logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 9

Isang linggo na ang lumipas ay gano’n pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Laging nagsusungit lalo na kapag kinukulit ko. Pero habang lumilipas ang mga araw ay lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kan’ya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, hindi ko pa naman siya gaanong kilala at sa unang kita ko pa lang sa kan’ya ay tumibok na kaagad itong puso ko. Siya ang kauna unahang lalaking nagpatibok nitong abnormal kong puso. Minsan nagagawi ako sa Medical building kung saan siya nagtuturo at pinupuntahan ko rin siya sa faculty pero sa labas lang ako. Masulyapan ko lang siya ay ayos na sa'kin kahit hindi ko siya makausap feeling ko buo na ang araw ko kapag nakikita siya. Masaya rin ako kasi araw-araw ko siyang nakikita sa school pero mas lalo akong sasaya kapag nakita ko siyang ngumiti sa akin. At heto ako ngayon papuntang Medical building ulit para masilayan siyang muli bago ako umuwi. Papunta na ako sa faculty ngayon na may ngiti sa labi dahil makikita ko na naman si Doc Marco. Nasa tapat na ‘ko ng faculty at unti-unting sumilip sa salamin ng pinto, pero nagulat ako sa aking nasaksihan. Iyong kasamang babae ni Doc Marco noong minsan sa canteen parang may pinag-uusapan silang seryoso. Nakatayo sila pareho at nakaharap sa isa't-isa hindi ko lang marinig ang kanilang pinag-uusapan. At ang mas ikinagulat ko ay ang pagyakap ni Doc Marco doon sa babae. Sa nakita ko ay parang may kumurot sa aking puso, unti-unting nangingilid na ang aking mga luha na maya-maya ay handa nang bumagsak. Bago pa ito bumagsak ay may humikit na sa aking braso at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko na siya kailangan tingalain para mapagsino ito. Hinaplos niya ang aking buhok at unti-unti ring tinapik ang aking likod.
"kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala," malumanay niyang wika habang yakap pa rin ako. Unti-unti rin naman akong kumalas sa pagkakayakap sa kan’ya ng hindi siya tinitignan, ayoko siyang titigan baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay bigla na lang magsibagsakan ang aking mga luha.
"Lets go, kanina ka pa hinahanap ni kuya Mazer kakatawag lang niya sa'kin sabi ko pauwi na tayo,” yaya niya sa'kin. Hinawakan na niya ang kamay ko at nagsimula nang maglakad palabas ng building na ‘yon. Habang nasa kotse kami ni JK ay ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, bakit kailangan kong makita ‘yon? ano bang meron sila? sabagay balewala rin naman kung magiging ganito ako, dahil wala akong karapatang magselos. Pero bakit ang sakit? ito na ba ‘yong sinasabi ni kuya? Nakasandal ako sa may bintana at nakatingin lang sa aming dinaraanan habang iniisip ko ang mga bagay na ‘yon. Nanatiling tahimik kami ni JK at hindi na siya nagtanong. Nang makarating kami sa aming bahay ay kaagad din akong bumaba ng kotse at sumunod din muna si JK para pumasok muna sa loob. Nakita kong nag-aabang si kuya sa may salas habang umiinom ng kan’yang kape, kaagad naman niya kami sinalubong pagkapasok namin.
"How's my baby girl?” hinalikan naman ako ni kuya sa noo at binati si JK na nasa aking likuran.
"I'm fine kuya, walang gana kong sagot sa kan’ya. "Kuya akyat muna ko sa k’warto ko ah, pagod kasi ako eh”
"Ah o-okay baby girl tatawagin na lang kita kapag kakain na." Tumango lang ako at umakyat na sa aking k’warto, hindi na ‘ko nakapagpaalam kay JK kasi ano mang oras ay babagsak na ang kanina ko pa pinipigilang luha. Nang makarating na ‘ko sa aking k’warto ay doon na nagsimulang bumagsak ang aking mga luha napaupo na lang ako sa likod ng pinto at sinubsob ko ang mukha ko sa aking tuhod. Ganito pala kasakit. Pero hindi pa rin ako susuko sa kanya.
"What happened to her?” nagtatakang tanong ni Mazer kay Jk ng wala na si Macelyn sa harap nila.
"Pagod lang siya kuya Mazer alam mo na ang dami nilang ginawa kanina.” Paliwanag ni Jk para hindi na mag-alala pa ang kuya niya, pero ang totoo ay alam niya kung ano ang dahilan. Maging siya ay nasasaktan sa nakikita kay Macelyn. Maya-maya ay nagpaalam na rin siya na uuwi na, sinabi nito kay Mazer na siya na lang ang susundo sa dalaga, pumayag din naman ito.
MARCO POV:
"Miss Andrea I don’t know what to sa,” naguguluhang sagot ko kay Andrea, isa rin kasi itong prof. sa naturang eskwelahan. Nagconfess siya sa akin na gusto niya ako kaya laking gulat ko na lamang na bigla siyang magsalita ng gano’n. Mariin ko namang tinaggihan kaagad si Andrea na siya namang ikinalungkot nito.
"I’m really sorry Miss Andrea but I can't accept your feelings"
"Hindi mo naman kailangan sagutin kaagad iyong mga sinabi ko, malay mo naman magbago ‘yang feelings mo at madevelop ka sa'kin. Naluluhang sabi ni Andrea. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago muling nagsalita.
"I'm s-sorry," iyon na lamang ang tangi kong nasabi kay Andrea. At nang napansin ko siyang umiiyak, niyakap ko na lamang s'ya para kahit doon man lang ay mapagaan ko ang kan’yang kalooban.
JK POV
Kakatapos lang ng huling klase ko at naisipan kong tawagan si Macelyn, pero nakapatay ang cellphone nito. Kaya napagpasyahan kong puntahan siya sa kanilang building, sakto nakita ko naman ang isa nitong kaibigan na si Mary at tinanong kung nasaan si Macelyn. Sinabi nito na nasa Med. building na naman ito at balak na naman puntahan si Doc Marco. Mabibigat ang mga hakbang ko habang papunta sa building na ‘yon. Kaagad ko naman siyang nakita dahil alam kong sa faculty siya pupunta. Hindi pa ako nakakalapit ng mapansin ko ang malungkot niyang mukha habang nakatingin sa harap ng pinto. Ayokong nakikita siyang gano’n, sanay akong lagi siyang nakikitang masaya. Unti-unti naman ang paglapit ko sa kan’ya ng hindi niya napapansin. Nakita ko ang pangingilid ng kan’yang mga luha na ano mang oras ay papatak na ito sa kan’yang mga pisngi. Pero bago pa mangyari ‘yon ay kaagad kong hinaklit ang kanyang braso at ikinulong sa aking mga bisig. Hindi ko gustong nakikita siyang umiiyak, dahil mas doble ang sakit sa'kin no’n. Tinignan ko naman ang salamin sa may pinto ng faculty kung saan ay kita ang loob noon. Nakita ko si Doc Marco na kayakap ang isang babae. Habang nasa sasakyan ay hindi ko muna siya tinanong dahil alam kong lalo lamang siyang masasaktan dahil sa nakita niya. Nakarating kami sa kanilang bahay ng hindi nag-uusap at panaka-naka ko siyang tinitignan, hahayaan ko na lng muna siya. Pagkarating ko sa aking apartment ay hinubad ko kaagad ang suot kong uniform at nagtungo ka banyo para maligo. Habang nasa shower ay hinahayaan ko lang bumuhos ang tubig sa aking katawan. Hindi ko mapigilang isipin si Macelyn. Sa tagal naming magkaibigan ay hindi ko man lang nakuha ang puso nito. Nagpapahiwatig ako sa kan’ya minsan pero iniisip niyang biro lamang ito. Mahal na mahal ko si Macelyn pero hindi ako ang tinitibok ng puso niya. Kuntento na ako na napapasaya ko siya at naalagaan siya. Gagawin ko ang lahat para kay Macelyn kahit na ikasasakit ko pa basta makita ko lang siyang masaya. Hindi ko namalayan na unti-unti na palang pumapatak ang aking mga luha kasabay ng pagpatak ng malamig na tubig sa aking mukha.

Comentário do Livro (730)

  • avatar
    CarinCharmen

    grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god

    10/12/2021

      0
  • avatar
    BarroVirginia

    Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...

    02/12/2021

      0
  • avatar
    Maria Mercedes

    very nice

    09/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes