali lang ako dahil ang gusto ko lang ang nakikita ko ngayon?’ Bigla siyang nag-atubili sa kaniyang sarili.
“This is… actually my favorite Korean restaurant,” turan niya sa babae.
Mukhang na-impress naman ito. Napatingin itong muli sa menu na hawak.
Ilang sandali pa ay bumalik na si Leah upang kunin ang order ni Rowan. Pagkatapos niyon ay inilatag na ng dalagang landscaper ang sinasabi nitong sample ng timber edging ng mga punong-kahoy sa kaniyang lawn. Nakita pa niya ang mga kahoy na pumormang kahon sa paligid ng puno na may disenyo ang pagkakaayos.
“I was thinking it will really give a different look to your lawn if we apply timber edging sa mga punong-kahoy,” paliwanag ng dalaga. “Aside from that, puwedeng i-extend sa ibabaw para gawing upuan. Or… we can arrange some flowerpots on them. What do you think?”
Nakuha naman niya ang ibig sabihin nito. It was not a bad idea.
“But isn’t it time-consuming on your part?” naitanong niya rito.
Napangiti naman ito sa kaniya. “It doesn’t matter. I have already promised you that we’ll be finished before your deadline, so don’t worry about it.”
“Okay. You’re the landscaper. You can include the timber edging to your proposed plan. But when can I exactly see this complete plan of yours as well as the estimated costs?” diretsahang tanong niya.
Napangiti ito sa kaniya na ikinasikdo ng kaniyang puso. Gayunpaman ay natural pa rin ang kaniyang ekspresyon at kilos.
Inilabas ng babae ang ilang printed documents. Ipinakita nito sa kaniya ang estimated costs at detalyadong kakailanganin para sa project katulad ng mga paso, pavers, stepping stones, sods, bulaklak, shrubs, at kung anu-ano pa.
Pinasadahan niya iyon ng tingin. Umabot sa anim na digits ang presyo. Pero balewala iyon sa kaniya dahil hindi naman pera ang importante sa kaniya kundi ang isang bagong disenyo at konsepto para sa kaniyang lawn upang mabago naman ang landscape pagdating ng Pasko.
Noong buhay pa ang hardinero niya ay ito ang taga-ayos ng lahat at pinagaganda ang lawn niya tuwing Pasko. Too bad. His gardener passed away without a family of his own. Siya lang ang itinuring nito noong kapamilya. Sa edad na sesenta ay nagkasakit ito at pumanaw. Hindi niya maiwasang malungkot dahil sa nangyari. Subalit katulad ng ibang mga tao na buhay pa ay patuloy lang ang kaniyang buhay.
Napatingin siya ulit sa dalagang naghihintay sa kaniyang pagsang-ayon.
“Okay. I’ll give you the go signal for this price. Expect to receive the partial payment when I see your complete plan.”
“I’ll call you right away when I’m done, sir,” nakangiting pangako ng dalaga. And he could not tear his eyes away from her.
“I have something in mind that I need you to incorporate in your plan, though, Rowan. I can call you Rowan, can’t I?” aniya pa.
Agad naman itong tumango. “Yes, of course, sir,” nakangiting sagot nito.
“I want to have a specific garden accent to honor my late gardener. He had served me for quite a long time, and he passed away just last year.”
Lumungkot ang mukha ng babae. “Oh, I’m sorry for that. But sure, I can accommodate anything you want. Ano po ang naisip n’yong garden accent?”
“I was thinking of a portable pond or a water fountain. Which do you think is better?” tugon niya.
Tumango ang babae at halatang may iniisip tungkol sa request niya. “I’ll check which one goes better with my current plan, and I’ll let you know, sir. Okay lang ba na babalikan ko kayo nito?”
“Sure, it’s fine.” Tumango siya at ngumiti rito nang matipid.
“Napakaespesyal pala ng hardinero mo, sir. Pagagawan n’yo pa ng memorial sa lawn n’yo,” anang babae at napababa ito ng tingin sa mesa.
‘O sa kamay ko?’

Comentário do Livro (181)

  • avatar
    Mylene Mente Mallari

    ganda 🥰🥰

    10/04

      0
  • avatar
    MsPurple

    super kilig.....ang ganda

    25/12

      0
  • avatar
    Sonia Azucena

    thanks writer,,,,, it's nice story

    26/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes