logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 6 Six

𝗦𝗛𝗔𝗜𝗥𝗔'𝗦 𝗣𝗢𝗩
Nakabusangot akong nakaupo sa may sofa habang nakatingin sa may hagdanan. Iritado kasing umakyat si Ash sa kwarto niya kanina, mga isang oras na ang nakalilipas.
Nagalit siguro siya dahil sa ginawa ko.
Nagaalala lang naman ako sa kanya, at wala na akong maisip na ibang ideya kundi iyon lang.
Napukaw ang diwa ko ng makarinig ng yabag mula sa hagdanan.
Kaagad akong tumayo ng makitang pababa si Ashton habang binubutones ang polo niya.
"Ash, I'm sorry--"
"Pupunta lang ako sa opisina" putol nito habang inaayos ang kwelyo niya. Nilagpasan ako nito habang hindi maipinta ang pagmumukha niya.
"Ash, teka lang, gusto ko lang--"
"Pagkaalis ko umupo ka lang jan sa sofa, at huwag kang gumawa ng mga hindi kaaya ayang bagay dito sa bahay. Kapag umaandar kasi yang kaabnormalan mo kahit ano ano nalang ang naiisip mo" malamig na saad nito.
Hindi man lang ako pinapatapos sa pagsasalita.
"Ano bang big deal dun sa ginawa ko?" iritadong tanong ko dahil hindi man lang niya ako pianapatapos sa pagsasalita. "Umutang lang naman ako ng lugaw"
Bigla ako nitong binalingan. "What's the big deal?" walang buhay na tanong nito. "Sa edad mong yan Shai, that's not the proper thing to do, grow up Shaira , you're not a kid anymore, you're an adult now, so act like one" pangaral nito sa akin na ikinakulo ng dugo ko.
Sa lahat kasi ng tao, hindi ko inaasahan na kay Ashton ko pa maririnig ang mga katagang yan.
Bigla akong tumayo. "Sorry kung isip bata akong magisip" saad ko habang pinipigilang malaglag ang luha sa mata. "Ganito kasi talaga ako eh, at hindi ko na mababago yun. Akala ko sa lahat ng tao ikaw lang ang kaisa isang makakaintindi sa akin, pero nagkamali ako!"  singhal ko sa kaniya sabay takbo palabas ng bahay niya.
Pakiramdam ko kasi malalaglag na yung mga luha ko sa mata, at ayaw kong makita ni Ashton yun. Sabi niya kasi noong mga bata pa kami ayaw niya daw akong makitang umiiyak, kasi masasaktan din daw siya kapag nasasaktan ako.
Tsaka hindi ko din kayang umiyak sa harapan niya, nakakahiya.
Panay lang ang takbo ko kahit hindi ko na alam kung saan patungo ang daan na tinatahak ko. Basta ang importante makalayo muna ako kay Ashton. Baka kasi lumaki lang ang away namin kapag nagkalapit kami, at yun ang pinakaayaw kong mangyari.
Makalipas ang isang oras ng paglakad takbo ko, hindi ko na alam kung nasaan ako. Ang galing! Nakalayo nga ako kay Ashton, pero pati sa village nila nakalayo narin ako.
Ang tanga ko talaga! Nasaang lupalop na kaya ako ng mundo?! Hindi ko pa naman dinala ang cellphone ko.
Tama nga si Ashton, napaka immature kong magisip. Pero ito talaga ang totoong ako eh. Ang immature na Shaira.
Dahil sa pagiging Abnormal ko pinalayas ako sa bahay tapos ngayon mukhang palalayasin na rin ako ni Ashton.
Ako na ata ang pinakamapalad na nilalang sa mundo! Jusmi!
Umupo ako sa may gilid ng kalsada.
Mukhang magkakatotoo na nga yung matutulog ako sa tabi ng mga basura at asong kalye. Tapos may mga grupo ng kalalakihan na isasalvage ako at itatapon sa may ilog pasig. At kapag nakita nila ako, isa nalang akong malamig na bangkay.
Ipinilig ko ang ulo sa ideyang naiisip.
Ano ba tong pinagiisip ko?
𝗔𝗦𝗛𝗧𝗢𝗡'𝗦 𝗣𝗢𝗩
Kanina pa ako paikot ikot na nagmamaneho dito sa village, pero ni anino ni Shaira hindi ko makita. Kaya napagisipan kong sa labas ng village na maghanap, baka kasi lumabas ito.
Alam ko namang napakagago ko sa part na pinagsabihan ko siya ng ganung klaseng bagay. Pero nangako ako kay Tita na tutulongan ko siya na mag mature si Shaira.
Ngunit tama nga siguro ang sinabi ni Mommy noon na "You can't change a person even how much hard you try to"
Mukhang lumagpas ako sa limitasyon ko at nasaktan ko ang isa sa mga babaeng pinaka mahalaga sa buhay ko.
Napahilamos nalang ako sa mukha ng makitang dumidililim na. Nasaan na ba si Shaira?!
Panay ang tingin ko sa labas ng may nahagip ang mata ko.
Si Shaira, nakaupo ito sa may gilid ng kalsada.
Dali dali kong pinamaneubra ang manubela patungo sa kanya.
At ng makarating ako sa gilid ng kalsada, inihinto ko ang kotse at dali dali akong bumaba para lapitan siya.
Kunot noo itong nagangat ng tingin, at ng makita niya ako, kaagad na nagliwanag ang mukha niya.
Kakaiba din tong babae nato.
Akala ko sasalubongin niya ako ng nakamamatay na tingin.
Hindi ko akalain-- Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng bigla bigla nalang ako nitong sinugod ng yakap.
Inihilig nito ang ulo sa may dibdib ko. "Sinundan mo nga ako" masayang anas nito.
Ipinilig ko ang ulo para bumalik ang utak ko sa tamang huwisyo, nagulat kasi ako, at kapagkuwan lihim nalang akong napangiti. "So, alam mo na susundan kita?" nakangiting tanong ko.
Tinampla nito ng mahina ang braso ko. "Ano ka ba, kaya nga ako tumakbo kasi alam kong susundan mo ko" saad nito na ikinatawa ko.
Kakaiba talaga.
Hinaplos ko ang likod nito. "I'm sorry nga pala kasi may nasabi akong masama sayo kanina." paghingi ko ng tawad sa kanya.
Nagangat ito ng tingin. "Sorry din, kasi imposibleng maging ako yung matured na Shaira na gusto mong maging" paghingi din nito ng tawad.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito. "Magmula ngayon, tanggap na kita kahit may pagkaabnormal at isip bata ka pa" natatawang saad ko. "Well, yung totoo matagal ko na talagang  tanggap na hindi ka na mag mamatured, 26 years ko ng tanggap"
Humaba ang nguso nito. "Ang sama mo" nakabusangot na saad nito. "Nga pala" biglang naging seryoso ang mukha nito. "H-hindi mo naman siguro ako papalayasin sa bahay mo... diba?" parang may pag-aalingang tanong niya.
Pinitik ko ng mahina ang noo niya. "Bakit naman kita papalayasin?" nakangiting tanong ko. "Kapag pinalayas kita, wala na akong malaking daga na papakainin sa bahay" panunukso ko sa kaniya.
Pinaikot nito ang mata. "Ang lakas mo talagang manukso, kutusan kaya kita" pagbabanta nito.
Tinawanan ko lang ang sinabi niya ng may biglang dumaan na motorseklo sa harapan namin.
"Huwag kayong maglampongan sa kalsada!" biglang sigaw ng driver.
Kaagad itong nilingon ni Shaira. "Si Manong, inggitero" nakataas ang kilay na saad niya. "Manong! Kung naiingit ka, maghanap ka ng kaporeber mo! Hindi yang nangingialam--"
Bigla itong napahinto sa pagsigaw ng takpan ko ang bibig niya. "Pinagtitinginan na tayo ng mga taong dumadaan kaya itigil mo nayang pagsigaw mo" saway ko sa kanya.
Hindi ito tumigil at panay parin ang pagsasalita, pero hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil nakatakip parin ang kamay ko sa bibig niya.
"Umuwi na tayo" saad ko at iginiya siya patungong kotse habang hindi parin nakaalis yung kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya.
Mas mabuti na ang sigurado, baka kasi makahanap pa kami ng away dito.

Comentário do Livro (179)

  • avatar
    AbacoAngela

    🫶🏻🫶🏻🫶🏻

    12d

      0
  • avatar
    Merlina Lawis

    MARTIN

    26d

      0
  • avatar
    Honeylyn Pregoner

    it's okay

    05/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes