logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHASING NIGHTMARE 5

Nagising ako na parang may kulang sa parte ko, nagising ako na parang galing ako sa matinding pagkakatulog. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Ang sakit ng ulo ko pati katawan ko.
Napansin ko na sa sahig pala ako nakatulog, naalala ko ang nangyari kagabi. Biglang bumalik ang takot ko. Pinilit kong tumayo, pero hindi kaya ng mga paa ko kaya napaiyak nalang ako.
Bakit ba nangyayari ito sa'kin? May kasalanan ba ako? Bakit ba ako hinahabol ng mga panaginip ko?
'yong matanda, anong kailangan n'ya sa'kin? Nasisiraan na akong bait. Naguguluhan na ako. Ano ba talaga nangyayari sa buhay ko?
Ilang minuto rin bago ako nakatayo at naligo. Tulala lang ako whole day kahit sa opisina. Nagtataka si Resh kung bakit ako ganito pero hindi siya nagtanong. Siguro hinihintay n'ya lang na ako mismo ang magsabi.
Ilang ulit din akong napagalitan ng supervisor namin dahil sa kapalpakan ko. Wala talaga ako sa ayos. Hindi lang katawan ko ang pagod, pati utak ko.
Maaga na rin akong umuwi dahil ayokong mangyari ulit ang nangyari kagabi. Baka umabot ako sa limitasyon ko at mabaliw na ako. Muntik na akong madapa ng may biglang bumangga sa balikat ko.
"Sorry." Hindi ako nakatingin sa nagsalita. Nahilo ako sandali pero naging maayos naman ulit.
"Lovely?" Sambit no'ng nakasagi sa'kin. Matamlay akong tumingin sa nagsalita.
"Russel, ikaw pala. Si Reshea ba ang hanap mo? Umuwi na." Walang kabuhay buhay na sagot ko.
"Ahh hindi, ikaw talaga ang sad'ya ko" ngumiti siya sa'kin pero hindi ako ngumiti ng pabalik. Biglang tumamlay ang mata n'ya. Gumuhit ang pag-alaala sa mga mata n'ya.
"Ayos kalang ba? Ang tamlay mo ha," Umatras ako ng akmang hahawakan niya ang noo ko.
"Sorry." Paghingi n'ya ng pasensya. Ngumiti lang ako sa kan'ya at pinagpatuloy ang paglalakad. Hindi ako pwedeng gabihin dahil natatakot na ako.
Napatalon ako sa gulat ng may humawak ng braso ko.
"Ayos kalang ba talaga? Gusto mo hatid nalang kita? Baka mapano ka." Bakas sa boses n'ya ang pag-alala. Tatanggi sana ako pero naalala ko ang lalaking sumusunod sa'kin.
"S-sige." Wala akong choice. Kahit ayaw ko ay wala akong magawa dahil mas nangunguna ang takot ko. Inalalayan n'ya ako papunta sa parking lot. Huminto siya sa isang magarang sasakyan. Hindi ako familiar sa sasakyan n'ya pero mamahalin.
"Kung hindi mo kayang mag share ng problem. Ako ang mag sha-share para alam mo rin ang secret ko." Napatingin ako sa kan'ya
Pagkakatiwalaan n'ya agad ako? Magsasalita sana ako ng magsalita siya.
"Alam mo ba may mga weird akong napapaginipan? Nakakapagtaka kasi mahal na mahal ko raw ang babae kahit may mga hadlang. Sobrang weird talaga, tapos may binigay siya sa'kin na bracelet na gawa sa kahoy na ito nga suot-suot ko." sabay pakita ng kamay n'ya. Hindi na ako nagulat na pinakita n'ya 'yon dahil nakita ko n'yan noon.
"Tapos no'ng nakilala kita parang feeling ko na matagal na kitang kilala. Pero nakakalungkot doon sa panaginip ko kasi namatay daw 'yong babae, pinugutan ng ulo." Nanglaki ang mga mata ko at napatingin sa kan'ya.
"Bakit mo ba sa'kin 'to sinasabi?" Tanong ko.
"Wala lang," Tumingin siya sa'kin at ngumiti.
"para pagkatiwalaan mo rin ako." Saka binalik ang tingin n'ya sa daan.
Tahimik lang ako sa buong biyahe pero may bumabagabag sa'kin. Hindi ako matatahimik kung hindi ko ito itatanong.
"A-anong name no'ng babae?" Nag-isip muna siya bago sumagot.
"Amanda." Nahulog sa paanan ko ang hawak kong bag.
"A-Amanda?" Nanginginig na tanong ko. Hindi maaari! Hindi!
"Yup." Ngumiti siya sa'kin na may kahulugan. Pagkahinto ng sasakyan ay agad akong bumaba. Patakbo akong papasok sa lugar namin.
Hinabol n'ya rin ako. Bigla n'ya akong hinila at niyakap.
"Mag-iingat ka. Nandito lang ako para protektahan ka, okay?"
"What do you mean?" Natatakot na tanong ko. Kumalas muna siya sa pagkayakap sa'kin. Tinitigan n'ya ang mukha ko. Ngumiti siya ulit at napahawak sa batok n'ya.
"Diba may problema ka? Kaya kung ano man 'yan nandito lang ako." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi n'ya.
"Gano'n ba, sige una na ako." Tumango naman siya at pinanood ako habang naglalakad papasok.
"Lovely!" Tawag n'ya sa'kin. Hindi ako lumingon pero huminto ako.
"Eduardo, isa sa naging bahagi ng panaginip ko. Kung maalala mo siya, lumayo kana." Nagtataka akong lumingon sa kan'ya pero nakatalikod na siya papunta sa sasakyan n'ya.
Pagka-alis n'ya ay nagtataka pa rin ako sa sinabi n'ya sa'kin.
"Eduardo?" Mahina kong sambit.
"Sino siya?" Napahawak ako sa dibdib sa gulat ng nasa harap ko pala si Marcus.
"Anong ginagawa mo rito?" Tumingin siya sa likuran ko kaya napatingin rin ako.
"Anong tinitignan mo?" Umiiling siya bago humarap sa'kin.
"Sinisiguro ko lang na umuwi ka ng ligtas. Sinong Eduardo nga pala? Papa mo?" Umiiling ako sa kan'ya at sinabi na wala lang iyon.
Hindi ko kung kilala sino 'yon pero pamilyar.
Niyaya ko siyang pumasok pero may gagawin pa raw siya. Hinintay n'ya lang talaga ako to make it sure na nakauwi ako ng ligtas.
Napangiti naman ako dahil doon. Nang gabing iyon ay payapa akong nakatulog.
Kung sino ka man Russel, sana hindi wala kang kinalaman sa pangyayari at kay Amanda kung sino man siya. Pakiramdam ko kasi kailangan ko ring protektahan si Amanda.
"Lovely vacation tayo please!" Napahinto ako sa pagta-type nang biglang lumitaw ang pagmumukha ni Resh sa harap ko. Tinabig ko ang mukha n'ya at hindi pinansin.
Wala akong time sa vacation, nakakatamad umalis mas gusto ko pang humilata sa bahay habang nanonood ng mga palabas.
"Love, sige na minsan lang 'to kaya gora ka na te!" Lumingon ako sa kan'ya na naiinis saka inirapan. Wala talaga ako sa mood ngayon.
"Taray, sayang doon sana tayo sa bahay ng lola ko, nalaman ko kasi may ilog doon at malinis pa!" Hindi ko pa rin siya pinansin at nagbingibihingan lang. Ayoko nga kasing mag bakasyon, kung tatanggi ako mas lalo n'ya akong kukulitin kaya much better kung manahimik nalang ako.
"Alam mo ba may history din ang lugar na'yon? Sabi ni lola may natagpuan daw na babae na wala ng ulo roon." Natigilan ako sa huling sinabi n'ya.
"Hindi ko alam kung paano n'ya nalaman e, ang tagal na panahon na 'yon buhay pa ba si lola no'n? Kaya mahirap din paniwalaan." Paalis na siya ng pinigilan ko siya.
"Sige, sasama ako." Napatalon siya sa tuwa dahil sa sinabi ko, may gusto akong malaman basi sa sinabi n'ya.
Siguro ito na oras para alamin kung anong meron sa Amanda na 'yon at pilit pinagtutulakan na ako, siya.
Buong araw nasa isip ko 'yong sinabi ni Resh sa'kin. Hindi kaya coincidence lang? Baka mali ang hinala ko, pero para matahimik ako kailangan kong pumunta.
"Resh, pwedeng magsama?" Naisip ko kasi si Marcus, hindi ko alam pero gusto ko siyang isama sa lakad.
"Mas masaya 'yon! Isasama ko rin si Russel ha?" Tumango lang ako sa sinabi. Walang bulaklak na nagpadala sa'kin ngayon kaya nakahinga ako ng maluwag. At least walang creepy messages, everytime may bulaklak sa table ko kinikilabutan talaga ako, e,.
Pagkadating ko sa harap ng bahay nakita ko si Marcus naka hilig sa pader ng gate. Nakalagay ang dalawa n'yang kamay sa pants n'ya at naka long sleeve white shirt. Bakit kahit anong suot nito babagay?
"Marcus." Tawag ko sa kan'ya, lumingon naman siya at ngumiti.
"Lovely, buti maaga ka ngayon." Nagtataka akong lumapit sa kan'ya.
"Anong ginagawa mo ulit dito?" Napakamot siya sa likod ng kan'yang leeg at nahihiyang ngumiti.
"Gusto ko lang malaman na safe kang umuwi."
"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, hindi mo naman obligasyon na bantayan ako." Umiling siya sa'kin na parang hindi siya sang-ayon
"Gusto kitang protektahan." Natigilan ako ngunit unti-unti ring ngumiti sa kan'ya.
"Salamat, pasok ka muna." Sumunod naman siya sa'kin sa loob at pinaupo ko. Kumuha ako ng tubig at nilagay sa lamesa sa sala.
"Pasensya na kung yan lang, hindi pala ako nakapag-grocery."
"Okay lang hindi naman ako gutom." Naalala ko bigla 'yong sinabi ni Resh. Tamang tama lang din pala na pumunta siya dito.
"Marcus," nahihiya akong tumingin sa kan'ya saka umupo sa upuan na nasa harap n'ya.
"Plano naming mag bakasyon ni Resh. Baka gusto mong sumama?"
"Oo naman, gusto ko 'yon para makasama kita." Mahina ang pagkasambit n'ya sa huli.
"Ano?" Hindi ko narinig ang huli n'yang sinabi kaya napatanong ako sa kan'ya. Umiling lang siya sa'kin at tumayo. Sure ako may sinabi siya e, hindi lang malinaw sa'kin.
"Uuwi na ako baka hinahanap na ako ng magulang ko may family dinner pala kami ngayon."
"Ay, naku! Sorry, medyo naabala pala kita." Paghingi ko ng pasensya. Napasimangot ako sa isip ko, ang timang mo talaga, Lovely.
"Okay lang, choice ko naman 'to."
Inihatid ko naman siya palabas, hinanap ko ang sasakyan n'ya kasi ngayon ko lang naalala na walang sasakyan na nakaparada sa labas ng kanto kanina.
"Saan ang kotse mo?"
"Motorbike." Sabay turo sa motorbike n'ya na nasa gilid lang, hindi ko napansin may motorbike pala d'yan. Napatawa naman ako ng kaunti saka nagpaalam sa isa't isa.
Vacation leave na namin ngayon kaya nag-ayos na ako para sa lakad namin ngayon, hinihintay ko pa si Marcus dahil sabi n'ya sa bahay ko nalang siya pupunta para isahan nalang daw ang alis. Si Resh naman sabi n'ya papunta na sila. Narinig kong may kumatok sa kaya nagmamadali akong binuksan ito.
Nakita ko si Markus na simple lang ang bihis, naka khaki short at black long sleeve pero tinupi n'ya ito hanggang siko lang.
Mapang-asar siyang ngumiti sa'kin kaya napaiwas ako nang tingin. Namula ako sa hiya. Nakatitig na pala ako buong katawan n'ya.
Narinig namin na may bumisina sa labas, dumating na pala sila. Lumapit ako kay Resh saka niyakap nakita ko si Russel nasa driver sit habang nakatingin sa likod ko.
Lumingon ako ng bahagya at nakita ko rin na nakatingin din sa kan'ya si Marcus parang nag-uusap ang mga nata nila. Magkakilala sila?
"Hindi mo naman sinabi na gwapo pala 'yong, Marcus, hindi kana nagk'we-k'wento sa'kin ha?" Bulong ni Resh sa'kin sabay kurot sa tagiliran ko kaya napahingiwi ako sa sakit.
Walang hiyang babae, nasa backseat kami ni Marcus habang katabi naman ni Russel si Resh.
"Marcus, single kaba?" Napahampas ako sa mukha ko dahil sa tanong ni Resh. Napaka nitong babaeng ito.
"Oo, pero may nagmamay-ari na sa'kin."
Mapang-asar na tumingin sa'kin si Resh kaya nagtataka ako saka lumingon  kay Marcus na nakatingin kay Russel kaya napatingin naman ako kay Russel, kay Russel siya may gusto? Diba sabi n'ya mag nagmamay-ari na sa kanya e,.  Ano 'to bromance?
Hapon na kami nakarating sa bahay ng lola ni Resh, ang layo pala. Gusto ko ang lugar dahil ang tahimik ng palagid. Kitang kita sa kinatatayuan ko ang ilog.
Biglang kumirot ang ulo kaya muntik na akong mawalan ng balanse buti nandiyan sa tabi ko si Marcus kaya nakakapit ako agad.
"Ayos ka lang?" Nag-alalang tanong n'ya. Ngumiti lang ako sa kan'ya at tumango.
May lumapit sa amin na lalaki at kinuha ang gamit namin, ako na nagdala sa'kin dahil hindi ako sanay may nagdadala ng gamit ko pero inagaw naman ito ni Marcus kaya hinayaan ko na rin.
Pagsapit ng gabi ay kumain na kami at pumunta sa kan'ya kan'yang kwarto namin.
Nagising ako na nasa gubat na ako. Mga huni ng ibon ang naririnig ko. Liwanag na nagmumula sa araw ay tumatagos na mula sa mga butas dahil sa distansya ng mga puno ang nagsasabi na umaga na. Suot ko ay ang pantulog ko. Ang dumi ng damit ko pati mga paa.  Napahawak ako sa leeg ko dahil naalala ko bigla ang peklat ko leeg.
Hindi ako p'wedeng makita nila na may peklat. Buti naman suot ko pa rin ang scarf ko.
"Paano ako napunta rito?" Inaalala ko ang nangyari bago ako natulog pero sumasakit lang ang ulo ko. Nilibot ko ng tingin ang paligid.
Dahan-dahan akong naglakad para makalabas dito pero nadapa ako dahil biglang sumakit ang paa ko.
Bigla kong napansin ang isang kubo sa hindi kalayuan. Akmang tatayo para pumunta roon ng marinig ko ang boses ni Resh.
"Lovely anong nangyari sayo, buong gabi ka namin hinanap tapos nandito kalang at ang dumi mo!" Hysterical na sabi ni Resh. Nagtataka akong napatingin sa kan'ya, bakas sa mukha n'ya na nag-alala siya. Biglang lumitaw sa likod n'ya, sila Russel at Marcus bakas rin sa mukha nila ang pag-alala.
"A-anong nangyari?" Tanong ko. Habang pinatayo ako.
"Kami dapat magtanong n'yan, eh! Anong nangyari sa'yo at nandito ka tapos ang dumi-dumi mo!" Sigaw ni Resh sa'kin.
Pinagpagan n'ya ako habang nakatingin lang ako sa dalawang lalaki na nasa harap ko.
"Halika na. Balik na tayo sa bahay." Napakurap ako nang nagsalita si Resh.
"Nag-alala talaga kami sa'yo." Bumuntong hininga siya at niyakap ako ng mahigpit.
"Buti talaga at ayos ka lang." Yumakap ako sa kan'ya pabalik. Hanggang ngayon hindi pa rin napapasok sa utak ko ang nangyayari.
Napansin ko may taong nakasilip sa isang puno sa likod nila Marcus kaya napakalas ako yakap nito.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Resh na nagtataka sa kilos ko.
"Apat ba kayong pumunta rito?" Tanong ko na hindi tinatanggal ang tingin sa taong nasa puno.
"Ha? Kami lang, si Kuya Tirso naman ay sa kabilang gubat naghanap sa'yo. Bakit?"
Hindi ko sinagot ang tanong n'ya dahil nakatuon lang buong atensyon ko sa taong 'to. Hindi ko alam kung babae o lalaki siya dahil itim ang suot n'ya pati ang takip ng mukha n'ya. Hindi ko rin matukoy ang katawan n'ya dahil nakatago ito sa puno.
Napalunok ako ng biglang may nilabas ito na palakol.
"Sino bang tinitingnan mo?" Tanong ni Russel dahil nagtataka siya sa mga kinikilos ko. Napatingin ako sa kan'ya saka binalik ang tingin doon sa puno pero wala ng tao.
"Wala. Nag-iisip lang." Naniwala naman siya at hindi na nagtanong pa.
Nagmamalikmata lang ba ako? Biglang hinawakan ako sa balikat ni Marcus.
"Tayo na, baka pagod ka lang dahil sa nangyari sa'yo." Wika n'ya.
Winaglit ko nalang sa isip ko ang nakita ko. Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon kay Marcus at sumunod sa kanila.

Comentário do Livro (57)

  • avatar
    Di Ana Ra

    good novel

    15d

      0
  • avatar
    Cxav Rryginje Casonete

    ooiuyyvbb

    21d

      0
  • avatar
    Aedrich Czian Navor

    ddfckgf

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes