#IASS04 "Dominique?" tawag ni Reign sa'kin. Nandito kami ngayon ni Reign na isang park malapit sa school. Naisipan namin na mamaya nalang kami uuwi dahil gusto nya daw muna dito sa park at kumain daw kami ng ice cream. Tutal sabado rin naman bukas, so pumayag narin ako. "Hmm?" sagot ko sa kaniya. Nandito kami nakaupo sa swing ng park habang kumakain ng ice cream. "Bakit Dominique tawag sayo? Ayaw mo ba ng Claire?" curious niyang tanong. "Bakit mo naman natanong?" "Wala lang, baka may sikreto dyan sa pangalan mo," si Reign. "Huh? Wala noh, di naman sa ayaw ko sa Claire, mas sanay lang ako sa Dominique," sagot ko sa kaniya na may halong pagtataka. "Ok, maganda din naman yung Claire." Nagkibit balikat nalang siya at umupo sa tabing swing. Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Pagkatapos namin kumain ay tumayo na kami sa swing. Inayos ko ang palda ko saglit. Sumulyap ako kay Reign at nakita kong titig na titig sya sa akin. "Reign?" tanong ko pero hindi siya sumagot. "Huy Reign!" sigaw ko sa kaniya "Ano ba yun?" tanong ko ulit. Tumayo si Reign at lumapit sakin, medyo kinakabahan ako sa titig na binibigay nya sakin. Habang papalapit sya ng papalapit ay bigla kong naramadaman ang kanyang daliri sa gilid ng bibig ko, dali dali nyang pinunasan ang ice cream sa gilid nito. "Ano ba iyan Dominique, para kang bata kung kumain ng ice cream," sambit nya sabay punas ng kamay sa kanyang palda. "Hays, ano ba yan kala ko kung ano. Kung makatingin ka naman kasi eh," iritado kong sagot at tumawa lamang siya. "Baliw! tara na nga at kailangan ko ng umuwi, baka pagalitan pa ko ni Mommy." Dinampot niya ang backpack at sinuot sa likod niya. Tumayo na ko sa swing at inubos ang ice cream na hawak hawak ko. "Susunduin ka ba?" kinuha ko narin ang backpack sa tabi ko at sinuot ito. "Uh oo, ok lang ba di na muna kita ihatid sa inyo?" tanong nya. "Ahh oo, ok lang. Maglalakad nalang ako. Malapit lang naman yung bahay namin dito," sabi ko "Ah sige Dominique, maiwan na kita. Andiyan na sundo ko sa tapat ng school, ingat ka. Text me when you get home. Bye!" paalam niya habang unti-unting naglakad palayo sakin. Kumaway ako sa kaniya nung lumingon sya sa'kin. Kumaway din sya pabalik. Nagsimula na kong maglakad papunta sa'min at habang naglalakad ay di ko parin maiwasang isipin ang nangyari ngayong araw. I still think about Damien at kung anong meron sa kanya. I don't understand why I'm so curious about him. I just can't get him off inside my head. Di ko napansin na papalubog na pala ang araw. Nakita ko rin ang ibang estudyante na naglalakad kagaya ko pauwi sa kani-kanilang tahanan. Home It has been a tiring day and I can't wait to get home and see my family again. I love my family so much and I will do anything for them. I would even kill if something bad might happen to them which I hope not. I'm actually the eldest among my siblings. Tatlo kaming magkakapatid. Ako, si Cassandra, at Dylan. Grade 2 si Cassie habang si Dylan naman ay Grade 1. Me being the eldest, it's my responsibility to protect them and to be a good role model. My Mom and my Dad are still together. They got married at such a young age because my mom was already pregnant with me. We are pretty much a simple family but the love is there. Sobrang swerte ko dahil hindi ako kagaya ng iba na broken ang family. I smiled while remembering all the memories we share for the past years and how lucky I am to be with them. I didn't notice I'm at the door of my house 'cause I was too preoccupied with my thoughts. I opened the door and I saw my siblings in the living room doing their assignments while my Mom is making dinner. My dad is still at work and he always comes home late. Sometimes I get upset cause he kept missing dinner so we don't eat together as a family but I keep reminding myself that he is working hard for us and for our future. "I'm home!" I said while approaching mom in the kitchen. "Oh, anak andito ka na pala. Malapit nang maluto ito, saglit lang," sagot nya at nagpatuloy sa pagluluto. "Okay, bihis lang ako." Umakyat ako sa hagdan at dumeretso sa kwarto. Nagbihis ako at agad ding bumaba ng hagdan. Kahit malayo ay naririnig ko ang mahinang bangayan ng aking dalawang kapatid. "Dylan! give me back my pencil!" sambit ni Cassandra habang akmang kukunin nya ang lapis mula kay Dylan. "No! Not unless you help me with my homework!" sambit naman ni Dylan habang nilalayo ang lapis kay Cassie. "But I'm also doing my homework so give it back!!" Cassie fired back "I wont!" sigaw ni Dylan Tuluyan na kong nakababa ng hagdan at nakita ko nga sila sa sala na nagaaway. Kalat ang sala dahil napapalibutan iyon ng mga libro at kung ano anong school supplies. Bigla akong napangiti habang pinagmamasdan sila. Halos araw-araw kasi ay ganyan sila tuwing nagawa ng assignments pero proud ako dahil masisipag at matatalino sila. Lumapit na ako sa kanila at kinuha ko mula kay Dylan ang lapis. Nakita ko siyang tumingin sa'kin. Umupo naman ako sa pagitan sila. "Guys, why are you fighting?" tanong ko "Ate. Dylan started it. He grabbed my pencil while I'm doing my homework," sagot ni Cassie at busangot ang kaniyang mukha. "But Ate, she keeps ignoring me every time I ask her a question about my homework so I took her pencil. I just want her to help me," sambit ni Dylan na nakakunot ang noo at humalukipkip. "Tama na 'yan. I'll be the one who will help you guys in your homeworks, okay?" sabi ko habang tinitignan silang dalawa. Gano'n padin ang itsura ni Dylan habang si Cassie naman ay napabuntong hininga at lumingon sa kapatid. "I'm sorry," panimula ni Cassie na bahagyang ikinagulat ni Dylan. Bigla namang umayos ng upo si Dylan at tinignan ang kanyang kapatid habang unti-unting nilahad ang kamay. "I'm sorry too. I wont take your pencil anymore," ani Dylan. Natuwa naman ako nung nakipag- kamayan sila sa isa't isa at nauwi nalang sa tawanan ang lahat. "Dinner's ready!" sigaw ni Mama mula sa kusina. "We'll just continue this later okay? After we eat, I'll help you finish your homework," sambit ko sa kanila at agad naring tumayo. Pumunta na kami sa dining area. Tahimik na umupo si Cassie sa upuan katabi ng upuan ni Dylan at ako naman sa tapat ni Cassie umupo. Si Mama naman ang nasa tabi ko na nasa tapat ni Dylan. Napatingin ako sa left side kung saan bakante ang upuan doon ni Papa. Bigla akong nalungkot dahil wala nanaman sya ngayon at late sa trabaho. Huminga nalang ako ng malalim at kinuha ang kanin sa harapan ko at nagsimulang kumain. Nawala ang lungkot ko noong nakita ko ang dalawa kong kapatid na kumakain. Napangiti ako dahil mas malakas kumain si Cassie kesa kay Dylan. Kababaing tao ni Cassie eh? Tahimik kaming kumakain nang may kumatok sa pintuan. Nagtaka kami kung sino 'yon dahil late naman umuuwi si Daddy kaya napatayo si Mama at pumunta sa pintuan. Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa'min ang hindi inaasahan. "Daddy!" sabay na sigaw ng dalawa kong kapatid. Agad silang umalis sa dining area para salubungin si Daddy ng yakap. Natawa ako dahil may kanin pa sa bibig si Cassie. "Dad," I approached him and gave him a hug. "Hon, bat napaaga ka? Sakto nakain na kami. Halika na at sabay sabay na tayo," si Mama na may ngiti sa labi. "Well, I know I owe my family and I miss being here eating together. It's been a while so I decided to go home early," sagot naman ni Dad. "Aren't you busy?" tanong ko at lahat na kami ay nasa dining area na. "Well I am, but family is more important. I'm sorry if I'm not present all the time but I promise to work hard for us," sambit ni Dad at kumuha na ng pagkain. Napangiti kaming lahat sa sinabi ni Papa. Nagkwentuhan nalang kami kung anong nangyari sa araw namin at hindi nanaman naiwasan ang tawanan. This family. I will treasure them always. They are my source of strenght and motivation. I'm beyond happy because once again, we're complete.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
sooooo nicee
29/11
0niccccee
11/11
0so cool story
04/06/2025
0Ver Todos