logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4: Her Ex-Boyfriend

Akala ni Rowan ay isang may edad o matandang babae ang kaniyang makakausap na kliyente sa mansion na iyon. Ngunit hindi pala. Kundi ay isang lalaking nasa late thirties o early forties na nito. In fairness, he looked so immaculate in his maroon slacks and polo shirt. He looked so neat, smart, and above all, a businessman.
Para sa kaniya, papasa rin itong isang aktor kung titingnan niya nang maigi dahil sa napakaguwapo at napakakisig nito. Sobra. Halatang maalaga rin ito sa katawan dahil sa nakita niyang muscled biceps nito at flat na tiyan. Ini-imagine pa niyang may abs din ito. Hindi kasi malayong mangyari iyon.
Hindi niya napuna kung may singsing ito bilang indikasyon na may asawa na itong tao dahil nasa bulsa nito palagi ang isang kamay. Na-imagine niya tuloy ang isang magandang asawa sa tabi nito. At siguro may teenager na anak na ito.
Habang nagmamaneho ay bumabalik sa balintataw niya ang mestisong katangian nito. Mala-Kastila ang anyo ng lalaki. Matangos ang ilong, light brown ang mga mata, hindi masyadong kakapalan ang mga kilay, at ang mga labi nito ay halatang hindi naninigarilyo dahil medyo pinkish ang mga iyon. At kung titigan pa niya ang lalaki ay tila hindi ito palangiti pero kung nakangiti naman ito kahit matipid lang ay tumitingkad ang pagiging guwapo nito.
“T-teka lang. Bakit ba ako napapaisip sa kliyente kong iyon?” sita niya sa sarili nang malakas. Napasimangot pa siya na tiningnan ang sarili gamit ang rear view mirror. “Tumigil ka nga, Rowan. Baka may asawa pa ang iniilusyon mo. Kahiya ka! Isipin mo na lang na hindi na siya puwede katulad ni Riff!”
Nang dumating si Rowan sa opisina ay naghahanda na si Marion sa pagsara nito. Pumasok na siya at kinuha ang cell phone upang i-save ang number ni Mr. Ganadan.
“Mauna ka nang umuwi, Marion. I still have to stay to prepare the documents for our new client,” pagpaalam niya sa kaniyang assistant manager at kaibigan.
“Sigurado ka?” Medyo napakunot ang noo nito.
Nag-angat siya ng paningin nang mai-save na niya ang numero sa kaniyang phonebook. “Yes? Why not?” medyo nalilitong tanong pa niya sa kaibigan.
“Well… kasi kanina bago ka umalis ay parang gusto mong mag-hysteria. Pero ngayon, parang wala nang nangyari. Alam mo ‘yon? Gusto mo bang magpakabato dahil sa ginawa sa ‘yo ni Riff?”
Pinakawalan niya ang isang buntong-hininga. “Marion, if you keep on reminding me, I’ll not be okay!” inis niyang pakli rito. Binigyan niya pa ito ng isang matalim na tingin.
Itinaas nito ang dalawang kamay na animo’y sumuko. “Okay, okay. I’m just being concerned. Kasi dapat ay ilabas mo ang lahat ng sama ng loob mo para gumaan naman ang dibdib mo, ‘di ba?”
Kumibit naman ang dalaga. “Well, I have an outlet. At iyon ay ang trabaho ko. Ngayon. So, hindi ko na siya maiisip.” Ngumisi pa siya rito nang malamig.
Parang gustong mapahumindig ni Marion sa ginawa niya pero hinayaan na lang siya. “O, sige na nga! Hahayaan na kita.” Saka napatingin ito sa labas at nakita nila na naghihintay na roon si Tommy, ang boyfriend nito.
Nakita pa ni Rowan na lumiwanag ang mukha ng kaibigan nang makita ang nobyo. Nagmamadali na itong umalis nang makapagpaalam na sa kaniya. Siya naman ay napaikot ng kaniyang mga mata at saka isinara ang pinto pagkabaliktad niya ng sign ng “Sorry, We’re Closed” imbes na “We’re Open, Please Come In.”
Base sa kanilang initial na napag-usapan kanina ng kaniyang kliyente ay nag-research na siya ng magagandang bulaklak at ilang disenyo para mas ma-inspire pa siya kahit may naisip na siyang concept. Saka ginawa na niya ang ilang mga detalye sa Estimate Template ng kaniyang landscaping business. Kasama na roon ang estimated na presyo. Ipa-finalize na lang niya iyon kapag napasukat na niya nang tama ang napakalawak na lawn ni Mr. Ganadan at kapag natapos na ang buong project.
May specific siyang measurements bilang standard. Ang importante sa ngayon ay ang approval ng disenyo.
Parang kailan lang siya nag-start up ng kaniyang negosyo. Habang nag-aaral siya noon sa kolehiyo ay pinag-aralan niya sa mga libro at internet ang tungkol sa landscaping kaya marami rin siyang natutunan. Ginamit niyang kapital ang ilang portions ng nakuha niya sa insurance nang masawi ang mga magulang.
Natutuwa siyang may malaki siyang project ngayon at nang mawala sa isip niya ang panloloko sa kaniya ng kaniyang ex-boyfriend. Katulad ng dati ay desidido siyang ibigay ang lahat ng kaniyang makakaya sa proyektong ito upang mabigyan ng de kalidad na resulta ang kaniyang kliyente at matutuwa ito.
Dahil wala namang maghahanap sa kaniya sa bahay dahil kapwa namayapa na ang kaniyang mga magulang ay hindi niya alintana ang mga oras na tumakbo nang napakabilis. Hindi pa niya tapos ang plano at saka nagutom na siya. Alas onse na pala iyon ng gabi nang masulyapan niya ang wall clock na nakasabit sa dingding na nasa gawing kanan niya. Nagpasya na lang siyang umuwi pero dadaan muna siya sa isang fast food para kumain.
Nang makaupo siya sa isang sulok at kumakain ng kaniyang in-order ay napasulyap siya sa isang mag-asawa na masayang kumakain. Napatingin din siya sa kamay ng dalawa na may parehong singsing kaya hindi niya maiwasang huwag mapadili-dili siya sa sariling love life.
Isang buntong-hininga ang awtomatikong umalpas sa kaniyang bibig.
Naging boyfriend niya si Riff nang dalawang taon bago pa ito lalong sumikat ngayon. Nagkabanggaan lang sila sa isang mall noon at pormal na nagkakilala nang dahil sa manager nito. Iyon ang simula ng kanilang pagsasama bilang magkaibigan at magkasintahan pagkalipas lang ng dalawang buwan. At first, he was so sweet. Pero kalaunan ay naging busy ito sa trabaho at paminsan-minsan na lang silang nagkikita hanggang sa nalaman at nasaksihan na lang niyang niloloko pala siya nito.
Napapikit siya nang mariin ng kaniyang mga mata nang maalala ang reaksyon nito at ng babae nang maratnan niya ang mga ito sa condo ng lalaki na kapwa hubad at nakahiga sa kama nito. Nagulat ang mga ito nang makita siya roon.
“Kaya pala sabi mo ay wala kang oras para sa ‘kin,” sabi pa niyang nagtitimpi. Gustong-gusto na niyang kalmutin ang dalawa subalit kinontrol niya lang ang sarili. She would not stoop so low just because of those dirty douchebags.
Oo, nasaktan siya ngunit may pride din naman siya.
Napapilig siya ng ulo at napalunok nang pilit sa kinakain niyang burger steak. Bigla pa iyong bumara sa lalamunan niya kaya mabilis siyang uminom ng soft drink para maitulak iyon at malulon niya.
Napasapo siya sa kaniyang dibdib at huminga nang malalim. Pinukpok niya ito. Ang sakit ng nadarama niya dahil sa panloloko ng lalaking pinagkakatiwalaan niya pagkatapos ng kaniyang masamang nakaraan sa kaniyang sariling ama at dating ex. Ang akala pa naman niya noon ay si Riff na ang tunay na magmamahal sa kaniya.
‘Pero pare-pareho lang pala ang mga lalaki!’
Oo, aminado siyang kulang siya sa pagmamahal ng isang ama dahil sa palagi itong nambabae noon. Pero tino-tolerate lang ito ng kaniyang ina noon dahil mahal na mahal nito ang kaniyang Tatay Mel at kasal daw ang mga ito kaya hindi puwedeng maghiwalay. Pinanindigan talaga ng kaniyang Nanay Ria ang ipinangako nito sa harap ng altar ng Diyos ang “’Til death do us part.” Kaya hanggang sa namatay ang mga ito sa aksidente ay noon na nagkahiwalay ang mga ito.
‘Siguro naman ay hindi mo na pagtitiisan si Tatay sa kabilang mundo, ‘Nay.’
Siya kaya? Magkakaroon kaya siya ng masayang love life pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Riff?
Bigla namang lumitaw sa kaniyang isipan ang isang mestisong mukha. Bahagya pa siyang napasimangot at nalito. Sino ba iyon at bakit hindi niya makakalimutan? Parang sa tuwing naiisip niya ang kaniyang cheat na boyfriend ay sumisiksik naman sa kaniyang isipan ang lalaking iyon. Isa lang itong kliyente niya. Besides, he was way out of her league. That was for sure.
Ipinilig na lang niya ang kaniyang ulo. Dapat kasi ay hindi niya paglalaanan iyon ng panahon para isipin.
Binilisan na lang niya ang pagkain. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa kaniyang kama nang dumating sa tahimik niyang bahay na isang bungalow. Wala man lang siyang alagang aso o pusa dahil baka magutom lang at hindi niya alam kung anong oras siya uuwi kada araw dahil depende rin sa kaniyang pagiging busy sa trabaho.
Gayunpaman ay bakit parang mas nagiging malumbay siya ngayon? Bakit mas nararamdaman niya ang pag-iisa?
Bigla na lang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata nang hindi niya mawari.
‘This is absurd. I’m just wallowing in self-pity nang dahil sa ginawa ni Riff sa ‘kin.’
Umingos siya at pinahid ang luha.
‘Hindi. Hindi ako magpapakalunod sa lungkot nang dahil sa kaniya. I can move on fast! Kahit noong isang buwan lang kami nagkahiwalay ni Riff ay makakalimutan ko rin siya agad. Magiging busy ako sa trabaho. Huh! Pasasaan ba at mawawala rin ang nararamdaman kong ‘to ngayon?’ pakunsuwelo niya sa sarili.

Comentário do Livro (181)

  • avatar
    Mylene Mente Mallari

    ganda 🥰🥰

    10/04

      0
  • avatar
    MsPurple

    super kilig.....ang ganda

    25/12

      0
  • avatar
    Sonia Azucena

    thanks writer,,,,, it's nice story

    26/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes