logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

Masaya ang lahat, nakangiting nag-aayos ng pila ang lahat ng estudyante. Nakasuot ng isang damit na paborito ng lahat, ang toga. Dahil naabutan kami ng K-12, hindi pa kami makakapag-graduate dahil dagdag dalawang taon pa ang kailangan naming bunuin. Grade 10 completers pa lang kami. At ito ang moving up namin. 
"Pwede bang mag-rally sa harap ng Malacanang? Bakit ba kasi dinagdagan ng dalawang taon? Edi sana college na tayo!" gigil na gigil na sambit ni Mich na palinga-linga. 
Kanina pa nito hinahanap ang Mama niya na katabi lang naman ng magulang namin ni Gerald. 
"Kailangan nga raw kasi nating sumabay sa globalisasyon kaya dinagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral natin, at isa pa, wala rin naman akong pera pang-kolehiyo," natatawang wika ko.
Iyon naman kasi ang sinabing dahilan sa amin kung bakit dinagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral namin. Habang tumatagal daw ay nag-iiba na ang mga pangangailangan sa mundo at mas dumarami na ang mga tao. Pati mga kumpanya ay naglalaban-laban na, hindi rin daw imposible na palitan ang mga manggagawa ng mga robot dahil sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya, kaya gano'n na lang ang pagdagdag ng K-12 para mas hasayin pa kami. 
Hindi ko alam kung makakatulong nga ba talaga ito o mas lalo lang sasakit ang ulo ng ibang mga tao.
"Kahit na tih, papasukin ko ang bloggerist, ano naman kinalaman non sa globalisasyon?" inis na pahayag nito.
"Exactly, sinabi rin ni Ma'am diba na marami na ang magkakalaban, sa larangan din naman ng ganyan magkakalaban pa rin kayo. Hindi lang naman ikaw ang nag-iisang balak maging blogger, ginagamit na rin yan para makabenta 'no," pagpapaliwanag ko.
Umiling na lang ito at hindi na nagbigay pa ng opinyo. Tumayo na rin kami dahil sa pag-tawag sa aming seksyon, masayang pumila ang lahat sa amin sa mismong gilid habang ang mga magulang ay isa-isang pumupunta sa tabi namin.
Moving up pa lang naman ito pero tuwang-tuwa na si Mama, ang dahilan niya, malaking bagay ang matapos ko ang aking sekondarya. 
"Catherine Orihuela."
Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na't nang makatungtong ako sa mismong stage, maraming mga estudyanteng makikita sa ngiti at mata na masaya sila sa lahat ng pinaghirapan nila. 
Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Mama sa akin kasabay ng pag-flash na nagmumula sa Kamera. Isang ngiti ang iginawad ko bilang panukli sa mga pinaghirapan ko ngayong sekondarya.
Natapos ang lahat ng maayos, kanya-kanyang kuhanan ng litrato ang mga kaklase ko habang ako ay sapat ng makigamit ng ibang selpon para naman may remembrance kami ni Mama. 
"Ikaw chingchong, saan ka mag-aaral ng senior high?" tanong ko kay Gerald.
Inalis nito ang toga saka pinaypayan ang sarili gamit ang hawak ng kaniyang nanay kanina.
"Mag-aaral pa ba?" tanong nitong biglang ngumiwi.
Napamura naman ng biglaan si Mich dahilan para umalingawngaw ang tawa nila sa aming silid.
Mabuti na lamang at wala ng mga magulang dahil naiwan sila sa court kung saan pag-uusapan ang iba pang mga kailangan ipasa o kailan makukuha ang mga papeles na kakailanganin namin para makapag-enroll sa ibang school.
"Baka mag ABM ako o HUMSS, o baka GAS na lang pala," singit ni Mich. 
Wala rin naman siyang partikular na kurso na naiisip ngayon, hindi ko Alam kung may mga balak ba sila sa buhay nila dahil parang hindi nila sineseryoso ang ganitong usapan.
"Buset talaga, akala ko rati sa strand na GAS, literal na gas, yong sa Petron, pota talaga," naiiling na sabi nito.
"Kahit ako rin naman," bulong ko.
Hindi ko naman kasi alam kung ano ang GAS, mabuti na lang at tinalakay yon. Unti-unti na akong nahahawa sa mga ito.
"E, ikaw Cath? May strand ka na?" tanong ni Mich.
Umiling ako kaya ngumuso ito.
"Saang School kayo? Tara! Sama-sama na tayo," singit ni Gerald na ngayon ay naupo na sa harapan namin ni Mich kaya nakaharang siya sa daanan.
"Sa UP ako mag-aaral," nakangiting sambit ni Mich.
Literal na napa-atras si Gerald at naitabingi ko pa ang ulo ko dahil sa sagot niyang iyon. Kumunot ang noo nitong tiningnan kami.
"UP Diliman?" tanong ko.
"Diliman? Gaga hindi! UP-i-an ng lata ang tinutukoy ko, as in yupian! Mangangalakal na lang ako mga tih," sagot nito.
"Buset to! Akala ko kung anong UP na, bawal pa naman hayop do'n," pang-aasar ni Gerald na tinawanan ko.
"Oh? Bawal ka ro'n? Ay sayang!" pang-aasar ni Mich rito dahilan para manahimik ang Isa.
"Parehas lang naman kayong bawal doon, " natatawang sambit ko bago sila nagsi-irapan.
Maya-maya pa ay natigil kami sa pagkukwentuhan dahil isa-isa nang dumarating ang mga magulang, kaniya-kaniya kaming abangan sa loob kung darating ba ang Mama ko.
Nagpasya na akong lumabas ng room para salubungin si Mama, hindi pa naman niya kabisado ito dahil bihira lang siya pumunta rito kung kukuha ng Kard. 
Nagsasalubong ang mga estudyante at ang mga magulang nila sa mismong hallway kaya gano'n na lang kasikip ang lugar. Kumaliwa ako ng daan dahil baka nasa gate lang si Mama at hinihintay akong lumabas. Todo linga ang ginawa ko at siniguradong lahat ng makakalampas sa akin at matitingnan ko ang mukha.
Laking tuwa ko nang makita ko si Mama na nasa gilid nga ng gate, halatang may kausap ito dahil nakatingin ito sa bandang kaliwa.
"Makikiraan po," nakayukong Saad ko sa dalawang nag-uusap sa gitna.
Nang sa wakas ay nakalapit na ako kay Mama ay nakuha ko ang atensyon niya at ang taong kausap niya.
"Mabuti't naisipan mong pumunta rito, hihintayin ko sanang mangunti ang mga tao bago pumasok sa loob, mabuti na lang at may nakausap ako," nakangiting sabi nito na tinutukoy ang kausap niya.
Ngumiti na lang ako saka nag-iwas ng tingin sa tinutukoy ni Mama.
Nakakaramdam pa rin ako ng hiya magmula ng tanggihan ko ang alok niyang ihatid ako sa bahay. Nagmamagandang loob na nga ang tao, tinanggihan ko pa.
"Siya po si Yohann, Ma," pagpapakilala ko sa lalaking kausap niya.
"Alam ko, napulot ko kasi ang ID niya na nahulog kanina, magkatapat lang pala kayo ng room?"
 
"Opo," sagot ko.
"Oh! Ayon na pala, jusko! Salamat iho," nakangiting sambit ni Mama sa likurang bahagi ko.
Napalingon ako ng wala sa oras. Napatingala ako dahil sa lalaking kaharap ko ngayon, napaawang na lang ang bibig ko dahil sa pagtatama ng paningin namin.
Akala ko wala na.
"Anak, siya si Andrie, silang dalawa ni Yohann ang kausap ko, mababait na bata naman pala ang mga ito. Kung hindi ako nagkakamali, diba ikaw ang Valedictorian no'ng elementary?" paninigurado ni Mama.
"Yes po Madame."
Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa naging boses nito, mas malalim na ito kumpara noong apat na taon na ang nakakalipas nang huli kaming mag-usap.
Mas matangkad ito ng di hamak Kay Yohann nang magdikit silang dalawa. Hanggang ngayon ay sadyang dikit pa rin sila. 
"Aalis na pala kami ng anak ko, Salamat sa Inyo a," rinig kong pamamaalam ni Mama sa dalawa.
"Ingat po," pamamaalam ni Yohann at ngumiti lang si Andrie.
Sinamahan na lang ako ni Mama papuntang room upang makuha ang mga gamit at makapag-paalam na rin sa iba. Nang makalabas kami ng school ay napansin kong dumukot si Mama ng bente pesos, alam ko naman kung anong gagawin niya kaya hinayaan ko nalang siya.
Inablt agad nito ang isang plastic cup na malaki na naglalaman ng mainit-init na fishball at may matamis na sauce, alam niyang mahilig ako sa maanghang at siya naman ang sa matamis.
Nagpasya kaming maglakad dahil ito na ang nakagawian namin, mabuti na lang at sinanay niya akong maglakad noong elementary ako kaya hindi ako nagrereklamo kahit na gaano kalayo ang pupuntahan.
"Sa susunod na linggo pa namin makukuha ang grades niyo, may strand ka na bang naiisip?" saad nito habang ngununguya.
Napakunot ako dahil sa tanong niya at kamuntikan pang matisod.
"Wala pa ma e," sagot ko.
"Sinabi sa akin ng teacher mo na kasama ka sa Top 10 sa room niyo, nasa 85 pataas ang average mo kaya pwede kang kumuha ng scholarship," pagpapaliwanag naman nito.
Kahit naman na may scholarship hindi pa rin ako sigurado sa gusto ko. Ayoko namang masayang ang scholarship tapos ibang kurso pala ang papasukin ko sa college. Kailangan daw kasi, kung anong strand ang kukunin ko sa senior, kailangan ay pasok doon ang kukunin kong kurso para hindi ako mahirapan. 
"Dapat yong kukunin mo, yong magagamit mo talaga, at mapapakinabangan mo," dugtong muli nito.
Marami pang sinabi si Mama pero hindi ko na napakinggan dahil pati ang strand ay gumugulo na rin sa akin. 
Sa panahon ngayon, kailangan kong maging praktikal. Gusto ko man gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin ay wala akong panahon dahil alam ko kung anong klaseng buhay ang meron ako.
Wala ng panahon para sumaya, darating ang panahon na ako naman ang bubuhay sa pamilya ko dahil tumatanda na rin sila.
Saka ko na lang siguro iisipin ang sarili ko, kapag naibigay ko na ang mga bagay na hindi naibigay ni papa.
Saka ko na lang iintindihin ang sarili ko kapag natupad ko na ang mga pangakong hindi nagawa ni papa kay mama.

Comentário do Livro (78)

  • avatar
    Neneng Virtudazo

    wow nice

    12d

      0
  • avatar
    Ikha Dagupion

    Ang Ganda po

    14d

      0
  • avatar
    peratercharisa

    nice

    04/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes