logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 12

"Lyn?! Kasalukuyang papasok na kami ng coffee shop, napahinto ako sa aking paglalakad at nilingon kung sino ang tumawag sa akin. Nagulat pa ako ng makilala ko kung sino ang tumawag sa'kin, dahil siya lang naman ang natatanging tumatawag sa'kin ng Lyn.
"Tita Sabel?” Niyakap ko siya ng mahigpit. Tita Sabel is my mom's bestfriend, bihira na lang kami magkita dahil nagmigrate na sila sa Canada, High school pa ‘ko ng huli kami magkita bago pa kami maaksidente. Kumalas kaagad ako sa pagkakayakap at inaya ko muna siya pumasok sa loob ng coffee shop.
"Kailan ka dumating tita Sabel?” masayang bati ko sa kan’ya nang makaupo na kami.
"Noong nakaraang araw lang, actually papunta na sana ‘ko sa inyo ngayon eh, buti nakita kita”
"Pauwi na rin naman po ako kaso hintayin lang namin si Jk muna dito, siyanga pala tita Sabel si Mary kaibigan ko po"
"Hello po," bati ni Mary
"Hello din hija," umorder muna kami saglit saka tinuloy ang aming kwentuhan.
"Si kuya Mazer mo pala kumusta?”
"Okay lang po tita, medyo busy din sa kumpanya"
"Ang kuya mo ba may girlfriend na,” curious na tanong ni tita Sabel.
"Naku tita wala! sabi ko nga sa kan’ya mag-girlfriend na eh, matanda na siya wala pa ring jowa,” nagkatawanan naman kami. Ever since hindi nagpakita ng interes sa babae si kuya, pero meron naman daw siyang minahal kaso hindi niya niligawan.
"Ano ba naman ‘yang kuya mo ang hina,” naiiling na sabi ni tita Sabel. ilang minuto pa kami nagkakuwentuhan nang dumating na rin si Jk at pinakilala ko naman siya kay tita Sabel. Ewan ko ba kung bakit kami tinutukso ni tita at Mary, na kesyo bagay daw kami kasi parehong maganda at guwapo. Maswerte na raw ako kay Jk. Tama naman sila maswerte naman ako sa kan’ya kasi naging bestfriend ko siya, hindi ko siguro maisip kapag nawala siya sa'kin. Sana nga natuturuan ang puso, sana nga talaga siya na lang ang gusto ko.
Maya-maya pa ay nagpasya na rin kami umuwi, si Mary ay pinauna muna namin sumakay ng taxi. Inanyayahan ko naman si tita Sabel na pumunta muna sa bahay at tiyak matutuwa si kuya kapag nakita siya, pumayag din naman siya at sumakay na kami sa kotse ni Jk.
Saktong pag-uwi namin ay nandoon na rin ang sasakyan ni kuya. Pagkapasok namin ng bahay nakita namin si kuya na nasa salas at nanonood ng t.v. Nagulat siya nang makita si tita Sabel.
"Tita Sabel I'm glad you're back!” masayang bati niya rito at niyakap ng mahigpit.
"Mas lalo ka gumwapo Mazer!” Hinawakan naman nito ang dalawang pisngi ni Mazer.
"G’wapo nga tita pero wala pa ring jowa!” tinawanan naman nila tita Sabel at Jk ang sinabi ko samantalang si kuya sinamaan naman ako ng tingin.
"Dapat sinabi mo tita na dadalaw ka para nakapagpaluto ako kay Nana Lumen"
"Naku Mazer hindi na kailangan, hindi rin naman ako magtatagal gusto ko lang naman kayo kumustahin ni Lyn.” Naupo muna sila sa sofa at nagkuwentuhan.
"Kumusta kayong magkapatid?” panimula ni tita Sabel nang makaupo na kami.
"Ayos naman po tita," si kuya Mazer ang sumagot. "Kayo tita kumusta?”
"Heto bakasyon muna ako ng isang b’wan para makauwi dito sa Pilipinas. Ikaw naman Lyn, okay ka na ba? wala ka na bang nararamdamang kakaiba?”
"Okay na po ako tita magaling na rin po ako, basta naiinom ko lang ‘yong mga gamot ko," nakangiti kong sabi kay tita Sabel na hinawakan naman ang aking kamay.
"Okay na ‘yan tita inlove na nga eh!” nakangusong baling ni kuya Mazer kay tita Sabel.
"Talaga Lyn?” gulat na tanong ni tita at maya-maya ay sinulyapan si Jk.
"Sabi ko na nga ba eh! si Jk talaga yon! ayaw niyo pa aminin!” maging kami ni Jk ay nagulat sa sinabi ni tita Sabel kaya mabilis ko itong tinanggi.
"Tita Sabel hindi po, magkaibigan lang po talaga kami"
"Yeah right tita, saka iba po ang gusto niya," mapait naman na ngumiti si Jk.
"Oh? sino siya Lyn?” curious na tanong naman ni tita Sabel.
"He's a doctor, nagtuturo rin po siya sa school na pinapasukan namin kaso pansamantala lang po”
"Pakilala mo sa'kin nang makilatis namin ni kuya mo!”
"Hala tita hindi pwede! I mean, ako lang naman po ang may gusto sa kan’ya eh, malungkot kong wika dito na ikinatahimik naman nila. Tumikhim muna si kuya bago nagsalita.
"Ah tita saan ka pala tumutuloy ngayon para madalaw ka namin minsan ni Mace?”
"Nagcheck-in muna ‘ko sa hotel hijo bali bukas pupunta muna ako sa San Mateo para dalawin ‘yong ibang kamag-anak namin doon, sasabihan na lang kita kung kailan ang balik ko"
"Sige po tita." Ilang oras pa ang lumipas ay nagpaalam na rin si tita Sabel. Maya-maya pa ay si Jk naman ang nagpaalam na uuwi na, hinatid ko siya sa labas ng bahay. Papasok na sana siya ng kotse niya ng humarap sa'kin at magsalita.
"Mace?”
"hmn?” nagkatitigan muna kami saglit. Nagulat naman ako ng bigla niya na lang akong yakapin. Niyakap niya ‘ko ng mahigpit.
"May problema ba?” tanong ko habang yakap pa rin ako.
"Please let me hug you like this for one minute and I'll be better," he said in a husky voice. Naguguluhan man ay hinayaan ko na lang siya. Makalipas ang ilang minuto ay kumalas na rin siya nang pagkakayakap sa'kin at ngumiti ng matamis.
"Get inside Mace, its getting cold," tumango lamang ako at hinintay ko muna siyang makaalis at saka na rin ako nagpasyang pumasok.
MARCO POV
"LYN!” nanigas akong bigla at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang pangalang ‘yon. Tama ba ang narinig ko? ang dami ko naman na naririnig na tumatawag ng gan’yang pangalan pero bakit ito kakaiba? Bigla na lang kumalabog ang puso ko at nilingon ko kung saan nanggaling ‘yon nagpalinga-linga pa ako ngunit wala akong makita. Saglit pa ulit akong nagpalakad-lakad at hinanap kung sino ang tumawag sa pangalang ‘yon, pero wala talaga. Baka nagkamali lang ako ng dinig, napailing na lang ako sa mga naiisip ko, at nagpasyang umalis na lang. Sa Condo ko ako dumeretso, nang makarating na ako sa Condo ko ay pabagsak akong naupo sa aking sofa, sumandal ako at mariing pumikit. "Nagkamali lang ba ‘ko ng dinig kanina?” iba na naman sigurong Lyn ‘yon, pero bakit gano’n may kung anong kumalabog sa puso ko na parang siya nga ‘yong kilala kong Lyn?”
"Fuck! Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil kanina ko pa iniisip yon." Kanina pa rin ako hindi mapakali.
Napagpasyahan kong tawagan si Wallace para yayain mag-bar.
"Hello Wallace," napakunot ang noo ko ng may kakaiba akong narinig sa kabilang linya. Tinignan ko muna ang telepono ko kung tama ba ang tinawagan ko, nakagay naman ang pangalan ng pinsan ko.
"Ooooh shit! aaaaah…." I'm cumming hon! aaaaah…."
"What the fuck!” napamura na lang ako sa naririnig kong isang ungol ng babae. Nakikipaglaro na naman ito ng apoy. At hindi nagtagal ay narinig ko na si Wallace.
"Hey bro!” hinihingal pa nitong sagot na mukhang nakaraos na. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.
"Fuck Wallace! hindi ba't duty ka ngayon?”
"Yes bro, I'm in my office right now”
"W-what?! you mean__?” tumawa muna ito nang malakas bago ako nito sinagot.
"E sa dito ako inabutan eh, at isa pa siya naman ang pumunta dito sa opisina ko. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga.
"Let's go to Roco’s bar”
"Why? is there any problem?”
"I'll tell you later, hintayin na lang kita don”
"Alright bro.” Pagkatapos kong makipagusap kay Wallace ay naligo muna ako bago pumunta ng bar.
Umupo ako sa bar counter at umorder ng alak na kadalasang iniinom ko, nang maubos ko ng isang baso ay umorder pa ulit ako ng isa, inisang lagok ko lang din ito. Nang hindi pa makuntento ay umorder pa ulit ako, gaya ng nauna at pangalawa inisang lagok ko ulit ito. Tumabi naman sa'kin si Roco, ang kaibigan kong may-ari ng bar.
"Mukhang ang laki ng problema natin ah!” nangingiti niyang baling sa'kin.
"I just want to calm myself." Bago pa siya sumagot ay umorder na muna siya ng alak sa bartender. Ininom niya muna ito bago ako binalingan.
"Don’t tell me Marco babae na naman yan?” nakangisi niyang titig sa'kin. Ngumiti lang ako dito.
"I knew it! At alam kong hindi si Kristine ang dahilan kung bakit ka nandito." He already knew about Lyn. Masyado na raw akong obsessed dito. Sinasabi nila na kalimutan ko na raw ang first love ko kasi malabong makita ko siya, naghired pa nga ako ng private investigator noon pero wala rin akong napala, mahirap daw maghanap ng walang tiyak na pangalan, ni picture at address niya wala ako. Nasa kalagitnaan kami ng pag-iinom ni Roco ng biglang dumating si Wallace nagtanguan lang kaming tatlo bilang pagbati at umupo rin sa kalapit ko.
"Bro mukhang nakakarami ka na ah!” sabay tapik nito sa aking balikat.
"Kailangan ko na ba siyang kalimutan?” malungkot kong wika habang nakatingin ako sa basong hawak ko na may lamang alak. Nagkatinginan muna si Roco at Wallace, si Roco na rin ang nagsalita.
"Marco ibaling mo na lang sa iba ‘yang pagmamahal mo, mahirap makulong sa iisang tao na kailanman hindi mo na mahanap.
"Oo nga bro, nand’yan naman si Kristine she loves you"
"tsss! you know Wallace that I didn't love her anymore”
"You didn't love her anymore or you didn't even love her because of your first love?” parang biglang nawala ang pagkalasing ko nang sabihin sa'kin ‘yon ni Wallace. Masyadong patama sa'kin ang mga salitang ‘yon. Siguro nga tama sila, kakalimutan ko na si Lyn.
Dahil sa medyo may tama na ako, si Wallace na ang naghatid sa Condo ko iniwan ko na lang muna ang sasakyan ko sa bar at dadaanan ko na lang bukas.
Nang maihatid na ako ni Wallace ay nagpaalam na rin siya kaagad, hinubad ko ang aking suot na polo shirt at khaki short, nag-boxer na lang ako dahil hindi ko na kaya pang maligo, kaya bukas ko na lang ito gagawin. Ilalagay ko na sana sa laundry basket ang hinubad ko ng may biglang nahulog mula sa bulsa ng aking short na suot ko lang kanina. Bracelet ‘yon ni Lyn. Pinulot ko ito sa sahig, lagi ko itong bitbit saan man ako magpunta.
Pero this time, nagpasya ako na itago na lamang ito sa aking drawer ng study table.

Comentário do Livro (730)

  • avatar
    CarinCharmen

    grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god

    10/12/2021

      0
  • avatar
    BarroVirginia

    Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...

    02/12/2021

      0
  • avatar
    Maria Mercedes

    very nice

    09/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes