logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata-6

Scotty Pov.
Ang sumunod naming pinuntahan ay si Aryan ang sabi ni Ginoo'ng Sebastian tumutulong siya sa kanyang mga magulang sa pagtatrabaho sa bukid. Dinala ako ni Jose kung sa isang malawak na palayan maraming mga tao ang nagggapas ng mga palay.
Aryan nandiyan kaba?" Sigaw ni Jose kaya napalingon ang mga tao sa pwesto namin.
May isang batang babae na naglakad papunta sa pwesto namin. Tingin ko siya ang hinahanap ko tinanggal niya ang tela na nakatakip sa kanyang mukha bago tumingin sa akin.
" Aryan ang Ginoo na nasa tabi ko ang magiging bagong guro natin" pakilala ni Jose sa akin.
" Ikinagagalak kong makilala ka Aryan ako nga pala si Diego"
" Magandang araw Ginoo mayroon po ba kayong pakay sa akin?"
" Gusto ko sanang ayain ka bukas sa kubo para makinig sa mga ituturo ko"
" Pasensiya na Ginoo gustuhin ko mang mag aral pero kailangan kong tulungan ang mga magulang ko sa pagtatrabaho" nakatungo siyang sabi.
" Arya anong ginagawa mo diyan" tawag ng babae sa kanya kaya lumingon si Aryan sa kanila.
" Ama, Ina pasensiya na po may kinakausap lang ako"
" Ikaw ba si Diego?" tanong ng lalaki ng makalapit sila sa amin.
" Opo Ginoo'ng? "
" Ako pala si Ginoo'ng Ronaldo Ama ni Aryan" inilahad niya ang kanyang kamay kaya tinanggap ko.
" Hayaan niyo pong ipakilala ko ang aking sarili. Ako po si Diego ang bagong guro ng mga bata gusto ko sana kayong makausap tungkol sa pag aaral ni Aryan"pakiusap ko napatingin siya sa babaeng nasa tabi niya bago binaling ulit ang tingin sa akin.
" Maaari bang mamaya na tatapusin lang namin ang trabaho sa bukid pumunta ka ng bahay mamaya bago maghapunan para makapag-usap tayo ng mabuti " tumango lang ako bago kami umalis ni Jose isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad.
Nahihirapan akong maghanap ng paraan para matulungan sila. Kung mayroon lang sana akong dalang pera galing sa kasalukuyan mas magiging madali ang lahat.
" Ginoo mukhang nahihirapan kana" sabi ni Jose ng tumigil ako sa paglalakad at napaupo sa lupa.
" Jose pwede bang magpahinga muna tayo" sabi ko sa kanya naghanap ako ng makapal na damuhan para doon humiga.
" Ginoo sa tingin ko mas maging mahirap ang huling pupuntahan natin" sabi niya bago umupo sa tabi ko
" Bakit anong mayroon sa huling mag aaral?" ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng kaba at kapag nangyari yun hindi maganda ang kalalabasan ng lahat.
Huwag naman sana napapikit ako ng mga mata sabay hilot sa sintido.
" Ano bang mayroon sa huling pupuntahan natin?" pag-uulit ko ng tanong.
" Galing siya sa mayamang pamilya dito sa bayan namin. Pero mukhang hindi kayo magkakaunawaan gumagamit siya ng ibang dayalekto" paliwanag ni Jose bumangon ako sa pagkakahiga bago tumayo.
" Halika para mapuntahan natin" nagsimula kami ulit naglakad papunta sa isang malaking bahay. Medyo malayo yun sa kubo na nagsisilbing paaralan ng bayan.
Ganito pala ang bahay ng mga mayayaman sa panahon na ito? Gawa yun sa kahoy pero hamak na may malaki at magara ang desenyo kumpara sa isang ordinaryong kubo. Sinalubong kami ng isang lalaki ang nagsisilbing tagabantay ng bahay. Pinapasok kami sa loob para makausap si Kim ang huling mag aaral na kailangan kong turuan.
Naghintay kami ng ilang minuto bago lumabas ang batang lalaki. Unang tingin palang alam ko na kung bakit ako kinabahan pero ngayon malaki ang posibilidad na maganda ang kalalabasan nito. Umupo siya sa harap namin bago ako tinitigan mula ulo hangang paa.
" Who are you?" maangas niyang tanong habang nakabigkis ang dalawa niyang kamay. Hindi ako nagulat na marunong siyang magsalita ng wikang Ingles pakiwari ko galing siya sa ibang bansa at kalilipat lang dito.
" I am happy to see you Kim. I am Deigo you're teacher" ang maangas niyang mukha ay napalitan ng tuwa. Lumapit siya sa akin bago tumalon talon.
" Yes finally I can found someone to talk too"
" Ginoo ang galing niyo kaya niyong unawain ang salitang sinasabi niya" sabi ni Jose bago sumabay kay Kim sa pagtalon talon.
Isang babae ang lumapit sa amin may dala siyang pagkain na nakalagay sa plato.
" Ginoo kumain muna kayo" alok niya bago nilagay sa lamesa ang pagkain.
Binaling niya ang tingin kay Kim na masayang tumalon talon bago napangiti.
" Alam mo Ginoo ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya gusto kong magpasalamat sayo" hinawakan niya ang kamay ko bago ngumiti.
" Wala po yun Ginang------??"
" Tawagin mo ako sa pangalang Ginang Merlenda. Kaiisa isang apo ko si Kim nasa ibang bansa ang mga magulang niya para asikasuhin ang negosiyo nila. Tapos iniwan siya sa akin alam mo sa loob ng ilang buwan sobrang napakalungkot niya dahil tanging ako lang ang kayang umunawa sa mga salitang sinasabi niya. Ang iba dito sa bahay hindi sanay sa salitang Ingles" paliwanag niya na mayroong mga luha na lumalabas sa mga mata.
Naalala ko ang aking sarili kay Kim tingin ko may pagkakatulad kami sa ilang mga bagay.
" Ginang gusto ko sana kayong kausapin tungkol sa pag aaral ni Kim alam kung mayroong pera ang mga magulang niya at kaya niyong kumuha ng taong magtuturo sa kanya"
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Mukhang may ibang bagay ang bumabagabag sa kanya sigurado ako na tungkol yun kay Kim.
" Yun nga ang problema ko Ginoo kumuha ang mga magulang niya ng personal na guro pero lahat yun hindi nagtagal dahil pinagtatabuyan niya" lihim akong napangiti tanging isang brat lang din ang kayang umunawa sa kanya.
" Ginang huwag kayong mag alala simula ngayon ako na ang bahala sa kanya. Makakaasa kayo na matutunan niya lahat ng alam ko" tumango tango lang siya bago tumingin kay Kim.
Pagkatapos naming mag usap ng lola niya kinausap ko siya para kumbinsihin na pumunta sa paaralan bukas.
" Kim you want me to be your teacher?" tanong ko habang nakaupo sa harap niya.
" Ofcouse because you're smart and handsome" ginulo gulo ko ang buhok niya bago tumayo.
" Then you need to come with your grandmother tomorrow on my house school"
" Alright I will be there"
Nagpaalam kami ni Jose na umalis sa bahay pagkatapos silang makausap. Medyo nakahinga ako ng kunti matapos gawin ang unang hakbang ang kulang nalang ay isang mainam na ideya sa ibang problema ng mga mag aaral.
Hayysttt sobrang hirap naman nito naisip ko tuloy bigla ang buhay ko sa hinaharap. Sa ganitong oras nasa veranda lang ako habang nilalasap ang masarap na alak at walang ibang iniisip kung di paano magsayang ng pera.
" Ginoo mayroon pa bo tayong pupuntahan baka kasi hinahanap na ako sa bahay? " Umiling ilang lang ako pagkadating namin sa kubo pinauwi ko na rin siya.
" Jose maraming salamat sa tulong mo"
" Ikinararangal kong tulungan ka sa abot ng aking makakaya. Bukas ulit Ginoo" kumaway siya bago umalis halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
I felt mixed emotion, I am happy, sad, and little frustrating pero gayunpaman sa tingin ko tama ang ginagawa ko. No one will complain like what my parents always do.
" Mukhang masaya ka ngayon" napalingon ako ng may nagsalita sa likuran ko.
" White bakit nandito ka?" pambihira para siyang si Jhon na sumusulpot nalang pabigla bigla.
" Pasensiya nagulat yata kita" sabi niya bago umupo sa tabi ko. Nakaupo kami pareho sa ilalim ng punong mangga sa tabi ng kubong tinutuluyan ko.
" Nandito ako para tulungan ka doon sa pabor ng hiningi mo" oo nga pala bakit ko nga nakalimutan yun tumayo ako sa inuupuan ko para masimulan na namin ang kailangang gawin.
" Halika kana marami tayong oras na sasayangin kapag nakaupo lang tayo dito" sabi ko bago sana humakbang pero hinawakan niya ang braso ko.
" Sandali alam kong pagod ka magpahinga kana muna marami pa tayong oras" bumalik ako sa pagkakaupo at hinayaan na makapagpahinga ang katawan ko.
" Gusto mo bang kumain ipapagluluto Kita?" Umiling iling lang ako ng maalala ang pagkain na dinala niya sa akin kahapon.
"Maari na tayong umalis kung gusto mo"
" Tara na para hindi tayo abutan ng gabi kailangan ko pang kausapin ang mga magulang ni Arya mamaya" pagkatapos niyang tumayo inilahad niya ang isang kamay para alalayan ako.
" Maraming salamat" sabi ko bago yun tinanggap
" Hintayin mo ako dito may kukunin lang akong gamit" sabi niya bago umalis.
Pagbalik niya mayroon ng nakasukbit na isang patalim sa kanyang baywang.
" Ano yan?" tanong ko habang tinuturo ang patalim
" Ito ang gagamitin natin panggapas ng damo para kay Tata" sagot niya sa tanong ko. Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod ako sa kanya.
Dumaan muna kami sa isang kubo may kinuha siyang isang ilalagyan.
" Ano naman yan?"
" Ito ay isang sako nilalagyan ng bigas na mabibili na palengke o maaari din lagyan ng palay kapag anihan " paliwanag niya kaya mas madali kong naunawaan.
Nang makahanap kami ng matatabang damuhan kinuha niya ang patilim na nakasukbit sa baywang niya bago binigay sa akin ang isang sako para lagyan ng mga damo.
" Diego makinig ka ito ang hawak kong bagay "garab" ang tawag namin dito gamit bilang panggapas ng palay at damo"
Nagsimula na siyang manggapas ng mga damo lahat yun isinisilid niya sa sakong hawak ko. Mabilis ang mga kamay niya sa panggapas kaya medyo mabilis napuno ang sako.
Parang gusto ko tuloy subukan ang ginagawa niya.
" Marunong ka nito?" tanong niya na nakatingin sa akin
" Hindi ako marunong niyan" sagot ko naman hinawakan niya ang kamay ko bago hinila papalapit sa kanya.
Tumayo siya sa likod ko bago binigay sa akin ang garab na hawak niya. Ipinaliwanag niya ang kailangan kong gawin nakikinig ako sa kanya habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha.
Malapit na kaming magkayakapan sa position namin ngayon.
" Galing ka nga sa mayamang pamilya sobrang lambot ng kamay mo" pinisil pisil niya ang mga kamay ko bigla akong nailang kaya lumayo ako sa kanya.
" Paumanhin" sabi niya bago nagpatuloy sa panggapas
Maigi kong pinagmamasdan ang bawat ginagawa niya parang madali lang gawin pero kapag sinubukan mo na masakit sa mga kamay.
" Deigo tama yan ang ginagawa mo subukan mong alalahanin ang mga hakbang sa panggapas ng damu" tumango tango lang ako na patuloy siyang pinagmamasdan.
" Ayos ka lang ba?" Agad kong hinablot ang kamay niya ng muntik na yung masugatan.
"White mag- ingat ka naman" pangaral ko bago hinipan ang kamay niya.
"Maraming salamat hindi ko akalain na isa kang maalalahaning Ginoo" nakangiti niyang sabi binitawan ko ang mga kamay niya bago sumenyas na ipagpatuloy nito ang kanyang ginagawa.
" Bakit ko nga ba ginawa yun?" Tanong ko sa sarili kahit ako nagugulat minsan sa nagiging mga kilos ko.
Thump... Thump... Thump.. Thump..
Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Argggh!! Scotty calm down bakit ko ba nararamdaman to? Shit this is bad.

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    DawangOmar

    cool story

    29d

      0
  • avatar
    NgujoYolanda

    magandang kwento

    10/08

      0
  • avatar
    Angel Trisha Mae Banas

    good

    20/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes