logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5

Kasama ko ngayon si Wallace dito sa parke niyaya ko muna siya dito pagkatapos namin kumain sa isang restaurant at bago rin kami bumalik sa ospital. Nakaupo kami sa bench at pinapanood ang mga batang naglalaro sa may damuhan. "What are we doing here Marco?” Basag ni Wallace sa aming katahimikan.
"Just to relax." Nakatingin pa rin ako sa mga batang naglalaro.
"Bro I know what you're thinking"
"Yeah you're right"
"Sa tingin mo ba'y mahahanap mo pa rin siya dito? I'ts been fifteen long years Marco, hindi mo na nga alam kung anong itsura na niya ngayon eh,” I sighed what Wallace said.
"Bakit kasi hindi mo inalam ang buong pangalan niya? Ang daming may pangalang Lyn, tpos walang apelyido?” naiiling na litanya ni Wallace.
"Masyadong mabilis ang pangyayaring ‘yon, and I think she's six or seven years old that time"
"W-what?! Nainlove ka sa ganung kabata pa?! What the hell?”
"Anong akala mo naman sa'kin Wallace na matanda na ‘ko noong panahon na ‘yon? i'm just twelve years old okay?! Napatapik naman si Wallace sa kan’yang noo at natawa sa itsura ko.
"Okay Marco, mas maaga ka pa palang lumandi sa'kin samantalang sixteen years old ako nang makatikim eh," sinamaan ko naman siya ng tingin at humagalpak siya ng tawa.
"Seriously Wallace?” Tumawa ulit siya ng malakas.
"Oo naman ang sarap kaya." Naiiling na lang ako sa kalokohan niya.
"Alam mo bro, forget her just move on okay? paano kung hindi mo siya mahanap e ‘di magpapaka tandang binata ka na lang? aba kung ganon sayang ang lahi mo, masasayang lang yang semilya mo!”
"Gago ka talaga! Dami mong kalokohan!” Tumayo na ako at pumunta na sa aking kotse kung saan ito nakaparada, sumunod naman si Wallace na tawa pa rin ng tawa.
Nandito ako ngayon sa ospital kung saan ako ngpapacheck-up at nagtatrabaho si Doc Marco, dumeretso muna ako dito pagkatapos ng aking klase, hindi pa naman schedule ng monthly checkup ko ngayon pero heto ako at nasa ospital. Gusto ko lang makita ang lalaking nagpatibok ng abnormal kong puso. Sumakay ako ng elevator at at pinindot ang third floor hindi ko alam kung bakit iyon ang pinindot ko, nagbabakasakali lang naman ako, pero malakas ang kutob ko na doon ko siya makikita. Pagkabukas ng elevator lumabas kaagad ako at nagpalinga linga. "Saan kaya siya? Saan ang opisina niya dito?” Sa kakahanap ko sa kan’ya bigla na lang ako bumangga sa isang pader. Wait! hindi pader ang nabangga ko kung hindi isang matigas na dibdib. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang guwapong doctor, parang si Doc Marco lang, pero mas lamang ng kaguwapuhan si Doc Marco. Napatutop agad ako ng bibig sa gulat.
"Are you okay miss?” Alalang wika niya sa'kin.
"S-sorry poh doc, h-hindi ko po sinasadya," nauutal kong hinging paumanhin sa guwapong doctor.
"Mukhang may hinahanap ka yata base sa itsura mo kanina. Tell me so that I can help you.”
"H-ho?! aaay hindi na po! Mukhang wala din naman po kasi dito iyong hinahanap ko eh.
"Ah ganun ba?”
"Sige po doc salamat po." Tatalikod na sana ako ng biglang may nagsalita mula sa aking likuran.
"Wallace! Bakit nandito ka pa? Kanina pa ko tinatawagan ni tita Shayne hinahanap ka.
"Ang boses na yon, parang pamilyar?
Dahan dahan akong humarap nanlaki bigla ang mata ko sa aking nakita. Si Doctor Marco! ang kanina ko pa hinahanap at gustong makita. Hindi kaagad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan para akong nanigas at bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa pangatlong pagkakataon.
"Naku tiyak irereto na naman ako sa amiga niyan, kaya nga ayoko pang umuwi ngayon," sabi ni Wallace ng makalapit na sa kan’ya si Marco.
Napansin naman ako ni Marco sa kan’yang gilid na nakakunot ang noo. Napatingin din naman sa akin si Wallace.
"S-sige po doc pasensya na po ulit ah?” Aalis na sana ako ng biglang magsalita si Doc Wallace.
"Wait lang miss, ano nga palang pangalan mo?”
"Macelyn Brilliantes po Doc"
"Stop saying po, hindi pa naman ako gano’n katanda," natatawang sabi niya sa'kin.
"I'm Doctor Wallace Miller, and he's Doctor Marco Mendez, my cousin also. Inilahad niya ang kan’yang kamay at tinanggap ko naman ito, napabaling naman ang tingin ko kay Doctor Marco at inilahad din ang kamay ko sa kan’ya, tinanggap naman niya ito. Napaka lambot ng kan’yang kamay parang ayaw ko ng bitawan ito. Hindi naman ako nagpahalata na kinikilig pero ang totoo niyan gusto kong magsisigaw sa kilig at saya.
"Parang nakita na kita," habang nakatitig sa'kin. Nagtataka namang nakatingin lang sa'min si Doc Wallace.
"Yeah I already saw you, you're the girl who bump me at the restaurant right?”
"Ah oo ako nga," sabay kamot ko sa aking ulo.
"What are you doing here?”
"May hinahanap kasi ako pero nakita ko na siya," nakangiti kong sabi sa kan’ya
"Talaga? Nasaan na siya?” si Wallace na nagpalinga linga pa.
"Si Doc Marco," sabay pa silang napatingin sa'kin.
"Huh? Ano naman ang kailangan mo sa'kin?”
"Magpapacheck-up ka ba sa kanya?” Tumango lang ako kay Doc Wallace na hindi inaalis ang tingin sa kay Doc Marco.
"Ano naman ang ipapakonsulta mo sa'kin?” masungit niyang sabi
"Itong puso ko po Doc"
"W-whaat?!
"Bro mukhang may nabihag ka na naman tsk!” Sabay tapik ni Doc Wallace sa bailkat niya, sinamaan naman niya ito ng tingin.
"I'm sorry pero hindi yata ako ang doctor na yon." Pagkasabi noon ay tumalikod na siya at sinundan ko naman siya.
"Doc naman binibiro ka lang eh!” nakanguso kong sabi sa kan’ya habang sinabasayan siya sa paglalakad, nasa likod naman namin si Doc Wallace na medyo natatawa.
"Well I'm not used to it.”
"Grabe ang sungit mo naman pala doc, g’wapo ka pa naman kaso ang sungit-sungit mo," humagalpak naman ng tawa si Doc Wallace.
"Oo nga bro! Ang g’wapo mo kaso parang lagi kang may dalaw.
"Shut up wallace! Teka nga muna paano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho? Stalker ka siguro?”
"Hala hindi ah!”
"Oh e bakit andito ka?”
"Kasi po dito ako madalas nagpapacheck-up tapos nakita kita isang beses dito kaya ayon”
"Hindi kaya siya na ang destiny mo bro? Napahinto naman sa paglalakad si Doc Marco kaya napatigil din kami.
"Gusto mong tahiin ko ‘yang bibig mo?” Naiiriting baling nito kay Wallace.
"just kidding bro ang seryoso mo kasi masyado. Siyanga pala anong sakit mo?” Seryosong tanong sa’kin ni Doc Wallace.
"Dito oh,” tinuro ko ang aking puso. "Si Doc Marco lang talaga ang makakagamot nito.
"Tsss! Sige na alis na ko marami pa kong gagawin!” Naglakad na siya palayo sa kinaroroonan namin ni Doc Wallace. Naiwan naman kami na natatawa dahil halatang naiinis na si Doc Marco.
"Nice meeting you Doctor Marco!” sigaw ko sa kan’ya ng hindi pa siya nakakalayo.
"Sige Macelyn aalis na rin ako ah, nice meeting you baka kasi bugahan na ‘ko ng apoy ni Marco sa sobrang asar niya”
"Sige po Doc Wallace"
"Sabi ko naman ‘wag mo na ko po-po in”
"Ah sorry." Napakamot na lang ako sa aking ulo. "Sige aalis na rin ako kita na lang ulit tayo sa susunod.” Pagkasabi ko no’n ay umalis na rin ako ng ospital ng may ngiti sa labi, sa wakas nakilala ko na rin si Doctor Marco. Mukhang mapapadalas yata ako sa ospital.

Comentário do Livro (730)

  • avatar
    CarinCharmen

    grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god

    10/12/2021

      0
  • avatar
    BarroVirginia

    Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...

    02/12/2021

      0
  • avatar
    Maria Mercedes

    very nice

    09/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes