logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHASING NIGHTMARE 6

"Love, kwento mo naman. Paanong napunta ka roon?! Halos hindi ako mapakali kagabi nang sinilip kita sa kwarto mo ay wala ka!" Sigaw sa'kin ni Resh. Kahit ako ay hindi ko alam, hindi ko alam anong nangyari wala akong maalala.
"Hindi ko alam." Napasabunot si Resh sa buhok n'ya. Pinapakalma ni Russel si Resh habang si Marcus ay nasa gilid blankong nakatingin sa sahig.
"Hindi mo alam?! Love naman, paano kung may nangyari sa'yo na masama?!" Tumingala ako sa kan'ya. Kitang kita ko sa mga mata n'ya ang pag-alala.
"Kung hindi ko lang napansin na bukas ang pinto ng kwarto mo hindi ko malalaman na wala kana pala sa loob." Wika n'ya. Pilit kong inaalala ang nangyari pero wala talaga kahit kaunti lang.
"Resh, tama na hayaan muna natin siya. Kailangan n'yang ayusin muna sarili n'ya." Pagkakalma ni Russel, tumingin siya sa'kin at sumenyas na pumunta na sa taas na agad ko namang sinunod.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay umupo ako sa harap ng salamin. Hindi ko alam anong nangyari pero natatakot ako. First time mangyari sa'kin 'to. Hinawakan ko ang mukha ko at doon ko napansin may kaunting galos ako sa gilid ng mukha ko.
"Saan ko 'to nakuha?" Napatayo ako sa gulat ng bumukas ang pinto sa kwarto. Wala akong pantakip sa leeg ko. Ang mga cabinet ay nasa gilid ng pinto kung saan nakatayo si Resh. Nakalugay ang buhok ko at nakatalikod ako kaya hindi n'ya makikita ang peklat sa leeg ko.
"Anong nangyari sa'yo? Hindi bale... Nagdala ako ng pagkain mo alam kong gutom ka na." Hindi parin ako lumilingon at mas lalong kinabahan ng umupo siya sa kama. Inilagay n'ya sa mini table ang pagkain.
"Bakit ka nakatalikod? Humarap ka nga sa'kin hindi pa ako tapos sa pagtatanong sa'yo." Mahinahon niyang sabi.
Ayoko, pag humarap ako malalaman niya ang tinatago ko. Ayokong pandirihan ako ni Resh.
"Hoy!" Tawag n'ya. Naramdaman kong tumayo siya at lumapit sa'kin.
"H'wag kang lumapit!" Sigaw ko sa sobrang taranta.
"Grabe ka naman wala naman akong virus." Akmang hahawakan n'ya ang balikat ko pero lumayo agad ako.
"Anong nangyayari sa'yo?"pilit n'ya akong pinapaharap pero tinatabig ko siya. Napabuntong hininga siya at tumigil narin.
"Gusto kong mapag-isa." Wika ko, kita ko sa gilid ng mata ko ang pag bukas ng pinto. Sorry, pero kailangan kong sabihin 'yon.
"Sige, hahayaan muna kita pero pag ready ka na nandito lang ako." Sabi n'ya bago lumabas, nakahinga ako ng maluwag dahil do'n at napaupo sa sahig.
Ilang minuto rin ay tumayo na ako para kumuha ng scarf.
"Nakalimutan kong magdala ng tubig, baka mabulun-" natigilan siya at maging ako, hindi pa ako nakakahakbang ay bumukas ang pinto at pumasok si Resh na may dalang isang basong tubig.
Umalingawngaw sa buong kwarto ang pagkabasag ng basong dala n'ya.
Nanginginig siyang napaturo sa leeg ko. Napalunok ako sa sobrang kaba. Nakita na n'ya, nalaman na n'ya
Humakbang siya palapit sa'kin at napatakip sa bibig n'ya sa sobrang gulat.
"Ano 'yan?!" Sigaw n'ya. Narinig kong may mga tumakbo papunta sa kwarto ko pero bago pa makapasok sila Russel sa kwarto ay naisara agad 'to ni Resh.
"Anong nangyari nakarinig kami na parang may nabasag. Okay lang ba kayo?!" Sigaw ni Marcus habang kinakalabog ang pinto.
"Wala, nabitawan ko lang ang basong dala ko at nabasag. Alis muna kayo!" Sigaw rin ni Resh.
Napansin ko na wala ng tao sa labas ng pinto dahil tahimik na kaya humarap sa'kin si Resh.
"Gusto ko ng explanation." Malamig na wika niya.
Kinakabahan ako, baka ito na ang katapusan ng pagkakaibigan namin.
Nakatitig lang ako sa sahig habang nilalaro ang daliri ko. Hindi ko alam saan magsisimula sa pagpapaliwanag kay Resh. Kung tungkol lang ba sa peklat ko sa leeg o sa nangyayari sa'kin? Pakiramdam ko, anytime masisira na ang pagkakaibigan namin dahil paglilihim ko. We were classmate since highschool until college and I can't imagine losing her. She's the only friend I have.
Nakatitig pa rin siya sa'kin at naghihintay na parang batang naghihintay na magsalita ang anak n'ya. This is my chance, maybe I should take the risk.
Huminga muna ako ng malalim saka inangat ang ulo ko. Inosente at walang bahid na panghuhusga ang nabasa ko sa mga mata n'ya na bagay na ikinagulat ko. I've never seen this kind of expression before. Kahit sa totoong mga magulang ko. So, I decided to tell her.
"Since birth... nandito na'to." Pagsimula ko. Bigla naman siyang umayos ng upo at medyo lumapit sa'kin na parang bata na gustong makinig sa k'wento ng lola n'ya.
"No'ng una hindi ko ito iniisip kasi bata pa ako no'n. Confident akong lumabas at gumala. Kahit makipag-kaibigan." Ngumiti ako sa kan'ya ng kaunti.
"Akala ko, okay lang may ganito. Akala ko perfect pa rin ako... Pero akala ko lang lahat kasi hindi nila ako tinuring na tao." Yumuko ako at binalik naman agad ang tingin ko sa kan'ya.
"They hated me because of this," sabay turo sa leeg ko.
"hindi ko alam anong kasalan ko at that time or anong mali for having scars, pero... habang tumatagal mas lalo kong naiintindihan kasi habang lumalaki ako mas lalong lumalala ang bakas ng peklat ko sa leeg." Pumikit ako at inalala lahat nang pinagdaan ko noon. Panunukso nila, ang hindi pantay na pagtrato nila sa'kin, pandidiri nila—lahat inalala ko.
Nang sabihin ko sa kan'ya ang tungkol sa leeg ko at bakit ko tinago sa kan'ya doon na ako dumilat. Hindi ko kasi kayang makita ang kung ano ang magiging ekspresyon n'ya habang kinu-k'wento ko sa kan'ya lahat.
Ayaw kong makita sa mga mata n'ya ang pandidiri dahil hindi ko kaya. Siya lang ang kaibigan na meron ako at hindi ko kaya na pati siya mawala sa'kin. Siya nalang pamilya ko.
"I'm proud of you, Lovely." Parang hinaplos ang puso ko sa narinig. Buong buhay ko ngayon ko lang narinig ang salitang iyon.
Ngumiti siya sa'kin ng malaki at niyakap ako.
"I'm so proud of you, friend," kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ang aking dalawang balikat.
"Hindi nagbago ang tingin ko sa'yo. For me, ikaw pa rin ang best friend ko. Your secret is safe with me, Love. Okay? For now on, no secrets between us." Umupo ulit siya sa kama. Huminga siya ng malalim at tinitigan ako sa mata.
"I'm your friend. Hindi lang basta friend lang... parang kapatid na turing ko sa'yo kaya hindi ka nag-iisa sa laban mo, okay?" Napangiti naman ako ng malaki sa sinabi n'ya. Bigla ko siyang niyakap kaya pareho kaming nahulog sa kama.
Napatawa naman kami nang malakas dahil do'n. Napatingin naman siya sa basag na baso sa sahig.
"Okay! Tama na drama, linisin ko muna 'to, at ikaw!" sabay duro n'ya sa'kin. Napanguso ako.
"Kumain ka na. Dadalhan ulit kita ng tubig dito." Dugtong pa n'ya. Nag okay sign naman ako sa kan'ya at tinungo ang tray ng pagkain na nasa table sa loob ng kwarto.
"Nga pala," napatigil ako sa pagsubo nang magsalita siya.
"Ako na bahala sa boys sa baba, alam ko nag-alala na rin 'yon sila." Tumango naman ako at pinapatuloy ang pagsubo.
May kung anong matulis na bagay ang naalis sa puso ko dahil sa wakas nasabi ko rin kay Resh ang tungkol sa peklat ko.
Akala ko mawawalan na ako ng kaibigan dahil naglihim ako sa kan'ya.
Ngunit may hindi pa rin ako nasasabi sa kan'ya; Ang tungkol sa mga nangayayari sa'kin.
Sa tamang panahon at oras, sasabihin ko rin sa kan'ya. Sa ngayon mas mabuti ng ako muna ang nakakaalam baka ikapahamak pa n'ya kapag nagkataon na hindi basta-basta itong taong nagpapadala sa'kin ng bulaklak.
Biglang kong naalala ang taong nakita ko sa gubat. May alam rin siya, malakas ang kutob ko na may alam rin siya about sa nagpapadala ng bulaklak sa'kin.
Kailangan kong mag-ingat sa mga taong 'yon. Hindi ko siya kilala pero basi sa mga sinasabi n'ya sa sulat parang kilalang kilala n'ya ako kaya hindi dapat ako magpabaya sa isang 'yon.
Seryoso akong tumingin sa pagkain ko. Nanggagaliiti sa galit. Sa oras na galawan nila ang kaibigan ko. Hinding hindi ako magkakadadalawang isip na hanapin sila at papatayin.
"Kung sa oras na galawin nila, Resh. Pakikipaglaro ako sa kanila." Sambit ko sa sarili. Tumingin ako sa beranda na nakabukas habang nililipat ng hangin ang kurtina.
"Pakikipaglaro laro ako sa inyo at hinding hindi ko kayo aatrasan." Buong determinsyon kong sambit ulit. Oras na para gumalaw ka na, Lovely.
Pagdating ng hapon tinawag na ako ni Resh sa baba para mag read para sa bonfire kuno namin sa tabi ng ilog.
Totoong may ilog nga dito, maganda at malinis. Dapat kaninang umaga kami maliligo pero dahil may nangyaring hindi maganda. Hindi muna tinuloy.
Pagkalabas ko nakita ko si Resh nag aayos ng kahoy para sa bonfire mamaya habang si Marcus nag assemble ng tent, nagluluto naman ni Russel.
Wow, mukhang ako ata walang gagawin dito, ah?
"Can I help?" Tanong ko. Tumingin naman sila sa'kin at sabay na umiling. Napasimangot naman ako, bini-baby naman nila ako nito, e.
"Ah tama! Love, paki kuha no'ng lighter sa loob. Nasa lamesa sa kusina. Naiwan ko kasi." Utos sa'kin ni Resh. Napangiti naman akong sumunod.
Akala ko wala na talaga akong gagawin. Nakita ko naman agad ito kaya dali-dali akong lumabas pero bago pa ako makaalis ay napansin ko ang isang papel sa ilalim ng mesa sa sala.
Kinuha ko ito. Plain white paper lang naman siya pero maliit version. Ang cute.
Napansin ko sa baba ni ay may maliit na nakasulat.
"Mi amor?" Basa ko. Anong ibig sabihin no'n?
"Lovely, ang tagal mo naman." Bigla kong nilagay sa bulsa ko ang papel dahil sa biglaang pagpasok ni Resh.
"Sorry." Lumapit ako sa kan'ya.
Maayos naman ang takbo ng gabi namin. Madaling nagkakasundo ang lahat kahit tahimik at minsan lang nagsasalita si Marcus ay nakikisama naman siya.
"May k'wento akong kababalaghan." Wika ni Resh.
"K'wento na naman 'yan ni lola, e. Naniniwala ka naman sa k'wento no'n." Pang-asar ni Russel sa kan'ya.
"Che! Ang sabihin mo takot ka." Pang-asar na pabalik ni nito.
"Sa g'wapong ko 'to?" Sabay turo ni Russel sa sarili n'ya. Napatawa naman ako dahil sinupalpal siya ng palad ni Resh sabay sabing—
"Talk to my hand!" Tumingin nalang siya sa'kin.
"Kay Lovely ko nalang i-k'wento kasi... Hindi siya takot hindi gaya ng isa d'yan!" Pagpaparinig n'ya kay Russel. Mas lalo akong natawa para kasing uusok ang ilong ni Russel sa pang-aasar sa kan'ya ni Resh.
"Tama na baka mag-away kayo. K'wento mo nalang, Resh." Tumingin ako kay Marcus na tahimik lang sa isang tabi na parang ang lalim ng iniisip.
"So, ito na nga—ano ba Russel h'wag kang magulo!" Bigla kasing tinapunan ng dahon ang mukha ni Resh. Natawa naman ako dahil sa kulitan nila.
Sobrang close nilang magpinsan. Sana may pinsan ako na p'wende kong kakulitan.
"Ito na. Sabi ni lola may namatay daw dito noon mga around 1889 ata 'yon. Kung tama ako, basta 'yon—ano ba Russel sabing 'wag magulo!" Tinapunan na naman kasi ng dahon.
"Tuloy mo." Seryoso kong sabi. Biglang natigilan si Russel sa pangungulit kay Resh. Pati si Marcus na walang gana ay biglang nakatuon ang buong atensyon kay Resh.
"Sabing tigil!" Pinadilatan n'ya ng mata si Russel kaya sumunod na ito.
"Sabi ni lola, maganda raw ang babaeng 'yon. Maraming nagkakagusto sa kan'ya pero nakatakda na siyang ikasal. Isang araw bigla nalang hindi makita ang babae pati ang mapapangasawa nito." Huminto muna siya na parang nag-iisip.
"Kung tama magkakaalala ko parang... Monday ata, I think? Nang matagpuan ang katawan no'ng babae palutang lutang sa ilog na 'to." Sabay tingin  sa ilog na nasa unahan namin kaya napatingin din ako.
"Walang ulo pero 'yong ulo n'ya nakatali sa tiyan no'ng babae. Basta nakakakilabot. Ewan ko lang kung totoo ha? Kasi ang tagal na kaya no'n." Hindi na ako nakinig pa sinasabi ni Resh dahil nakatuon na ang buong atensyon ko sa ilog.
Maya-maya napansin ko may nakalutang na parang sako sa ilog. Natahimik si Resh dahil sa biglaang pagtayo ko.
"Nakikita n'yo ba 'yon?" Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa sabay na nakalutang.
Napatayo naman silang lahat at sinundan saan ako nakatingin.
"Ha? Pa'nong may basura dito? Iw!" Pandidiri ni Resh.
Kumuha ng flashlight si Marcus at iniliwan ang bagay na 'yon. Lumapit kami. Nagulat ako ng biglang tinalon ni Russel ang ilog at kinuha ang sako.
Kinakabahan ako habang binubuksan ang sako nasa harap namin. Pagkabukas nito ay wala namang patay na katawan o ano sa loob maliban sa isang kahon na nakabalot ng pulang tela.
Kinuha nila ang tela at bumungad sa'min ang isang styrofoam. Binuksan nila ito at dito umalingasaw ang masangsang na amoy. Isang nabubulok na ulo ng hayop ang nasa loob ng kahon.
Nasuka si Resh sa nakita at naamoy habang kaming tatlo ay tulala. Sino ang gumawa ng kababuyang ito?

Comentário do Livro (57)

  • avatar
    Di Ana Ra

    good novel

    15d

      0
  • avatar
    Cxav Rryginje Casonete

    ooiuyyvbb

    21d

      0
  • avatar
    Aedrich Czian Navor

    ddfckgf

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes