logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

KABANATA 5

Kabanata 5
First day
--
Maaga akong nagising dahil na rin siguro sa pagka excited kong pumasok. Kahit pagod na pagod ako kagabi ay talagang ganadong ganado pa rin ako ngayong araw.
Ngayong araw na ang pasok ko! Whaa! Excited na talaga ako!
"Grabe. Excited na ako!" Sambit ko at inakbayan si Klara na kasabay ko ngayong pumasok. Medyo nagiging close na kaming tatlo lalo na ako kay Klara. Sobrang dami naming pinag usapan kagabi.
Pareho kami ng unifrom! Syempre pareho kami ng school.
Ngumiti sya. "Ililibot kita sa school kung gusto mo."
"Sige ba! Maganda ba yung school nila?"
Tumango sya. "Medyo malaki nga lang kaya baka kaunti lang ang mapakita ko sayo."
Tumango ako at todong ngumiti. Gosh! Sobrang laki siguro ng school nila. Mas malaki pa siguro yon sa dati naming school! Oh my gosh! Talagang excited na excited ako! Hindi na yata nawala ang excitement ko simula kagabi.
At dahil nga good mood ako ay nagawa ko pang ngitian si Sir Joshua na nakasandal sa kanyang kotse pagkalabas namin ng mansyon. May hawak syang gitara at bumalik na naman ang walang emosyon nyang mukha.
Pero kahit ganon ay todo lamang akong ngumiti sa kanya.
"Good morning po, Sir!" Bati ko pa.
Hindi nya ako binati pabalik at lumapit lang sa akin. Bigla nyang binigay sa akin ang napaka laki nyang gitara na nakalagay sa lalagyan. Agad ko iyong nasapo.
"Dalhin mo yan sa school," anya tsaka tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Huh? Hindi ba to kasya sa kotse nyo, Sir?"
Bumalik ang tingin nya sa akin. "Hindi."
Bumusangot ako tsaka tinignan ang kanyang kotse. "Ang laki laki ng kotse nyo, Sir. Baka kasya naman. Ang bigat bigat kaya," nguso ko.
"Nagrereklamo ka na naman? Hindi ba dapat sumusunod ka lang?"
Mas lalo akong bumusangot. Tsk. Palagi talaga nyang ginugulo ang mood ko. Napaka saya ko ngayong araw tapos bubwisitin na naman nya ako. Nakakainis na to, ah?
Siniko ako ni Klara. "Sundin mo nalang si Sir..." bulong nya.
Tinignan ko sya tapos inis na tumingin kay Sir Joshua na muling tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Opo, Sir," inis kong sabi tsaka nagpauna nang maglakad habang hila hila si Klara. "Bwisit talaga yung lalaking yun..." bulong ko pa.
"Ano ka ba. Baka marinig ka ni Sir..." bulong ni Klara.
"Tsh..."
Nagulat ako nang humalik si Klara kay Mang Benjo na nasa tapat ng gate. Ngumiti si Mang Benjo at ginulo ang buhok ni Klara.
"Mag iingat kayo," anya.
"Opo, tay..." ani Klara.
"Hala! Papa mo si Mang Benjo?" Gulat kong tanong.
Natawa silang dalawa. Tumango si Klara. "Oo."
Tumango tango ako, gulat pa rin. Gosh. Bakit hindi ko alam yun? Ni hindi ko napansin na magkamukhang magkamukha sila. Grabe. Ano pa bang hindi ko alam rito?
"Bakit hindi mo naman sinabi na tatay mo pala si Mang Benjo?" Tanong ko kay Klara habang naglalakad na kami palabas ng subdivision.
Humalakhak sya. "Hindi ko naman kasi alam na kilala mo na pala si tatay. Tsaka malalaman mo rin naman yun..."
Tumango tango ako. "Eh, paano naman kayo napunta dito ni Mang Benjo? Dito na ba talaga sya nagtatrabaho mula nung pinanganak ka o si Ma'am Juliette lang rin ang kumuha sainyo?"
"Hmm.. si Ma'am Juliette lang rin ang kumuha sa amin. Sa Santa Ana kami nakatira. Tatlong taon na nung makuha kami ni Ma'am Juliette. Ang totoo nyan, si tatay lang dapat ang kukunin nya bilang trabahador nila rito sa mansyon. Pero nang malaman nyang may anak si tatay at walang magbabantay sa akin, kinuha na rin nya ako at pinag aral."
Whoa. Ang bait bait talaga ni Ma'am Juliette. Nagtataka tuloy ako kung totoo ba nilang anak si Sir Joshua? Napaka antipatiko ng isang yun, eh. Napaka bait ng mga magulang tapos sya... hayyss.
"Nasan pala yung Mama mo?" Medyo nag alinlangan ako roon dahil parang alam ko na ang sasabihin nya.
Malungkot syang ngumiti. "Namatay si nanay noong pinanganak nya ako, iyon ang sabi ni tatay..."
Palihim kong kinalatukan ang sarili ko. Tsk. Bakit ko ba kasi tinanong pa yon? Alam ko nang may mali pero ganon pa rin ang tinanong ko? Walang hiya ka, Amora.
Maya maya pa ay dumaan bigla ang sasakyan ni Sir Joshua. Sobrang bilis na naman ng pagmamaneho nya. Agad ko iyong inirapan sa inis ko. Humalakhak si Klara dahil nakita nya ang pag irap ko.
"Baka makita ka ni Sir..." anya.
"Wala akong pakialam! Sana nga makita nya nang malaman nya na inis na inis ako sa kanya!"
Mas lalo syang humalakhak roon. Bumusangot naman ako at iirap irap na nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Pinakalma ko na lamang ang sarili ko para naman hindi masira ang araw ko. Hindi ko naman hahayaang sirain ng lalaking yon ang araw ko, noh. Ito ang unang pagpasok ko sa bago kong school kaya dapat masaya ako. Hindi ko dapat hinahayaang sirain lang ng isang katulad nya ang araw ko. Ha! Kung pwede nga lang ay ako ang sisira sa araw nya. Sisiguraduhin kong maiinis sya sa akin.
Sumakay kami ng jeep nang makalabas ng subdivision. Ang sabi ni Klara ay malapit lang naman daw ang school. Mabilis lang naman daw kasi ang mga pagpapatakbo ng jeep kaya makakarating kami agad.
"Dapat bilisan natin. Kailangang maaga kang pumasok dahil kailangan mo pang alamin sa office kung saan kang section. Tsaka susukatan ka pa nila ng P.E uniform. Magtatanong rin sila sayo kung may gusto kang salihang clubs at marami pang iba. Baka ma-late ka sa unang klase mo," ani Klara.
Tumango ako. "Mabuti nalang pala mabilis magpatakbo itong jeep na nasakyan natin."
Ngumuso sya. "Male-late na rin tayo," anya tsaka tumingin sa cute at maliit nyang relo sa pulsuhan.
May oras pa kami nang makarating sa school. Napanganga ako nang makita kung gaano kalaki at kaganda ang school. Maraming pumapasok na sasakyan sa malaking gate at yung iba ay pumapasok sa maliit na gate kapag naglalakad lang. Para akong sinaunang tao na manghang mangha sa mga nakikita.
"Whoa.. ang dami namang kotse rito," sambit ko.
"Maraming mayayaman ang nag aaral rito," ani Klara.
Walang tigil ang mata ko sa kalilibot sa iba't ibang buildings na nakikita. Sobrang tataas at lalaki ng buildings. Pati sa mga grupo ng estudyante ay napapatingin ako. Sobrang gaganda ng bag nilang maliit. May kung ano anong alahas rin ang nakalagay sa kanilang pulsuhan at daliri. May mga hawak silang libro at magaganda rin ang mga sapatos.
Ang mga kalalahikan naman ay puro mga gwapo. Malilinis ang mukha at halatang presko! Mga malalakas ang dating kung maglakad at yung iba ay tinitilian pa ng mga babae. Maski akong hindi mahilig sa mga lalaki ay napapatitig sa kanila.
Ang buong bakuran ng school ay puro damo at halaman. Marami ring bulaklak na nakatanim. Ni hindi ko na maramdaman ang bigat ng gitara ni Sir Joshua sa sobrang pagkamangha ko sa buong lugar.
"Halika, punta muna tayong office," ani Klara at hinila na ako sa kung saan.
Hindi naman maalis ang tingin ko sa kahit saan habang hinihila nya ako. Mas lalo pa akong namangha nang makapasok kami sa isang building. Marami ulit mga babaeng nagtatawanan at mga lalaking nakatambay sa pinto ng kanilang classroom. Ang dinaanan pa nga naming hagdan ni Klara ay may nakaupong mga lalaki. Pinagtinginan pa ako.
"Pasensya ka na. Mahilig kasing tumambay ang karamihan sa hagdan," ani Klara nang makarating kami sa second floor.
Maraming classrooms. Tulad kanina, marami ulit estudyante. Yung iba ay nagseselfie at yung iba ay nagbabasa ng libro. May nakita pa akong mga nerd na tahimik lang at nagbabasa ng libro sa lapag.
"Dito tayo," ani Klara at binuksan ang pintuan ng isang kwarto. "Magandang araw po..." bati nya.
"Magandang umaga po..." bati ko din doon sa babaeng nakaupo sa harap ng lamesa.
May dalawang upuan sa tapat ng kanyang lamesa kaya doon kami umupo ni Klara. Sa likod nya ay nakalagay ang watawat ng Pilipinas at kung ano anong picture or reward ang nakalagay sa ding ding.
Ngumiti ang babae sa amin. "Good morning. You are the new transferee?"
"Opo. Ako po si Amora Cruz," sambit ko.
"I'm Mrs. Donalyn Juarez. You can call me Mrs. Juarez. Nice to meet you Ms. Cruz," naglahad sya ng kamay na agad kong tinanggap. "So ikaw yung sinasabi ni Ma'am Juliette..." tumango tango sya habang may tinitignan sa papel.
"Opo..."
Ngumiti sya at tumingin sa akin. "Magaganda ang grades mo sa nakaraan mong school kaya ilalagay kita sa section A. Ms. Ilagan," tinawag nya ang kanyang sekretarya.
Napatingin ako kay Klara na nanlaki ang mga mata. "Magkaklase tayo," anya.
Napangiti ako roon.
"Sukatan mo sya para sa P.E uniform," utos nya sa sekretarya.
Pinatayo ako ng sekretarya. May dala na agad syang medida panukat. Tumuwid na lamang ako ng tayo.
Grabe. Ganito kabilis?
"Ikaw Ms. Silverio? You need something?" Tanong ng principal kay Klara.
"Ahmm..." tumingin sa akin si Klara tapos balik ulit kay Mrs. Juarez. "Gusto ko po sanang sumali sa school band. Pwede pa po bang sumali?"
"Of course. Magpalista ka lang sa school president, sya na ang bahala sayo," ngumiti ang principal.
Ngumiti at tumango tango si Klara. Natapos naman na ang pagsusukat sa akin.
Tumitig ako ng ilang sandali kay Klara sa pagtataka kung bakit sya sasali roon.
Gosh. Marunong syang kumanta?
"Ikaw din, Ms. Cruz. If you want to join any clubs, sa president lang lumapit. Okay?"
Ngumiti ako at tumango. "Opo. Maraming salamat po."
Umalis kami ni Klara doon at agad agad ko naman syang tinanong tungkol sa pagsali nya sa school band.
"Oo..." nahiya pa si Klara nang itanong ko kung marunong ba syang kumanta.
Humalakhak ako. "Bakit hindi ka pa sumali noon?"
Ngumuso sya. "Nahihiya kasi ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob dahil may kasama na ako..."
"Bakit? Wala ka bang kaibigan?"
Umiling sya. "Walang gustong makipag kaibigan sakin..."
Kumunot ang noo ko roon. Naalala ko yung sinabi ni Jana na maraming nambubully sa kay Klara. Bigla akong nainis. Sino kaya yung mga nambubully na yun?
Inakbayan ko si Klara. "Hayaan mo, nandito na ako kaya wala nang mambubully sayo."
Tumingin sya sa akin at ngumiti.
"Ilibot mo na ako."
Tumango sya. Tumingin ako sa gitara na nasa balikat ko tsaka yon inirapan. Gosh. Abala ang isang to.
Nilibot nga ako ni Klara sa iba't ibang lugar rito sa school. Dinala nya ako sa laboratory room, art room, music room, computer room, auditorium, gymnasium, library, cafeteria, teachers' office, classrooms, dance practice room at marami pang iba.
Ngunit ang nagpanganga sa akin ay ang dance practice room nila. Malaking kwarto iyon na may malaking salamin na para talagang dance studio. May mga bench at may pinto na mukhang bihisan o banyo. May maliit rin na ref sa gilid na siguro ang laman ay mga tubig o kung ano ano pa. Halos tumulo ang laway ko habang nakatitig sa loob noon.
"Huy!" Humalakhak si Klara nang makita ang itsura ko. "Para kang adik. Halika na. Male-late na tayo..."
Ngumuso ako at naiiyak na iniwanan ang dance practice room. Grabe. Ang ganda ganda! Ang laki laki ng school na to! Hindi pa rin ako makapaniwalang dito ako mag aaral. Gosh!
Hinilot ko ang balikat kong sumasakit na dahil sa bigat ng gitara na nakasabit roon. Kinuha ko yon at binuhat na lamang sa kamay tsaka minasa masahe ang aking balikat.
"Okay ka lang? Gusto mo ako nalang magbuhat nyan?" Ani Klara.
Umiling ako agad. "Hindi na. Kaya ko naman..."
Tumango sya at hindi na ako pinilit. Dinala nya ako sa magiging classroom ko. Hindi ko na naman napigilan ang paglilibot ng mga mata ko. Kahit saan may nakikita akong halaman at bulaklak. Napaka ganda.
"Whooo! Klara is here!!"
Nagulat ako nang magsigawan ang tinurong classroom ni Klara nang makita kami. Nasa pintuan palang kami at napahinto nang magsigawan sila.
Kunot noo akong tumingin sa kanila.
"Hi, Klara..." lumapit sa amin ang isang babaeng kasing laki ko lang, may ngisi sa kanyang sobrang pulang labi, nakalugay ang kanyang buhok at maraming kung ano anong makukulay na bracelet sa kanyang pulsuhan.
Naramdaman ko ang paghawak ni Klara sa braso ko. Napatingin ako roon at naramdaman ang nanlalamig nyang kamay. Kunot noo akong nag angat ng tingin sa kanya ngunit nakayuko lang sya at kagat kagat ang labi.
"Oh? Who is she? A transferee?" Tinignan ako nung babae mula ulo hanggang paa.
"O-Oo..." sagot ni Klara.
"Hi," ngumiti sa akin ang babae.
Bahagya akong ngumiti sa kanya dahil nagtataka ako kung bakit parang takot sa kanya si Klara.
"Pabilihin mo na si Klara, Ella. Gutom na kami!" Sigaw ng isang lalaki.
Maarteng humalakhak iyong Ella na nasa harapan namin. "Okay, okay," inabot nya ang isang libong pera kay Klara. "Dating gawi, Klara. Alam mo na yung mga paborito namin, right?"
"O-Oo..." ani Klara at nanginginig na inangat ang kamay nya para kunin ang pera.
Nagtiim bagang ako tsaka binaba ang kamay ni Klara dahilan para hindi nya makuha ang pera. Nagulat sya at napa angat ng tingin sa akin.
"Amora..."
"Bakit sya ang bibili ng pagkain nyo?" Hindi ko pinansin si Klara.
Naka awang ang bibig noong Ella habang nakatitig sa akin. Maya maya ay natawa sya.
"Trabaho naman nya yon. She's a maid. Right guys?" Anya.
"Yup!" Sagot naman ng iba.
Ngumisi si Ella at tumingin sa akin.
"Hindi naman kayo ang amo nya," sabi ko.
Matunog syang ngumisi. "Wag ka nalang makialam kung sino ka man," bumaling sya kay Klara. "Faster. We're hungry," kinuha nya ang kamay ni Klara at nilagay roon ang pera.
Agad ko namang kinuha ang kamay ni Klara at binagsak sa sahig ang isang libong binigay nya. Matalim ko syang tinignan habang sya ay hindi na makapaniwalang tumingin sa akin. Nag ungulan agad ang mga kaklase namin.
"What do you think you're doing?"
"What do you think you're doing?" Balik kong tanong sa kanya.
Ngumisi sya ngunit nandoon ang masamang tingin sa akin. "Sino ka ba? Hindi mo ba ako kilala?"
"Kailangan ba kitang kilalanin?"
"Amora..." pigil sa akin ni Klara.
Mapaklang tumawa si Ella. "Of course! Palibhasa transferee ka kaya wala kang alam. Kapag nalaman mo kung sino ako baka hindi ka na makasagot sa akin ng ganyan."
Ngumisi ako. Sino ba sya? Sa pagkaka alam ko hindi naman sya ang may ari ng school na ito kung hindi ang mga Salvador. Kaya sino sya para sundin at katakutan ko?
"P-Pasensya ka na, Ella. B-Bago lang kasi--"
"Bakit ka nagpapasensya sa kanya?" Kunot noong tanong ko kay Klara.
Tumingin sya sa akin at nakikiusap na umiling, gusto akong patigilin. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Pwede ba, whoever you are, hayaan mo nalang kami. Kung ayaw mong madamay, manahimik ka nalang," ani Ella. "Pulutin mo yan, Klara. Ibili mo kami ng pagkain."
"O-Oo..." akmang yuyuko si Klara ngunit hinawakan ko ang braso nya at hinila muli sya patayo.
"Ano ba?" Iritado kong sabi. Sobrang naiinis ako sa ginagawa nya.
Naiiyak syang umiling sa akin, halos magmaka awa.
"Can't you leave us alone? Sino ka ba talaga? Sino ba to, Klara?" Iritado na ring sinabi ni Ella.
"S-Sya si Amora... b-bagong personal maid ni Sir Joshua..." nanginginig na sinabi ni Klara.
"Bagong personal maid ni Joshua?" Ngumisi sya muli. "Kung ganon dapat mo talaga akong sundin. Boyfriend ko pala ang amo mo."
Natigilan ako roon. Pero agad ring nakabawi at nakangisi syang tinignan.
"Dapat kitang sundin nang dahil lang boyfriend mo ang amo ko?" Napatawa ako roon.
"Yes! Why? Anak sya ng may ari ng school na ito at ako ang girlfriend nya kaya dapat mo lang rin akong sundin at galangin. Wala kang karapatang sagutin ako nang sagutin."
Napailing iling ako tsaka tumingin kay Klara. "Hindi mo naman sinabi na puro kindergarden ang magiging kaklase natin. Sana naging handa ako."
"What did you say?!" Iritadong sinabi sa akin ni Ella.
"Bakit?" Nagtaray rin ako. "Si Sir Joshua ang amo ko at hindi ang girlfriend nya. Tsaka wala ba kayong mga paa? Hindi nyo kayang bumili ng pagkain mag isa? Mga tamad lang?" Umirap ako. "Gosh. Palibhasa mga spoiled brat. Bagay na bagay nga kayo ni Sir Joshua..." bulong bulong ko pa.
"How dare you!" Singhal nya sa akin.
"How dare you mo mukha mo! Tabi nga!" Tinulak ko sya para makadaan kami. Hinila ko si Klara papasok sa classroom.
"Amora..." pagtawag ni Klara pero hindi ko sya pinansin.
"Walang hiya kang babae ka!" Bigla nalang akong sinabunutan ni Ella.
Napapikit ako at hinawakan ang mga kamay nyang nasa buhok ko. Nasa likod ko sya kaya hindi ko sya maabot ng maayos.
Gosh! Kapag talaga naka tyempo ako, ibabalibag ko tong babae na to! Napaka antipatiko katulad ng boyfriend nya! Nakakainis! Napaka ganda ng unang araw kong ito, ah!
"Walang hiya ka! Wala kang karapatan para bastusin ako!" Sigaw pa ni Ella.
"Bitawan mo nga ako! Aray!"
Yung mga kaklase naming imbes na umawat ay nagpupustahan pa kung sino ang mananalo. Yung iba ay nagchi-cheer pa sa amin. Mga lintik.
Nang makuha ko ng maayos ang kamay nya ay pilit ko iyong tinanggal sa aking buhok. Napapikit ako sa sakit dahil sobrang higpit ng kapit nya. Halos matanggal ang anit ko.
Lintik na babae na to! Kapag talaga naabot kita, makikita mo ang trono mo sa impyerno!
At nang maabot ko na nga sya at matanggal ko ang pagkakasabunot nya sa buhok ko ay agad ko syang hinarap. Ngunit agad nya rin akong sinabunutan at pinaghahampas.
"Aray ko! Ano ba!" Sigaw ko at malakas syang tinulak dahilan para bumagsak sya sa sahig at mapa daing sa sakit.
"Whoooo!" Agad naghiyawan ang buong klase.
Hinihingal naman akong tumingin kay Ella na halata sa mukha ang sakit na nararamdaman. Hindi yata naging maganda ang pagbagsak nya. Ngumisi ako at magsasalita na sana nang may magsalita.
"Amora," tawag ng isang napaka lamig na tinig.
Agad natahimik ang buong klase sa boses na yon. Agad rin akong nanigas sa aking kinatatayuan at napatingin sa pintuan kung nasaan si Sir Joshua na napaka seryoso na naman ng tingin sa akin.
"Babe!" Pilit na tumayo si Ella at nagtatakbo kay Sir Joshua tsaka yumakap rito. "Sinaktan nya ako, babe!" Kunyari pa syang umiyak.
Nawala ang kabang nararamdaman ko at napairap sa sinabi nyang yon. Humalukipkip ako at tumingin kay Sir Joshua na hindi manlang binalingan ang kanyang girlfriend at nakatingin lang sa akin.
"Babe, wala ka manlang bang gagawin? She hurt me! Look! Nagkasugat ako sa tuhod!" Ani Ella.
Muli akong napairap sa kawalan. Gosh. Ang arte.
Tinignan ni Sir Joshua si Ella pagkatapos ng ilang sandaling pagtitig sa akin. Tinignan nya lang ito at hindi manlang niyakap pabalik o kinamusta. Tumingin lang sya muli sa akin habang seryoso pa rin ang mga mata.
"Come with me," malamig na utos nya sa akin tsaka tinanggal ang pagkakayakap ni Ella at umalis.
Iritado akong tumingin sa likod nyang paalis. Umirap muli ako.
Ngingisi ngisi si Ella habang nakatingin sa akin. Para bang sinasabi nyang lagot ako. Gusto ko na namang umirap roon. Napaka bata. Nakakainis.
Humarap ako kay Klara na halata ang takot sa mukha. Bumuntong hininga ako at hinawakan sya sa balikat.
"Babalik rin ako agad. Parating na ang teacher kaya wag ka nang mag alala," sabi ko.
Tumango sya, halatang ayaw akong umalis pero walang magawa. Muli akong bumuntong hininga at sumunod na kay Sir Joshua.
Napaka ganda talaga ng unang araw mo, Amora. Napaka ganda.

Comentário do Livro (97)

  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    17d

      0
  • avatar
    Jhon Cedric Cape

    it's so good

    22d

      0
  • avatar
    AlamanAira

    A high qualite

    15/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes