logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 6

Kabanata 6
Hindi rin naman nagtagal ay binabagtas na namin ang daan papuntang pantalan. Masaya akong nakipagkuwentuhan kay Mang Edgar.
Nag-aangkat pala siya roon ng mga isda na ibenibenta sa palengke. Iyon nga lang daw ay mahina ang benta dahil sa tindi ng pag-aagawan ng teretoryo sa pagitan ng karatig na isla.
Hindi kami inabutan sa daan at nakarating din naman kami sa pantalan.
"Mang Edgar may alam ho kayong matutuluyan dito?" tanong ko.
"Nako ineng, nalagpasan na natin ang mga posible mong tutuluyan. Pero kung ayos lang sa iyo aba'y sa bahay ko na lang ikaw magpalipas. Hayan lang naman ang bahay ko," anito.
Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ang alok nito sa akin. Bago pa man ako makapagdisesyon ay dumating naman bigla ang may edad na babae.
"Edgar! Diyos ko naman, lubos mo naman akong pinag-alala. Bakit ngayon ka lang umuwi?" anito at mukhang hindi niya pa yata ako napapansin.
"Asun naman, mahiya ka nga sa bisita." Napapakamot pa sa ulo si Mang Edgar.
"Oh? Ay nako ineng, pasensya na ho," paumanhin nito sa akin.
Nailing ako.
"Wala po iyon," nakangiti ko namang sagot.
"Nako, pasensya ka na talaga..."
Bahagya pa itong tumigil sa sasabihin nito. Ngunit parang nahulaan ko na ang ibig nito.
"Ayesha Yana po, Aling Asun," sagot ko naman at nakipagkamay sa kanya.

"Asun, pakitawag mo nga si Selia para maihanda iyong tulugan na pinaparentahan natin. Nalagpasan ko na kasi ang mga pahingahan dito sa atin kaya't nag-alok na ako na dito muna siya magpalipas ng gabi," paliwanag ni Mang Egdar sa asawa niya.
Todo naman kung makangiti itong si Aling Asun sa akin.
"Tara na Ayesha Yana," gayak pa nito.
"Yana na lang po," wika ko naman.
"Ikaw ang bahala," tugon naman nito at inalalayan pa akong makatawid sa tulay na gawa sa kahoy.
"Nasaan ho ang bahay paupahan niyo?" usisa ko pa.
"Hayan lang, iyang katabi ng bahay namin. Makakasama mo rin si Selia, ang anak ko. Ayaw kasi nito sa kuwarto niya dahil masiyadong masikip," ani Aling Asun.
Napatango-tango lang ako at bahagyang nilingon si Mang Edgar na bitbit ang mga gamit ko.
"Selia, anak!" tawag pa ni Aling Asun nang matapat kami sa kanilang bahay.
"Opo 'nay, papanaog na ho!" sagot naman nito.
Base sa boses nito ay mukhang dalagita pa ito. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na ito at sinalubong ng mano ang kanyang mga magulang.
"May bisita po pala tayo 'nay," ani Selia.
"Oo, pero mukhang ngayon lang mananatili rito si Yana. Edgar, saan mo nga ba ihahatid itong si Yana," anang Aling Asun.
"Sa Isla Pag-asa," sagot ni Mang Edgar.
"Oh, siya Selia, samahan mo na siya roon at hahatiran ko na lamang kayo ng pagkain," ani aling Asun.
Bago ako maakay ni Selia ay humugot muna ako ng pera sa bulsa ko.
"Aling Asun, ito ho, pangdagdag man lang po."
Inabot ko sa kanyang ang isang libo.
"Nako Yana, hindi na kailangan iyan," tanggi pa nito.
"Pero gusto ko po, sige na ho," pagpupumilit ko pa.
"Mukhang hindi mo na matatanggihan ang batang iyan Asun. Siya rin ang bumili ng gasolina kanina para sa bangka natin. Aba'y ilang araw din iyon bago tuluyang maubos," nakangiting sabat pa ni Mang Edgar sa amin.
Walang ano pa'y ginagap nito ang aking kamay at nagpasalamat ng lubos sa kabaitang ginawa ko. Ngumiti lang ako at kinayag na ako ni Selia papunta sa tutuluyan ko.
"Masuwerte ka sa kanila," wika ko.
"Oo nga po ate. Salamat po sa tulong niyo," ani Selia.
"Wala 'yon. Mabuti rin naman ang ginawa nilang pagtulong sa akin."
Ngumiti lang ito.
Matapos ang kuwentuhan namin at masayang hapunan ay maaga ng gumayak sila Aling Asun. Nasanay kasi sila na maagang matulog. Naiwan kami ni Selia rito sa kabilang bahay.
Nakatutuwa lang dahil parang kapamilya na ang trato nila sa akin gayong kung tutuusin naman ay isang hamak na istranghero lang ako.
"Ate, ano nga pala ang sadya mo sa isla?" Napabaling ako kay Selia.
Abala ito sa pag-aayos ng hihigaan namin.
"Hinahanap ko ang tiyang ko," sagot ko at muling napatanaw sa buwan.
"Ah, ate mauna na po ako ha. Kung inaantok na po kayo, pakisara na lang po ng bintana," aniya.
Tumango lang ako at napatanaw muli sa buwan. Kay ganda nitong pagmasdan. Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagmamasid sa buwan ay nakaramdam ako bigla ng malamig na hangin sa aking batok. Para bang may umihip kaya't nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
Dali-dali kong isinarado ang bintana at tumabi na kay Selia.
Napapadasal pa ako ng ilang beses bago tuluyang gumaan ang aking pakiramdam.
Napatalukbong ako ng kumot. Hindi ko na talaga gusto itong mga nangyayari sa akin. Hindi ko man lubos na maunawaan kung bakit ako nagkakaganito pero pakiramdam ko'y normal lang ito. Normal nga ba talaga?
Sinubukan ko na lamang ang matulog ngunit kahit nakapikit ako'y hindi pa rin ako mahila-hila ng antok. Inalis ko ang kumot at dumilat. Bumaling ako kay Selia, napakahimbing ng tulog nito. Muli akong napatihaya at muling nakipaghilaan ng antok, hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Comentário do Livro (22)

  • avatar
    Jessica P. Adlaon

    ang ganda. mukhang may part 2 ano po kayang title?

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Aleyah Belga

    cause I want to many money

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Daisy Jean Ingcong Gomez

    sobrang ganda ng kanilang kwento nakakamangha

    08/03/2025

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes