logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

HC 4

KABANATA 3
DAWIN
"Ano dude akala ko hindi ka pa rin papasok ngayon?" bungad ni Fenn ng makasalubong ko ito ng makalabas ako ng kwarto habang inaayos ang kwelyo ng polo ko, pero imbes na sagutin ito ay nilagpasan ko lang siya habang hawak ko sa kaliwang kamay ang bag ko.
"Inatake ka na naman ba ng attitude mo kahit bati manlang wala ah." sinabayan na ako nito sa paglalakad pababa sa hagdan.
"Anong bati gusto mo, gusto mo ba ng sapak?" walang emosyon kong saad habang tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.
"Umagang-umaga attitude dude." singhal nito sa'kin at saka ko binalingan ng masamang tingin.
"Baka gusto mong inumin ihi ko tangina ka ihi pala gamot ah." iritado kong saad na pinagtawanan lang niya. Tinatanong ng maayos kagabi ang tino ng sagot.
"Bakit ininom mo ba bakit ka nagagalit?" Hindi na ako nag aksaya ng oras para sagutin ito at dire-diretso na akong lumabas ng dorm na tinitirhan namin.
"Bakit kaya 'di mo subukang manligaw ng mga babae at baka sakaling mawala 'yang kasungitan mo talo mo pa iyong may mens."
"Anong mens?" taka kong tanong saka ako bumaling rito.
"Menstruation ugok, buhanang dalaw tinalo mo pa 'yong mga babae sa kasungitan mo pero malala 'yong sa'yo kasi 'di nawawala halos araw-araw may tupak ka." pang-aasar nito sa'kin kaya sinamaan ko na naman ito ng tingin.
"Tumahimik ka na nga baka masapak na talaga kita!" bulyaw ko na rito inambahan ko siya ng suntok ngunit agad itong umilag. Inis na akong nagtuloy sa paglalakad 'di ko na lang namalayan na nasa labas na kami at naglalakad patungo sa university na malapit lang sa dorm namin kaya madali na lang lakarin.
"Alam mo Dawin may bago pa lang tranferee alam mo ba 'yon, sa kabilang dorm lang din nakatira kung kilalanin mo na kaya baka chance mo na." pagdadaldal na naman nito sa'kin, hindi ko namalayan na nakasunod na agad siya b'wesit kailan ba tatahimik ang bibig ng isang 'to.
"Kilalanin mo mag-isa mo." Nagmadali ng ako maglakad para iwan siya hindi tumatahimik buhay ko sa isang 'to, kung madaldal si Lucas mas doble ang daldal ng isang kupal na 'to.
Blankong emosyon, habang taas noo at pantay ang katawan akong naglakad na parang pag-aari ko daan. Diretso akong naglakad papasok ng gate na hindi manlang nagawang lingunin ang mga dinaraanan ko habang dinig ang impit na tili ng ilang babae upang itago ang kilig na nakasanayan ko nang marinig tuwing papasok ako sa paaralan, kasabay pa ng pagtabi sa daan ng karamihan upang magbigay daan sa akin na tila ba ako ang hari na kailangan nilang tumabi at lumuhod upang magbigay galang.
*/Bogsh
Mabilis na pagbunggo sa balikat ang naramdaman ko ngunit hindi ko pinansin kung sino man ang nabunggo ko, ako ang hari kaya tumabi ka pasensyahan na lang tayo, 'di ko din alam kung babae o lalaki ba ang nabunggo ko dahil hindi ko na 'yun nilingon pa.
"How dare you to hit me without even apologizing huh!" malakas na sigaw ng babae dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad at balingan siya ng tingin kasabay ng blanko kong eksprisyon sa mukha, gustuhin ko mang sagutin siya ay hindi ko magawa dahil wala akong naintindihan sa lengguwahe n'yang sinabi.
Nanatili lang akong nakatingin sa mga mata nito at walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig ko.
"What now, tatayo ka na lang ba jan at hindi manlang magso-sorry." mataray na saad nito sa'kin kasama na ang inis niyang tingin.
"Asa ka," malamig kong sambit sa kanya at muli na akong tumalikod upang ituloy sana ang paglalakad, ngunit isang matigas na bagay ang bigla na lang tumama sa ulo ko na hindi ko malaman kung ano, dahan-dahan kong hinaplos ang ulo kung tinamaan at napatingin sa sahig kung ano ang binato niya sa'kin doon ko nakita ang isang kwadirno na may desinyo na isang babae na maikli ang buhok kulay asul, pula at dilaw ang kasuotan may hawak na mansanas na hindi ko maintindihan na parang pang bata ang disenyo nito.
Imbis na damputin iyon at ibalik sa kanya ay sinipa ko 'yun papalayo at hindi ko alam kung saan napunta.
"How dare you asshole!" galit n'yang sambit ngunit wala pa rin naman akong naintindihan siguro kailangan ko na rin aralin ang salitang ingles nakakabobo kasi pag ingles ang kausap walang'ya.
"Thank you." Tanging naitugon ko rito sa lahat kasi ng ingles na salita 'thank you' lang ang alam ko kailangan ko lang magpasalamat sa kanya kasi wala naman akong naintindihan eh kaya salamat.
"Hey miss pasensya ka na sadyang may tupak lang ang lalaking 'yan huwag munang patulan please." sumulpot na si Fenn at siya ang humingi ng pasensya sa babae nanlilisik pa rin ang mata ng babaeng nakatingin sa akin habang blankong emosyon naman akong nakatingin sa kanya.
Mabilis na kinuha ng babae ang notebook nito na sinipa ko ns napunta sa 'di kalayuan.
"Ano ka ba naman babae 'yon pinatulan mo pa." paninita ni Fenn sa'kin pero diretso na akong naglakad at hindi ito pinansin, ngunit bigla akong natigilan at napahinto sa paglalakad ng maalalang pamilyar ang mukha ng babaeng 'yun sa akin nilingon ko ito at tanaw ko na rin ang paglalakad nito papalayo naalala kong siya 'yung babae kagabi na iniligtas ko, kung alam ko lang talaga na siya ang makakabangga ko sa kasungitan hindi ko na sana niligtas 'yun.
Ngayon ko lang nakita ng malinaw ang mukha nito dahil madilim kagabi, pero hindi lang 'yun ang napansin ko sa kanya 'yung bilugan niyang mga mata na kagaya ng babaeng dati ko nang nakita, ang salubong na kilay at kunot nitong noo ay walang pinagbago sa dalawang taong hindi ko siya nakalimutan kabisado ko pa lahat ng anggulo ng mukha niya, ngunit kalagitnaan na ng pasukan bakit ngayon ko lang siya nakita kung dito rin siya nag-aaral.
Ito ba ang simula upang muli kaming magtagpo, hindi ito ang nais ko ayaw ko ng ganito simula pa lang alam kong nagalit na ito sa'kin pero sa ikalawang pagkakataon naming nagkita ay muli na naman akong may nagawang masama paano ko 'to aayusin.
"Hoy Dawin papasok na tayo saan ka pa pupunta!" tawag ni Fenn sa'kin at nilingon ko ito.
"Mauna ka na," tanging saad ko.
Tinalikuran ko na ito, natagpuan ko na lang ang sarili kong sinusundan ang babae kung saan ito papunta meron sa loob kong gustong humingi ng tawad sa kanya, habang maaga pa ay mas lalo ko itong makilala.
Kaya susubukan ko.
Malayo ang pagitan namin at nakatitig lang ako sa likod nito habang naglalakad papalayo.
Huminto ito saglit kaya magbabakasakali na akong lapitan ito, ngunit hindi ko na natuloy pang humakbang papalapit ng bigla itong yakapin ng isang lalaki na bigla na lang sumulpot, kita ang tuwa sa mukha ng lalaking iyon habang magkayakap sila habang nakatayo naman ako 'di kalayuan sa kanila pinapanood ang eksenang iyon sa harapan ko at wala akong kahit anong maramdaman, mapapansin na masaya rin ang babae ng makita niya ang lalaking 'yun. Matapos maghiwalay sa pagkakayakap ang dalawa ay agad na rin itong umalis, tanaw ko ang dalawang naglalakad ng sabay papalayo sa'kin at ang plano ko sanang gawin na pagkausap sa kanya ay 'di ko na nagawa.
Kay lupit nga ng tadhana hindi manlang ba n'ya ako bibigyan ng pagkakataon na sumaya kahit pansamantalang saya lang sana.
Bagsak ang mga bilakat kong naglakad pabalik at umakyat ng hagdan para tunguhin ang aking silid-aralan.
Nang makapasok na ako ay agad kong tinungo ang upuan ko na walang ginagawang ingay, wala pang guro at karamihan ay mga kamag-aral ko pa lang ang nandito sa lahat ng kaklase ko iilan lang ang nagtangkang kausapin ako maliban kay Fenn, si Fenn lang ang nakakausap ko dito madalas kasi alam nila na kahit anong pagkausap ang gawin nila sa'kin wala silang makukuhang tugon mula sa akin.
Hindi ko kailangan ng kahit sino na wala naman maiaambag sa buhay ko.
"Dawin gusto mo ng sandwich ginawa ko 'to para sa'yo." malanding saad ni Amanda sa'kin habang nakalahad sa harap ko ang isang baunan na may lamang pagkain na tinawag nilang sandwich, si Amanda ang pinaka pinandidirihan kong babae sa silid na 'to, isa siya sa mga sumusubok na kausapin ako pero hindi ako basta-basta para mag pa uto sa suhol niya na tinapay lang naman.
"Tsk," pagsusungit ko rito.
Nakatayo ito sa harapan ko at umaalingasaw na naman ang nakasusulasok na amoy ng kanyang pabango ang makapal na kulurete nito sa mukha ang dahilan kung bakit hindi ko kayang titigan ang mukha niya na tinalo pa ang nasubsob na mukha sa harina. Upang iwasan siya binaling ko na lang ang tingin ko sa malayo.
"Napaka hirap mo naman kausapin napakarami ko nang binibigay sa'yo hindi mo manlang tinatanggap ayaw mo ba sa'kin?" maarteng saad pa rin nito at naupo pa sa tabi kong bakanting silya.
"Gusto ko," malamig kong sambit.
"Ayiee talaga gusto mo 'ko, guys Dawin likes me na my gosh!" pinagsigawan pa nito sa buong silid namin na alam kong narinig naman ng lahat.
"Amanda asa pa more!" pangangantiyaw ng isang babae naming kamag-aral.
"Ulitin mo nga 'yong sinabi mo gusto mo na ako 'di ba?" pagpipilit nitong ulitin ko ang sinabi ko.
"Gustong-gusto kong maglaho ka sa paningin ko ngayon, nakakasira ka ng araw." malamig kong sambit pa rin kasabay ng hagalpak na tawanan ng lahat na nakarinig sa sinabi ko.
"Naku Amanda maghintay ka munang pumuti ang uwak bago ka magustuhan n'yang si Dawin, baka nga mas magaganda pa ang mga katulong nila kisa sa pagmumukha mo," sumabay sa pang-aasar si Fenn rito.
"Shut up Fenn darating din ang araw na magugustuhan ako ni Dawin at hihilingin ko talaga sa kupidong panain niya kaming dalawa." maarteng saad pa rin nito.
"Asa kang papanain kita, baka ako ang pumana sa pagmumukha mong nakakairita." Pabulong kong sabi na alam ko namang walang nakarinig.
"Wait for that time Dawin, the cupid arrow's will hit us together at pagnangyari 'yon magsasama tayo ng masaya baby."
Nakakadiring pakinggan ang mga sinabi niya kahit wala akong naintindihan sa una niyang sinabi.
"'Wag kang managinip ng gising binibini masasaktan ka lang sa huli," saad ko rito.
"Wala kang magagawa para pigilan akong 'wag managinip kasi alam ko namang may patutunguhan?"
"WALA!" sabay-sabay na sigawan ng iba upang insultuhin pa lalo si Amanda.
"Alis ka na nga jan sa upuan ko wala ka nang matinong pinagsasabi, 'tsaka alam mo ikaw kahit maghubad ka sa harapan n'yang si Dawin wala kang mapapala hindi ka manlang pag-aaksayahan niyang tingnan tigalan mo na ang pantasya mo alis na jan." masungit na pagtataboy na ni Fenn kay Amanda upang paalisin na ito sa upuan niya.
"Alam mo napaka epal mong animal ka baka kayo ang may relasyon kaya ayaw mo sa'kin para sa kanya tama ba?" bulyaw na ni Amanda kay Fenn.
"Aba sira ulong 'to hindi ako bakla hayop."
Ikinagulat ko pang walang pagdadalawang isip na binatukan ni Fenn si Amanda.
Gustuhin mang gumanti ni Amanda ay hindi nito nagawa ng tumahimik na ang paligid dahil sa pagbukas ng pinto ng silid at pumasok si Ginang Lisa ang unang guro namin ngayong araw.
"Go back to your seat everyone." pautos nitong sabi, kaya agad namang bumalik sa kanya-kanyang upuan ang mga kamag-aral ko. Halos kalahating taon na akong nag-aaral pero wala pa rin akong naiintindihan na Ingles kailangan ko ng maraming oras para mag-aral suwertihan na lang kung tagalog ang sinasabi ng mga guro para mas madali sa'kin.
Tumayo sa harapan ang guro namin mukhang may iaanunsyo siya, napalingon ako sa katabi ko ngunit wala naman si Fenn. Akala ko naman dito siya mauupo kaya niya pinaalis si Amanda pero buti nga 'yan upang walang mag-iingay sa'kin nakakarindi rin ang bunganga ni Fenn..
"Students before we start gusto ko lang sabihin sa inyo na may bago kayong kaklase sa course na 'to kaka-transfer niya lang kahapon kaya kayo na ang bahala sa kaniya at p'wede niyo siyang kaibiganin. Home school siya dati kaya hindi siya sanay ng marami sa klase kayo na bahalang tumulong sa kanya maaasahan ko ba 'yon?" saad ng guro pero wala naman sa'kin ang intensyon na pakinggan ito dahil wala akong gana makinig ngayon.
"Yes po!" sabay-sabay na sagot ng ilan.
"Miss Amper please come in." Tawag nito sa may pinto at nagsimulang pumasok ang tinutukoy nitong Amper pero biglang napako ang tingin ko rito na hindi makapaniwala sa nakita ko, kaya pala ngayon ko lang siya nakita kasi bago lang siya rito.
Hindi ako nito napansin at ipinagpapasalamat ko 'yun ayaw ko nang sirain ang araw niya kaya mas mabuting umiwas na lang.
"Introduce yourself to them," saad pa rin ng guro.
"Good day everyone, I'm Linnea Amper you can call me Nea for short." pakilala nito sa sarili niya sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang ngiti, ngayon ko lang nasilayan ang ngiti n'yang 'yun na hindi ko alam kung bakit para bang nahihipnutismo nito ang pagkatao ko at hindi ko mapigilang titigan ang ngiti n'yang iyon.
"Okay Ms. Amper p'wede kanang maupo sa bakanting upuan katabi ni Mr. Zidia."
Ikinagulat ko ng tawagin ng guro ang apelyedo ko napalingon pa ako sa paligid ko at do'n ko lang napansing bukod sa isang bakanting upuan katabi ko ay wala nang iba pa.
Pagminamalas ka nga naman iiwas na nga ako, tadhana 'wag muna akong pahirapan ng ganito.
Muli akong napatingin sa unahan at doon nagtama ang paningin naming dalawa ni Linnea, biglang nawala ang matamis na ngiti nito sa labi at napalitan ng pagkagulat marahil ay hindi siya makapaniwalang ako ang makikita niya at makakatabi pa niya sa upuan.
Nagsimula nang magbago ang emosyon nito na tila ba napalitan ng inis, agad ko nang iniwas ang paningin ko rito dahil mukhang 'di ko na kakayaning nakipagtitigan sa kanya ng matagal.
"Maupo ka na iha upang makapagsimula na tayo." pautos na saad pa ng guro, hindi ko na tiningnan pa si Linnea upang hindi ko na madagdagan ang inis nito sa'kin.

Comentário do Livro (59)

  • avatar
    AvelinoApril rose

    nice story,nakaka 😊

    24d

      0
  • avatar
    Raniya L Mamintal

    nice this game

    15/05

      0
  • avatar
    AconoBryan

    5000

    02/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes