logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3: Deep Impression

Bahagyang nakita ni Lucian ang tila nag-waver na paningin ni Rowan. Siguro ay dahil sa pag-a-assess nito sa gagawing trabaho sa kaniyang malawak na lawn.
Naglakad ito nang kaunti. Sumunod pa siya rito habang naiwan si Rhenn na nakatayo sa kinaroroonan nito. Nang umihip ang hangin ay nasamyo niya ang kaaya-ayang pabango ng babae na animo’y banayad na pinaghalong rosas at cinnamon. Naisip niyang hindi iyon sobrang matapang at hindi nakakairita sa ilong. Hindi katulad ng ibang mga sopistikadang babaeng kalimitang nakakasalamuha niya. Malayo pa lang ay amoy na amoy na niya at kalaunan ay nakakasakit sa ilong o kaya sa ulo.
“Yes, that’s like… what? Two months and a half away from now?” he supplemented when she had not spoken a word for a while.
Nasaksihan niyang napabuntong-hininga ito at humarap sa kaniya nang may professional na ngiti.
“All right, Mr. Ganadan. I’ll prepare all the necessary papers that you need to sign and the blueprint for the design that I have in mind. I’ll send you the sample pictures for you to see how they’d look like, as well as the rough sketches, which will be ready in a few days for your approval. A week at most, that is. And… I promise that you’ll have a brand new, organic lawn before Christmas!”
Nakangiti pa rin sa kaniya ang dalaga. Tila nakaramdam siya ng pag-jumpstart ng kaniyang puso at pumintig iyon nang malakas at sobrang napakabilis. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman dahil sa pagngiti nito sa kaniya. He was not new to women throwing sexy smiles at him. Pero iba ito. It was kind of an innocent smile, but it brought something unusual to his heart, which was odd. He still had to analyze it.
“That’s… great!” naisagot niya rito nang marahan at may matipid na ngiti.
“So, I would need your personal number, if you don’t mind. Baka may mga katanungan po ako sa inyo habang ginagawa ang plano. You know, some details I might want to thrown in. That sort of stuff.”
Nakatitig pa rin siya sa babae. Halos hindi narinig ang sinabi nito habang nabato-balani siya.
“Sir?” untag nito sa kaniya na tila napangiti na ngayon nang alanganin.
Napakurap-kurap siya. “Oh! Oh. I thought you’d key in my number into your phonebook.”
Medyo kumibit itong napatawa. “You can just tell me your number. I can memorize it easily,” pahayag ng babae.
Napangiti na lang siyang medyo napakamot ng kaniyang batok at kinuha ang kaniyang cell phone. Dahil sa parati siyang naka-rely sa kaniyang personal assistant ay hindi niya memoryado ang kaniyang sariling cell phone number. Kaya tsinek pa niya iyon sa kaniyang phonebook bago ibinigay sa dalaga.
“Okay. Thank you, sir.” Inulit pa nito ang numerong sinabi niya.
Napahanga siya sa talas ng memorya ng babae ngayon pa lang. Somehow, his impression on her was engraved deep into his soul. Yeah, for some reason.
‘This is… unnatural,’ sa isip niya.
Sinabi sa kaniya ng babae ang initial plan nito habang tila tumagos ang mga salita nito sa kabilang tainga niya habang halos nabato-balani siya sa babae. Tumango-tango lang siya kapag kailangan. Nakita pa niyang tila sumaya nang kaunti ang mga mata nitong nakikinitaan niyang may lungkot noong dumating ito.
‘Pero bakit kaya siya malungkot?’ Napadili-dili pa siya. Nasanay na kasi siyang mag-assess sa mga taong kahalubilo niya at hindi niya ito nakaligtaan. Not that he was really an expert on this, but he could not help but notice.
“All right, Mr. Ganadan. I’ll call you when the papers are ready.”
Nakipag-shake hands na naman ang dalaga sa kaniya at ngumiti lang siya rito nang matipid. Nagpaalam na ito sa kaniya at sa kaniyang assistant bago ito lumulan sa mini-van na dala. Binuksan naman kaagad ng kaniyang guwardiya ang gate gamit ang remote control at isinara iyon nang makalabas na ang sasakyan nito.
“Are you all right, sir?” nag-aalalang tanong ni Rhenn sa kaniya, tinantiya siya. “Kailangan ko po bang tumawag ng ibang landscaper?”
Nang hindi na niya makita ang sasakyan ng dalaga ay napatingin siya sa kaniyang assistant. Tinapik pa niya ito sa balikat nang nakangiti.
“No. You don’t have to. I think you picked the best one in town,” sabi niya rito.
“Thank you, sir. Sasamahan ko na po ba kayo sa family dinner n’yo?” anang Rhenn na halatang nabunutan ng tinik. Baka kasi akala nito ay may nagawa itong mali sa trabaho. His PA had nothing else in mind but to do his job smoothly, without a hitch. Kaya naman ay matagal na itong nagtatrabaho para sa kaniya. Gusto niya ang dedikasyon nito.
Mabilis siyang umiling bilang sagot sa tanong nito. “No. I want you to work on something else.”
Pagkasabi niya sa assistant ay nagtungo na siya sa kaniyang kuwarto upang maligo at makapagbihis. Umalis din ang PA niya upang gawin ang inihabilin inya.
Inutusan niya ang isang kasambahay na ilagay sa kaniyang mamahaling kotse ang mga pasalubong na binili niya para sa kaniyang pamilya.
Habang nasa shower siya ay hindi matanggal sa kaniyang isip ang magandang landscaper. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi ito mawaglit sa kaniyang utak. Hindi kasi ito katulad ng ibang mga babae na madalas niyang nakakasalamuha. Isa pa, napakabata rin nito kung iisipin niya ang kaniyang edad.
‘No, this is not right, is it? I’m not attracted to her, if this is the reason why I’m thinking about her. I don’t even know her. Ngayon ko lang siya nakilala, kaya bakit hindi siya maalis-alis sa isipan ko?’
Kulang isang oras ang lumipas, masaya siyang sinalubong ng kapamilya niya sa salas nang dumating siya sa kinatitirhan ng pamangkin. Niyakap at hinalikan pa niya sa pisngi ang batang si Lance na kumapit sa leeg niya at hinalikan siya nang ilang beses sa pisngi para magpasalamat sa pasalubong nito.
Napatawa sa kanila ang lolo at mga magulang nito.
“He really loves you, Uncle Lucian,” pahayag ni Raya sa kaniya nang may saya sa mga matang nakatunghay sa kaniya at sa anak nito.
“And I love this little guy, too,” wika niyang nakangiti sa bata at hinalikan ito sa pisngi.
Napahagikhik ang bata sa ginawa niya at humigpit ang yakap nito sa kaniyang leeg habang karga niya.
“Let’s eat before Raya has to heat up the food again.” Inaya na sila ni Lucas, ang kapatid niya, sa hapag-kainan.

Comentário do Livro (181)

  • avatar
    Mylene Mente Mallari

    ganda 🥰🥰

    10/04

      0
  • avatar
    MsPurple

    super kilig.....ang ganda

    25/12

      0
  • avatar
    Sonia Azucena

    thanks writer,,,,, it's nice story

    26/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes