“Uncle Lucian, we’ll be waiting for you at dinner, okay?” Narinig ng kuwarenta y singko anyos na si Lucian Ganadan ang boses ng kaniyang nag-resign na pamangking si Baron Lee mula sa pagiging Marine nito. Naunahan pa siya ng pamangkin kung pag-aasawa ang pag-uusapan. At may anak na rin ito sa asawang si Raya na tinawag ng mga itong Lance. Isang taon na ito. Kahit paano ay tila umahon sa kaniyang dibdib ang pagkainggit sa pamangkin dahil masaya ito sa pamilya nito. Sadya nga namang nagmamahalan ang mag-asawa. Sinuwerte ang playboy niyang pamangkin at mabait at mapagmahal si Raya. “All right! Pupunta na nga ako. And I already missed Lance. I haven’t been able to drop by since I got back from my business trip to Japan two days ago. Kaya pupunta ako riyan mamayang dinner. May pasalubong nga pala ako para sa inyo ng Papa Lucas mo. So, hindi talaga ako mawawala mamaya sa dinner natin.” “Why aren’t you on your way here now?” usisa pa ng pamangkin sa kabilang linya. “May hinihintay pa akong bisita.” Napatingin siya sa kaniyang lawn na bahagyang nakasimangot. Napasulyap din siya sa kaniyang gintong orasang pambisig. “Darating na ‘yon mayamaya.” “Oh, okay. Pero sinong bisita, if I may ask?” tanong ni Lee. Halatang curious ito. “No one special, if you wanna probe,” natatawang aniya. “Right. At your age, Uncle, I don’t know if you’re still interested in women. Haven’t you thought about marriage at all?” “Beat it, Lee. I don’t wanna talk about it.” For him, it was sort of a sore spot. Well, at times, whenever he was reminded that he was all alone. “Fine. So, we’ll see you at dinner then,” paalam na lang ng pamangkin at napatingin pa siya sa kaniyang cell phone bago iyon ipinasok sa bulsa ng kaniyang suot na slacks. Lumapit sa kaniya ang kaniyang personal assistant na si Rhenn na may salamin sa mga mata. “Sir, nag-confirm po ang taga-Organic Gardens na darating ang kakausap sa inyo in half an hour.” “Okay.” Napabuntong-hininga siya. Nabato na kasi siya sa katitingin sa kaniyang lawn at hindi na ito naasikaso pa dahil sa pagkamatay ng kaniyang hardinero. Bago pa niya gawin ang mag-hire ng panibago ay gusto niyang mabago rin ang disenyo ng kaniyang lawn. Gusto niyang ipa-overhaul ito kumbaga. At gusto niyang ma-impress ang kaniyang mga bisita sa bago niyang lawn kapag gaganapin doon ang annual Christmas Party sa bahay. Ayaw man niyang aminin ay halos kada dalawang buwan ay nagbabago ang disenyo ng lawn ng kaniyang kapatid dahil sa daughter-in-law nitong si Raya na nangangasiwa sa lahat sa mansion simula nang magbuntis ito kay Lance at hindi na ito pinagpapatrabaho ni Lee. Takot lang ng pamangkin niya na may mangyayaring masama sa iniibig nitong babae. “Sir Lucian, I think that’s the one from Organic Gardens.” Bahagya pang ininguso ni Rhenn ang paparating na sasakyan mula sa nakabukas na ngayong gate. Inihabilin na kasi nito iyon sa guwardiya na may hawak ng remote control ng gate. Isang minuto pa ang lumipas ay ipinarada na ng nagmaneho ang mini-van na dala sa isang tabi. Medyo nagulat pa siya nang makitang isang magandang babae ang iniluwa ng sasakyan. Hindi niya kasi inakalang isang babae ang kaniyang makakausap sa mga sandaling ito. Na-imagine na niya ang isang lalaking brusko, siguro medyo may edad na rin dahil sa linya ng trabaho. Pero nagkamali siya. Isang may kaputiang babae ang papalapit sa kaniya. May mahaba itong itim na buhok. Tuwid iyon at makintab. Balingkinitan ang katawan nito at suot ang isang simpleng stretchable jeans at naka-tuck in na light blue and white striped long-sleeved blouse. Naka-heels din ito. Pero mukhang sanay na sanay ito sa suot at halatang may kompiyansa sa sarili na naglalakad palapit sa kanila ni Rhenn. Nakita pa niya ang magandang kurba ng mga labi nito nang ngumiti ito sa kanila… sa kaniya. At parang nahipnotismo siya sa maganda nitong mukha. May matangos itong ilong, medyo deep-set eyes, mahaba at malalantik na pilik-mata na ginamitan ng itim na mascara, at maganda ang pagkaporma ng mga kilay nito. Manipis lang ang makeup nito na bumagay rito. Inilahad nito ang kamay nang huminto ito sa paglalakad, nang dumating sa harap niya. “Hello. I’m Rowan Dalida, Organic Gardens. I’m here to talk about… your lawn!” Ikinumpas pa nito ang isang kamay habang hawak niya ang isa nitong kamay para mag-shake hands sila. Pansin niyang hindi malambot ang kamay nito. Halatang sanay sa trabaho ang babae. Hindi siya masyadong sanay na humawak sa ganoong klase ng kamay ng isang babae. Isa siyang businessman at parating may malalambot na kamay ang kaniyang nahahawakan sa tuwing nakipag-shake hands siya sa mga iyon. Iba ang pakiramdam niya nang mahawakan ang kamay nito. Tila may sinasabi rin ang kamay nito na isa itong babaeng may malakas na personalidad. Halos hindi mapuknat ang paningin niya sa kakilala lang na babae. Pagkatapos makipagkamay sa kaniya ay nakipag-shake hands din ito sa lalaking personal assistant niya. Ngumiti siya sa babae nang matipid. “Yes, of course! I’m the owner of this… lawn, Miss Dalida. I’m Lucian Ganadan, pleased to meet you. And as my assistant Rhenn may have informed your office, I would need a complete change of the landscape before Christmas.” Napabaling ito sa kaniya nang tingin. Nakatitig sa kaniya ang babae. Nang matagal. Animo’y minimemorya nito ang bawat katangian ng kaniyang mukha saka ngumiti ito sa kaniya nang matamis. Kita pa niya ang pantay nitong ngipin na mapuputi. “Before Christmas?” anito saka napatingin sa napakalawak na lawn.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
ganda 🥰🥰
10/04
0super kilig.....ang ganda
25/12
0thanks writer,,,,, it's nice story
26/07
0Ver Todos