logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHASING NIGHTMARE 7

Inalalayan ni Russel si Reshea papasok sa bahay. Habang si Marcus niligpit ang ulo ng hayop. Kinuha ko ang pinagkainan namin.
"Saan mo ililibing?" Tanong ko kay Marcus nang makita ko siyang papalabas mula sa isang maliit na bodega na may dalang pala.
"D'yan lang." Sabay turo sa gilid ng isang malaking puno. Tumango naman ako at pumasok na sa loob.
Nilagay ko sa labado ang mga hugasin para hugasan. Nang pumasok si Russel sa kusina.
"Kamusta si Resh?" Tanong ko kan'ya na hindi lumilingon.
Nakita ko sa peripheral vision ko na kumuha siya ng baso, dumeritso siya sa fridge at kumuna ng tubig. Humilig siya sa labado habang hawak ang mainom sa kamay n'ya. Nakatingin lang siya deritsyo.
"Nakatulog na. Mukhang hindi kinaya ang nakita kanina." Lumingon siya sa'kin at ngumiti ng tipid. Muntik na akong matutulala dahil sa ginawa n'yang 'yon kaya mabilis akong umiwas ng tingin.
"Umalis ka na nga dito, nakaka-distract ka." Kind of true. Hindi ako maka-focus dahil sa presensya n'ya.
Nakahinga ako ng maluwag ng sumunod naman siya. Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng kusina.
Nakita ko si Russel sa may balkunahe. Nakaupo na parang malalim ang iniisip.
Hindi ko makita si Marcus, siguro ay nasa tabi-tabi lang 'yon. Bumungad sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Umupo ako sa tabi ni Russel at ginaya ko ang p'westo n'ya. Naka crossed arm habang nakatingin sa malayo.
"Ano bang nangyari  sa'yo kanina?" Biglaang tanong n'ya. Hindi ako nakahanda sa pagpasok n'ya sa tanong na'yon. Kaya nanatili akong tahimik at hindi siya sinagot.
Nakarinig ako ng malalim na buntong hininga, siguro napansin n'ya ata na wala akong balak sumagot sa tanong n'ya. Kung siya nga hindi alam, lalo naman ako.
Hindi ko alam anong maganda sa harap namin na halos puno. Hindi ba siya na natatakot dito? Pa'no kung may lumabas na katulad sa Wrong Turn? Baka ma wrong turn pa kami.
Natawa naman ako sa iniisip ko, pero sa totoo lang pakiramdam ko dito sa lugar matagal na ako nakapunta dito.
Pumikit ako at dinadama ang simoy ng sariwang hangin. Sana ganito nalang lagi. Walang panaginip at walang nagtataka sa buhay mo.
Pagkadilat ko ay napansin ko ang isang ilaw mula sa gubat. Tumayo ako at pilit inaaninag ang nakita ko. Napansin ni Russel ang kilos kaya sumunod siya sa'kin.
"May problema ba?" Hindi ko na naman sinagot ang tanong n'ya kaya sinundan n'ya nalang ang tinitignan ko.
"Baka nagsusunog lang." Wika n'ya.
"Malay mo si Manong pala 'yan. Tara nalang sa loob." Akmang papasok siya nang pigilan ko ang kamay n'ya.
"Sandali parang may mali, eh." Sabi ko. Tumakbo ako palabas ng bahay at sumugod papasok sa gubat.
"Teka lang! Lovely!" Hindi ko pinakinggan ang sigaw n'ya at patuloy na pinuntahan kung saan ang ilaw.
I saw Marcus walking towards me kaya napahinto ako. Galing siya sa loob ng gubat.
May bitbit siyang kahoy na may apoy. Sa kan'ya pala 'yon?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong n'ya.
"May nakita kasi akong... Parang nasusunog or something." Tumingin ako sa hawak n'ya saka ngumiti sa kan'ya.
"Sa'yo pala 'yon galing."  Napatingin ako likod pati si Marcus dahil sa paparating na si Russel.
Huminto ito ng makita n'yang si Marcus pala ang kaharap ko.
"I told you, wala lang 'yon." Tumingin siya kay Marcus.
"Tara na, sobrang lalim na ng gabi." Tumalikod na ito at umalis. Sumunod naman si Marcus kaya napapikit nalang ako at tahimik na sumunod na rin.
**
"Jesus name!" Napahawak ako sa dibdib sa biglaang sigaw ni Russel.
"Ano ba, Resh! Nakakagulat ka!" Nakatayo kasi Resh sa gitna ng sala habang nakasuot ng puting night dress.
Natawa nalang ako. Napatingin ako kay Marcus dahil kanina pa siya tahimik.
"Okay ka lang?" Tanong ko. Ngumiti naman siya at tumango.
"Matutulog na ako." Sabay alis sa harap namin.
"Anong problema no'n?" Nagtatakang tanong ni Resh.
"H'wag mo nang isipin 'yon. Ang isipin mo—ikaw! P*ta muntik na akong magka heart attack dahil sa'yo." Doon na lumakas ang tawa ko pati si Resh ay natawa na rin.
"Sorry baby boy." Pang-aasar n'ya kaya lalo akong natawa nang padabog na umalis si Russel sa harap namin.
Lumapit naman ako kay Resh.
"Ayos ka lang?" Kumapit siya sa braso ko habang nakasimangot.
"Ang sama n'yo! Iniwan n'yo ko mag-isa dito!" Pagrereklamo n'ya.
"May inayos lang sa labas." Kumalas ako sa pagkakahawak n'ya.
"Tabi tayo matulog, ano? Okay ba sa'yo 'yon?" She giggled for what I've said.
**
Later in the morning, I woked up confused seeing Resh packing her things.
"What's going on?" I asked. She turned to me and immediately walked towards me.
"Ayos ka lang ba?" Nababakas sa mukha n'ya ang pag-alala. Napansin kong nakatali na ako. Napanganga ako sa nakita.
"Te-teka... Bakit ako nakatali?!" Sigaw na tanong ko. Agad namang kinalas ni Resh ang tali sa kamay at paa ko saka ako niyakap ng mahigpit.
"I was worried about you last night." Kulang nalang umiyak siya pero pinigilan n'ya.
Baffled registered all over my face. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.
"What happened last night?" Kumalas siya sa yakap ko at hinarap ako. Nandoon pa rin ang pag-alala sa mukha n'ya.
"You tried to kill yourself." She said. Nagulat ako sa sinabi n'ya at the same time natakot.
"B-bakit?" Umiling siya.
"I don't know, basta nagising ako na wala ka sa tabi ko kaya lumabas ako sa k'warto at hinanap ka. After that, nakita kitang nasa kusina may hawak na kutsilyo. Akmang isasaksak mo leeg mo buti ay dumating si Marcus at pinigilan ka." Hindi ako makapagsalita sa sinabi n'ya. Talaga bang ginawa ko 'yon?
"Bakit nakatali ako?" Kasi kung saksakin ko lang naman ang sarili ko hindi na nila ako kailangang talian.
"Dahil nagwala ka," huminto muna siya sa pagsasalita. Huminga ng malalim.
"You keep saying this." Napatingin ako sa kamay n'ya dahil may kinuha siya sa bulsa n'ya.
Kinuhaan n'ya pala ng video ang pagwawala ko.
Hawak-hawak ako ni Russel at Marcus habang pilit na pinapakalma. Halos magtayuan ang balahibo ko dahil sa nakikita ko kung paano ako nagwala kagabi.
"You keep saying, Amanda." Patuloy n'ya.
Nakatuon ako sa video kaya hindi ko na pinansin ang sinabi Resh.
"Amanda! Amanda! Amanda!" sigaw ko sa video.
"Lovely, relax!" Pagpipigil sa'kin ni Russel. Nakita ko si Marcus na may kinuhang tali.
"I'm sorry, pero kailangan kong gawin 'to." Wika ni Marcus saka ako sinuntok sa tiyan at nawalan ng malay.
Kaya pala masakit ang tiyan ko rin. Napatingin ako kay Resh na may bahid pa rin na pag-aalala sa mukha n'ya.
"Sinong Amanda?" Bumilis ang tibok ko sa tanong n'ya. Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o sabihin ang totoo. I was about to speak pero pinutol na n'ya
"It's okay. Panaginip lang naman 'yon. By the way, we decided na umuwi nalang. We're not safe here, Love. You're not safe here."
Mali ka Resh, kahit saan ako magpunta. Hindi na ako ligtas.
Tumango nalang ako at tinulungan siyang mag-impake. Ayaw n'ya sana pero hindi ako pumayag kaya wala na rin siyang magawa. Alam n'yang matigas ang ulo ko.
Pagkababa namin nakita ko rin na handa na sila Russel umalis.
Lumapit si Marcus sa'kin. "Ayos ka na?" Tumango naman ako bilang tugon sabay baling kay Russel at binalik sa kan'ya.
Ngumiti ako sa kan'ya. "Ayos lang ako. Salamat kagabi sa pagpigil sa'kin."
"Wala 'yon." Kinuha n'ya ang gamit ko at lumakad palabas. Sumunod namin kami.
Bago sumakay ng tuluyan sa sasakyan ay tumingin muna ako sandali sa bahay. Hindi kami nagtagal dahil dito. Siguro dapat ko na rin itong isali sa pagtuklas ko sa nakaraan ni Amanda.
**
Naging maayos ang lahat simula no'ng bumalik kami mula sa bakasyon. Hindi ko na rin madalas makita si Marcus.
"Love, una na ako. Inaantok na kasi ako. Kakapagod." Pagre-reklamo ni Resh sa'kin.
"Kayo naman ang may ari nito, bakit hindi ka nalang magpa-promote sa papa mo."
"Ayaw ko, walang thrill at boring kaya!" Tumayo na si Resh.
"Oh s'ya, sige, uwi na ako kasi uwing uwi na talaga ako." Akmang aalis na siya pero bumalik din agad.
"Nga pala, hindi ka pa uuwi? Hatid na kita." Offered n'ya.
"Hindi na, madami pa akong tatapusin." Tanggi ko. Ngumiwi nalang siya at tumango.
"Sige, ingat ka nalang, ha?" Paalam n'ya.
Bumalik naman ako sa ginagawa ko. Bandang 9 pm na rin ako natapos kaya nagligpit ako ng gamit.
Habang papalabas ako sa building may naanigan akong lalaking nakatayo sa labas.
"Russel, ikaw pala. Bakit nandito ka sa labas? Malamig at nakakangalay tumayo." Salubong ko.
Nakangiti naman siyang humarap sa'kin. Palangiti talaga 'to.
"Buti lumabas ka na." Biglang bumilis ang tibog ng puso ko at parang may kung ano sa tiyan ko.
Tumikhim muna ako bago ko inayos ang sarili ko. Hindi dapat ako pahalata na ang lakas ng epekto n'ya sa'kin.
"Bakit nga nandito?" Tanong ko ulit.
"Gusto kitang ihatid. Sinabi kasi ni Resh late ka na namang uuwi kaya... Naisip n'ya na sunduin kita and ayos naman sa'kin." Natawa nalang ako sa sinabi n'ya.
"Saan ang sasakyan mo?" Sabi ko habang nakangiti.
"This way binibini." Sabay lahad ng kamay n'ya sa daan na katulad nang ginagawa ng mga royal guard.
Mas lalo akong natawa sa ginagawa n'ya at lumakad na parang prinsesa.
Pagkasakay ko sa sasakyan n'ya ay nagtaka ako bakit bigla siyang tumigil papasok sa driver seat.
Kumunot ang noo ko. Dahil curiosity kills the cat ay lumabas ako.
Nakita ko si Marcus sa hindi kalayuan. Nakapasok ang dalawa n'yang kamay sa bulsa habang nakatingin sa'min.
Bago ko pa siya tawagin ay tumalikod na ito at umalis. Akmang susundan ko siya pero pinigilan ako ni Russel.
"H'wag mo nang sundan. Gabi na kaya kailangan mo ng umuwi." Sabay pasok sa sasakyan.
Ayaw ko sanang sundin siya. Hindi ko alam kung bakit ko 'to naramdaman. Nang makita ko ang mukha ni Marcus ay parang may kung anong karayom na tumusok sa puso ko.
Ayaw ko sa nakikita ko sa mga mata n'ya.
Huminga nalang ako ng malalim at pumasok nalang sa sasakyan.
Buong biyahe ay hindi mawala sa isip ko si Marcus. Nakaramdam ako ng takot na baka magalit siya sa nakita. Hindi ko alam kung tama ko bang sabihin na nagseselos siya sa'min ni Russel. Kasi gano'n ang nakikita ko sa mga mata n'ya.
Pagkapasok ko sa k'warto ay nanglaki ang mga mata ko. Ang gulo ng k'warto, may kung anong hinanap dito.
"Sinong nakapasok?!" Sigaw ko. Lumapit ako sa bintana na bukas para tignan baka nandiyan pa ang nanloob sa'kin pero wala.
Bumaling naman tingin ko sa buong k'warto. Napaupo sa sobrang lito. Litong-lito na ako.
Napansin ko ang isang papel sa ilalim ng kama ko. Gumapang ako papalapit dito at kinuha.
Pagkabuklat ko ay gaya ito sa sulat na nakita ko sa Rest house nila Resh at may nakasulat din na 'Mi Amor'.
Kinuha ko ang kapareho nito at sinuri. Magkatulad na magkatulad. Ibig sabihin, iisang tao lang ang nasa likod nito.
Napa-upo naman ako sa sobrang frustration ko.
"Tang*na naman!"  Napansin ko rin ang isang kahon. Ang lagayan ko ng mga importanteng gamit na bukas na at nakakalat sa sahig ang laman nito.
Kinuha ko ito at niligpit.
"Teka... May nawawala." Sinilip ko ang buong ilalim ng study table ko sa kabinet sa ilalim ng kama pero wala.
"Saan na 'yong kuwintas?" Napatingin ako sa bintana. Ang kuwintas ang sad'ya niya. Bakit? Anong meron sa kuwintas na 'yon?
Dahil wala namang nawala sa mga gamit ko maliban sa kuwintas ay hindi na ako nag report sa pulis.
Nilinis ko nalang ang k'warto ko at ni-lock ang dapat i-lock. Mahirap na baka bumalik 'yong nangmasok sa bahay ko.
**
Kinabukasan binalita sa buong opisina na magkakaroon ng party. Birthday kasi ng CEO namin at plano ng buong opisina ay magkaroon ng kaunting salo-salo at kasiyahan.
Lumabas ako sa building dahil maingay. Ayaw ko ng maingay, masakit sa tenga.
Pumunta ako sa coffee shop doon nagtambay. Masaya ang utak ko habang nakatingin sa mga sasakyan na busy, pati ang mga tao habang naglalakad.
Habang tahimik lang ako nagmamasid ay napalitan ng view ang harapan ko.
"Mag-isa ka?" Biglang lumundag ang puso ko dahil sa lalaking nasa harap ko.
Bakit kaya nilang dalawa pabaliwin ang puso ko?
"M-Marcus, ikaw pala." Napahigpit ang hawak ko sa tasa dahil sa kaba.
"Nakita kasi kitang mag-isa dito kaya lumapit na ako." Walang bakas na ngiti sa mukha n'ya nagkikislapan ang mga mata n'ya.
"May transaction ka ba dito?" Ganyan nga, Lovely. H'wag kang mautal sa lalaking ito.
"Ako may ari nito." Muntik ko nang mabuga sa harap n'ya ang iniinom kong kape.
"I-ito? As in itong coffe shop na 'to?!" Gulat kong tanong. Napangiti naman siya sa reaksyon ko.
"Oo." Mas lalong nanglaki ang mga mata ko. Hindi ko alam na ang coffee shop na naging tambayan ko na ay kanila pala.
"Wow." Wala akong masabi.
"Love." Para akong natuod sa tinawag n'ya sa'kin. Para lang siyang nakikipag-usap sa girlfriend n'ya.
Nababaliw na ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang sarap sa tenga ang pagtawag sa'kin na, Love.
Hindi ko alam anong isasagot ko. Kung yes lang ba o lagyan ko ng pangalan n'ya.
Dahil walang lumabad na salita sa bibig ko ay ngumiti nalang na hindi kita ang ngipin.
"P'wede ba kitang mayayang lumabas?" Napasinok ako sa tanong n'ya.
Magsasalita sana ako ng nang ring ang cellphone ko. Nang tignan ko ay si Resh. Resh, thank you save me!
Ang OA man pero hindi ko talaga alam anong isasagot ko kay Marcus.
"Sandali lang." Tumango naman siya at nag-excuse ako. Tumayo ako at pumunta ng restroom.
"Bakit?" Bungad ko sa kan'ya.
"Balik ka na dito gaga!" Dinig na dinig ko sa kabilang linya na nagsasaya pa rin sila.
"Sige." At pinatay ko na ang tawag.
Ayaw ko sana pero gusto ko munang makaalis dito sandali. Tinignan ko muna ang reflection ko sa salamin.
Ang haggard ko!
Inayos ko muna ang sarili ko at naglagay ng lipgloss.
"Kaya mo 'yan, Love." Confident akong lumabas sa restroom. Nakita ko siyang nakatingin labas.
Nakatingin sa kan'ya ang ibang customer habang pinupuri siya. Hindi ko rin naman sila masisisi.
"Marcus," tumingin siya sa'kin.
"aalis na ako, kailangan ko na kasing bumalik sa office."
"Hatid na kita." Niligpit n'ya ang gamit n'ya nang pigilan ko siya.
"No, okay lang ako."
"I insist." Wala na akong nagawa kaya sumunod nalang ako palabas.
Tumawid na kami sa kalsada hanggang nakarating kami sa harap ng entrance ng building.
"Salamat." Nahihiya kong sabi.
"Wala 'yon. Una na ako." Tumalikod na siya at naglakad paalis.
"Marcus, sandali!" Tawag ko sa kan'ya.
Lumingon naman siya.
"Payag ako." Nagtaka naman siya sa sinabi ko.
"Payag akong lumabas tayo." Nakangiti kong sabi. Ngumiti naman siya pabalik kaya tumalikod na ako at patakbong pumasok sa loob.
Kahit naka heels ako ay hindi ko ininda. Para akong teenager na niyaya ng crush n'ya.

Comentário do Livro (57)

  • avatar
    Di Ana Ra

    good novel

    15d

      0
  • avatar
    Cxav Rryginje Casonete

    ooiuyyvbb

    21d

      0
  • avatar
    Aedrich Czian Navor

    ddfckgf

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes