logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

BOLCT-7

BOLCT-7
MARINEL
MATAPOS ang ilang minuto ay natapos rin ako. Bigla namang lumitaw si Veronica sa harapan ko at para na itong maiiyak sa isang tapik lang.
"Huwag mo akong artehan diyan," iritado ko pang sabi. Naiinis ako e!
"Wa! Nel, sorry na. Alam ko, mali ako."
Inirapan ko lang siya at itinuon ang atensiyon ko sa paglalagay ng babaonin ko. Napahikbi naman siya.
"Nel... Sorry na..." Napapadyak akong humarap sa kanya.
"Sampung beses mo nang ginagawa 'to at ito ang unang beses na hindi ako nakatulog sa labas habang pinagpapantasyahan ng mga lamok," panimula ko.
"Kailan ka ba magtitino?" dagdag ko.
"Sa makalawa?" nakangiwi niya pang sagot.
"Ugh! Kung 'di lang kita kaibigan malamang sinabunutan na kita e! Iyong bayad sa upa, ibayad mo sa kuryente at tubig. Pagkatapos 'yong natira, ibili mo ng grocery natin tapos 'yong natira pa, ibayad mo kay Aling Lukring," bilin ko habang itinitirintas ang buhok ko.
"Huh? E? Malaki ang babayarin natin kay Aling Lukring 'di ba?" takang tanong niya.
"Binayaran 'yon ni Enzo kaya may utang na loob tuloy ako sa kanya."
Napatili naman siya. Tsk! Kanina lang may paiyak-iyak.
"Really? Oh my gee! So, am I forgiven na? At sino naman 'yang Mr. Enzo na iyan?"
Isinuot ko na 'yong doll shoes ko. Hindi ko na pinansin 'yong pa tungkol sa pang-uusisa niya kay Enzo.
"Linisin mo muna ang bahay. Alis na ako," paalam ko at lumabas na ng bahay. Pumara na rin ako ng jeeep.
"Nel I love you!" ngiting-ngiti niya pang pahabol sa akin.
"Love you more, Nica," tugon ko at tuluyan nang sumakay sa jeep.
PAGKARATING ko sa trabaho, agad akong nagpalit ng uniform ko.
"Tsk! Ang hirap kasi sa mga linta, mabagal kung kumilos," litanya pa ni Aira.
Napabuga ako ng hangin. Kalma Nel. Hindi ko siya pinansin at agad nang lumabas ng kitchen area para magsilbi sa mga customer.
"Nel!" Napalinga ako sa tumawag sa akin.
"Oh? Ate Moana," gulat ako nang makita ko siya pero hindi ko 'yon ipinahalata.
"Napadaan ka po?" segundang tanong ko.
"Kita tayo bukas, linggo naman e."
"May okasyon ba?" tanong ko.
"Wala naman, masama bang makasama ang pinsan ko?" Napatango na lang ako.
"Sige ate, balik na ako sa trabaho ko," paumanhin ko.
Nginitian niya lang ako. Nagtungo ako agad sa kitchen area. Ano kaya ang na kain niya? Sa tagal naming magkakilala bilang magpinsan ay ngayon niya lang ako niyaya. Siguro ay naiilang lang siya sa akin dati. Nagkibit-balikat lang ako.
Pagbalik ko sa kitchen area...
"Bilhin mo nga 'to sa convenience," maarte pang utos sa akin ni Aira sabay tapon ng papel sa akin.
Napailing na lang ako at agad na hinubad ang apron ko. Nang makalabas ako, agad kong binaybay ang daan. Nasa kabilang kalye pa kasi ang convenience store. Sa paglalakad ko, may naringgan akong nagtatalo pero binalewala ko lang 'yon hanggang sa natapat na ako sa kanila.
Napatigil ako sa gulat.
"Babe, please? Come back to me. Let's start again. Pag-usapan natin 'to," pagmamakaawa ni Enzo.
Parang pinipiga ang dibdib ko sa 'di malaman na kadahilanan. Laking gulat ko nang biglang buhusan ni ate Moana si Enzo ng tubig mula sa hawak nitong mineral water.
"Magpalamig ka muna ng ulo. Baka 'yan matauhan ka na 'di ba!? Tapos na tayo!" bulyaw ni ate Moana sa kanya at agad na sumakay sa kotse nito.
Gulat man at wala sa katinuan pero mabilis akong lumapit kay Enzo at pinahiran ang basa niyang mukha gamit ang panyo ko. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at agad napayakap sa akin habang umiiyak. Naninikip ang dibdib ko sa bawat paghikbi niya. Para bang pati ako ay nasasaktan. Kaya pala ganoon na lang ang tagpo nila noong nakaraan. Ex-girlfriend pala ni Enzo si ate Moana. Hinagod ko na lang ang likod niya para naman gumaan ng konti 'yong pakiramdam niya. Iyak lang siya nang iyak at hindi ko alam kung kikibo ba ako o kung ano. Unang beses na mangyari ito sa akin. Masakit pa lang makita ang isang lalaki na umiiyak. Para bang gusto kung akuin 'yong sakit na dinadala niya. Hindi man kami nagkakilala ng matagal na panahon pero itinuturing ko na siya bilang isa sa mga kaibigan ko.
ILANG minuto rin bago siya tumigil at kumalas nang yakap sa akin.
"Ka lalaking tao, umiiyak," tipid na asar ko pa at pinahiran ang luha niya sa pisngi.
"Sorry," nakayuko niyang sambit.
Tipid lang akong ngumiti at nagpatiuna na nang lakad habang hawak ang kamay niya. Foots spa! Iyong pinabibili pala sa akin ni Aira. Pasimple akong sumulyap kay Enzo na nakasunod lang sa akin. Mukhang wala talaga siya sa sarili niya. Nang matapat kami sa convenience store ay humarap ako sa kanya.
"May bibilhin lang ako," paalam ko.
Matipid lang siyang tumango. Patakbo akong nagtungo agad sa loob at binili 'yong mga nakalista sa papel. Nang makabalik ako kay Enzo, nakatungo lang siya. Hinawakan ko 'yong kamay niya at hinila na ulit pabalik sa dinaanan namin kanina. Wala pa rin siyang imik. Ewan ko ba, parang natatawa ako sa ginagawa ko ngayon. Para kasi siyang batang inagawan ng candy. Pagkarating namin sa coffee shoppe ay iniwan ko muna si Enzo sa labas at ipinasok 'yong mga dala ko.
"Aba! Hoy ikaw babae ka! Kanina pa kita hinihintay!" galit na salubong sa akin ni Aira.
Sasampalin na sana niya ako nang bigla na lang may kamay na pumulupot sa baywang ko at sumalag sa sampal sana na ibibigay ni Aira sa akin.
"Do it and I will fired you!" mariing banta ni...
"Enzo," anas ko.
"Aira!" singit ni Manager.
"Sorry po, sir Calvin. Nel, samahan mo muna si sir," sabi pa ni Manager sa akin.
"Ah, opo," nauutal kong sagot.
Agad ko namang hinila si Enzo palabas at dinala sa may malapit na park. Umupo kami sa lilim ng puno.
"Salamat pala kanina," panimula ko.
Tipid na tango lang ang nakuha kong sagot sa kanya. Napahugot ako ng malalim na hininga.
"Mahal mo talaga siya?" lakas-loob kong tanong.
"What's the use of keeping that question!? Just fuck! It's useless," inis niyang sagot.
"Kalma lang," sabi ko pa.
Ganito ba talaga kapag nagmahal ang isang lalaki? Sagad na sagad. Napaunat ako.
"Fine! Halata namang mahal na mahal mo ang pinsan ko. Kaya bilang bayad sa pagtulong mo sa akin sa upa sa bahay, sa trabaho ko, tutulungan kita sa pinsan ko," sabi ko pa.
Ewan ko ba! Pero parang labag sa loob ko itong sinasabi ko. Sa kabilang banda naman, ano nga ba ang pakialam ko. Buhay nga naman ay parang life. Bigla naman niya akong iniharap sa kanya.
"Are you serious? I mean, wala akong hinihinging kapalit sa pagtulong ko sa iyo Nel."
Inalis ko 'yong mga kamay niya sa magkabilang braso ko.
"At hindi rin ako nag-iipon ng utang na loob, Enzo," sagot ko.
"Deal or No deal?" hamon ko pa.
"Can I say both?" Sinimangutan ko siya.
"Alright!" sang-ayon din niya kinalaunan.
Tumayo na ako at ganoon din naman siya.
"May lakad kami bukas kaya dapat sasabay ka. Ite-text kita bukas, okay?"
"Thanks," tipid niyang sagot.
Ginulo ko lang ang buhok niya.
"Uuwi na ako. Nag-undertime pa naman ako sa trabaho. Bawas suweldo na naman 'yon," sabi ko pa.
"Nangungunsensya ka?" natatawa niya pang tanong.
"Huh? 'Di ah!" maang ko.
"Alright! Ako na bahala roon," aniya at inakbayan ako bigla.
Tipid lang akong napangiti at hindi ipinahalatang naiilang ako sa pag-akbay niyang 'yon. Kalma Nel! Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na naman ako ng malamig. Siguro'y 'di ako sanay na may kaibigang lalaki na ganito ka-close.
PAGKAUWI ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Veronica ng isang malagkit na tingin. Inirapan ko lang siya at kumaway kay Enzo bago tuluyang nawala ang kotse nito sa paningin ko.
"Gusto mo ice? Malulusaw na mata mo e," sita ko pa kay Veronica.
"Ha-ha-ha!" sarcastic niyang tawa bigla.
"Ano'ng ibig sabihin nang paghatid niya sa 'yo aber?" Naupo ako sa sofa at tinanggal ang medyas ko.
"Magkaibigan lang kami at isa pa, tutulungan ko siya kay pinsan. Ex-girlfriend niya pala si ate Moana e," paliwanag ko.
Inilapag naman niya sa lamesita 'yong jampong noodles para sa akin.
"Really? At pumayag ka naman? I mean, okay lang sa 'yo?" Napatango ako.
"Nako Marinel ha! Iyang ganyang sitwasyon ay laging palpak!" litanya niya sabay subo ng chips.
"Ba't naman palpak? Gusto ko lang makatulong. Pambayad na rin sa naitulong niya sa atin, 'di ba? At okay lang sa akin, wala naman akong gusto kay Enzo. Bakit ako tututol?" dipensa ko.
Inirapan naman niya ako.
"Wala, huh? Basta ako, hindi ako supurtado sa gusto mo. Ang akin lang naman Nel ay huwag mo sanang pagsisihan ito. Kasi kung mangyari man 'yong araw na kinakatakutan ko, ikaw ang kawawa. Kaya naman, ayaw ko," mahaba niya pang pagtutol at sumubo ulit ng chips. Napangiwi na lang ako sa litanya niya.
"Gusto ko lang naman makatulong e," sagot ko pa at kinain na 'yong noodles.
"Hindi masama ang makatulong pero hindi lahat ng tulong na gagawin mo ay walang magiging kapalit," sabi niya pa sabay irap sa akin at pumasok na sa kuwarto niya.
Napabuntong-hininga ako. Mali ba talaga? O baka naman tama lang? Ay ewan!

Comentário do Livro (38)

  • avatar
    SanchezRosielyn

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    12d

      0
  • avatar
    Yzagbi

    ganda ng story po

    03/05

      0
  • avatar
    Anid Aicard

    very nice story

    28/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes