logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Falling Into You

Falling Into You

Daenne


One

Falling Into You
This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author’s imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental.
Alright Reserved
©2021
Written 2016
Vesta
Tinitigan ko ang sarili sa handy mirror na hawak ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko kaya gumagalaw iyon. I don't want to feel remorse, I don't want to fall into tears. I'm tired. I sighed like all I need was an air in order to live.
Bakat pa rin sa mukha ko ang lungkot at ang namumugto kong mata. Isang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nahahanap si Xyrell.
Isang taon!
Hindi ko maisip na bigla siyang mawala at hindi ko iyon matatanggap basta basta. Sobrang biglaan, hindi ako handa. Anong gagawin ko? Kaya ko ba na mabuhay na wala siya? How could I moved on without seeing his body to believe myself that he's gone. Forever, gone.
Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga. Gusto ko mawala na ang bigat na nararamdaman ko. Paano? Nilibot ko ang paningin sa dance studio tila may hinahanap ang mga mata ko na hindi ko alam kung ano.
I sighed again, getting rid of my blurry vision. I breathe in deeply until I can feel the pain in my lungs before I breathe out.
Tumayo ako sa pagkakaupo, inilapag ang handy mirror sa table kung saan ako naka-upo, isang oras na yata akong andito. Hindi ko alam. I can't think properly enough.
Kanina pa umalis ang kasamahan ko sa grupo. Kasali ako sa isang sikat na girl group. I'm the singer and also the leader of the group named The Colours. Limang miyembro kaming lahat.
Pagkatapos mawala ang parents ko, way back ten years, si Tita Elena ang kumupkop sa aming dalawa ng kapatid ko.
Mabait, mabuti at maalalahanin klase ng babae si Tita minsan ay naawa ako sa kanya dahil di siya nagkaroon ng sariling pamilya dahil nga sa pag-aalaga sa aming dalawa ni Xyrell.
Lumabas ako sa room, mahina ang lakad ko papunta sa office ni Tita Elena. Siya ang manager ng pangkat na kinabibilangan ko. Isang certified businesswomen at talent manager si tita.
At kahit sobrang busy niya sa trabaho pero kahit ganoon naglalaan siya ng oras para sa akin at kay Xyrell, siya ang nag-susundo at naghahatid sa amin sa school noong nasa grade school kami hanggang highschool pati nga ngayon. Sa tuwing may klase ako ay siya ang naghahatid sa akin at sumusundo, lagi niyang sinasabi sa aming dalawa na...
'I want you to be safe, so don't urge me about that.'
At ngingiti siya ng matamis sa amin. Ngunit ngayon, hindi ko na napansin ang ngiting iyon, nawala kasabay nang pagkawala ng kapatid ko.
Ilang investigator ang inupaha ni Tita Elena sa paghahanap kay Xyrell ngunit bigo ang mga ito sa paghahanap kaya isang desisyon ang nabuo ko at kailangan kong makausap si tita ngayon.
I'm enough of the same result, changing won't ever get what we wanted.
Iwinaksi ko ang kaba sa dibdib ko. I don't let my negative win over me. Everything will be fine. I know. Bagkus kailangan ko isipin ang mga salitang bibitawan ko mamaya.
I'm doing the right thing! Yes! I'm doing the precise thing! Pampalakas loob ko sa sarili. However, I felt the stinging pain in my stomach which I don't understand why. Sa tuwing kinakabahan ako ay nararamdaman ko iyon.
Kahit anong pilit kong iwaksi ang salitang mali ay pilit itong sumisiksik sa akin. I sighed deeply feeling the warm air entering my exhausted throat.
Huminto ako sa harap ng kulay puting pinto. Marahan akong kumatok sa pinto ng office ni tita na dalawang room ang layo sa dance studio at narinig ko ang pag-sabi niya ng pasok. Hindi niya inaasahan na ako ang nakikita niya pagkabukas ng pinto, akala siguro niya umuwi na ako sa bahay.
"Vesta, bakit andito ka pa? Akala ko'y umuwi ka na. Bakit ka naparito. Problem?" malumanay niyang sabi sa akin pagkalipas ng ilang segundo.
Malaki ang office niya, it was painted in light blue, so simple that only her desk and a drawer where in here. Nakaupo siya sa swivel chair sa office desk niya. Nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng desk hawak ang pulang folder.
Dumako ang paningin ko sa isang larawang nakapatong sa office desk sa kanang bahagi niyon. Larawan iyon, naming tatlo na masayang nakangiti, si tita nakayakap sa aming dalawa ni Xyrell, sampung taon ako sa larawan pati si Xyrell samantalang si tita ay dalawampu't dalawang taong gulang sa litrato na iyon. Unang larawan naming tatlo.
"Gusto po kitang makausap ngayon, tita," sabi ko na lumakad at umupo sa bakanteng upuan sa may desk niya. Hindi ko na hinintay ang pag-anyaya niya na maupo ako.
"Segi, ano naman ang pag-uusapan natin?" Kunot ang noo siyang tumingin sa akin.
"Tungkol sa kapatid ko..." mahina kong sabi na hindi maalis ang tingin sa maitim niyang mata.
She had a look that everytime she talked you can't look away with her face, a long nose, dark eyes with long eyelashes same with my mother, a light brown skin and a full red lipstick lips. May kahabaan ng ma-alon-alon niyang maitim na buhok. She had a petite sexy body.
Marami ang nanliligaw sa kanya pero lagi niya sinasabi sa kanila na wala siyang interesado sa bagay na iyon.
Kumunot ang noo niya at nag-isip sandali at bumuntong hininga ng malalim. "Sa kapatid mo? Look, Vesta kung pinoproblema mo ang bagay na-"
Pinutol ko ang sasabihin ni tita sa pagtaas ng kanang kamay ko na ikinagitla niya. Ayokong marinig muli ang dahilan iyon.
"Tita, please! Kailangan ako mismo ang humanap sa kapatid ko, lahat gagawin ko malaman lang ang lahat at kung bakit bigla siyang nawala, bakit sinabi nila na patay na siya ngunit walang bangkay," nakikiusap ang tinig kong sabi. I closed my eyes just to stop the hot tears that want to fall and opened it again.
Nabigla siya sa sinabi ko at napalitan ng pagtututul ang mukha ni tita. "No, hindi ako papayag. Anong kalokohan ang naiisip mo, Vesta? Akala mo ba madali lang ang sinasabi mo? Ayokong mapahamak ka kaya hindi pwede." Matigas niyang tanggi sa nais ko na animo'y isang kahibangan iyon.
"Tita Elena, please. Matagal ko ng pinag-iisipan ito. Gusto ko hanapin ang kapatid ko, gusto kong makita siya, gusto ko malaman ang katotohanan kung bakit siya nawala? Hindi ako maniniwala sa mga sapintaha ng mga imbestigador na maaring patay na siya dahil alam kong hindi pa siya patay. Buhay siya at kailangan niya ako," malakas kong sabi.
"Hindi ako papayag, umuwi ka na sa bahay. Uuwi ako mamaya, may meeting pa akong dadaluhan ngayon," matigas at bou niyang sabi na tumayo sa pagkakaupo at kinuha ang bag.
Mukhang aalis na siya para sa meeting. Wala siyang balak na baguhin ang desisyin niya. I sighed. Wala na akong magagawa pa
"I'm so sorry, tita. Kahapon na ako nagpasya, kahit tutol man kayo ay gagawin ko pa rin. Six months akong mawawala kaya kayo na ang bahala sa pag-explain sa press at sa kagrupo ko," bou kong sabi. Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad papuntang pintuan.
"Vesta Vielle Saquinan! Kailan ka pa natutong magmatigas ng ulo!" pagalit na sabi ni tita.
Huminto ako at lumingon sa kanya.
"Tita, hindi ako nagmamatigas ng ulo ko. Alam kung hinihintay ako ni Xyrell na hanapin ko siya. Alam kong buhay pa siya at hindi ako mawawalan ng pag-asang mahahanap ko siya. I'm so sorry Tita kung susuwayin muna kita ngayon."
"Vesta, mahal ko kayong dalawa ni Xyrell at ayokong pati ikaw mawala kaya, nakikiusap ako, huwag na. Ako nalang gagawa ng paraan. Ayokong pati ikaw ay mawala." Nasa boses niya ang pakiusap, pagkabahala at ang pang-uutos.
I'm so sorry tita... But my decision is firm.
Hindi na ako nagsalita at derideritsong naglakad paalis sa office niya. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin ngunit nagbibingi-bingihan lamang ako.
Pagkarating sa bahay ni Tita ay naka-impake na ang mga gamit na dadalhin ko. Malayo ang lugar na pupuntahan ko kaya dapat maaga akong makaalis. Tiningnan ko ang orasan sa analog clock ko na nakalagay sa nightstand katabi ng kama.
8:30 PM.
May limang oras ako upang matulog pero kung dito ako mag-sta-stay ngayon ay alam kong pipigilan ako ng tita ko sa gagawin. Kanina pa nag-ri-ring ang phone ko sa ibabaw ng kama. Si tita tumatawag ulit ngunit wala akong balak na sagutan ang tawag mula rito.
Binuksan ko ang jewelry box kung saan ko nilagay ang kwintas ko na sapphire, hugis oval iyon. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at tumayo sa harapan ng salamin habang sinusout ko ang kwintas sa leeg. Ramdam ko ang pagyakap ng maliliit na kadena ng kwintas sa leeg ko. Hinawakan ko ang pendant sa nanlalamig kong kamay.
This is the only gift that my dad gave to me and to my brother Xyrell, a twin necklace.
-------
Nakatayo ako sa waiting area sa terminal ng bus. Kakarating ko lang kani-kanina dito sa La Moran ang dating lugar kung saan nakatira kami dati ni Xyrell kasama ang mga magulang namin at dito rin sa lugar pumunta si Xyrell upang mag-aral sa kolehiyo.
Sumakay pa ako ng eroplano at pagkababa sa airport ay nagtungo ako sa terminal ng bus para sumakay papunta sa La Moran, mahaba-haba ang biyahe, tatlong oras din bago marating ang siyudad. Ang lugar ay nasa parte ng mindanao, nasa north.
(The place does not exist)
Nakasout ako ng bonnet at shade, mahirap ng mamukhaan ng mga taga rito. Kahit ngayon nga napapansin ko ang mga tingin mga tao sa akin. Sa tingin nila ay inuusisa nila kong sino ako. Ganyan naman kung may bago sa paningin nila, lumalabas ang kuryosidad.
Tumayo ako sa pagkakaupo ng makita ko ang isang maroon sport car na huminto sa harap ng waiting area at lumabas ang isang babaeng nakangiti. Si Ashley Zapatero, ang pinsan ko.
"Pinsan!" Patakbo niya akong nilapitan at niyakap. Sobrang higpit. Miss na miss niya talaga ako.
Brownish red ang hair niya na di tulad ko na purely black. Matangos ang ilong mana sa ama niyang isang brazilian pati ang mata nito na kulay gray. Namana niya ang labi at kulay ng balat kay ninang Stella na mama niya. She had a milky white skin.
"Kumusta ka na? Ang laki-laki mo na at ang ganda." Gigil na gigil ang mga yakap niya sa akin.
"Nambola pa ang maganda. I'm fine, kita mo nga di ba? Ikaw?" ngiti kong sabi at kumalas sa pagkakayakap niya.
"Ito, maayos naman. Maganda pa rin ang pinsan mo," sabi niya at kumindat kaya natawa ako.
"Tara na insan. Sabik na sabik ka ng makita ni mama," anyaya niya papunta sa sasakyan.
Tinulungan niya ako sa paglagay ng gamit ko sa compartment ng sasakyan. Pagkatapos ay pumasok na sa loob. Nasa driver seat niya. Sa harap ako umupo.
Habang nasa biyahe kami, nakatingin lang ako sa labas habang minamasdan ang mga nadadaanan namin. Malaki na ang pinagbago ng lugar. Marami na akong nakikitang estableshimentong nakatayo at may building na rin.
"Vesta? Totoo ba ang sinabi mo sa akin ng tumawag ka?" untag ni Ashley habang nakatuon ang tingin sa daan.
"Oo, mag-eenrol ako sa Farex University. May mga bagay akong gustong malaman."
Sa Farex University nag-aaral ang kapatid ko noon, Botanist ang gusto niya kaya nagpasya itong mag aral sa FU. Second year siya noon at hindi namin inaasahan na mawala ito.
"Maganda yan. Doon ako nag-aaral. Sorry sa nangyari sa kakambal mo, wala kaming nagawa," malungkot na sabi niya.
"Hindi rin natin inaasahan ang nangyari, sorry." I can hear the pain in her voice.
Hindi nakatira si Xyrell kina ninang at mas pinili nito na tumira sa dormitory habang nag-aaral siya sa FU. Iyon ang nais ni Xyrell na sa dormitory na lamang tumira kahit anong pilit ko noon sa kanya ay todo tanggi ang ginawa.
Kung ano ang pasya niya 'yon na 'yon. Kahit kailan never ko siyang tinawag na kambal o twin dahil mas prefer ko na tawagin siya sa pangalan. Ayokong maging sentro ako ng usapan dahil may kakambal ako.
"Wala naman kayong kasalanan. It was an unexpected happening." Pilit kong ngiti pero mahahalata sa boses ko ang sakit sa pagkawala nito.
"Sorry for that, Vesta," she said sorry. Bigla ako nakaramdam ng pagpiga nang puso ko sa binitawan niyang mga salita.
Hindi ako umimik bagkus ay binaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Minamasdan ang mga kabahayang nadadaanan namin at habang nakamasid ako sa labas ay hindi ko mapigilan na hindi napaluha. Alam kong buhay pa si Xyrell. Umaasa ako at hindi ako nawawalan ng pag-asa na mahahanap ko siya. Alam kong buhay siya at hinihintay niya akong makita ko siya.
"Xyrell, nasaan ka ba? " mahina kong bulong sa sarili.
-----

Comentário do Livro (107)

  • avatar
    Sandy Gangoso

    may book 2 na po ba?

    01/11

      0
  • avatar
    PalisNenet

    ganda ng story Sana my happy ending cla Vesta at Keyran nxt part author plsssssssssss kabitin🥰🥰🥰🥰

    17/09/2023

      0
  • avatar
    Asnor DM

    niceeee

    22/04/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes