Napatingin ako sa nakabukas na pinto nang makarinig ng katok doon. Nanonood kami ng isang pelikula sa tv. Bagong biling DVD ni Auntie ang nakasalang. Hindi naman ako madalas umupo kasama sina Auntie maliban nalang sa mga pagkakataong katulad nito na gusto ko ang ginagawa nila . Hindi ako madalas makisama at siguro nasanay na lang din sila. Hindi rin naman nila iyon minamasama at hindi rin nila ako pinipilit sa kung anong gusto nila. Hinahayaan lang nila ako sa kung saan ako komportable at ikinalulugod ko iyon. Although, there are times that I am ashamed of my behavior but they never talk ill to me about it. So maybe, it's okay. The movie is a sci-fi genre which interests me that is why I am here and joining my Auntie's movie marathon. "Sandali, tignan ko lang kung sino 'yon." Tumingin ako kay Auntie Rima nang sabihin niya iyon at tumango lang ako sa sinabi niya bilang tugon. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa tabi ko at nilapitan ang labasan para tignan kung sino ang kumakatok sa labas. Sinundan ko ng tingin si Auntie. Nakita kong tatlong lalaki iyon, ang isa ay mukhang hindi nalalayo sa edad ni Auntie habang ang dalawa naman ay ilang taon lang yata ang tanda sa'kin. Napatingin sa akin yung isa, naramdaman siguro ang titig ko. I can't help but find him cute. Ngayon ko lang siya nakita. Siguro ay dahil bago sila rito o 'di naman kaya ay napadaan lang at may sadya o baka rin taga-rito talaga sila pero hindi ko nakikita at kilala dahil hindi rin naman ako madalas na lumabas. Napatitig ako sa mata niya na kahit malayo ay kapansin-pansin parin ang pagka-kulay brown noon. Brown din ang kulay ng mga mata ko, nga lang dark brown naman ang akin kaya hindi kaagad mapapansin kung hindi pakakatitigan. Pero sa lalaking nasa labas ng bahay ngayon ay pansin agad na brown talaga. Ang ganda ng kulay noon para sa'kin. Maputi rin siya, mas maputi pa nga sa akin tapos itim na itim ang medyo magulo niyang buhok na may kahabaan at bahagyang pagkakulot. Matangos din ang ilong niya at medyo mapula ang may kaliitang labi. Nakakulay abo siyang printed shirt at maong na pantalon saka Nike shoes na bumagay sa kaniya. He could pass as its model, I must say. Nangunot ang noo niya at saka nag-iwas ng tingin sa akin. Natauhan naman ako sa pagtitig sa kaniya at napakurap-kurap. Nagulat ako roon at medyo nahiya. Baka anong isipin niya sa ginawa kong pagtitig. Inaamin ko... he's a beautiful man kaya lang suplado. Lumabi ako at iniwas nalang rin ang tingin sa lalaki at nabaling sa mga batang naglalaro sa isang tabi. Isa na roon si Rose at ilang pinsan kong ka-edaran niya. Hindi ko alam kung ano ang nilalaro nila, basta may maliit na bola silang ginagamit at saka mga maliliit rin na bagay na narinig kong tinawag nilang stars. True enough, it somehow looks like the stars when it glints in the dark at night in the sky. Nakita ni Rose na nakatingin ako sa kanila. She grinned at me... in an irritating way. Tinignan ko siya ng masama at bahagyang inirapan. Pagkatapos niyon ay nilipat ko rin kaagad ang tingin sa pinanunuod. I focused on watching the movie as its conflict is nearing. Doon na kasi iyon nagsisimulang maging exciting. I leaned my back against the sofa and folded my arms. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paglubog ng sofa tanda na may umupo rito, si Auntie Rima. Tinignan ko siya. Nakatutok na ulit si Auntie sa pinapanood namin sa tv. "Sino po yun, Auntie?" hindi ko mapigilang magtanong. Hindi kasi sila pamilyar at ngayon ko nga lang nakita. May parte sa akin na gustong malaman. Nagkibit-balikat lang si Auntie. "Nagtanong lang ng kakilala." Tumango ako. Ang totoo ay gusto ko sanang itanong ang pangalan noong lalaki kaya lang baka isipin niyang interesado ako kahit ang totoo ay konti lang naman. I just really find him cute, that's all. Sana lang ay hindi ko makalimutan yung mukha. Kaya nagbakasali akong kilala ni Auntie para kahit makalimutan ko man ang mukha, at least alam ko ang pangalan. And besides, I just really have this habit of knowing people since I only know less and I wanted to meet some more. Nakatingin pa rin ako kay Auntie, contemplating if I would ask or just find it out myself. I was about to decide not to know and not to ask it to her anymore and was about to look away but Auntie Rima were already looking my way. Kinabahan ako nang makahulugang tumingin si Auntie sa akin na para bang nabasa ang nasa isip ko at alam kong iba ang nabasa at inaakala niya. "Uy, ikaw ah... May gusto ka sa isa sa mga 'yon no?" Tudyo niya. "Akala mo siguro hindi ko nakita 'yung pagtitig mo doon sa isa." Sabi niya at saka bahagyang tumawa. Hinawi ko ang daliri niya na sinusundot ang tagiliran ko at nagpakawala ng singhap. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko dala ng panunukso niya. "Wala, A-auntie!" Wala naman talaga! Gaya ng sabi ko, gusto ko lang makilala yun at hindi ibig sabihin ay may gusto na 'ko sa tao. It doesn't work that way for me. I know I won't like someone that easy. "Naku ka Llana, kilala ko 'yang mga tingin mo na 'yan. Kabisado ko na ang mga pahiwatig mo kapag may bagay na interesante para sayo, at ganyang-ganyan 'yon!" Hindi ko napigilan at tumawa ako habang hinahawi pa rin ang daliri niya. It's pointing at my face like she's proving a point. Iniwas ko nalang din ang tingin sakaniya pero sadyang mapanukso talaga kaya pilit niya iyong hinahanap. "Auntie n-naman, hindi po!" Pigil tawa kong saad. Napailing na lamang ako nang marinig ang halakhak niya. "Iyon bang nakakulay grey na damit?" tumataas-taas pa ang kilay niyang tanong. Napasinghap ako dahil alam niya! Nakita niya talaga siguro ang titig ko kanina room sa lalaki. And she look so funny that worsened my flustered face as I fought the urge to laugh. "Hindi. W-wala nga, Auntie!" Tumawa siya sa naging tugon ko at napapikit na lamang ako dahil alam kong halata na talaga ako at wala nang takas sa kaniya. "Nauutal ka pa ah," Pasaring niya. "Si Henric 'yun. Naipakilala sa'kin no'ng mama eh, Henric ang pangalan. Hindi ko natanong 'yung apelyido kaya ikaw na lang ang umalam." Tumataas-taas pang kilay na aniya. Hindi ko napigilang magulat at siguradong halata 'yun sa mukha ko. 'Di ko inaasahang alam niya at talagang ipinaalam pa sa akin! "Search mo nalang sa facebook!" dagdag pa niya. "Auntie!" I bit my lower lip and averted my eyes at her. Nagkunwari akong walang pakialam at pinanood nalang ang palabas sa tv na hindi ko na nasabayan. Patuloy akong inasar ni Auntie Rima tungkol sa lalaki kanina at natatawa nalang ako sa kakulitan niya. I distracted her by telling that the movie we're watching is on its exciting part already and that when she stopped. She even rewinded it as she doesn't know what has happened. I smiled inwardly as I felt... satisfied and I am glad at the moment we had. It was one of the million times that we're having this kind of bonding. And everytime it happens, I always make sure that it will be imprinted in my mind for I know it won't happen again.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
it's good
29/09
0that's a good
08/06/2025
0thank
17/03/2025
0Ver Todos