logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3: Bracelet

3rd Person's POV
-Flashback-
[COMIC WORLD]
Nanghihina na si Hideo dahil sa saksak na natamo nya mula sa isang kriminal pero nakahawak parin ang isa nyang kamay sa bracelet na nahulog ng isang taong tumulong sa kanya.
"tulong...tulongan m...mo-ko..." nanghihina nyang pag sabi. Papikit na  sana sya nang biglang may isang portal na lumiwanag ang kanyang nakita sa gilid nya. Napapikit sya sa liwanag na dala nito pero parang may nag tulak sa kanya na pumasok duun, kaya kahit nahihirapan ay gumapang itong pumasok sa liwanag.
***
[REAL WORLD]
Kakatapos lang ng pagligo ng Tito Luis ni Eunnie at agad naman bumalik sa table nya upang ipagpatuloy gawin ang storyboard. Pag bukas  nya ng drawing book nya ay nagulantang sya sa kanyang nakita. Nabura ang lahat ng guhit  nya kay Hideo, kahit sa previous episodes ay nabura ito. Lumakas ang tibok ng puso nito sa pagkat alam nya kung bakit ito nangyari. Galit na galit ito kaya ihinulog nya lahat ng gamit na nasa lamesa at sumigaw sigaw pa ito dahil hindi nya na kayang kimkimin ang galit nya.
"Walang hiya ka!!!! Hindi ito maaari!!" Sigaw nya muli at napaupo sa gilid tapos hinawakan ang buhok nya. Napagdesisyunan nyang uminom muna upang maibsan ang galit na nararamdaman nya. Kumuha sya ng beer sa ref at nag simulang uminom sa bote. "Hahanapin kita!"
-End of Flashback-
Eunnie's POV
Nakatulala parin ako dahil sa mukhang nakita ko. Ngayon ko lang din sya nakita dito sa Hill-Top High kaya nakatitig lang ako sa kanya pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganito tumibok ang puso ko na parang nakita ko na sya nuon.
Nakatingin lang din sya saakin na walang imik at unti-unting tumalikod at naglakad palayo. Tinalikuran nya lang ba ako? Tama ba yung nakita ko? Hindi sya nagalit? Hindi pa ako nakapag sorry sa kanya pero hindi ba sya galit? Kung ako siguro non, magagalit ako. Pinagmasdan ko lang syang naglakad palayo at hindi ko alam kung bakit gumalaw ng kusa ang aking mga paa at sinundan sya ng palihim.
Nakakasalubong sya ng mga babae sa campus at isa-isa nya itong hinahawakan sa kamay na parang may chinicheck sya at kung hindi nya makita ay binibitawan nya agad. Nagtilian naman ang mga babae dahil sa ginawa nya at nagpatuloy naman ito sa paglakad at tuloy na ginagawa ang pag hawak o pag tingin sa kamay ng mga babae.
"Psshh! Haharot!" sabi ko at sinundan parin sya.
"Girl!! Hinawakan nya ba talaga ako?? OMG, Hindi ako makapaniwala.!!" Girl 1
"Ako din, sis! Ma chika nga kela Ren-Ren" Girl 2 
At nag takbuhan sila na parang excited na sabihin ang nangyari. Napairap naman ako at pag lingon ko sa dinaanan ng transferee ay hindi na sya mahagilap ng aking pananaw.
"Ang bilis naman mawala?" sabi ko nang naka simangot.
"Eunniiiieeee!!!" Nagulat ako sa biglang pag tawag sakin. Lumingon ako sa kanan at  nakita si Marisa at Ion na papalapit. "Tara sa Canteen, papunta dun si Mr. Transferee." at hinila niya ako.
"Ayaw mo na kay Dylan?" Biglang tanong ko.
"Ekis  muna sya for now, nakaka umay din pala itsura nya habang tumatagal, hihi." sabay tili nya. "Saka nga pala... Ang weird lang ni Mr. Transferee kasi ang silent-type nya tsaka lagi nyang tinitignan ang kamay ng mga babae na para bang may hinahanap sya."
 nakita rin pala nila yung ginagawa nya.
Nasa canteen narin kami at nakaupo lang ako sa table namin kasama si Ion, kasi si Marisa ay humaharot dun sa pila.
"Tung babae talagang to oh!" napailing nalang ako.
nag tilian  ulit ang mga babae at kanya-kanyang nag offer ng pagkain para kay Mr. Transferee pero hindi ito tinanggap kaya natawa ako ng palihim, pati kasi si Marisa ay nag offer pero tinanggihan din.
"Ang harot kasi" sabi ni Ion at napa irap.
"Luh, affected ka jan?" pag bibiro ko
"tumitingin pa kasi sa iba andito naman ako, hayst." at ngumisi ngisi pa. tong dalawang to talaga haha. 
nakabalik na si Marisa sa table na nakabusangot. Sino ba naman hindi bubusangot kung na reject haha.
"Ang sama ng ugali, ayaw tanggapin pag mamahal ko, este, libre ko. Hmmm, Baka ayaw nya sa food kasi gusto nya ako mismo ibigay ko sarili ko sa kanya." At nagpa cute pa, umakto naman si Ion na parang nasusuka kaya nakatanggap sya ng hampas mula kay Marisa. "Tawanan mo ko ha? kaya walang nagkakagusto sa yo e."
"Nahiya naman ako sa yo na kaka reject lang?" tapos tinawanan ng malakas ni Ion kaya ayun, nag habolan ang dalawa. Mapapailing ka nalang talaga.
***
Chineck ko ang phone ko na nakalagay sa aking bulsa, 5:15 na pala, kakatapos lang din namin maglinis sa assigned areas namin. Ibinalik ko ang phone sa bulsa ko at naramdaman dito ko pala inilagay sa bulsa ang bracelet ko kaya kinuha ko muna at tiningnan tapos naalala si Hideo. Napailing nalang ako sa kilig at ibinalik ito sa loob ng bulsa ko. Nagpaalam narin ako kela Marisa at Ion na uuwi naako. Hanggang ngayon kasi ay binubugbog pa ng hampas ni Marisa  si Ion.
Nasa labas na ako ng campus naglalakad nang nahagilap ng aking mga mata si Mr. Transferee at naalala ko hindi pa pala ako nakapag sorry sa kanya. Saktong nasa tapat ako ng bilihan ng yakult kaya bumili ako ng limang piraso para ibigay sa kanya as peace offering. Wala akong pakialam kung irereject nya basta mag sosorry ako sa kanya. Pagkatapos kong makabili ay tumakbo ako papunta sa kanya at hinarangan sya saka ibinigay sa kanya ang yakult habang naka yuko. 
"Sorry. Peace offering ko pala to, kasi alam kong natamaan kita kanina ng bato. Take these if you're accepting my apology." diritsong sabi ko na ikinagulat ko naman kasi tinanggap nya kaya agad ako napatingin sa kanya.
Shez, ang gwapo nya, nakita ko na ang human version ni Hideo kasi magkatulad sila ng attributes ni Hideo. Ganito kaya siya pag tao sya? Gosh... Girl! Quit that day-dreaming.
Naiwan akong nakatulala habang sya ay nagpatuloy na sa pag lakad. Hindi man lang sya nag thank you? Ganun ba sya ka harsh? erase, erase. Hindi bagay sa kanya ang maging si Hideo. Binabawi ko na ang sinabi ko. Napabugtong hininga nalang ako at dahil pumasok si Hideo sa isip ko, napagdesisyonan kong suutin ang bracelet ko. Para kasi sakin, ito yung magiging koneksyon namin ni Hideo. Nung nasuut ko na ay nagpatuloy na ako sa pag lakad.
sasakay na sana ako sa tricycle nang naisipan kong sundan kung saan papunta yung transferee. Myghad! Stalker na ba is me? 
sinundan ko lang sya ng sinundan hanggang sa hindi ko namalayan na wala na palang mga tao dito kaya kinabahan na ako. Parang hindi naman napansin ni Mr. transferee na sinusundan ko sya kasi malayo yung agwat sa pagitan namin. Hahakbang pa sana ako nang biglang may humawak sa braso ko kaya agad akong lumingon at nakita ang tatlong lalaki nngayoy naka ngisi. Nag simula namang tumibok ng kay lakas ang puso ko. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa.
"kay gandang bata." sabi sabay nakangisi "wag kang sisigaw kung ayaw mong mapahamak." at hinawakan ako ng dalawa habang ang isa ay binababa ang bag ko. 
Ano na ang gagawin ko? Kinakabahan na talaga ako, sana hindi ko nalang sinundan yung lalaking yun, hindi sana ako mapapahamak ngayon! Katapusan ko na ba? Hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa sitwasyon ko at kunti nalang mapapaihi na ako kasi hindi parin mag sync-in sa isip ko kung anong nangyayari sakin ngayon. Humagulhol na ako at isa nalang ang pumasok sa isip ko.
"HIDEEEOOOOO!!" Sigaw ko habang umiiyak, hindi ko alam kung bakit yun ang nasigaw ko basta sya nalang ang pumasok sa isip ko. "Hideooooo!" patuloy na pag sigaw ko. Kung katapusan ko na ngayon sana naman may  maka huli nitong mga kumag nato.
"Tumahimik ka! Hindi ka ba nakakaintindi? hindi mo ba naiintindihan ang mga salitang wag kang sumigaw ha? Pinapainit mo ang ulo ko ha." Napapikit nalang ako kasi umangat na ang kamao nya at sure akong lalanding yun sakin. Ang pagpikit ko ay kasabay nun ang pag tulo ng ihi ko. 
Nakapikit parin ako  at  may narinig akong parang may hinampas, pero pinakiramdaman ko ng maigi, wala namang masakit sa katawan ko pero bakit parang may binubugbog? At napa bitaw din ang dalawang lalaki saakin kaya binuksan ko ang aking mga mata at nakitang naka handusay na ang mga lalaki sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko dahil...
May tumulong ba sakin? Naka tulala parin ako hanggang sa may lumapit sakin. Pag lingon ko ay yung transferee ang nasa harapan ko. Lumakas na naman ang tibok ng puso ko dahil nag tagpo nanaman ang mga mata namin.
Hinawakan nya ang kamay ko at tiningnan ang aking bracelet pagka tapos ay tumingin ulit sakin. Ano bang ginagawa nya? Nasa state of shock parin ako nang bigla nalang nya akong niyakap ng mahigpit, yakap na parang matagal ng gusto maramdaman. Nung matauhan ako ay bumalik ako sa pag iyak dahil sa naalala ko na naman na muntikan na akong ma rape habang ang lalaking ito ay nakayakap parin ng mahigpit saakin.
***
Nasa Police station na kami ngayon at dinakip na agad-agad ang mga nagtangkang mang rape sakin. Laking pasalamat ko dahil may mga pulis na humahabol ng isang magnanakaw at napunta sa direksyon namin kaya naman ay nahuli din pati ang tatlong lalaking muntik na gahasain ako.
Andito narin si Mama, yakap-yakap ako habal ipinalibot sakin ang isang scarf.
"Mabuti nalang at natulungan agad ang anak nyo dahil kung hindi, baka ano pa ang nangyare. Ex-convict na ang isa sa kanila at hindi namin inaasahan na makikita nanaman namin ulit sa kulungan." sabi ng isang pulis sa Mama ko kaya laki rin ng pasalamat ni Mama sa transferee.
"Alis na po ako." Sabi nung transferee, at yun pa ang unang pag kakataon na narinig ko syang mag salita. Napaka manly pala ng boses nya. 
"Aalis ka na? Dumaan ka muna sa bahay, bilang pasasalamat ko ay ipagluluto muna kita." Pag aaya ni Mama nang bigla kong maalala na naakaihi nga pala ako kanina kaya agad-agad kong pinigilan si Mama.
"Ahh.. Mama, aalis na po sya kasi po hinahanap narin po sya sa kanila, sa susunod nalang po hehe, oo po hehe. Ipaalis na po natin, hehe" sabi ko na parang tinutulak papalayo yung transferee.
"Ano ba pinagsasabi mo? May utang na loob tayo sa kany-"
"Alis na po ako, sa susunod nalang po" sabi nya kaya walang nagawa si Mama.
Pagka uwi namin ay agad kong nilinis ang sarili ko sa cr dahil nanginginig parin ako habang naaalala ang nangyari kanina.
sa pag iisip ko sa nangyari ay palaging umiinsert si Mr. transferee kaya hindi ko rin maiwasan tumili. 
"Ano ba to? Akala ko ba loyal ka lang ky Hideo? Naku! Hideo, sorry, hindi ko sinasadya..." pag sasalita ko mag isa. "Pero isang fictional character lang naman si Hideo tapos parang nakikita ko rin ang isang Hideo sa lalaking nag ligtas sakin kanina. Hay! Hindi ko maiwasan pero parang isang presentasyon yung transferee sa imagination ko tungkol kay Hideo" Tinapos ko na ang paglilinis ng sarili ko at agad humiga sa kama.
Naalala ko naman yung bigla nya akong niyakap kaya napatili ako ulit at niyakap yung human-sized teddy bear ko. 
"Ang higpit ng yakap nya sakin, asdhfskfhsls" gumulong gulong ako dahil naaalala ko rin kung gaano sya ka bango kanina. Parang sa mga istorya lang naman nangyayari ang ganyan e at hindi sa totoong buhay, kaya bakit ginawa nya yun kanina? Ba't kailangan may yakap effect pa?
My goodness, papano kita haharapin bukas e, nalaman mo ng nakaihi ako sa skirt ko, Hayst! Napa face palm nalang ako.
"Yun lang naman ginawa mo pero bakit ang laki ng impact sakin?" sabi ko at unti-unting nakatulog.
****
"NAk! Gumising ka na! Hindi ka dapat ma late ngayon." Naka ilang katok si Mama dahilan na magising ako. 
Gumising naman ako. "Opo, Mama!" sagot ko while rubbing my eyes. 
agad akong tumungo sa CR at naligo na. Half sakin ay inaantok parin kaya lutang-lutang parin ako.
Ilang sandali ay nakatapos narin ako at dumiritso na sa hapagkainan.
"Okay ka na ba? Kaya mo na pumuntang paaralan?" nag aalalang tanong ni Mama
"Oo, Ma, kaya ko na po at ayaw ko rin ma behind sa mga klase namin." sagot ko at ngumiti.
napaka sinungalig naman, ang sabihin mo, gusto mo makita si Mr. Transferee.
"Alis na po ako." sabi ko nung pagkatapos ko mag toothbrush at mag ayos.
"Sigi anak, mag iingat ka! Tsaka ito, pepper spray para  self-defense mo" bigay ni Mama at agad ko naman tinanggap yun.
"Salamat po" sabi ko at binuksan na ang pinto. pag tingin ko sa harap ay natigilan ako. Ba't andito to? "Dylan?"
"Nag offer si Dylan na ihatid sundo ka simula ngayon para mas safe ka, at kung aalis ka ng Campus, dapat magpaalam ka sa kanya para masamahan ka." nakangiting tugon ni Mama.
"Ma naman e! hindi na ako bata, at ayoko may maka alam na magka kilala kami ng kumag na yan."
"I insist." tipid na sabi ni Dylan at nag signal sakin na sumakay na ako sa kotse nya. "responsibility na kita from now on." Luh... Si Dylan ba talaga to? Kinilig ako ng kaunti dun ah hihi.
"Hindi mo naman kailangan gawin to e, pero kung gusto mo talaga akong pagsilbihan edi go!" pagbibiro ko at sumakay na sa kotse nya. "Bye, MA!" sabay kaway ko
"Ingat." sagot naman nya.
"Bakit ka ba kasi nakarating don? hindi naman dun ang daan pauwi  sa inyo." tanong ni Dylan sakin.
"w-wala lang... pumasok lang sa isip ko na tingnan kung ano ang nandun. Lam mo yun, when curiousity strikes." 
"Psh! kung maka punta ka dun kala mo kelaki ng katawan e isang hila ka lang madadala ka na. Wag mo ng ulitin yun ah, mag text ka sakinn kung may pupuntahan ka, pake ko dyan sa anong masasabi ng iba. Wag mo na silang pansinin." sabi ni Dylan habang seryosong nag mamaneho. Napatitig lang ako sa kanya kasi naman , aaminin ko, gwapo sya tapos malaman laman ng iba na sumasama sya sa tulad ko lang, ang daming maiinggit no.
"Ano ba kasi kinain mo habang lumalaki tayo ha? ano pinakain ni tita sayo at gandang lalaki ka?" diritsahang tanong ko kaya natawa nalang sya.
"Gwapo ba talaga ako? Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagkakandarapa ang mga babae sa campus sakin. I don't find myself that attractive" Sabi nya at lumingon sakin.
"ordinaryong tao ka lang naman nuun tapos nakakalapit pa ako sayo pero simula nung mag modeling ka, naging malayo ka na sa pagiging ordinaryo kasi andami ng nakakakilala sayo." sagot ko naman.
napahaba ang kwentohan namin hanggang sa maka rating na kami sa skwelahan.
"Baba mo na lang ako dito, ayoko ng isyu" sabi ko nung hindi pa kami nakakarating sa gate.
"sabi ko wag mo na silang pansinin e."
"Tatalon ako, sigi ka!" pananakot ko kaya wala syang nagawa kundi ihinto ang kotse at agad naman akong bumaba.
Nagsimula na akong maglakad nang bigla konng naalala si Mr. transferee saka yung naka wiwi ako sa skirt ko. Napapikit ako  ulit sa kahihiyan. Sana naman hindi ko sya makasalubong, Naku, naku!
nagmamadali akong maglakad nang nahagilap nanaman sya ng aking mga mata kaya kinabahan ako at umiba ng direksyon nung nakita syang papalapit.
papunta ba sya sakin? Noooooo! mas takbo-lakad ako papunta ng room na nasa second floor, nagbabakasakali na hindi nya ako maabutan.
nakaakyat narin ako sa ikalawang palapag na kinakapos ng hininga. Grabe, napagod ako dun ah. Malapit na ako sa classroom kaya naglakad nalang ako ng dahan dahan nang nakarinig nanaman ako ng nagtitilian sa likuran ko pero hindi ako lumingon.
"Andito na syaa!!! Ang pogi mo poo talaga!" Girl 1
"Kuya, ano po bang pangalan mo?" Girl 2
"Kyaaaaaah! pangalan mo po kuya!"
Ang dami nagtatanong ng pangalan nya dito sa hallway. Pinaligiran talaga sya ng mga babae, naku naman!
"Kuya, name po!" 
papasok na sana ako sa classroom ng biglang....
"Hideo." Sagot ng boses lalaki

parang pumreno ang aking mga papa dahil sa narinig ko. Tama ba yung narinig ko? Agad akong lumingon sa likuran at tila parang nag slow-mo lahat. Unti-unti syang lumapit saakin habang nag give way lahat ng mga studyante. 
Dug dug...
dug dug....
Naririnig ko na ang puso ko na parang sasabog na.
Nakarating na sya saakin at agad hinawakan ang kamay ko tapos bigla akong niyakap na ikinalaki ng mga mata ko. Kahit ang mga studyante dun ay napa nga-nga dahil sa ginawa nya. Kumawala sya sa pagyakap at hinawakan ang kamay ko sabay hila papaalis mula sa paningin nila.
Nagkatotoo ba lahat ng hiling ko? Si Hideo ba talaga to?

Comentário do Livro (35)

  • avatar
    Allen Rhey Olermo

    very nice and very good story

    2d

      0
  • avatar
    AbanesAriel

    wow

    4d

      0
  • avatar
    IngJoe

    good

    16/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes