logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 Bruises and Wounds

"Andrea!" malakas na sigaw ni Joshua sa pangalan ng nobya bago ito nilapitan.
Students were surprised to what took place. Lalo na si Minikki na ngayo'y nakatitig sa kawawang mukha ni Andrea na walang malay.
There were bloods behind the unconscious body of the lady. Napakagat si Minikki sa kaniyang labi habang kinukutkot ang mga daliri dahil hindi siya makapaniwala sa kaniyang nagawa.
"Umalis ka na rito," sambit ni Joshua bago buhatin ang katawan ng kaniyang nobya upang dalhin sa clinic. Sasama pa sana si Minikki nang pigilan siya ng binata.
"Umuwi ka na," sambit pa nito at tuluyan nang naglakad palayo sa dalaga.
Naiwan si Minikki na halos hindi alam ang gagawin. Nanginginig ang mga kamay niya maging ang tuhod niya'y hindi kinakaya ang bigat ng kalooban na kaniyang dinadala.
Tiningnan niya ang paligid at kapwa nakatingin sa kaniya ang mga estudyante. Nagbubulungan. Umiiling. 
"Minikki! Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Jeremiah na papalapit sa kaniya. Nakatingin lamang si Minikki sa dalawa niyang kamay habang umiiyak.
"Hindi ko sinasadya," bulalas ni Minikki habang patuloy na umiiling at umiiyak. "Hindi ko sinasadya, Maya." 
***
Hindi pa man lubusang nakakapasok si Minikki sa school ay rinig na rinig niya na ang mga bubuyog na nagbubulungan sa paligid niya.
"Tinulak niya si Andrea."
"Oo nga daw, dahil yata kay Joshua."
"So totoo nga ang balita? Magkarelasyon si Minikki at Joshua dati?"
"Ulol. Papatulan ba ni Joshua 'yan? Pangit-pangit, eh."
"Kapal nga ng apog. Pumasok pa talaga."
"Pangit na nga, masama pa ang ugali."
Napayuko na lamang si Minikki sa mga insultong naririnig niya mula sa kapwa niya estudyante. Mataas na ang araw pero tila ba hindi iyon sumisikat para bigyan siya ng pag-asa. Nagkamali yata siya na pumasok pa siya.
Pinili niyang huwag nang pakinggan pa ang mga pasaring ng mga nagkalat na estudyante at nagpatuloy na lamang sa paglakad papasok sa classroom niya. Gaya ng mga tao sa labas, ganoon din ang tingin sa kaniya ng mga kaklase niya. Ang mga mapanudyong tingin na ibinabato sa kaniya ng bawat estudyanteng nasa loob ay tila ba nagsasabing masama siyang tao.
Umupo na lamang siya sa kaniyang upuan. She couldn't look up because she doesn't want to meet with anyone's eyes. Kung maaari lang na maging bingi, bulag at walang pakiramdam ay hihilingin niya.
Ilang sandali pa ay dumating na ang guro nila. Sandaling natahimik ang lahat na para bang mga anghel. 
"Miss Umali, go to the principal's office now."
Umakyat ang kaba sa sistema ni Minikki. Hindi niya alam ang dapat niayng maramdaman lalo na sa puntong patuloy pa ring nagpapaulit-ulit sa isipan niya ang buong nangyari. Ginugulo siya ng mga alaala at napapaniwalang totoo ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid niya na baka sinadya niya ang malakas na pagtulak kay Andrea para makaganti sa lahat ng mga pang-aapi nito sa kaniya.
Umiling-iling siya para kontrahin ang mga sumasagi sa kaniyang isipan. Akmang papalabas na ng room si Minikki nang magsalita muli ang guro. "I think you should bring your bag."
Mas lalong umingay ang klase. Kaliwa't kanan ang mga bulungan tungkol kay Minikki na pawang puno ng panghuhusga laban sa kaniya. Kahit nakatalikod siya, ramdam pa rin niya ang mga matang tila ba palaso na nakatarak sa kaniyang likuran.
Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa Principal's office. Kahit mukhang alam niya na ang posibleng mangyari ay pinili niyang kumalma at lakasan ang loob.
Kumatok muna siya bago pumasok sa opisina. Sumalubong sa kaniya ang malamig na buga ng aircon na nagpanginig sa kalamnan niya.
"Miss Umali, have a seat," sambit ng Ma'am Baniez, ang principal sa kanilang unibersidad. Sinunod naman niya at umupo siya sa harap nito.
"I want to make this short and straight to the point, Miss Umali. Andrea's parents want to sue you because of what happened," panimula nito. "Andrea is currently in a severe state. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon dahil sa pagtulak mo sa kaniya."
"P-pero hindi ko po iyon sinasadya."
"No one can testify to that, Miss Umali. At kung mas lalo mo pang igigiit na wala kang kasalanan baka hindi ko na sila madala sa pakiusap."
Napabuntong-hininga si Minikki. Hindi niya alam na hahantong sa ganito ang lahat. Kung mas hinabaan niya lang sana ang pasensya niya, hindi niya maitutulak si Andrea. Hindi ito mapupunta sa ganoong sitwasyon.
"They want you out of this school." Tumingin ang guro kay Minikki.
Para bang nalagutan ng hininga ang dalaga dahil sa narinig. Grade twelve student na siya at tutungtong na sa kolehiyo ilang panahon na lang pero nangyari pa ito. Punong-puno ng panghihinayang ang kaniyang puso.
"Nasabi ko na sa mama mo ang nangyari. Uwi ka na," litanya pa ni Mrs. Baniez.
Minikki was in defeat. She had no choice but to obey and leave that place. This university had been the place she was for long compared to others. At hindi niya inakalang sa isang iglap lang ay nasayang ang pagtitiis niya.
Tinanaw niya ang kawalan habang nasa isip na huling araw niya na sa paaralan na ito. Mabigat sa loob, hinid niya maitatanggi. Kahit pa puno ng pait at kirot ang naranasan niya rito sa paaralan ay naging bahagi na rin iyon ng buhay niya.
"Saan na ako mag-aaral ngayon?" impit na bulong ni Minikki sa kaniyang sarili. "Paano na si ina? Mag-aalala na naman siya sa akin dahil lilipat na naman ako ng school."
Minikki, despite the burden she felt, decided to haste. Nadadaanan niya ang mga estudyanteng wala pa ring humpay sa pag-uusap tungkol sa kaniya.
Napatigil siya nang may tumama sa likod ng ulo niya. Nakita niya ang bato sa kaniyang paanan. Hinanap niya kung saan nanggaling at kung sino ang bumato sa kaniya nito. Napasinghap siya nang makita ang mga estudyanteng nakahanay sa harap niya.
"Dahil sa ginawa mo kay Andrea, nararapat lang 'to sa 'yo!"
Kapwa naglabas ng mga bato ang mga estudyante at isa-isang binato sa kaniya. Hindi kaagad nakakilos si Minikki upang iwasan ang mga bato kaya nasalo niya iyong lahat at tumama iyon sa iba't ibang parte ng katawan niya maging sa kaniyang mukha.
"How can you do that to a beautiful lady?"
"Pangit ka na nga, masama pa ang ugali mo!"
"Mamatay ka na! Sumpa!"
Napapikit na lamang siya. How can everyone hate her so much just because of her physical appearance?
"Minikki! Takbo!"
Napalingon si Minikki sa sumigaw. Tumatakbo papalapit si Jeremiah sa kaniya. Agad nitong hinawakan ang braso ng dalaga at hinila palayo sa mga mapanakit na estudyante.
***
"I heard what happened, gusto ka raw ipakulong ni Andrea," sambit ni Maya nang makalayo na sila sa university nila. Umupo sila sa bench sa park upang magpahinga sa kanilang mahabang pagtakbo at pagtakas sa mga mapang-aping estudyante. "Ano ba talagang nangyari?" tanong pa nito na may halong pag-aalala sa dalaga.
Napabuntong-hininga si Minikki at pinigilan ang mga luha habang naaalala ang mga natamo niyang masasakit na salita kanina. Pinagmasdan niya ang kaniyang sarili. Puro sugat at dugo ang kaniyang braso.
"Hindi na naman mahalaga ang bagay na 'yon," sagot ni Minikki sabay tanaw sa malayo.
"Paanong hindi? Tingnan mo, tinanggal ka nila sa school. It was your last day in the university but they did not let you rest from the physical and mental pain." Jeremiah's teeth gritted out of frustration. Seeing his friend in this situation makes him feel the agony and despair too. 
"Hayaan mo na. Huli na rin naman."
Napasapo na lang sa mukha si Jeremiah sa inis.
"Ni hindi man lang kinuha 'yong side mo 'no? I doubt na kasalanan mo ang nangyari. Of course, Andrea had done something awful that made you push her." Jeremiah kept on shaking his head. "Kahit 'yong Joshua na 'yon! Ni hindi ka man lang pinangtanggol! Bakla talaga!"
"Ayaw niya lang ma-involve pa sa 'kin," sagot ni Minikki.
"Tsk. Anong klaseng lalaki 'yon? Naiirita talaga ako!"
Pinagmasdan ni Maya ang braso ni Minikki. Hindi niya maiwasang maawa sa kalagayan ng dalaga at mas lalo siyang naiinis dahil hinahayaan lang ni Minikki ang mga taong gawin ito sa kaniya
"Saan ka na mag-aaral ngayon?" tanong ni Maya. Nagkibit-balikat lang si Minikki. "Subukan mo nang mag-enrol doon sa university na binabanggit ko sa 'yo."
Nakakunot ang mga noo ni Maya. "I doubted na makakapasok ka sa ibang school. Haharangin ka ng pamilya ni Andrea for sure. Hindi ka makakakuha ng good moral. Kung succesful namang makalipat ka, we can't guarantee na hindi mo maranasan ang pang-aapi na tulad ng naranasan mo sa university natin." Maya caressed Minikki's back as he tried to convince her. "Mabuti pa doon ka na lang pumasok."
"Saan?"
"Sa Occoii University."
Minikki frowned. "Kung totoo nga 'yang school na 'yan, sigurado hindi ako makakapasa. Sabi mo may mga tests; may ability and mental. Siguradong hindi rin ako makakpasa roon."
"But you should at least try. You will never know if you never try, Minikki. Nasa 'yo pa rin naman 'yong flyer, hindi ba? Naroon ang details paano ka makapunta sa tanggapan nila."
Minikki still has doubts whether what his friend is telling him is true but she is giving the benefit of the doubt. May kaba sa dibdib niya nang ilabas niyang muli ang flyer at tiningnan iyon.
"Look at yourself. Full of bruises and wounds."
Biglang pumatak ang ulan dahilan upang mapatayo ang dalawa mula sa kanilang inuupuan.
"Gosh, it's raining! Let's go na, Minikki!" pagyayaya ni Maya. Hinila niya ang kamay ng dalaga ngunit napatigil siya nang may mapansin dito.
"Bakit? Anong problema?" tanong ni Minikki habang tinitingnan din ang braso niya na ngayo'y nababasa ng ulan.
"W-wala." Tiningnan niya ang dalaga. "Nag-aalala lang ako kung anong sasabihin ng mama mo kapag nakita ang itsura mo."
Napabuntong-hininga na lamang si Minikki dahil nawala sa isip niya ang bagay na iyon.
###

Comentário do Livro (16)

  • avatar
    Charity Montano

    bakit bitin

    06/08

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    ay bitin sobra eh..😡🤣😫😫😫

    14/06

      0
  • avatar
    Reign Abella

    happy

    15/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes