logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata- 5

Year 1920 Bayan Ng Manangpula
Scotty Pov.
Habang naglalakad marami kaming nadadaanang mga bahay lahat ng tao ay nasa labas at nakatingin sa akin. Ngumiti ngiti lang ako at kumaway sa kanila lahat sila nakausot ng mga kakaibang damit hindi ko alam kung ano ang tawag doon pero masasabi na mas maganda yun kaysa sa mga suot sa kasalukuyan lalong lalo sa mga kababaehan. Tumigil si Ginoo'ng Sebastian sa harap ng isang kubo at tumingin sa akin.
" Ito ang nagsisilbing paaralan ng mga bata" tiningnan ko ang kabuuan ng kubo mas mukha itong bahay kaysa sa paaralan.
" Tssk!! ganoon ba talaga ka hirap ang bayan na ito" bulong ko ng makita kong ano ang estado ng kanilang pamumuhay.
" Mayroon po ba kayong kuryente dito?" isang malungkot na ngiti ang namuo sa labi niya kaya alam ko na ang isasagot niya.
How can I sleep in this kind of place damnit mas pipiliin ko pang mamatay kaysa tumira dito.
" Ginoo'ng Sebastian sandali lang may kakausapin lang ako" lumayo ako sa kanya bago tinawag si Jhon pero hindi gaya ng dati hindi siya nagpakita sa akin.
" Jhon lumabas ka gusto kitang kausapin" tawag ko ng paulit ulit.
" Ginoo sino ang tinatawag mo" isang boses ang narinig ko sa likuran kaya bigla akong napaatras. Isang lalaki ang nakatayo malapit sa akin tinitigan ko ang mukha niya.
Tama siya ang lalaking sinabi ni Jhon na maging misyon ko.
" Anong pangalan mo?" tanong ko habang nakaturo sa kanya. Kumunot ang noo niya bago binigkis ang dalawa niyang kamay.
Did I offend him? maraming tumatakbo sa isip ko ng makita ang reaksiyon sa mukha niya.
" Ginoo'ng Diego " narinig ko ang boses ni Ginoo'ng Sebastian kaya napalingon ako.
" Ginoo'ng White siya nga pala ito si Ginoo'ng Deigo siya ang magiging bagong guro dito sa lugar natin" tinitigan niya ako mula ulo hangang paa bago tumingin sa mga mata ko.
Napalunok ako bigla dahil medyo nakakailang siyang tumingin .
" Anong ginagawa ng isang mayamang Ginoo sa bayan namin?"
" Nandito ako para magturo sa mga bata yun lang" sagot ko sa kanya. Robot ba siya wala man lang itong naging reaksiyon sa sinabi ko dapat matuwa siya dahil pumunta pa ako dito sa nakaraan para lang sa kanya.
Arrggh!! malapit na akong mainis nagpipigil lang ako kapag nakita ko talaga ang Jhon na yun malalagot siya sa akin.
Tinalikuran ako ni White galit ba siya sa akin. Lumapit ako kay Ginoo'ng Sebastian at binulungan siya sa tainga.
" May ginawa ba akong mali bakit siya ganyan? "
" Ang hindi pagtawag na Ginoo sa isang tao na ngayon mo lang nakilala ay isang kabastusan ayun sa paniniwala namin" sagot niya napahawak ako sa sintido wala sa oras.
Kailangan ko ng malaking adjustment iba ang panahon na pinanggalingan ko at iba ang paniniwala nila dito.
" Ayos ka lang ba?" tanong ni Sebastian habang nakatitig sa akin. Ngumiti ako ng may pag aalangan na nakatingin sa kanya.
" Siya nga pala ito ang magiging bahay mo simula ngayon" pumasok siya sa loob habang bitbit ang mga gamit ko.
Sumunod ako sa kanya at tiningnan ang loob ng bahay. Napangiwi lang ako ng makita ang maging higaan ko. Gawa yun sa kahoy at may kung anong bagay na nagsisilbing sapin. Alam kong masakit yun sa likod hindi katulad ng kama na malambot higaan.
" Ginoo'ng Sebastian ano po ang tawag dito?" tinuro ko ang isang kulay kayumangging sapin.
" Yan ay isang banig na gawa sa puno ng maragumay. Mainam yan kapag malamig ang hinihigaan mo" paliwanag niya.
" Oh siya nandito na lahat ng kailangan mo bukas ka magsisimula sa pagtuturo. Iiwan muna kita alam kong pagod ka"tumango lang ako bago umupo sa higaan ko.
" Jhon lumabas ka kausapin mo ako"
Sa muli kong pagtawag sa kanya nagpakita siya wala itong suot na pang itaas kaya medyo nagulat ako.
" Anong kailangan mo istorbo ka naman hindi pa ako tapos maligo" pumalakpak siya ng dalawang beses sa isang iglap nagkaroon ito ng damit pan-itaas.
" Kanina pa kita tinatawag hindi ka nagpapakita" nakasimangot kong sabi.
" Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa ngayon ito na ang huli kong pagpapakita sayo" napatayo ako bigla ng marinig ang sinabi niya.
" Sandali ibig sabihin iiwan mo ako dito" tumango tango naman siya samot saring emotion ang nararamdaman ko ngayon kaya hindi ko maiwasang umiyak.
"Scotty lakasan mo ang iyong loob walang makakatulong sayo ngayon kung di ang sarili mo lang. Magkita tayo sa tamang oras" bigla siyang ulit naglaho patuloy lang ako sa pag iyak habang yakap yakap ang sarili ko.
Bigla akong napatingala ng may narinig na yabag papunta sa direksiyon ko. Tumigil ako sa pag iyak bago pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. Nakita ko si White na pumasok sa kwarto.
" Nandito ako para humingi ng tawad at para magpasalamat na rin malaki ang maitutulong mo sa mga bata sa lugar namin" ngumiti ako ng maramdaman ang sensiridad sa boses niya.
" Wala yun Ginoo" magalang kong sabi
" Pwede mo akong tawagin sa pangalan White total sa tingin ko magka edad lang tayo" nakangiti niyang sabi
" Kung yan ang gusto mo White"
" Sumunod ka sa akin may ipapakita ako sayo" lumabas siya ng kwarto tumayo naman ako bago sumunod sa kanya. Lumabas kami ng kubo at nag ikot ikot sa buong paligid.
Malapit na ding dumilim at makikita ang paglubog ng araw sa kanluran, walang kuryente sa bayan na to kaya nagtataka ako kung ano ang ginagamit nila bilang ilaw. Maririnig sa paligid ang malakas na hiyawan ng mga bata. Tumigil sa paglalakad si White na nakangiti habang pinagmamasdan sila na masayang naglalaro.
Pakiwari ko ang mga ngiti sa mukha nila ay hindi mabibili ng kahit anong pera o salapi.
" Maaari ba kitang tawaging Diego?"
Tumango lang ako bago binalik ang tingin sa mga bata na masayang naglalaro. Kahit na ganito ang estado ng pamumuhay nila marunong sila makuntento at maging masaya.
Kinabuksan 8:00 am
Naglakad ako palabas ng kwarto gaya ng inaasahan hindi ako nakatulog kagabi. Sobrang dilim ng paligid, maraming lamok, at matigas ang higaan ko.
" Ngayon ka lang ba nagising?" nagulat ako ng makita si White na nakatayo sa harap ko.
" A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko kasabay ng paghikab nilapit niya ang mukha sa akin kaya napaatras ako.
Nakatingin pa din siya sa mga mata ko sa di maipaliwanag na dahilan pakiramdam ko nagiging abnormal ang pintig ng puso ko. Habang papalapit siya sa akin mas lalo itong bumilis sa pagtibok. Dahan dahan niyang hinawakan ang pisingi ko sa sobrang lapit niya naaamoy ko ang mabango niyang hininga.
" Mukhang hindi ka nakatulog kagabi" sabi niya bago nilayo ang mukha niya sa akin. Kailangan ba niya talagang lumapit sa akin e pwede naman siyang magtanong ng hindi ako hinahanawakan.
Nagpahawak tuloy ako sa dibdib dahil sa kaba.
" Dinalhan kita ng pagkain" tinuro niya ang lamesa kung saan nakalagay ang mga plato. Umupo ako sa upuan at tinitigan ang dala niyang pagkain.
Mayroong saging, gulay at saka kanin sa hapagkainan. Tinitigan ko ang kulay berdeng sabaw ng gulay na nasa harap ko.
" Diego hindi ka kumakain ng ganyang pagkain?" binaling ko ang attensiyon sa kanya bago ngumiti. Dinampot ko ang kutsara at dahan dahang kumuha ng sabaw.
Parang gusto kong masuka sa mga oras na ito. Ayaw na ayaw kong kumain ng gulay mula pa nang bata pa ako at hanggang ngayon.
"Nagustuhan mo ba?" tanong niya matapos kong matikman ang pagkain na dinala niya.
" Oo naman masarap at saka masusutansiya" sagot ko bago kumuha ng kanin. Kinuha niya ang saging para balatan bago nilagay sa plato ko.
" Maraming salamat" nagsimula na akong kumain habang siya nakaupo sa harap ko at pinagmamasdan ang bawat pagsubo ko. Gusto ko sana siyang paalisin pero baka kung ano ang maging reaksiyon niya pag ginawa ko yun.
" Ginoo" isang boses ang narinig namin mula sa labas ng kubo. Tatayo na sana ako para tingnan pero pinigilan niya ako.
" Ako na ang titingin ipagpatuloy mo lang ang pagkain ng almusal" tumayo siya at naglakad palabas kaya nakahinga ako ng maluwag.
What kind of food is this! kahit ilang beses kong subukan hindi talaga kaya ng sikumura ko ang gulay. Kaya tanging sanging lang ang laman ng tiyan ko. Pagkatapos kumain tumayo ako at tinabi ang natirang pagkain sinundan ko siya sa labas at nakitang kausap niya si Ginoo'ng Sebastian.
Mukhang mayroon silang pinag uusapang mahalagang bagay. Biglang napatingin si Ginoo'ng Sebastian sa pwesto ko kaya itinaas ko ang kanang kamay at kumaway sa kanya.
" Magandang araw Ginoo'ng Sebastian"
" Magandang araw Ginoo"
Lumingon si White sa akin bago sumenyas na bumaba ako ng kubo kaya lumapit ako sa pwesto nila.
" Diego ngayon magsisimula ang pagtuturo mo mayroon kang limang mag aaral dito sa lugar namin" sabi ni White ng makalapit ako sa kanila.
" Limang mag aaral diba maraming bata dito sa lugar niyo?"
" Tama ka pero tanging limang mag aaral lang ang ipinagkakatiwala sa isang guro para masigurado na matutukan sila ng maayos" paliwanag ni Ginoo'ng Sebastian napagtanto ko na siguro mas pabor yun sa akin.
" Bakit hindi pa sila pumupunta dito?" mataas na ang araw pero wala parin sila.
" Yan ang problema sa limang mag aaral tanging isang bata lang ang gustong pumasok" sabi ni Ginoo'ng Sebastian
" Anong gagawin ko kung isa lang sa kanila ang papasok?"
" Kailangan mo silang kumbinsihin na mag- aral" sabi ni White habang tinatapik ang balikat ko. Napangiti ako ng may pag aalangan hindi ko akalain na ganito kahirap ang misyon na binigay ni John.
" Magandang araw mga Ginoo" isang batang lalaki ang dumating sa harap namin.
" Ikaw pala Jose halika dito ipapakilala kita sa magiging guro ninyo" makita ko sa mata ng batang lalaki ang pagkasabik na matuto.
Ngumiti muna ako bago yumuko para magkapantay kami ng taas.
" Gustong mo bang matuto?" isang matamis na ngiti ang sinagot niya sa tanong ko. Sa di maipaliwanag na dahilan nakaramdam ako ng pagsabik na ngayon ko lang naramdaman.
Gusto ko silang turuan hanggang sa makakaya ko.
" Ginoo'ng Sebastian pwede niyo bang sabihin sa akin kung na saan ang natitirang apat na mag aaral?"
Pagkatapos niyang sabihin sa akin ang lahat sinamahan ako ni Jose para hanapin ang apat na mag aaral. Una naming pinuntahan ang bahay ni Lessel sabi ni Ginoo'ng Sebastian sa kanya ipinagkatiwala ang nakakabata niyang kapatid kapag nagtatrabaho ang kanyang magulang sa bukid nakira siya malapit sa bahay ni Ginoo'ng Sebastian.
" Lessel nandiyan ka ba?" tawag ni Jose mula sa labas ng kubo. Isang batang babae ang lumabas habang karga karga ang isang maliit na bata.
" Jose siya ba ang magiging guro natin?" tumingin siya sa akin bago binaba ang nakakabata niyang kapatid.
" Tama ka ako ang magiging guro ninyo" sagot ko sa kanya bumaba siya ng kubo at lumapit sa amin.
" Ikinagagalak kong makilala ka Ginoo pero may isang bagay akong gustong sabihin sayo. Sa aking palagay hindi ako makakapunta para makinig sa ituturo mo dahil sa aking nakakabatang kapatid" makikita ang kalungkutan sa kanyang mga mata habang sinasabi ang mga salitang yun.
" Wala ka bang ibang mga kamag- anak o kapatid na pwedeng mag- alaga sa kanya?" tanong ko sabay turo sa bunso niyang kapatid. Umiling iling lang siya bilang tugon sa tanong ko.
Scotty mag isip ka anong gagawin mo? Napahawak ako sa baba habang nag iisip kung anong pwedeng gawin. Bakit pa ba ako magpapakahirap na gawin to ang tanging misyon ko lang ay paibigin sa akin si White tapos makakabalik na ako sa hinaharap. Arrggh maraming bagay na bumabagabag sa aking isip. Sa kabilang banda gusto ko silang tulungan para mas magpaganda ang kabilang kinabukasan. Napangiti ako bigla ng makaisip ng isang magandang ideya.
" Lessel pwede mo namang dalhin ang kapatid mo sa paaralan para makapag aral ka at mababantayan mo rin siya" biglang lumiwanag ang mukha niya bago hinawakan ang kamay ko.
" Guro maraming salamat po isang magandang ideya nga ang naisip mo"
" O siya gusto ko bukas pumunta ka sa kubo at dalhin mo ang kapatid mo" tumango tango naman siya at makikita ang nag uumapaw na kaligayahan sa mukha niya.
Masaya ako na nakahanap ng paraan para makadalo siya sa klasse. Ngayon kailangan ko pang kumbinsihin ang apat pang natitira.

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    DawangOmar

    cool story

    29d

      0
  • avatar
    NgujoYolanda

    magandang kwento

    10/08

      0
  • avatar
    Angel Trisha Mae Banas

    good

    20/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes