logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER SIX

DAHIL sanay si Rana na magising ng maaga dahil 'yun na din anh body clock niya, ay maaga siyang nagising upang umpisahan ang pagme-memorize niya sa bawat sulok ng bahay nina Beelzebub upang hindi siya mahirapan. Ganun ang ginawa niya sa bahay ng tiya niya kaya kahit bulag siya ay nakakagawa siya sa bahay ng mga ito.
Akmang ibaba ni Rana ang mga paa niya ay bahagyang kumunot ang noo niya nang mapagtanto niyang hindi na siya sa sofa nakahiga. Kinapa-kapa ni Rana ang hinigaan niya na ikinapagtaka niya kung bakit nasa kama na siya at wala sa sofa na sa pagkakatanda niya ay doon siya natulog.
"Anong ginagawa ko dito? Kaninong kama 'to?" naguguluhang tanong ni Rana na dahan-dahan na niyang ikinaalis sa kama.
Hinanap ni Rana ang pader upang maging suporta niya, ng makapa niya na ito ay pader ang ginamit niya para mahanap ang pintuan, na agad din namang nahanap ng kamay ni Rana.
Nang mabuksan niya na ang pintuan ay pakapa-kapa siyang lumabas, nag-ingat siya sa paghakbang niya dahil ayaw niya ding maging pabigat kina Beelzebub.
Nahihirapan man si Rana sa bago niyang kinagagalawan ay kailangan niyang sanayin ang kaniyang sarili.
"Marunong ka palang gumising ng maaga."
Natigilan si Rana sa pamilyar na boses na narinig niya na kusang ikinangiti ng mga labi niya.
"Ikaw ba 'yan Beel?" tanong ni Rana na bagama't wala siyang nakikita ay malakas naman ang ibang pandama niya.
Rinig niya ang yabag ni Beelzebub na papalapit sa kaniya, at ng maramdaman niyang nasa harapan niya ito at ngumiti siya dito.
"Ang lakas talaga ng loob mo tao, kalapastanganan ang ginagawa mong pagtawag sa akin sa hindi ko pangalan." madiin na sita ni Beelzebub sa kaniya.
"Ha? Pangalan mo din naman ang itinawag ko sayo, kinuha ko lang ang Beel sa kabuuan ng pangalan mo kasi mahabang bigkasin." paliwanag ni Rana kay Beelzebub.
"Ayoko ng tinatawag ako sa ibang pangalan, Beelzebub ang pangalan ko kaya 'yun ang itataw---sandali nga lang tao, sinong nagbigay sayo ng karapatan na tawagin mo ko sa pangalan ko. Prinsipe ako ng mga demon realm kaya matuto kang gumalang." sitang singhal ni Beelzebub kay Rana.
"B-bakit? Kailangan ba kung tatawagin kita sa ibang pangalan kailangan ko munang magkaroon ng karapatan?"
"Kakasabi ko lang tao diba? Mahina ba pandinig mo?"sita ni Beelzebub na bahagyang ikinaatahimik ni Rana na siya namang ikinasalubong ng kilay ni Beelzebub habang nakatitig kay Rana.
"Siguro naman naiin---"
"Pero wala ka sa mundo niyo, narito ka sa mundo namin kaya tatawagin kita sa pangalang madadalian ako. Isa pa, sabi mo prinsipe ka ng mundo niyo pero tao ka ngayon dito sa mundo ko kaya pantay lang tayo."putol na sagot ni Rana kay Beelzebub.
"Ganiyan ba katigas ang mga ul---"
"Sasauluhin ko lang ang bawat sulok ng bahay niyo bago ako magsimulang maglinis."putol muli ni Rana sa sasabihin ni Beelzebub na ikinasama nito ng tingin sa kaniya.
"Gusto mo bang sunug---"
Hindi natapos ni Beelzebub ang sasabihin niya ng bigla na siyang iwan ni Rana na nangangapang humahawak sa pader na ikinasunod ng tingin niya dito.
Dahil sa inis ay naglabas ng itim na apoy si Beelzebub at akmang itatapon kay Rana ng pigilan niya ang kaniyang sarili at mapamura nalang sa inis dahil sa ginagawa ni Rana sa kaniya. Lahat ng mga demon sa demon realm takot sa kanilang magkakapatid, walang gustong kabanggain sila dahil kamatayan ang kahahantungan ng maglalakas ng loob. Pero tanging si Rana na isang tao pa ang may lakas ng loob na sagut-sagutin siya na parang magka-uri sila.
"Palalagpasin ko ang kahangalan mo tao, pero sa susunod na mabwisit ako sayo susunugin na talaga kita hanggang maging abo ka at dadalhin ko ang kaluluwa mo sa demon realm at ipapakain ko sa mga demonyo na naroroon."gigil na saad ni Beelzebub na ikinawalan na ng itim niyang apoy sa kamay nito at naglakad na papunta sa sofa at umupo doon at nag pinagkrus niya ang kaniyang mga binti.
"Dapat isinama ako nina Endemion sa paghahanap sa Ahriman na 'yun, bakit kailangan kong maiwan sa bahay na 'to kasama ang nakaka bwisit na tao na 'to."angal na reklamo ni Beelzebub.
*FLASHBACK*
"Ano?! Bakit hindi ako kasama sa paghahanap na gagawin niyo kay Ahriman?!"bulyaw ni Beelzebub kay Endemion na nag-aayos na para sa paghahanap nila kasama si Belial.
"Manatili ka muna dito kamahalan, habang mainit ang ulo mo baka may hindi ka makapagpigil ibinaling mo sa ibang tao ang inis mo ngayon. Kami nalang muna ni Belial ang maghahanap ngayong araw na 'to."ani na paliwanag ni Endemion na naiinis na ikinatawa ni Beelzebub.
"Kayo ni Belial? Hindi ako sigurado kung makakapaghanap kayo ni Belial ng kayong dalawa."
"Napag-usapan na namin ito ni Belial kahit nagkaroon kami ng bahagyang pagtatalo, pero dahil pangalan mo ang nakataya sa hari, wala siyang magagawa kundi ang makipagtulungan sa akin."pahayag ni Endemion na ikinasimangot ng mukha ni Beelzebub.
"Iiwan mo ako sa bahay na ito kasama ang taong 'yun?"inis na angal ni Beelzebub na ikinalingon ni Endemion sa kwarto ni Beelzebub na bahagya nitong ikinangiti.
"Mukhang magiging okay lang naman kayong dalawa dito, huwag mo siyang masyadong sungitan, Beelzebub."bilin ni Endemion na naiinis na ikinabagsak paupo ni Beelzebub sa sofa.
"Demonyo ako, natural lang 'yun sa akin."
"at pinatulog mo siya sa kwarto mo at ikaw ang natulog sa sofa, hindi natural sa'yo 'yun."saad ni Endemion na ikinaingos nalang ni Beelzebub na ikinapaalam na ni Endemion para simulan ang paghahanap nila kay Ahriman kasama si Belial.
*END OF FLASHBACK*
"Mas gusto ko sa sofa na 'to kaysa sa kama sa kwartong 'yun, hindi ko ginawa 'yun dahil naawa ako sa taong 'yun. Wala akong awa sa mga katulad----" hindi natuloy ni Beelzebub ang sasabihin niya ng makita niya si Rana na nagsisimula ng magwalis ng sala habang ginagawa nitong pang-alalay ang dustpan na nakapa din nito ng puntahan nito ang kusina.
"Siguraduhin mong mawawalis mo lahat ng alikabok sa sahig, tao, ganiyan ang ginawa ni Endemion sa akin. Tss! Hindi ko parin makakalimutan na pinaglinis niya ang prinsipe niya."ani ni Beelzebub ng makita niyang natalapid si Rana na ikinabagsak nito sa sahig.
"M-masakit…"ani na daing ni Rana na napahawak pa sa noo nito ng tumama ang hawakan ng dustpan sa noo nito.
"Lampa."kumento ni Beelzebub na pinanuod lang si Rana ng mapansin nitong nagkasugat ang noo nito nabahagyang dumugo na naiinis na ikinatayo niya at ikinalapit kay Ranaat kinuha ang tambo at dustpan dito.
"T-teka…"
"Alam mo nakakabwisit kang panuorin, magpunas ka nalang ng mga tukador tao. Aish! Bakit nga ba ikaw ang kinuha kong pwedeng tagapaglinis ng bahay na 'to eh wala ka namang silbi."saad ni Beelzebub na bahagyang ikinalungkot ni Rana sa sinabi niya.
"Pasensya niya, naninibago kasi ako sa bahay niyo. P-pero pag nasanay na ako makakaya ko ng maglinis kahit wala akong paningin."saad ni Rana na dahan-dahan ng tumayo sa pagkakasalampak nito sa sahig ng matigilan siya ng hawakan ni Beelzebub ang noo niya ng ilang segundo.
"Magpunas ka nalang ng mga takudor, Tangna, ako nalang ang magwawalis."sita ni Beelzebub bago nito inalis ang kamay nitong nasa noo ni Rana bago naiinis na nagsimula ng magwalis sa sahig habang naririnig ni Rana itong nagrereklamo.
"Pagtatawanan ako ng mga demonyo pag nalaman nilang ang prinsipe nila ay nagwawalis sa mundo ng mga bwisit na tao."
"Sala---"
"Huwag mo ng ituloy 'yang sasabihin mo kung ayaw mong sunugin kita."putol na sita ni Beelzebub sa kaniya.
"Pwede mo akong tawagin sa pangalan ko, Rana ang pangalan ko at hindi tao."saad ni Rana na poker face na ikinalingon ni Beelzebub sa kaniya.
"Wala akong pakielam sa pangalan mo, at hindi kita tatawagin sa pangalan mo tao. Magpunas ka na nga ng may maitulong ka."Singhal na reklamo ni Beelzebub na ikinakapa na ni Rana sa pader para bumalik sa kusina para kumuha ng basahan nang mabunggo ito sa mataas na tukador na sumapo sa mukha niya na akmang malalaglagan siya ng isang vase na nasa tutok ng tukador ng maramdaman niyang may nakatayo sa may likuran niya.
"Beel?"
"Alam mo imbis na mapakinabangan kita, nagiging panira ka pa."Singhal ni Beelzebub na tinapon nito mula sa bintana ang vase na muntik ng lumaglag sa ulunan ni Rana bago niya ito mabilis na dinala sa sofa at iniupo doon.
"Kukuha ako ng basah---"
"Maupo ka dyan, huwag kang kikilos diyan tao naiintindihan mo? Tsaka pwede ba, bilisan mong sanayin na masaulo ang kabuuan ng bahay na 'to, kinuha kita para maglinis dito hindi para maging pabigat."putol na saad ni Beelzebub sa kaniya.
"P-pero prinsipe ka, hindi ka dapat naglili---"
"Mabuti naman na-absorb na ng utak mong tao na prinsipe ako at hindi dapat ginaganito. Maupo ka diyan, at huwag kang tatayo ng hindi ka maging sagabal sa paglilinis ko."Singhal ni Beelzebub na binalikan ang walis tambo at dustpan na iniwan niya, na nilingon muna ang tukador na nabangga ni Rana.
"Bakit ba may ganiyang mga basura na harang lang sa galaw ng tao, tss1"saad ni Beelzebub na ikinataas niya ng kaniyang kanang kamay dahilan upang lumutang ang tukador at tulad ng ginawa niya sa vase, pinalipad niya iyon palabas ng bintana na bahagyang ikinagitla ni Rana ng makarinig siya ng lagabog mula sa labas.
"A-ano 'yun?"
"May tinapon akong basura, Huwag kang kikilos diyan sa kinauupuan mo, naiintindihan mo tao?"Singhal na sermon niya dito na walang nagawa si Rana kundi ang tumango sa kaniya na wala ng nagawa si Beelzebub kundi muling maglinis ng kabuuan ng bahay nila nina Endemion.

Comentário do Livro (203)

  • avatar
    Edgar Llamido

    good good

    12d

      0
  • avatar
    Floramay Salvo Becaoco

    nice story

    12d

      0
  • avatar
    BercesJizzel

    I love it. Naturally imagination

    17d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes