Ellana Barquez's Point Of View Sometimes, things happen out of the blue. May mga bagay tayong hindi inaakala na darating, hindi inaasahang makamtan, mahawakan, o makita. Mayroong mga pagkakataon na hindi natin inaasahang mangyari pala. At madalas tayong mabago ng mga pagkakataong iyon. Mababago dahil kailangan, mababago dahil wala na tayong mapagpipilian. Nasa atin na lamang kung mabuti o tama ang magiging dahilan. At kung para sa ikabubuti naman ay siguradong wala kang pagsisihan. Siguro may pagkakataon na hindi mabuti ang naidulot sayo, pero marahil sa iba— oo. And somehow, that's more better as we won't live with guiltiness which the decision might bring us if what we choose were otherwise. Ganun naman talaga, 'di ba? Dapat kapakanan ng iba ang madalas na inuuna, hindi palagi ang sarili. Hindi pangsarili ang dapat na gawing priority. Iyan ang madalas na ipaintindi ng mga magulang ko sa akin mula noong bata pa lamang. Pero maraming pagkakataon na napapaisip ako roon. Masisi mo ba ang iba na gusto namang sarili muna ang intindihin? It is really that bad to put yourself first? Katulad ko. Selflessness isn't always my kind. I am aware that I'm selfish. Hindi siguro madalas pero minsan hindi talaga mapipigilan. Lalo na ngayong lumalaki ako at lumalawak ang kaalaman. Madalas na sarili ang unang iniisip. Sarili ko ang unang iniintindi. Sarili ang nais na iniingatan. Kasi walang ibang gagawa noon para saakin, e. Walang iisip, walang iintindi at higit sa lahat walang nandiyan para ingatan ako. Wala... kaya ako nalang ang gagawa noon para sa sarili ko. Kung sana kasi ay nariyan pa ang magulang ko... pero wala na. Wala na silang pareho, kinuha na sila sa amin... iniwan na nila kami ng mga kapatid ko. Alam kong hindi naman nila sinadya na mangyari iyon at marahil ay hindi rin nila ginusto. Naiintindihan ko naman pero syempre masakit pa rin. People around me often tell me to just move on, but they wouldn't tell me how. They would tell me how I can't really move on if I keep on looking back. But they wouldn't provide me ways how to look in front in order to move forward. Siguro hindi ko magawa dahil talagang nakatatak na ito sa aking isipan. Hindi maiwasan huwag isipin, hindi yun madaling kalimutan. But believe me, I tried to move on, even if I have to start with small and slow steps. But look where it leads me? To nowhere... Mahigit anim na taon na rin pala mula ng maaksidente sila na dahilan ng kanilang pagkamatay. Naaalala ko pa, nasa eskwelahan ako noon at nakikinig sa lecture ng teacher namin sa Science nang biglang dumating si Ate Vanji at sinundo ako. Wala siya noon sa sarili at umiiyak lang. I was so clueless, 'di ko alam kung bakit pero may pakiramdam ako noon na may hindi magandang nangyari kasi hindi naman siya iiyak ng gano'n kung wala. At 'yon na nga, ibinalita sa akin ng kapatid ko na nabundol ang sinasakyan ng mga magulang ko. I was eleven years old when I became an orphaned. I couldn't accept it! Hanggang ngayon ay nangangarap parin akong magising, hinihiling na panaginip lang 'yon. Isang masamang panaginip. Masakit pa rin kasi. Ang aga pa para mang-iwan. Masyadong maaga pa para piliting tumayo sa sarili naming mga paa. That's when my insecurities grew inside of me. Always envious everytime seeing a happy and complete family. I feel like something is always missing in my life, or perhaps someone and that someone was my late parents. Ngayon kaming tatlo nalang ang magkakasama– ah, oo nga pala, dalawa na nga lang pala kami ni Marose na naiwan. Si Ate Vanji kasi ay piniling magtrabaho sa ibang lugar. Sabi niya wala na siyang mapagpipilian dahil 'yon lang ang paraan para mabigyan niya kami ng maayos na buhay. Sa pamamagitan ng pagta-trabaho niya, sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran. Alam ko namang para 'yon sa amin ng nakababata kong kapatid. Para mabigyan kami ng komportableng buhay. Dahil sa amin kaya siya umalis. Hindi ko lang talaga masyadong maintindihan kung bakit pinili niya pang lumayo kung mayroon namang maaaring mapagtrabahuhan sa lugar namin. Iniisip ko tuloy na baka kasi ayaw niya kaming makasama. Baka ayaw niya sa amin kasi nahihirapan na siya. Sino ba naman ang gustong magkaroon ng malaking responsibilidad sa edad na katulad ng kay Ate. Labing siyam pa lang siya pero napakalaking responsilidad na ang iniwan sakaniya ng mga magulang ko. At kami 'yon ni Rose. Pero ngayong wala si Ate ay sa akin niya iniwan ang responsilidad na 'yon, ang alagaan ang kapatid ko kahit pa iyon din ang kailangan ko. Hindi ko nga lang alam kung nagagawa ko nga ba na alagaan ang kapatid, eh madalas kaming hindi magkasundo ng isang 'yon. Bangayan kung bangayan, away kung away at syempre hindi ako magpapatalo. I don't like spoiled brats and she's not an exemption. Nakakainis nga eh, kung hindi lang talaga ako nahihiya sa bahay na tinutuluyan namin lagot talaga sa'kin ang isang 'yon. Sinamaan ko ng tingin si Rose, ang asar kong kapatid. Bigla niya kasing hinablot ang cellphone ko, kausap ko pa naman si Ate. Ngayon ay siya na ang kumakausap dito at kasalukuyan lang naman siyang nagsusumbong. I have the sudden urge to strangle her. Sige mag sumbong ka... para namang may magagawa si Ate. Ah oo nga pala, may magagawa 'yon, bubungangaan ako at pagagalitan dahil sayo. Madalas ay hindi ko naman pinakikinggan kasi paulit-ulit lang naman na kesyo ako daw ang nakakatanda kaya dapat ako ang umintindi and that mindset were actually what I dislike the most! It shouldn't be applied everytime! Because really? Lagi nalang ba kaming 'nakakatanda' ang dapat sisihin sa mga ganun na bagay kahit na alam ko naman sa sarili ko na ako ang tama at may katuwiran? Oh, well. Ako ang nakakatanda, I should understand that one, too! "Palagi niya 'kong kinukurot tapos binabatukan. At saka hindi niya din ako binigyan ng pera kanina! tuloy 'di ako nakabili nung tinda nung mama. Tapos palagi pa akong inuutusan–" Sinubukan ko siyang abutin para agawin ang telepono pero nakaiwas naman agad. See? She's getting on my nerves, again... Wala na siyang matinong nagawa kundi inisin ako! "Hoy! Hindi mo nga ako sinusunod!" I said that out loud making sure it would reach Ate Van's ears. The audacity of this spoiled brat to even complain and tell it straight to ate... Eh lagi nga siyang nagrereklamo. Kaya sa huli utos ko, sunod ko. Hinabol ko siya pero dahil mabilis talaga ang takbo niya ay hindi ko maabutan. Naiinis na rin ako. Gustong gusto ko na siyang mahuli para batukan. I am not usually sadist, but times like this... I can't help it! Sumbong pa rin kasi ng sumbong, buti sana kung totoo naman ang pinagsasabi niya, eh, pulos kasinungalingan naman. Kagagalitan na naman ako ni Ate niyan. Kailangang ihanda ko na ang tainga ko. Mahaba-habang sermonan na naman 'to. Buti nalang at wala ngayon sina Auntie Rima. Sa kanilang bahay kasi 'tong ginagawa naming playground ngayon. Sa kanila kami nakatira simula noong umalis si Ate. Pinsan namin sila, si Uncle Jimie na asawa ni Auntie ay pinsan ni Papa kaya ganun. Wala namang problema sa kanila 'yon at ang totoo ay sila pa ang may gusto na tumira kami rito dahil siguradong hindi namin kakayanin ni Rose na kaming dalawa lang sa isang bahay at hindi rin naman 'yon gusto ni Ate. At saka nasabi rin ni Auntie na mas maaalagaan niya raw kami kung makakasama niya kami. Mababait naman sila sa amin ni Rose. Pero may mga pagkakataon lang na nakakahiya minsan. Hindi ko maiwasang isipin na nakikigulo kami sa kanila... na panira lang kumbaga. Pero hindi rin naman nila iyon nababanggit at sa tingin ko nga ay ako lang ang nag-iisip ng ganun. Sa huli ay napagod ako. Inirapan ko nalang ang tumatawa na ngayong rosas. Nothing's changed. She's still good at irritating me. And sometimes, the more presence of her simply annoy me. Wala na naman akong nagawa. Talo na naman ako ng batang 'yun, nakakainis dahil lagi nalang. Umakyat nalang ako sa pangalawang palapag ng bahay at pumunta sa kwarto naming dalawa roon. Ayoko siyang makita at naha-highblood ako. Mukha niya palang, nag-iinit na ang ulo ko. Ganun na talaga kami. Madalas bangayan, bilang ko nga lang ang mga pagkakataon na nagkasundo kami sa isang buong araw. Hindi ko alam kung normal lang ba 'tong lagi kong pagkainis sa kapatid. Walang araw yatang lumipas na hindi ako naasar sa kay Rose. Ang totoo ay hindi ko ramdam ang pagiging kapatid ko sakanya at pagiging kapatid niya sa'kin. I'm sometimes sad about that. Kung sisisihin ako ni Rose, siguro tatanggapin ko 'yon. The person I have become doesn't clicked to hers. And may it is better that way. I don't want to be attached to anyone at this time. Natatakot kasi ako na kapag nangyari yun ay maiiwan lang ulit ako. Mararamdaman ko lang ulit yung sakit tulad nang mawala ang mga magulang. I don't want to go through that pain again. Taking a risk is not a good choice for now. So maybe, it is indeed better this way. Hindi niya pa ako kakayanin. I sadly smiled at that. Nasasaktan din naman akong hindi kami tulad ng iba. Hindi kami 'yung tipong nag-uusap, nagsasabihan ng sekreto o ng kung anong nararamdaman, hindi kami nagdadamayan, hindi kami yung sweet sa isa't isa at hindi rin kami 'yung tipo na mag-aaway pero magbabati rin naman. Kaya hindi ko talaga masyadong kilala ang kapatid ko at sa tingin ko ay ganun din naman siguro siya sa'kin. Humiga ako sa kama at kinuha ang libro sa bedside table na kasalukuyan kong binabasa. It's a story about reincarnation and I am almost done reading it. I took a deep breath. As usual, I'd rather read and get lost with it than stress myself over Marose.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
it's good
29/09
0that's a good
08/06/2025
0thank
17/03/2025
0Ver Todos