logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

BARKO

JULIA
NARAMDAMAN kong patuloy sa pagnginig ang aking mga kamay habang sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Laking salamat ko na lang kay Shamel dahil ginising niya ako mula sa aking nakakatakot na panaginip. Iniisip ko pa lang ngayon ay bumabalik ang kilabot sa aking katawan.
Pinapalibutan ako ng pulang kwarto, may kadiliman ito sapagka'y wala ni isang bintana ang iyong makikita. Ramdam ko sa aking tabi ang mga pira-piraso basag na plorera at ang malagkit na likido na pumapalibot na sa aking mga paa't binti. Hindi ko lubos maisip kung nasaan ako o kung bakit ako nakagapos. Sinusubukan kong maghanap ng kahit anong detalye na makapagtuturo kung nasaan ako ngayon subalit bigo.
Natanaw ng aking mga mata ang isang babae na may kahabaan ang buhok, nakaupo ito sa dulo ng kama at kumakanta ng oyayi sa isang sanggol.
"Matulog ka na, anak ko. Hindi ko hahayaan na makakaalis sila ng hindi nagbabayad sa kanilang mga kasalanan."
Hinalikan nito ang sanggol na yakap sa kanyang bisig at bigla na lamang hinagis sa sahig na para bang wala itong buhay at bagay lamang na walang kuwenta. Kumunot ang aking noo at nakaramdam ng takot sa biglang pagtigil ng babae at unti-unti niyang inikot ang kanyang ulo patungo sa akin. Nanigas ako sa aking kinauupuan nang nakita ko ang kanyang mga matang nawawala. Ngumiti siya ng malawak at inikot sa kanyang mga daliri ang kanyang buhok.
"..Jillian...buhay.."
Nagpumiglas ako sa mahigpit na taling nakapalibot sa akin na kanyang tinawanan lamang ng malakas.
"Bakit kilala mo ang nanay ko? Sino ka?!"
Tumulo ang pulang likido sa dulo ng kanyang bibig at tinaas ang kamay nito patungo sa akin. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mahigpit na kapit sa aking leeg, pinipigilan nitong ako'y huminga. Nanlalabo na ang aking paningin nang marinig ko ang pamilyar na tinig ng aking kaibigan na naging hudyat upang ako na'y magising.
Humiga na lamang ako muli sa kama at tinignan ang ilaw na paggiwang-giwang sa kisame. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako magkakaroon ng ganoong panaginip tungkol sa babaeng hindi ko naman kilala. Naalala ko noong bata pa ako ay nakaranas na rin ako ng ganoong pangitaing pero tumigil din iyon nang lumipat kami ng ibang bahay. Simula no'n ay hindi na ako binisita ng ganoong panaginip.
"Kamusta ang kalagayan mo?"
Pumasok sa silid si Shamel na mukhang alalang-alala sa akin, inabot niya sa akin ang baso ng tubig na kaagad ko namang ininom sa sobrang uhaw na aking nadarama. Tila bang ninakaw ang lahat ng enerhiya sa aking katawan mula ng masaksihan ko ang bangungot na iyon.
"Tungkol saan ba ang naging panaginip mo?"
Pinatong ko ang baso sa lamesa na malapit sa amin. Hinawakan ko ng mahigpit ang rosaryo na nakasuot sa aking kanang pulso at tinignan siya, tila ba'y nagdadalawang isip kung ikukwento ba ang nangyari.
Lumipas ang ilang segundo nang maramdaman ko ang mahapding sensasyon sa aking kanang kamay na ngayong puno na ng dugo. Nanigas ako sa aking kinatatayuan kaya si Shamel na mismo ang kumilos upang matignan ang sugat na nasa aking kanang palad.
"Kukuha lang ako ng emergency kit sa banyo."
Tumango ako at umupo na muna sa mga sofa na malapit sa bintana ng kwarto. Kita ko sa ilabas ang makulimlim na ulap at ang malakas na alon na yumayakap sa barko. Sa hindi kalayuang lugar, aking natatanaw ang isla na aming tutuluyan para sa isang linggo. Hindi ko masabi kung saan nanggagaling ang masamang pakiramdam habang iniisip ko ang mga posibilidad na doon kami mananatili ng ilang araw. Tila ba'y may bumabagabag sa aking isip at damdamin na parang isang maling desisyon na doon kami pupunta.
Kumunot ang noo ko nang isang tinig ng babae ang aking naririnig. Mahina ito at malambot sa pandinig subalit pakiramdam ko'y malungkot ito.
"Huwag kayong magpatuloy! Pakiusap, iligtas niyo ang mga sarili ninyo habang kaya niyo pa."
Napapikit ako sa patuloy na paghapdi ng aking kamay na naging sanhi upang mabitawan ko ang rosaryo sa sahig, na ngayo'y pinapalibutan ng aking dugo.
"Kumuha ka ng ouija board."
Tila ba'y manika ang aking katawan na sinunod ang kanyang utos. Kinuha ko ang ouija board na nakita ko kaninang nakatago sa loob ng kabinet at lumapit kung nasaan ang rosaryo. Dahan-dahan itong gumalaw at tumungo sa isa sa mga letra na nasa board. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang nangyayari sa rosaryo.
"H-U-W-A-G-K-A-Y-O-N-G-T-U-M-U-L-O-Y."
Pinagsama sama ko ang mga letra at iyon ang naging resulta. Hindi pa rin ako makapaniwala kung sino ang nasa likod nito o kung bakit niya ito ginagawa.
"Huling tanong bago ako maniwala sa iyo. Sino ka?"
Lumuhod ako sa sahig at pinakatitigan ang ouija board. Naguguluhan ako sa sarili ko dahil hindi ako nakakaramdam ng takot bagkus ay magaan ang kalooban ko sa kausap kong ispirito.
"J-E-S-S-A," binigkas ko ang kanyang mga naipagsamang mga letra at bigla akong nakaramdam ng pamilyar na sensasyon, na para bang nabanggit ko na ang ganoong pangalan noon. Nanginig ng malakas ang buong barko kaya napakapit ako sa mga sandalan na naroon. Hindi pa rin napo-proseso sa aking isipan ang nangyari pero isang bagay lang ang sigurado ako. May tinatagong sikreto ang mansyon sa isla ng Karupokan.

LANY
HABANG patuloy ang iba sa pagtulong kila kuya Rhod sa pag ayos sa manibela ng barko. Gusto kong sumama subalit pakiramdam ko'y magiging pabigat lang ako sa kanila. Nanginginig ang mga kamay ko sa isipan na maari kaming mapahamak sa sandaling ito.
"Lany, kumalma ka lang. Walang mangyayari sa atin. Ginagawa na nila Alice ang kaya nilang gawin."
Tumango ako at naramdaman ko ang mga luhang nagbabadya ng tumulo. Pinigilan ko ang mga ito at nagdesisyon na pumunta sa silid kung na saan sila kuya Rhod. Walang magagawa ang pag-iyak ko sa sandaling ito bagkus ay mas lalo lang kakabahan ang iba ko pang mga kaklase.
"Imposible, tinignan pa lang namin ang klima para sa isang linggo at wala namang sinabing magkakaulan o bagyo. Anong gagawin natin?"
Nakakunot na ang mga noo nila pero hindi ko sinubukan sumali sa usapan. Tinignan ko mula sa malaking salamin sa harapan ang malakas na mga alon na mismong rason kung bakit gumagalaw ang barko.
Napatingin ako sa kanang bahagi at doon ko nakita ang iilang bangkang nakasabit sa rehas ng barko. May nagsasabi sa aking isipan na maari naming magamit ang mga bangkang iyon para kaagad na makapunta sa isla. Sa walang kadahilanan ay biglang nagdilim ang aking paningin at parang may sariling buhay ang aking katawan na gumalaw mag-isa. Tinignan ako ng taimtim ni kuya Rhod pero lumipat sa iba ang pansin nito.
"Paano kung gamitin natin ang mga bangka para makapunta sa isla?"
Lumapit ang iba sa kinatatayuan ko at sinilip ang nasa ilabas.
"Hindi kakayanin ng mga bangka ang malakas na alon sa ilabas. Mas mapapahamak tayo 'don," Matapos lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon ay naramdaman namin ang biglaang pagkalma ng mga alon. Gulong gulo man ang aming mga isipan subalit magandang resulta iyon kung ako ang tatanungin mo.
"Anong nangyari? Natapos na ba ang bagyo?" Pumasok sa silid si Luigi.
"Nag-uusap kami rito ng biglang tumigil ang malakas na alon at nawala na rin ang ulan," gumaan ang loob na sabi ni Francis. Nakahinga na ng maluwag ang iba kong kaklase at nagsibalikan na sa kanilang mga kwarto.
"Ha? Anong nangyari?" tanong ko nang bigla ko na lang muli makita ang mga nasa paligid ko. Nagagalaw ko na muli ang aking katawan pero kumunot ang noo ko nang may nakita akong sugat sa aking papulsuhan. Mas maiging sabihin na paso at bago ko malaman kung anong hugis iyon ay kaagad din iyong nawala na parang bula.
Tinignan ako ng iba na parang may dalawa akong ulo at matapos niyon ay kibit-balikat sila. Kahit hindi ko masyado naalala ang mga nangyari ay lumabas na ako sa silid at dinala ako ng mga paa ko sa harap ng isang pintuan. Ipinihit ko pabukas ang busol ng pintuan at nanigas ako sa kinatatayuan nang makita ako ang nasa loob niyon. Isa lamang ang laman ng aking isipan ang sumigaw at tumakbo...

SAMANTHA
INAAYOS ko ang mga damit ko sa aking bag pero hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang mga nangyari kanina. Anong klaseng kababalaghan ito? Tanging milagro lamang ang makagagawa niyon. Ang biglaang pagtigil ng bagyo gayong muntikan na nitong masira ang barkong sinasakyan namin. Siguro mas maganda ng magpasalamat ako kaysa sa alalahanin pa ang nangyari, ang importante ligtas ang lahat at walang napahamak.
Inilapag ko sa isang lamesa ang rosaryong pinadala ng aking ina at lumuhod sa harap niyon. Pinikit ko ang aking mga mata at taimtim na nagdasal. Hindi ko man alam ang magiging kahihinatnan ng aming bakasyon nawa'y proteksyunan kami ng Panginoong Maykapal. Siya na mismo ang gumabay upang walang kasamaan ang darating sa amin.
Napatigil ako sa aking pagdarasal nang marinig ko ang malakas na katok na nanggagaling sa pintuan. "Samantha! Dalian mo. Kailangan na nating umalis." Kaagad ko siyang pinagbuksan habang hawak ang rosaryo na ngayo'y isinuot ko na.
Nakikita mo sa kanyang ekspresyon ang sobrang pag-aalala. Habang suot nito ang backpack na alam kong laman ng mga gamit niya ay hindi pa rin ako nakakasunod. Pumasok siya kaagad sa aking silid at pinasok ang mga nakikita niyang gamit sa bag ko, hinawakan ko siya sa braso upang patigilin siya ng sandali.
Kung kanina'y nagaalala siya, mas nangingibabaw na ngayon ang takot. Tuluyan na siyang humarap sa akin at niyakap ako ng mahigpit, tanging kanyang mga hikbi ang naririnig sa paligid.
"Anong nangyari? Huwag ka ng umiyak, Lany."
Hinimas ko ang kanyang buhok, umaasang tatahan na siya sa kanyang pagiyak. Hindi ito ang unang pagkakataon na umiyak siya sa harapan ko, pero hindi naman siya ang tipo na ganoon ang pagiyak na para bang may nangyaring masama.
"M-may butas...s-sa... barko!"
Tila bang nawalan ako ng dugo sa kaputian ng aking mukha nang unti-unting naproseso sa aking isipan ang mga sinabi niya. May butas ang barko! Ibig sabihin lulubog ang sinasakyan namin!
"Ano?! Paano mo nasabi? Nakita mo ba? Sumagot ka, Lany!" Niyugyog ko ng marahan ang kanyang balikat. Kaya pala medyo may pagkabasa ang kanyang sapatos sa pagdating niya.
"H-hindi ko alam.. Basta nong b-bumaba lang a-ako, nakakita ako ng t-tubig.. tapos.."
Hindi niya na napagpatuloy ang pagsasalita nang marinig namin ang malakas na tunog ng kampanilya. Kung tama ako sa pagkakaalala ko, nakita ko iyon sa silid kung na saan sila kuya Rhod kanina. Ibig sabihin may emerhensya at kailangan nilang pumunta roon.
Palabas na kami ni Lany ng silid nang makaramdam ako ng malamig na likidong pumapalibot sa aking mga paa at gumalaw ng malakas ang barko sanhi upang matumba kaming dalawa sa sahig at mabasa ang aming mga damit. Nagkatinginan kaming dalawa ni Lany at nakikita ko pa ring natatakot siya kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila na patayo. Kailangan nilang maging maliksi dahil buhay na nila ang nasa linya.
Karating nila doon ay kaagad kaming sinaluhan nila Alice ng may dalang life vest at pinasuot sa amin iyon kaagad. Nakita ko sa dulo ng aking paningin ang takot na mga mukha ng aking mga kaklase habang nakakapit sa kanilang mga gamit. Patuloy pa rin sa paggiwang ang barko subalit may sapat na oras pa rin kami upang makapunta sa itaas na bahagi ng barko, ang kubyerta na napapalibutan na ngayon ng tubig.
"Kalma lang tayo, guys! Kumapit sa rehas para hindi tayo madulas," sigaw ni Luigi na nanggagaling sa harapan ng linya. Doon ko nakita ang pagtanggal ng buhol ni kuya Rhod sa mga nakataling bangka sa gilid ng barko. Iilan din iyon kaya sigurado akong kasya kaming lahat para makasakay roon kung tig-lima bawat bangka.
"Dahan dahan sa pagsakay, huwag mamadaliin. Huwag niyo rin kakalimutan ang mga personal niyong gamit."
Maigi niyang tinulungan ang iba kong kaklase sa pagsakay ng bangka habang ang iba ay nanginginig na sa takot. Nararamdaman namin ang mabagal na paglubog ng barko subalit hindi iyon rason upang hindi namin bilisan.
Matapos mapuno ang isang bangka ay maingat na ibinaba iyon ni kuya Rhod na hawak ang iilang lubid. Hindi nagtagal ay natapos na ang iba maliban na lang sa amin ni kuya Rhod. Ako ang nasa huling linya at sobra pa sa kagalakan na makasakay na sa mga bangka nang biglang bumigat ang aking mga paa. Dahil nakatabingi na ang barko ay mas nahihirapan akong kumapit sa rehas. Sinusubukan kong hilahin ang sarili ko paakyat at kumapit sa rehas subalit ng napatingin ako sa aking mga paa, umaasang makikita kung ano ang nagpapabigat ay nanlamig ang aking mga kamay at muntikan ko ng mabitawan kung hindi dahil sa sigaw ni kuya Rhod ang nagpagising sa akin.
"Hindi ka na makakatakas sa akin! Akin ka na! Akin na kayo!"
Patuloy lang sa paghila sa paa ko ang misteryosong babaeng nakaitim. Nakatakip ng kanyang mga buhok ang mukha kaya hindi ko makita kung ano ang kanyang hitsura. Nalukot ang mukha ko nang maramdaman ko ang matitilos niyang kuko na mahigpit ng nakahawak sa aking paa. Pilit kong ginagalaw ang aking paa upang mawala siya pero mas lalo lang siyang natawa ng parang demonyo.
"Katapusan mo na! Ang mga kaklase mo naman isusunod ko!"
Naririnig ko sa paligid ang iilang mga sigaw at pagsinghap ng hininga ng aking mga kaklase. Pilit akong inaabot ni kuya Rhod subalit bigo dahil kinailangan niya ring kumapit sa rehas para sa sarili niya. Tumagal kami ng ilang segundo sa ganoong posisyon nang biglang nagbago muli ang posiyon ng barko, lumipat naman ito sa kabilang gilid.
"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Ispirito. Mawala kayo!"
Pumikit ako ng mariin at ilang segundo ang nagdaan ay nawala na ang bigat sa paa ko, maging ang babaeng itim.
Naging hudyat ang nangyari upang mahila ako ni kuya Rhod papunta sa kanya at gamit ang tali ay pinalibot niya iyon sa akin at sa kanyang bewang. Seryoso siyang tumingin sa akin at hinigpit ang suot kong life vest.
"Kailangan nating tumalon." Bago ko pa maisip ang kanyang sinabi ay sabay kaming napatalon mula sa barko patungo sa malalim na karagatan.
Pinalibutan ako ng kadiliman at hindi ako makahinga. Hinahanap ng aking mata si kuya Rhod pero hindi ko makita kahit anino niya man lang, maski ang mga bangkang sinakyan ng aking mga kaklase ay wala. Tanging kadiliman lamang ang nandyan para samahan ako...
Sinubukan kong hilahin ang lubid na nasa aking bewang pero napagtanto ko na wala na iyon. Mas lalo lang akong hinihila paibaba ng tubig. Kahit ano mang gawin kong paggalaw sa aking mga paa ay bigla na lamang nanigas doon at ang masking kaunting paggalaw ay nagdudulot ng sakit sa akin. Lumalabo na ang aking mga paningin ng sumalubong sa akin ang isang liwanag na palapit sa akin. Gusto ko mang abutin iyon subalit patuloy nang pumikit ang aking mga mata na tila ba'y oyayi ang kanyang presensya na nagpapatulog sa akin. Inaabot iyon ng aking kamay at bago ako mawalan ng malay ay nakaramdam ako marahang pagtulak sa aking likuran at patuloy na nga akong umaangat mula sa kadiliman.
"Ligtas ka na."
KATAPUSAN NG IKALAWANG KABANATA

Comentário do Livro (69)

  • avatar
    ManlapasReynz

    gooooooooooooooooooo9ooooooooooooooooooo9odkdjdjdndidjddjdjfnfidjfjfnfjfnjdjddjjdjdjffjjfjfjdu

    1d

      0
  • avatar
    Gs Abucay Samocino

    its relly good

    28/01

      0
  • avatar
    Disalan E Lloyd

    nkakatakot na nkakainis tong kwentong to maganda sya

    09/11

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes