logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

ACCIDENTALLY IN LOVE

BELLE’S POV
“BULAKLAK kayo riyan! Bulaklak ho! Bili na kayo, sariwang-sariwa pa!” sigaw ko sa mga dumadaang mamimili.
May lumapit na isang lalaki at tumingin-tingin sa paninda kong bulaklak. “Tatlong rosas nga.”
“3 roses, coming up, Sir!” masiglang sagot ko at sumaludo pa. Natawa naman ang lalaki.
“Magkano?”
“80 lang ho.”
“Ito bayad.”
Kinuha ko naman ‘yon at nagpasalamat. “Thank you ho, Sir! Balik ho kayo.” Pagkaalis ng lalaki ay may lumapit namang ale. “O, Aling Martha, kayo ho pala, bibili ho kayo?”
“Ah, oo, hija, pakilagay na lang dito sa vase. Piliin mo ‘yong magaganda, ah.”
“Sige po, right away, Madam!” masiglang sagot ko. “Ang sigla mo yata ngayon, ah? At saka lalo kang gumaganda. Siguro may nagbibigay na sa ‘yo ng inspirasyon.”
“Naku! Wala po, Aling Martha, talagang maganda lang ang gising ko kanina. Eh, kayo nga ho, eh, lalong sume-sexy. Masyado yata kayong inspired sa bago n’yong jowa,” biro ko.
Natawa naman ang babae. “Hindi naman. Talagang gusto ko lang magpapayat.”
“Naks naman! Nag-deny pa talaga ‘tong si Aling Martha, oh! Eh, halata namang inlababo ka sa jowa mo.”
“Naku, ikaw talagang bata ka. Binobola mo na naman ako. Sige na, ito na ‘yong bayad ko. Aalis na ako.”
“Sige po, ingat po kayo!”
Sa sobrang busy ay hindi ko namalayang gumagabi na pala.
“Ang konti ng kita ko ngayon. Kulang pa ‘to sa pambayad sa utang ko kay Aling Lucy, maniningil na naman ‘yon bukas. Tsk!” Napailing na lang ako. Ang hirap ng buhay ko.
Napansin ko ang isang magazine sa bangketa ko. “Teka, kay Aling Martha ‘to, ah. Naiwan n’ya.” Napansin ko kasi na hawak n’ya ‘to kanina habang nagbibiruan kami.
Binuklat ko ‘yong magazine, puro pictures ng lalaki ang laman.
Napailing na lang ako. Ito talagang si Aling Martha ang hilig sa mga ganitong bagay.
Habang tinitingnan ko ‘yong magazine ay biglang natuon ang atensiyon ko sa isang pahina.
“Philippines’ Top ten Bachelors?”
Hindi ko mapigilan ang mamangha habang binabasa ko ang laman ng pahinang ‘yon.
Wow! Grabe! Ang yayaman naman nila! At saka ang guguwapo pa!
Malamang maraming mga babae ang naghahabol sa mga ‘to. Bukod kasi sa mayaman, may itsura pa.
“Ian James Lampouradge, 25 years old, owner of L Food,” pagbabasa ko sa profile ng isang lalaki na may cute na smile. “Wow naman!” say ko habang napapailing sa sobrang mangha.
“Ito namang isa, Dan Ezekeil Collins. Hindi rin ‘to pahuhuli sa kapogian, oh! 26 years old, owner of the most popular hotel in Asia, the Galaxy Hotel.”
Binasa ko pa ang profile ng iba. “Ito namang si William Troy Moseley. May pagka-chinito, oh, 25 years old din. May-ari naman siya ng isang malaking publishing company at mga bar. Ang cool n’yang tingnan sa suot n’ya rito. Grabe! Ito pa isa, si Prince Liam Dorschneir, 26 years old, owner of Silverstone Academy—”
Wait, what? Siya pala ang may-ari ng pinakasikat na paaralan sa Pilipinas? Wow naman! Alam ko lahat ng pumapasok sa academy na ‘yon ay puro mayayaman lang. Hindi kasi basta-bastang paaralan ‘yon, eh.
Grabe! Sobrang yaman nila. Sa ganiyang mga edad, ang layo na ng narating nila.
Eh, ako kaya? Kailan ko kaya mararating ang tuktok ng tagumpay? Mukhang aabutin pa ako ng 400 years sa pagtitinda ng bulaklak para makaipon ng pera. Tsk!
Napatigil ako bigla nang mahagilap ng mga mata ko ang isa pang picture. Tinitigan ko ito nang maigi.
Ang gwapo n’ya! Ay mali! Sobrang guwapo n’ya! Kahit emotionless ang kuha n’ya rito sa picture, ang cool pa rin n’yang tingnan. Sino kaya ‘to?
“Tyrone Knight Fournier, a young businessman this country’s lucky to have. 25 years old, half Filipino-half British. A multi-business owner— O to the M to the G! Kung gano’n siya ang Top 1?! Ang nangunguna sa pinaka mayayamang tao sa buong Asia? Wow! Nakakamangha naman ‘tong taong ‘to! Paano kaya siya naging ganito kayaman?”
Napabuntong-hininga ako. Sana ako rin. Sana isang araw magising na lang ako at bigla ko na lang malaman na isa pala akong tagapagmana mula sa isang napakayamang pamilya. Hindi ba mas magiging masaya ang buhay ko no’n?
Puwede na akong matulog kahit anong oras ko gustuhin. Pumunta sa iba’t ibang lugar sakay ng private jet. Maglalakwatsa buong araw. Pupunta sa mga sosyal na mall para mag-shopping. Manonood ng palabas sa TV buong araw. Isang buhay na walang iniisip na mga problema. Ang mabuhay na parang isang prinsesa. At syempre, sa ganitong klaseng buhay, isang bagay ang imposibleng mawala sa eksena.
Ano pa nga ba? Edi isang malaking golden palace!
‘Yon nga lang, ang panaginip ay tinawag na panaginip dahil hindi naman ‘yon totoo. Mas totoo ‘yong uuwi na ako ngayon kasi gumagabi na, magluluto ng hapunan, at matutulog sa sira kong kama para makapagpahinga. Pero bago ‘yon, magliligpit muna ako ng mga paninda habang nangangarap.
Habang nag-aayos ng mga paninda ay nagpatuloy ako sa pangangarap. Sa isip ko’y isa akong mayaman na prinsesa na walang ibang ginawa kung hindi ang magsaya sa piling ng mga bagay na matagal ko ng gustong bilhin.
Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin ang isang sasakyan na papunta sa direksyon ko. Nakarinig ako ng isang malakas na busina kaya napalingon ako sa pinagmulan no’n. Nasilaw ako gawa ng liwanag na nagmumula sa sasakyan hanggang sa maramdaman ko ang pagtama sa akin ng sasakyan.
Nakatingala ako sa langit. Hindi ako makakilos dahil sa tuwing susubukan ko ay nahihirapan ako. Nasasaktan ako. Naririnig ko ang
sigawan ng mga tao sa paligid. Nanghihingi sila ng tulong. Hindi ko sila gaanong maaninag dahil nanlalabo ang paningin ko. Dahil ba gumagabi na?
“Miss…”
Nakita ko ang mukha ng isang lalaki. Nakadungaw siya sa akin at may sinasabi pero hindi ko ‘yon maintindihan. Tinatapik-tapik n’ya ang mukha ko pero wala na talaga akong maintindihan hanggang sa unti-unting pumikit ang mga mata ko.

TYRONE’S POV
“DAMN!” bulalas ko nang may mabunggo akong mga paninda at isang babae.
Dali-dali akong bumaba sa sasakyan ko at dinaluhan ‘yong babae.
“Miss…” tawag ko sa kaniya.
Malakas yata ang pagkakabunggo ko sa kaniya.
“Miss, hang on. I’ll take you to the hospital,” sabi ko tapos pinikit na n’ya ang kaniyang mga mata.
Binuhat ko ang babae, pinasok sa kotse ko, at pinaandar iyon.
BELLE’S POV
MINSAN talaga may mga oras na hinihiling ko na sana paggising ko, hindi ko na poproblemahin kung paano kikita ng pera. ‘Yong hindi ko na kailangang magbilad sa init ng araw at magpakahirap para lang kumita ng pera. Pero syempre alam ko naman na imposible ‘yon kasi nangyayari lang naman ang ganoong bagay sa fairytales.
“How is she?”
“She’s fine. Wala naman akong nakitang bali sa buto mula sa X-ray. She only need some rest. She’ll wake up soon. Please excuse me.”
“Thanks, Doc.”
Huh? Sino ‘yon? Nananaginip ba ako? May mga tao sa loob ng pamamahay ko? Paano sila nakapasok dito? Baka magnanakaw sila! Kidnapper! Rapist! Oh, no!
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Medyo malabo pero nakikita ko na maliwanag ang paligid. Bumangon ako pero agad ding napahiga nang maramdaman ko ang sakit ng katawan ko. Ouch!
Teka, teka! Wait, wait!
Ang bango ng paligid! Ang lambot ng kama! Ang sarap sa pakiramdam. Bakit parang hindi ito ang kwarto ko?
“You’re awake.”
Lumingon ako sa bandang kanan. Nakita kong nakadungaw sa akin ang isang lalaki.
“Are you okay? How do you feel?” Nagsalita ‘yong lalaki. Ako ba ang kinakausap n’ya?
Unti-unting luminaw ang paningin ko at nagulat ako nang makita ang lalaking nakadungaw sa akin ngayon. Nakatitig siya sa akin.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang guwapo naman ng taong ‘to! O baka naman hindi ‘to tao?
“Mister… nasa langit na ba ako? Ikaw na ba ang anghel na susundo sa akin?” mahinang tanong ko.
Nag-roll eyes lang siya. “Idiot. Tss!”
Hala, nagmura? ‘Di ba bawal ‘yon sa langit? Baka naman si Kamatayan ‘to? OH, NO!
Pero infairness, guwapo pala si Kamatayan, ah.
“Ah. Ikaw na ba si Kamatayan? Susunduin mo na ba ako papunta sa impyerno? Puwede bang kumain muna ako ng ice cream bago mo ‘ko isama?”
“Crazy! I think you have brain damage!”
“Huh?” Ano bang pinagsasasabi ni Kamatayan? Saka teka, sanay siyang mag-English?
“Attorney, ikaw na ang bahala sa kaniya.” Wait, anong sabi n’ya? Attorney? May attorney si Kamatayan?!
Nakita kong lumabas ng kwarto ‘yong lalaki. Pagkalabas n’ya, may lumapit sa akin na isang lalaking medyo may katandaan na.
“I’m Attorney Felix Jhon Chua. Ano ang pangalan mo?”
“A-Ako po si Arabella, Arabella Primrose Salvatore, Belle for short,” nahihiyang sagot ko.
“Miss Belle, nandito ka ngayon sa hospital—”
“Hospital?!”
Nagulat siya sa biglaang pagsigaw ko. Sorry naman, nagulat din kasi ako sa sinabi n’ya, eh.
“B-Bakit ako nandito sa hospital?” tanong ko ro’n sa attorney.
“Ah. Hindi mo ba maalala?” tanong n’ya sa akin.
Malamang naman! Magtatanong ba ako kung alam ko? Tsk! May pagka-eng-eng din ‘tong attorney na ‘to, eh!
Umiling ako bilang sagot.
“Well… nasagasaan—”
“Nasagasaan ako?!”
“A-Ah, yes.”
“Teka, ang nakasagasa ba sa akin ay ‘yong guwapong kapreng lalaki na kaaalis lang?”
“Yes.”
“Kung gano’n, bakit siya umalis? Hindi man lang siya nag-sorry sa akin.”
“May mga aasikasuhin pa kasi ang client ko kaya ako muna ang mag- aasikaso sa ‘yo rito ngayon. You don’t have to worry about the bills here in the hospital kasi bayad na ‘yon. ‘Yong mga nasirang paninda mo ay babayaran din namin. Wala kang aalalahanin kundi ang magpahinga lang d’yan para gumaling ka agad.”
“Hindi! Okay lang ako! Iharap mo sa akin ‘yong lalaking ‘yon at magtutuos kami. Hindi puwede ‘to. Kailangan n’yang mag- apologize sa akin sa nagawa n’ya. Hindi ‘yong aalis na lang siya agad.”
No talaga, as in NO!
“Huwag kang mag-alala, babalik din siya pagkatapos n’yang asikasuhin ang mga gagawin n’ya.”
“Aba! Dapat lang!” inis na sabi ko.
“Bukas ka pa idi-discharge ng doktor just to make sure that your okay. Aalis na ako. Maiwan muna kita. Ang mga nurse na ang bahalang umasikaso sa ‘yo.” Pagkatapos ay lumabas na siya ng silid.
Hala!
Paano kung sinabi lang n’ya na bayad na ang bills ko rito pero hindi pa pala? Naku po! Wala akong perang pambayad dito. Mukhang mamahalin pa naman ‘tong hospital na ‘to. Ang laki pa nitong kwarto ko. Mas malaki pa nga ‘to sa bahay ko, eh. Tapos ang sosyal pa ng mga gamit sa paligid. OH, NO!
Paano na lang kapag siningil nila ako ngayon? Wala akong pambayad!
Paano kapag hindi ako nakabayad? Ano’ng gagawin nila sa akin? O, DIYOS KO!
Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang babaeng nurses na may dalang pagkain. Biglang kumulo ‘yong tiyan ko. Nakakatakam ‘yong dalang pagkain ng nurse.
“Ma’am, kainin n’yo po ‘tong pagkain n’yo tapos inumin n’yo na rin po itong gamot n’yo,” say ng isang nurse.
“Para sa akin ba talaga ‘yan?” tanong ko, naninigurado lang kasi.
“Opo, Ma’am.”
“T-Teka, w-wala kong pambayad d’yan.”
“Huwag po kayong mag-alala, Ma’am, libre naman po ito. Saka bayad na po ‘yong bills n’yo rito sa hospital kaya wala na po kayong dapat intindihin.”
So totoo nga ang sinabi no’ng attorney? Haaay! Mabuti naman kung gano’n.
“Sige po, Ma’am. Maiwan po muna namin kayo. Enjoy your meal.”
At dahil sinabi n’yang enjoy, ie-enjoy ko talaga ‘to!
TYRONE’S POV
“DAMN that car!” bulalas ko habang nagda-drive galing hospital.
Kailangan ko na kasing umalis kasi may aasikasuhin pa ako. Kaiiwas ko ro’n sa kotseng sumusunod sa akin, napunta ako sa isang palengke at nakasagasa pa ako! Tsk! What a life!
But wait, that woman… Tss, stop thinking of her, Knight, she’s just a nobody. But she seems so familiar. Umiling ako. Nah! Baka kahawig lang n’ya, tsk!
Salamat naman at wala na ring sumusunod sa akin. Tss! What are those people up to? This is so crazy!
Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ‘yon mula sa passenger seat at sinagot ang tawag.
“Attorney, is she okay? Good. Make sure she will not cause any trouble.”
ooOoo

Comentário do Livro (167)

  • avatar
    MagalonaHoneylyn

    ok nmn

    3d

      0
  • avatar
    Cjay Capecenio

    hhvvhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

    5d

      0
  • avatar
    CorpuzMarie Charles

    okkkk

    21d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes