logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 6

"Parang ang saya yata ng kapatid ko ah, anong meron?” Tanong sa’kin ni kuya Mazer habang lulan kami ng kotse para ihatid niya ‘ko sa eskwela. Ganito kami araw-araw ihahatid niya ‘ko tapos susunduin naman niya, pero minsan si Jk ang naghahatid sa akin dahil may mga business meetings din na dinadaluhan si kuya at minsan ginagabi ng uwi. "Wala naman kuya. Kailangan ba may dahilan para maging masaya kuya?”
"Iba kasi ‘yong ngiti mo ngayon baby girl, it's something like you're in love.” Pinamulahan naman ako sa sinabing iyon ni kuya at hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. "I-inlove? A-no bang sinasabi mo d’yan kuya?”
"See? you can't speak properly. Sa daan pa rin siya nakatingin habang nagsasalita siya. Masyado na ba akong obvious? Sabi ko sa aking sarili. Naman! Napatapik ako sa aking noo.
"Who is he? Siya ba ‘yong doctor na nagpatibok ng puso mo?” Bigla akong napatingin sa kan’ya na nakaawang ang aking mga labi sa pagkagulat.
"P-paano mo nalaman kuya?”
"it's because I'm your brother and I know everything about you," nakangiti niyang sabi sa'kin.
"Noong time na nagpunta tayo ng ospital nakita kitang napatigil bigla tapos tinignan ko kung sino ‘yong tinititigan mo kaya ayon nalaman ko”
"Hindi ka galit kuya?”
"Bakit naman ako magagalit?” "Natutuwa nga ‘ko kasi ang baby girl ko nagkaka crush na,” sabay ngisi niya sa'kin.
"Kuya naman! hindi na ‘ko bata ano ka ba!” inirapan ko naman siya at kunwari'y naiinis sa kan’ya.
"E kasi naman ngayon lang kita nakitang ngumiti ng gan’yan, hindi ka naman gan’yan sa’kin o kaya kay Jk, Mace I know you. Tulad nang sinabi ko I’m your brother kaya alam ko kung malungkot ka or inlove ka. Wala ka maitatago sa'kin Mace kasi hindi ka gano’n kagaling magtago ng nararamdaman."
“My goodness! nag-aral yata ito ng psychology eh,” sabi ko sa aking isipan.
"Paano bang malalaman kuya na inlove ka na nga?”
"When your heart beats faster when he's around, at palagi mo siyang gusto makita at makasama, lagi mo siyang naiisip at higit sa lahat hindi mo malalaman na mahal mo na ang isang tao kapag hindi ka nasasaktan." Bigla akong nalungkot sa huling sinabi sa'kin ni kuya, paano nga kung masaktan ako kakayanin ko kaya ang sakit? nawala ang mga isipin kong iyon nang makarating na kami sa school.
"Wag mo na ‘ko sunduin kuya mamaya magpapahatid na lang ako kay JK.
"Ok sige mag-iingat kayo ah," pagkasabi niyang ‘yon ay bumaba na rin ako ng kotse at pumasok na sa gate ng aming school. Nakita ko naman si JK na nakatayo sa hindi kalayuan pagkapasok ko ng gate sinalubong niya agad ako ng nakangiti.
"Hi!” bati niya kaagad sa'kin nang makalapit na siya.
"Hi! kanina ka pa?”
"Nope! kararating ko lang,” sabay akbay naman niya sa'kin. Sanay na ako sa mga paganyan-ganyan niya dahil sanay na rin kami pareho sa isa't isa. Para ko na nga siyang boyfriend kung umasta siya, todo asikaso.
"Uminom ka na ba ng vitamins mo? Iyong gamot mo hindi mo ba nakakalimutang inumin?”
"Tapos na po okay, para ka namang sila kuya eh”
"We're just concern about your health"
"I know JK, I know. At saka sasabihin ko naman sa inyo if ever may kakaiba akong nararamdaman. Wait! speaking of nararamdaman. Siyanga pala JK may sasabihin ako sayo”
"What is it?” Nakakunot niyang tanong sa'kin.
"P’wede mo ba akong samahan mamaya sa ospital after class?” napahinto siya saglit sa paglalakad at hinarap ako.
"Bakit? may masakit ba sayo? Anong pakiramdam mo? hindi mo yata iniinom mga gamot mo eh! wait tawagan ko si kuya mazer.” Natatarantang sabi niya, pinigilan ko naman siya nang tatawagan na niya si kuya.
"Ano ka ba JK ang OA mo naman! Wala akong sakit okay. May gusto lang ako makita,” nakangiti kong wika sa kan’ya.
"Sino naman?”
"Si Doctor Marco"
"Doctor mo? Sa pagkakaalam ko babae ang doctor mo”
"Hindi ko siya doctor, siya lang naman yung ano---” napahinto ako sa aking sasabihin dahil hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa kan’ya, at isa pa hindi ko pa naman alam kung ano ang nararamdaman kong ito.
"Siya lang naman ‘yong ano mo?” Dugtong niya sa naputol kong sasabihin.
"Basta! sasabihin ko na lang sa’yo mamaya, tara na nga at malelate na tayo," hila ko sa kan’yang kamay.
"Marco please talk to me"
"Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo Kristine? ‘di ba nag-usap na tayo at nagkaintindihan naman tayo?” Naupo ako sa aking swivel chair at bumuntong hininga. Nasa harap ko siya at nakatayo na nakatitig sa akin na may pagsusumamo. Kakarating lang niya dito sa Pilipinas galing Italy, at heto pinuntahan ako at kinukulit na naman na makipagbalikan sa kan’ya.
"Oo Marco tinanggap ko ang desisyon mo na makipaghiwalay sa'kin because we're both busy and we don't have much time to each other. Pero ngayon nandito na ‘ko, umuwi na ‘ko at hindi na babalik doon, nagpalipat na ako dito sa pilipinas for good dahil sa’yo. At dahil ayokong mawala ka, because I love you Marco. And I know you love me too as much as I love you.” Ang mahaba niyang litanya sa'kin.
"Look Kristine----” Pinutol niya ang sasabihin ko nang magsalita siyang muli.
"Please Marco, magsimula tayo ulit. Kung ano tayo dati”
"Kristine, p’wede naman tayong maging magkaibigan na lang. Iyon na lang ang kaya kong ibigay sayo”
"Hindi mo na ba ‘ko mahal?” natigilan ako sandali, kinakapa ko kung ano ang sasabihin ko sa kan’ya. Mahal ko pa ba siya? Or minahal ko nga ba siya God! What's this feeling?! hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado?
"I dont know Kristine," yumuko ako para hindi ko makita ang mga mata niyang nangungusap. Naaawa ko pero hindi ko p’wedeng lokohin ang sarili ko.
"I'm not going to give up marco! Ibabalik ko ang pagmamahal mo sa'kin. And I'm really sure of it!” Pagkasabi niyang ‘yon ay lumabas na rin siya ng aking opisina. Tumayo ako sa aking upuan at pumunta sa may bintana at pinagmamasdan ang mga building doon. Dahil sa lalim ng aking iniisip hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Wallace.
"Doctor Marco Mendez!” Napalingon kaagad ako sa aking likuran at nakita si Wallace na nakasandal sa may pintuan ng aking opisina at ang dalawang kamay ay nasa kan’yang bulsa. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo bro ah, kanina pa kasi kita tinatawag hindi mo ‘ko pinapansin.”
"I-Im sorry,” umupo ako sa sofa malapit sa aking mesa at umupo rin siya sa pang-isahang upuan.
"Nakita ko si Kristine na lumabas dito at umiiyak," Napahilamos muna ako sa aking mukha at hinarap siyang muli.
"Gusto niyang magkabalikan ulit kami"
"And then?”
"Sabi ko hindi na kami p’wede"
"Why?” hindi kaagad ako nakasagot, ang totoo n’yan hindi ko rin alam. Sa halip na sagutin siya tumayo na ‘ko sa pagkakaupo para lumabas ng aking opisina. Hindi ko pa nabubuksan ang pinto ng muli siyang magsalita.
"Because you didn't love her anymore? Or should I ask minahal mo nga ba talaga siya?” Napamaang ako sa kan’yang mga sinabi. Lumapit siya sa'kin at tinapik lamang ako sa balikat. "It's okay bro, mas maigi pang sabihin mo na sa kan’ya kung ano talaga ‘yang nararamdaman mo, alam kong naguguluhan ka pa dahil isinara mo ‘yang puso mo dahil lang sa iisang tao lang ang gusto mong papasukin d’yan sa puso mo. Yeah Wallace is right.

Comentário do Livro (730)

  • avatar
    CarinCharmen

    grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god

    10/12/2021

      0
  • avatar
    BarroVirginia

    Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...

    02/12/2021

      0
  • avatar
    Maria Mercedes

    very nice

    09/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes