logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER7

CHAPTER 7
Nakita ko ang tinginan ng mga tao sa loob ng ward kay Drew. Para tuloy siyang celebrity.
Nilingon ko si Ramona at nagtatanong ko siyang tinignan.
"Nakita ko siya sa bahay ,tinatawag ka. Ang sabi ko nandito ka sa hospital, Ayon nalibre na niya ang pamasahe ko papunta dito, pinasabay na niya ako.. Ang sarap sumakay sa kotse niya girl! Ang bango at ang gwapo ng may-ari," wika niya at binulong sa'kin ang huli.
Agad ko siyang inirapan at pasimpleng siniko. Ang landi ng baklang 'to!
"Ah ganun ba?" hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko kay Drew.
"Labas muna ako bebe girl, Masyadong hot dito!" natatawa niyang saad at lumabas na.
Naiwan kaming dalawa doon ni Drew. Naglakad siya papalapit sa akin at naupo sa tabi ko.
"I came to your house para sana kamustahin ka. I was busy this past few days. Then your friend told me about what happened to your Lolo, how is he?" malumanay niyang tanong.
"K-kailangan siyang ma-operahan Drew." garalgal kong ani.
Alam kong lumaki akong matapang pero sa kalmadong pakikipag-usap sa akin ni Drew, para akong naiiyak. Para akong batang nagsusumbong sa kanya.
"Don't worry Isay, I will shoulder all the expenses that you need. Your Lolo will be okay, " saad niya at hinagod ang likod ko.
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Tinitignan ko kung nagbibiro lang ba siya. Pero seryoso siyang nakatitig sa akin.
Lord siya na ba ang hulog ng langit sa hiniling ko? Bumuntong hininga ako.
"'Wag na Drew, nakakahiya naman sayo, eh kakakilala lang natin tapos aabalahin pa kita sa bagay na ito, wag na noh, may mauutangan naman akong kaibigan diyan," pagpapagaan ko ng loob at pinunasan ang luha sa mata ko.
"Kaninong kaibigan, kay Danielle?" matigas niyang tanong.
Yumuko ako. "Pwedi naman, matagal ko na siyang kaibigan---"
"Why not me? I'm your friend too." inis niyang sabi.
Hindi ko alam ang isasagot ko, naumid ang dila ko sa sinabi niya. Parang naiinis na kasi siya. Anong problema kung kay Danielle ako uutang, diba? Ani ko sa isip.
Nang hindi na ako kumibo. Maingay siyang tumayo at naglakad na palabas.
Nakonsensya ako, alam kong nagmamagandang loob lamang siya sa akin kaya hinabol ko siya.
Nakalabas na siya ng ward na iyon saka ko siya naabutan.
"D-drew, sandali!" tawag ko sa kanya at hinawakan siya sa braso. Tumigil naman siya.
Agad kong binawi ang kamay ko sa braso niya. May kakaiba kasi akong naramdaman sa pagdikit ng kamay ko sa balat niya.
"P-pasensya na kung na-offend kita, hindi ko lang kasi alam kung paano kita mababayaran kung sakali eh," ani ko. Bumuntong hininga siya bago ako hinarap.
"Don't worry about that, ang isipin mo ang Lolo mo," saad niya at ngumiti sa akin. Ginulo niya din ang buhok ko.
Bakit sanay na sanay sila ni Dan gawin sa buhok ko ang ganoon?
Ngumiti na lang din ako sa kanya. "Salamat Drew," sambit ko.
"Welcome, puntahan mo na ang lolo mo and I'll go now, may aasikasuhin lang ako." pagkasabi niya nun, umalis na siya sa harap ko. Matagal na siyang nakaalis pero nakatayo parin ako doon.
"Hoy! Natulala kana diyan bebe girl!" pukaw sakin ni Ramona na ikinagulat ko.
Hinampas ko siya sa braso.
"Arayyy!" pabebe niyang sabi na akala mo naman nasaktan talaga. Inirapan niya ako.
"Jowa mo na ba 'yon sister?! JACKPOT! Natupad na din ang pangarap mong makapangasawa ng foreigner!" pumapalakpak niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko.
"Hoyy bakla hindi ako ang may pangarap niyan kundi ikaw! Saka jowa ka diyan, kaibigan ko lang si Drew noh," may pagkadefensive kong sabi.
"Kung ganoon may pag-asa na ako! Salamat bebe girl!" parang nanalo sa loto niyang sabi.
"Assuming ka! Hindi ka magugustuhan niyon!" bara ko.
"At bakit? Ikaw oo?"
"Hindi din! Teka! bakit ba natin pinagtatalunan ang bagay na ito. Ikaw talaga ang landi mo! Si lolo walang kasama sa loob," sabi ko. Agad naman akong pumasok na sa loob ng kwarto at tumabi ulit kay lolo.
Kinabukasan, kinausap na kami ng doctor na magoopera kay lolo. Agad naman siyang ipinasok sa OR para maoperahan kaagad. Pinalipat na rin ang mga gamit namin sa isang private room. Siguro dahil binayaran na ni Drew ang mga bayarin dito sa hospital.
Iniwan ko muna si Ramona doon dahil gusto ko munang pumunta ng chapel sa hospital na iyon.
Nang makarating ako doon. Lumuhod ako at taimtim akong nanalangin na sana gabayan si Lolo sa kanyang operasyon at mawala na ng tuluyan ang kanyang karamdaman. At nagpasalamat na rin dahil may kaibigan akong tulad ni Drew na hindi nag-alangang tulungan kami sa ganitong sitwasyon . Hindi man ako napakarelihiyosong tao pero lagi naman akong tumatawag sa Diyos.
Pagkatapos kong manalangin. Bumalik ako ng kwarto at naupo ako sa sofang naroon, inaantok ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos sa magdamag dahil sa pagbabantay kay lolo. Hinintay ko kasi siyang magising. Pero bigo ako. Napagpasyahan kong mahiga na doon at maya-maya lang hinila na ako ng antok.
Naalimpungatan ako ng may humahaplos sa aking pisngi. Agad akong nagmulat ng mga mata at nakita ang nakangiting si Drew.
"Hey!" nakangiti niyang bati.
Agad akong napabangon. Hala! nakakahiya, baka tulo laway ako o kaya naghihilik ako habang natutulog kaya siya nakangiti sa akin. Jusskoo nakakahiya! Tinakpan ko ng kamay ang bibig ko at pinunasan ang gilid ng labi ko.
Nangunot naman ang noo niya habang nakatitig sa akin. Nagaalangan ko siyang nginitian at nangamot ng ulo.
Ang aga bakit nandito siya? Diba may trabaho siya? Tanong ko sa sarili ko.
"Kanina pa kita ginigising kasi sabi ng kaibigan mo hindi ka pa raw kumakain ng tanghalian, dahil kanina ka pa daw tulog," aniya.
"H-hah? Bakit anong oras na?" tanong ko sa kanya.
"It's already three pm."
"Ano?! Bakit hindi niyo ako ginising kaagad? Nasaan na si Lolo!" Malakas kong wika dahil sa gulat, kaya napatayo ako.
"Relax Isay! Sit down and eat your lunch first. Magugutom ka niyan," malumanay niyang sabi.
Iniabot niya ang kamay ko at hinila paupo sa tabi niya.
"Nasa ICU na ngayon ang lolo mo. His operation was successful kaya don't worry. He will be fine."
Nakahinga naman ako ng maluwag at napapikit ng mariin sa sinabi niyang iyon. Agad bumalong ang luha ko sa mga mata ko dahil sa tuwa.
"Oh Salamat sa diyos!" naibulalas ko.
Tumingin ako kay Drew.
"Sayo din Drew, k-kung hindi dahil sayo hindi maooperahan agad ang lolo ko, m-maraming salamat!" maluha-luha kong sabi sa kanya at niyakap siya ng  mahigpit.
Naramdaman ko ang pagkabigla niya, pero niyakap niya rin ako pabalik at naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa buhok.
"My pleasure Isay. Please stop crying. Be strong," aniya.
Napakakomportable ko sa yakap ni Drew, napakabango niya at ramdam ko
kung gaano katigas ang katawan niyang nakadikit sa akin. Agad kong sinaway ang sarili ko sa naisip.
Naimpluwensiyahan na siguro ni Ramona ang isip ko kaya ganito na kahalay ang mga naiisip ko. Tsk!
Agad naman akong bumitiw ng yakap kay Drew. Pinunasan ko ang mata ko gamit ang kamay.
Nahiya ako sa ginawa ko, kaya hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya, kaya naisipan kong tumayo at lumapit sa nakatakip na pagkain para sa akin. Kumain ako.
Alam kong nakatitig lang siya sa akin habang kumakain ako kaya, nagsalita ako. Ang awkward naman kung ang maririnig lang namin ay ang pagkain ko.
"Kain ka din," aya ko sa kanya.
"No thanks I'm done," sagot niya.
"Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko sa kanya. Nahuli ko naman ang seryosong tingin niya sa akin. Iniwas ko ulit ang tingin ko at itinutok sa pagkain.
"No," tipid niyang sagot. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Tumango-tango nalang ako.
Mabuti na lang at bumukas na ang pinto at pumasok si Ramona.
"Bebe girl! Gising na si Lolo!" masayang bungad niya sa akin, kaya agad akong napatayo at lumabas para silipin siya sa ICU.

Comentário do Livro (378)

  • avatar
    Salmah Bantuas Batara

    hehehe

    13h

      0
  • avatar
    CruzCris ian

    500

    1d

      0
  • avatar
    AboyMaryann

    sobrang ganda

    1d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes