logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHASING NIGHTMARE 2

Kinabukasan tanghali na ako nagising. Napuyat ako kakaisip sa matandang 'yon. Sinong makakatulog kung may nagbabanta sayo na may papatay sa'kin aber?!
Jusko! Dito ata ako tatanda ng maaga at hindi sa trabaho na para kaming namatayan pag may mga expenses na hindi nasali sa financial statement.
Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Nagdala lang ako ng biscuit para may makain. Wala na nga akong dinner, wala ding breakfast. Ulcer labas ko nito.
Pagkadating ko sa opisina, pinagalitan ako ng supervisor dahil na late ako. Tsk! Ngayon lang naman. Maka sermon 'to parang ako na ang pinaka number 1 na palaging late.
Umupo ako nang nakasimangot.
"Bakit ka tinanghali?" Bungad na tanong sakin ni Resh.
"May aberya lang kahapon habang pauwi ako." nagulat ako ng tumayo si Reshea at chicheck ako.
"Wala bang masakit sayo? Wala ka namang sugat...'yong ulo mo buo pa ba? Nakakabit pa ba?" Binatukan ko siya dahil sa sinabi n'ya.
Baliw. Magsama kayo ng matanda kagabi, parehas kayong praning.  Syempre hindi ko sinabi 'yon baka magtanong about do'n sa matanda.
Ganyan siya pag nag-alala, praning. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ay kilala ko na siya at ganun na din siya sa'kin. May ugali kasi si Reshea na maalagain samantalang ako kahit sarili ko ay hindi ko maalaga.
Kaya nga rin siguro marami siyang kaibigan, kahit sino kaibigan n'ya, kahit nga ang supervisor namin na masungit pa sa menopausal ay kaibigan n'ya. Akalain n'yo 'yon?
Sabagay, anak ng may ari, eh. Ang menopausal na 'yon!
Hindi mahirap pakisamahan si Resh basta hindi ka plastic, pero ako lang talaga ang matalik n'yang kaibigan. Kung si Resh madaling pakisamahan, sa akin ay kabaliktaran.
Ako ang mahirap pakisamaan, dahil ayaw ko masyadong maraming kaibigan na baka sa huli iiwan ka rin. Kahit nga si Reshea hindi ko kayang sabihin ang tungkol sa peklat ko sa leeg na bestfriend ko pa. Maraming kaibigan pa kaya.
"Oo nga pala Lovely, mamimili kami ngayon ng mga groceries, sasama ka ba?" Umiling ako sa kanya.
Basta may sweldo ay sabay-sabay kaming magkakaibigan na mamili ng groceries. Actually, kaibigan lang ni Reshea, sabit lang ako.
"Hindi na marami pang stock sa bahay." Hindi totoo 'yon, ayaw ko lang may kasabay ngayon na mamili. Tumango naman siya at bumalik sa trabaho.
Maaga akong umuwi ngayon dahil magbabayad ako ng utang at mamili ng mga kailangan sa bahay. Ngayon ko lang kasi nakuha ang sweldo ko kasama ang mga overtime ko noon.
Dahil nga maaga pa, madami pang tao sa sakayan dahil uwian na rin kaya pahirapan sa pagsakay.
Tatawid sana ako sa kabila para bumili ng kape. May coffee shop kasi sa harap ng sakayan ng jeep.
Nang may humablot sa bag ko.
"Hoy! Magnanakaw!" Sigaw ko. Hinabol ko ang magnanakaw, pero dahil nahirapan ako dahil naka heels. Tinanggal ko ang suot kong sandal saka tumakbo ng naka paa.
"Hoy magnanakaw balik mo 'yan!" Sigaw ko nang malakas para makaagaw ng atensyon sa mga tao pero mukhang wala silang pakialam.
"Sabing ibalik mo 'yan!" Langya! Magnanakaw nga diba? Kaya hindi 'yan ibabalik.
Sakto rin at may dumaang pulis kaya narinig niya ang sigaw ko kaya hinabol din ang magnanakaw.
Lumiko ang magnanakaw sa isang eskinita pero dahil nauna ang pulis sa'kin ay nasundan n'ya ito sa pagliko.
Napahinto ako nang makita ko na dinampot ng pulis ang magnanakaw. May kausap itong lalaki na bitbit ang bag ko.
Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha. Lumapit naman ako kaya napansin ako ng pulis.
"Ma'am dadalhin ko na'to sa police station, pumunta nalang ho kayo kung magdedemanda ba kayo o hindi." Wika ng pulis. Tumango lang ako sa pulis at nagpasalamat.
Bumaling siya sa lalaki na nakatalikod pa rin sa'kin.
"Sir, salamat sa pagtulong." Nagulat ako sa tinuran ni mamang pulis. Kaya pala nasa kan'ya ang bag ko, dahil siya ang nakahuli sa magnanakaw.
Tumango lang siya kaya umalis na ang pulis habang bitbit ang magnanakaw.
"Ang bilis mong tumakbo pinahirapan mo kami." Rinig kong sabi ng pulis sa magnanakaw.
Humarap sakin ang lalaki. Kaya medyo napatalon.
"Sa susunod h'wag kang maglalagay ng importanteng bagay sa bag mo para hindi sayang pagnanakaw." Sambit n'ya. Napatulala naman ako sa lalaking nasa harap ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang nararamdaman kong kilala ko siya.
Nakasuot siya ng maong pants at Black Shirt, may kwintas siya leeg pero walang pendant. Ang mukha niya ay matapang tignan. Mapanga at makinis ang balat.
Nakaramdam ako ng hiya dahil napatagal ang titig ko sa kan'ya. Ang tangkad din niya hanggang kilikili nga lang ako e. Hindi masyadong singkit ang mata, ang kanyang labi ay medyo makapal pero mapula. Ang ilong n'ya perpekto ang pagkatangos. Pabagsak ang kan'yang buhok na kulay itim.
Inshort gwapo.
"S-salamat." Kinuha ko ang bag ko sa kan'ya saka tinignan ang loob. Buti naman walang mawala.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bag ng may nahulog. Napatingin ako sa bagay na nahulog at ganun din siya.
Kukunin ko sana ito ng maunahan n'ya ako. Hawak-hawak n'ya ngayon ang bagay na bigay ng matanda sa'kin.
Sinusuri n'ya ito saka sumeryoso ang mukha. Tumingin siya sa'kin.
"Sayo ba'to?" Umiling ako.
"Binigay lang sakin ng isang matanda." Sagot ko. Parang dumilin ang mga mata n'ya habang nakatitig sa bagay na hawak n'ya.
"Itago mo at h'wag mo nang ilalabas. Kung maaari itapon mo." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Kinuha ko ang bagay na hawak n'ya at inilagay sa bag ko. Naka-drugs ata siya, sayang gwapo pa naman.
"Sige alis na ako. Salamat sa pagtulong na makuha ang bag ko." Tumango lang siya habang nakatitig sa mga mata ko.
Nailang ako kaya umiwas ako ng tingin saka tumalikod at umalis.
Napahinto ako sa huling sinabi n'ya.
"Nagkita ulit tayo mahal ko." Nagulat ako kaya bigla akong humarap sa kan'ya.
Pero naglakad na siya paalis. Gusto ko siyang tawagin pero nanunuyo ang lalamunan ko.
Sino kaba? Anong alam mo? Gusto kong malaman kung bakit mo nasabi 'yon. May alam ba siya? May kilala ba siyang Amanda?
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Hindi pa rin ako makatulog dahil kakaisip na naman sa lalaking 'yon. Naiinis ako dahil ilang araw na akong walang maayos na tulog.
Una 'yong napanaginip ko, pangalawa 'yong matanda at pangatlo 'yong lalaki. Sinabunytan ko ang buhok ko at tinukod ang dalawang siko ko sa mesa
"Anong nangyayari sa buhay ko?!" Sigaw ko.
"Hoy! Baliw ka na?" Napatalon ako sa gulat ng may kumalabit sa'kin.
"Reshea, ikaw pala." Kumalma muna ako. Nilagay n'ya ang gamit n'ya sa lamesa.
Tumingin ako sa orasan, maaga pa nga talaga. 8:00 am ang pasok namin 7:45 am palang. Ibig sabihin 6:00 am pa lang 'andito na ako.
"Kahapon ko pa halata na nangingitim at malaki ang eyeabags mo. Wala ka bang tulog?" Tanong n'ya sakin.
Nahalata n'ya pa rin pala 'yon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon.
"May tanong ako." kkumunot ang noon niya bago tumango.
"Kung ikaw makapanaginip ng masama like, namatay ka raw sa panaginip mo. Tapos may makilala ka na parang may alam sa mga napapanaginipan mo. Anong gagawin mo or pumapasok agad sa isip mo?" Napaisip naman siya sa tanong ko.
"Hmm... Siguro iisipin ko na... May something sa nakaraan ko. Baka ako 'yon at reincarnation ako. Parang ganun pero hindi naman totoo 'yon. Bakit mo natanong?" Umiling ako sa kanya at humarap sa desktop ko.
"Reincarnation?" Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Reshea sa'kin.
Kung iisipin sa panahon ngayon. Baliw lang ang maniniwalang may reincarnation talaga.
"Ito 'yong relax!" Sigaw ni Reshea. Sabado na kasi bukas kaya  nag-pa-party sila. Hindi raw kasi sila makakapagparty bukas dahil sa mga nababalita.
Nasa isang sikat kami na Bar, ang Cass Bar. Babae raw ang may-ari kaya Cass.
"Lovely, inom ka!" Inilahad n'ya sa'kin ang isang basong tequila. Napangiwi  naman, hindi ako umiinom. Sad'yang kinalakad lang talaga ako ni Reshea kasama ang mga kaibigan n'ya na ka-officemate namin kaya napasama ako.
"Hindi ako umiinom, Reshea, alam mo 'yon!" Sigaw ko. Ang lakas ng tugtog kaya kailangang sumigaw.
"Oo nga pala sorry!" Tumayo na siya kasama ang mga kaibigan n'ya para sumayaw sa dance floor. Mukhang ako ang lugi dito.
Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng bar. Kumunot ang buong mukha ko sa mga nakikita ko. May naghahalikan na kulang nalang kwarto para gawin na nila ang kanilang gustong gawin.
Napangiwi ako sa mga naisip ko kapag sila lang.
Nakakakita naman ako noon ng ganito. Noon palang kasi sinasama na ako ni Reshea sa mga ganito, tumigil lang nang namatay ang mga magulang ko. Kailangan ko kasing magtrabaho para sa sarili ko. May tumutulong naman lalo na si Reshea pero ayaw kong umasa sa kanila, kaya para na ring unang beses ko ngayon.
Habang nililibot ko ang paningin ko. Nahagip ng mga mata ko ang isang lalaki. Siya 'yong lalaki na tumulong sakin no'ng isang araw.
Gusto kong lumapit pero may mga kasama siya. Dahil naiirita na ako sa ingay, tumayo na ako at lumabas.
Pagkalabas ko, marami akong nakita na nagsiuwian na dahil sa kalasingan, ang iba naman ay kakarating lang.
"Gusto ko nang umuwi." Pagmamaktol ko.
"Hatid kita." Napatalon ako sa gulat. Pansin ko parang palagi akong gulat nitong mga nakaraang araw.
Bawasan ko na siguro ang pagkakape, pero hindi naman ako nagkakape? Weird.
"Hindi na salamat." 'yong lalaki nang nagligtas sakin, pa'no siya nakasunod? Kanina nasa loob pa'to tapos hindi naman n'ya alam na nandito ako.
Ngumiti siya sa'kin. Kung hindi ka sana weirdo gwapo ka sana.
"Hindi naman ako masamang tao." Pagpapanatag n'ya sa'kin. Pero wala akong tiwala sa'yo.
"Ayos lang talaga, saka may kasama ako." Babalik sana ako sa loob nang hawakan n'ya ang kanang palad ko. Lumingon ako sa kan'ya na parang nagtatanong sabay tingin sa kamay namin. Napansin n'ya naman ang pagkailang ko kaya bitiwan n'ya rin agad.
"Lasing na ang mga kasama mo, baka hindi mo kayanin silang lahat." Pa'no n'ya nalaman na marami kami?
Tumingin ako sa entrance ng bar saka binalik ang tingin ko sa kan'ya. Bumuntong hininga ako bilang pagsuko.
"Kahit 'yong isang kaibigan ko lang." tumango naman siya.
Pumasok na ako sa loob at hinanap si Reshea. Nakita ko siyang nakikipag-usap sa isang foreigner. Lumapit ako sa kan'ya saka siya hinila.
"I'm very sorry, my friend is here." sabi ni Reshea sa lalaki na ngumiti naman sa'kin ang foreigner at sa kan'ya.
"It's okay, take care!" Hinila ko na si Reshea palabas. Nagpupumiglas siya pero hindi ko binitawan.
"Iinom pa ako ang KJ mo naman!" Pagmamaktol n'ya. Humarap ako sa kan'ya na parang naiirita.
"Pwede ba! Lasing kana, kailangan na nating umuwi." tumingin siya sa entrance ng bar at binalik tingin sakin.
"Pero kashii..." hindi ko pinansin ang magmamaktol n'ya at hinila siya ulit.
Nakita ko 'yong lalaki na naka hilig sa isang kotse kaya lumapit ako. Mayaman siguro siya, hindi ko alam anong sasakyan ito kasi hindi naman ako maalam sa mga sasakyan pero halatang mahal.
Ang unfair naman, bakit may ganyang g'wapong lalaki? Habang papalapit ako napansin ko ang suot n'ya.
Naka jeans siya, tapos white shirt na medyo mataas, napansin ko din 'yong relo niya na kulay itim na nakapagbigay ng dating sa kanya. Para siyang koreano sa outfit niya, ang buhok niya ay palaglag parin, pero napasin ko na may earing din siya sa kanang tenga n'ya.
Simple lang suot n'ya pero malakas ang dating pagtignan. Tumingin ako sa suot ko. Nakapang office pa rin ako, hindi na ako umuwi dahil tinatamad ako. Wala kasi talaga sa plano ko ang mag party ngayon, kinaladkad lang talaga ako si Reshea. Si Reshea at ang mga kaibigan n'ya naman at may baong damit kaya hindi sila nakapang-office attire. Wala, e, napagplanohan na nila.
"Tara?" Paanyaya n'ya. Nakayuko lang ako sa kan'ya, nakakahiya kasi.
Tinulungan n'ya akong ilagay si Reshea sa backseat. Nang sigurado na ako na okay na si Resh ay sinarado ko na ang pinto ng kotse. Sumakay na ako sa shotgun seat at sumakay na rin 'yong lalaki sa driver seat.
Sinabi ko ang address ni Reshea dahil siya raw ang uunahing ihatid. Pagkarating namin. Binaba ko si Reshea, hindi ko na siya pinatulong dahil nakakahiya na, kaya nasa loob lang siya ng kotse.
"Ma'am Lovely, kayo pala." bungad sakin ng katulong nila.
"Hala lasing na naman si ma'am." inalalayan n'ya si Resh. Ngumiti naman ako ng matipid sa kan'ya.
"Uuwi na ho ako." tumalikod na ako at bumalik sa sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang tinitignan ang katulong sa pag-alalay kay Resh.
Papagalitan 'yan for sure. Ayaw kasi ng magulang n'ya na umiinom siya dahil nakakasira ng kalusugan, pero pasaway kaya kahit ako walang magawa.
"Saan ka nakatira?" Tanong no'ng lalaki. Lumingon ako at tumingin sa kan'ya.
"Sa Santa Cruz." tumango naman siya saka pinaandar ang sasakyan.
Sa labas parin ako nakatingin dahil naiilang ako. Ang tahimik kasi n'ya, natutuyo na ang laway ko.
Gusto ko sana siyang tanungin about do'n sa sinabi n'ya na nagkita na raw kami. Kasi kung bangkitin n'ya 'yon parang kilalang kilala n'ya ako.
Tinuro ko sa kan'ya ang daan at pinahinto sa may kanto. Nagtaka naman siya.
"Hanggang dito lang, maglalakad lang ako papasok dahil mahihirapan ang kotse mo na pumasok at lumabas" explain ko sa kanya.
"Ihatid kita papasok." Sambit n'ya. Tinanggal na n'ya ang seatbelt. Akmang baba siya nang pigilan ko siya.
"H'wag na kaya ko naman." umiling siya sa'kin.
"Ihahatid kita" at tuluyan na siyang bumaba.
Bumuntong hininga naman ako. Pinagbuksan n'ya na rin ako ng pinto. Pagkababa ko ay nilock na n'ya muna ang kotse saka ako sinamahan sa paglalakad.
"Okay lang naman sa'kin na mag-isa, naabala pa kita." Nakarinig ako na parang natawa siya kaya tumingin ako sa kan'ya.
"Okay lang naman sakin." Huminto siya kaya napahinto rin ako
"Gusto kitang protektahan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Parang may pumasok na alaala sa isip ko kaya napapikit ako.
"Okay kalang?" Pilit kong inaalala kung ano 'yon pero malabo. hindi ko ma-explain.
Dumilat ako at tumingin sa kan'ya.
"Sumakit lang ang ulo ko." Ayaw kong malaman n'ya na may kababalaghang nangyayari sa buhay ko baka kasi matakot siya sa'kin.
"Sigurado ka?" Tumango ako at tumingin sa harap.
"Ayon ang bahay ko." Turo ko sa isang maliit at madilim na bahay. Humarap ako sa kanya.
"Salamat sa paghatid." nagtaka ako kasi nakatingin lang siya sa harap na parang ang malalim ang iniisip.
Sinundan ko ang tingin n'ya at nakatingin ito sa bahay ko. Sandali, sa bahay ko?
Mabilis akong napatingin sa kan'ya.
"B-bakit?" Tanong ko. Bumaling siya sa'kin at umiling.
"Wala sige pumasok kana." Nagtataka man ay tumango nalang ako.
Kinuha ko ang susi ng bahay at binuksan. Nang papasok na ako ng may humawak sa braso ko. Lumingon ako at nakita ko 'yong lalaki pala.
"Anong pangalan mo?" Tanong n'ya
Buti tinanong n'ya, gusto ko rin kasing malaman ang pangalan n'ya kaso nahihiya akong magtanong.
"Lovely, ikaw?" Binitawan n'ya ako at nilagay n'ya ang kanyang dalawang kamay sa bulsa n'ya saka tumingin sa'kin ng seryoso.
"Marcus." Wika n'ya. Tumango naman ako.
"Sige papasok na ako." Pumasok na ako sa loob.
"Sana maalala mo ako." Napahinto ako at tumingin sa kan'ya.
"A-ano?" Anong maalala siya? Kilala ko ba siya?
Ngumiti siya sa'kin at umiling.
"Sabi ko mag-iingat ka." kumunot ang noo ko pero tumango nalang.
"Ikaw din." Sinara ko na ang pinto at napahilig dito.
Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ang bilis ang tibok ng puso ko?

Comentário do Livro (57)

  • avatar
    Di Ana Ra

    good novel

    16d

      0
  • avatar
    Cxav Rryginje Casonete

    ooiuyyvbb

    21d

      0
  • avatar
    Aedrich Czian Navor

    ddfckgf

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes