logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

HC 3

KABANATA 2
DAWIN
Nararamdaman ko na ang lamig ng simoy ng hangin na yumayakap sa buo kong katawan mula sa aking kinauupuan kaya binalak ko nang umalis sa lugar na iyon, ngunit naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko at ilang beses pa akong napalunok ngunit tila yata sumasakit ang lalamunan ko, baka kailangan ko na ulit makainom ng alak upang maalis ito.
"Hmmm." sinubukan ko pang klaruhin ang lalamunan ko na ipinagtakang namamalat na rin yata ang boses ko.
Mabilis kong naalala si Fenn, si Fenn ang isa sa taong kilala ko sa lugar na ito at nahihingan ng tulong lalo pa at wala akong masyadong alam sa lugar na ito, dalawang taon ko na din siyang kilala at sa kanya ko nalaman na paaralan pala ang tawag kung saan natututo ang mga tao kaya naman nag desisyon ako na mag-aral sa mundong ito at natututong bumasa ng ibang mga lengguwahe.
Pinike ko lahat ng dukomentong kailangan sa paaralan para makapasok ako bilang college student ganoon ako katalino.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko para tawagan si Fenn, ang cellphone ay tinuro rin niya sa akin kung paano gamitin ngunit hindi ito gumagana pag nasa mundo ako ng mga kupido kaya dito ko lamang ito nagagamit.
Mabilis na nag ring ang numero niya ng tawagan ko.
"What sup dude kanina pa kita kinukontak bigla-bigla ka na lang nawawala asan ka ba malapit kanang palayasin dito kasi alam mo 'yong land lady kanina galit na galit dahil sa lahat ng kwartong pinuntahan niya sa'yo lang ang subrang gulo tinalo mo pa raw 'yong may nililimlimang pugad sira ulo ka talaga." mahabang satsat nito na hindi manlang ako nagawang pagsalitain muna walang'ya.
Si Fenn din ang kasama ko sa dorm na tinuluyan ko sa mundong ito.
"Sabihin mo pag naguguluhan s'ya sa silid ko edi siya mag-ayos wala akong oras sa mga bagay na 'yan," reklamo ko rito.
"Gagi ka talaga asan ka na ba kasi bigla ka na lang nawala kanina, may klase tayo nag cut ka na naman."
"Wala akong oras para sagutin ang mga tanong mo, may itatanong lang ako sa'yo kaya ako tumawag."
"Sige ano ba 'yon?"
"Itatanong ko lang kung ano bang gamot sa masakit ang lalamunan dito sa mundo ng mga tao?" mahina kong tanong dahil nawawalan na rin ata ako ng boses.
"Mundo ng mga tao?" nagtatakang tanong nito kasabay pa ng paghagalpak nito ng tawa. "Bakit nasa mundo ka ba ng mga aliens potangina ka patawa ka talaga madalas gagi, hindi ko malaman kung saang planeta ka ba talaga nanggaling." halakhak pa rin nitong sabi na ikinabuntong hininga ko.
"Seryosong tanong nga anong gamot sa masakit ang lalamunan?" naiinis ko nang tanong.
"Gusto mo malaman, makinig ka uminom ka ng..." pambibitin nito sa sasabihin niya.
"Ng ano?" inip ko namang tanong.
"Inumin mo 'yong ihi mo iyong kakalabas pa lang para medyo mainit-init." humagalpak itong muli kakatawa matapos n'yang sabihin iyon.
"Tangina pinagluluko mo ba ako?"
"Ano sa tingin mo?" balik na tanong nito.
"Tsk walang hiya ka."
"Kulang ka lang sa alak dude inom well." nang-aasar nitong sambit at kasabay no'n ay pinatayan na ako nito ng tawag, wala manlang naitulong ang walang hiya.
Mabilis na akong tumayo at pinalitaw ang pakpak ko para humanda na sa paglipad, tumalon na ako sa mataas na gusaling iyon at lumipad sa himpapawid, tanaw ko ang maliliwanag na ilaw sa baba pero hindi ko na pinansin pa iyon dahil ang nais ko na lang ngayon ay ang makauwi, mabilis akong lumipad upang makauwi sa dorm na tinutuluyan ko.
Nang matanaw ko ang isang madilim na parti ng lugar ay doon ko napagpasyahang bumaba at para wala ring makakakita sa'kin. Ang madilim na lugar na iyon din kasi ang daan patungo sa dorm ko.
'Di kalayuan kung saan ako bumaba ay may narinig akong ingay, hindi ko malaman kung saan nagmumula iyon dahil madilim at sinag lang ng ilaw sa medyo malayong pusti ang nagbibigay ng liwanag.
"Anong gagawin n'yo sa akin maawa kayo..." tinig ng isang babae na tila takot na takot ang nagbigay kuryusidad sa akin upang alamin kung ano ang nangyayari at kung saan nagmumula ang ingay na iyon.
Sinubukan kong maglakad upang lapitan at alamin kung saan nagmumula ang naririnig ko.
Madilim ang lugar kaya hindi ko makita ang mukha ng mga ito maliban sa kanilang pigura na nasisinagan ng kaunting liwanag.
"Tulong! tulungan niyo ko!" malakas na sigaw ng babae habang humihingi ng tulong ang sunod na umalingawngaw, walang ibang tao akong nakikita kaya walang ibang makakatulong sa kanya maliban sa akin. Ngunit hindi ako magpapakabayani para lang sagipin siya sayang lang sa oras tss.
"Walang makaririnig sa iyo dito miss kaya 'wag kang mag-alala kami bahala sa'yo," sambit ng isang bruskong tinig na nakakakilabut pakinggan, sa tono pa lang ng pananalita niya mapapansing walang magandang itsura ang lalaki.
"Kapag sinusuwerte ka nga naman oh," saad naman ng isa pa na ba nananabik nang mahawakan ang babae.
Base sa pigurang nakikita ko, tatlong lalaki ang mga ito habang balak pagsamantalahan ang isang babae.
Panay ang atras ng babae na kasalukuyang nakasadlak na sa sahig, na halos nanginginig na rin sa takot.
"Tulong!" pagsigaw nitong muli sa abot ng kaniyang makakaya kahit batid niyang walang makaririnig.
"Huwag ka nang magsayang ng boses kasisigaw miss walang makakarinig sa'yo," muli na namang saad ng bruskong boses.
"Mga hayop kayo!"
Nakita ko na ang pag lapit ng tatlong lalaki habang pilit na nagpupumiglas at lumalaban ang babae sa kanila, ayaw ko mang makialam dahil aksaya lang sa oras ay tila ba mayroon sa loob kong nagsasabing tulungan ang babaeng iyon.
Sa madilim na parte kong saan ako nakatayo ay dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kinaroroonan ng mga ito.
Mukhang napansin nila ang yabag ng sapatos na papalit sa kanila kaya naalarma ang mga ito. At halos mapakaripas ng takbo ang tatlong lalaki ng madapo ang tingin ng mga ito sa'kin.
Napaatras sila ng mabilis na labis kong ipinagtaka. Ako lang pala ang katapat ninyo ang lalakas ng mga loob ninyong mga hayop kayo.
Ngunit nang mabaling ang tingin ko sa babae ay mas takot na takot pa ito sa akin kumpara sa mga lalaking balak siyang pagsamantalahan. Doon pa lang ako napalingon sa sarili ko nakalimutan ko nga pala na itago ang pakpak kaya siguro ganoon na lamang sila kagulay at takot, ngunit hindi na ito ang mahalaga kahit makita pa nila ang pakpak ko basta mailigtas ko ang babae sa mga masasamang lalaking ito.
'Teka nga kailan pa ba ako nagkaroon ng awa? Wala naman yata iyon sa bukabularyo ko.' naitanong ko sa isip ko.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad papalapit sa kanila at halos masubsob ang mukha ng isa sa semento sa subrang pagmamadaling kumaripas ng takbo papalayo ganoon din ang dalawa pa.
"Ako ang subukan niyo, mga duwag!" habol ko pang sigaw sa mga ito ngunit agad na silang nawala sa paningin ko sa subrang bilis ng mga takbo na tila hindi na importante pa kahit madilim basta makalayo lang sila.
Muli kong binalingan ng tingin ang babae, madilim man ang lugar pansin kong nanginginig pa rin ito sa takot at halos na istatwa na ang katawan sa sahig na iyon at hindi na nagawang makagalaw pa.
Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit bigla ko na lang itong binuhat at mabilis akong lumipad papalayo sa lugar na iyon, lumipad ako habang buhat ko ang babae na ang nais ko sanang gawin ay iwan na lang ito roon dahil wala na rin naman ang mga masasamang lalaki.
"ASWANG!" nakakabinging sigaw nito na nakatapat pa mismo sa tainga ko. Kasabay ng sigaw niyang iyon ay ang pagpupumiglas niya sa kapit ko, gustuhin ko man siyang bitawan ay dilikado dahil nasa taas na kaming parte ng himpapawid at lumipad.
'Kay lakas naman ng loob n'yang tawagin akong aswang, may aswang bang ganito kagwapo hmp,' napasinghal pa ako sa isip na hindi ko nagawang isatinig.
"Bitawan mo 'ko maawa ka! ahhhhh!" patuloy nitong sigaw sa akin. Bitawan ko raw siya kaya binitawan ko naman agad, masunurin ako e.
Mabilis kong binitawan ang mahigpit na pagkakakapit ko sa kanya at mabilis itong bumulusok pababa. Patay kung patay pag sinasabi sa akin ginagawa ko.
"WAHHHHHH!!! TULONGGGGG!!!" malakas muli nitong sigaw upang humingi ng tulong habang mabilis na bumubulusok na ang katawan nito pababa, hindi ko rin sigurado kung ano ang tatamaan niya pag bumagsak siya sa lupa.
"WAHHHHHHHHHH!!!!"
Mabilis kong hinabol ang bilis ng pagbagsak niya at agad ko namang nahawakan ang kamay nito saka ako huminto sa paglipad upang huwag siyang tuluyang bumagsak.
Nanginginig na ang katawan nito sa subrang takot hinawakan ko ang bewang nito upang balansihin ang bigat naming dalawa ngunit ikinagulat kong bigla na lang itong yumapos sa akin ng napakahigpit dahilan para matigilan ako, hindi ko nagawang makagalaw habang nakahawak ang kamay ko sa bewang niya tanging pagkampay sa hangin ng aking mga pakpak ang nagawa ko upang panatalihin ang paglipad ko.
Dahan-dahan kong binaling sa mukha niya ang paningin ko at doon nagtama ang paningin naming dalawa, hindi malinaw sa akin ang lahat nang nakikita ko ngunit tila ba may kuryenteng dumadaloy sa pagitan nang tingin na iyon na subrang nakakapanibago sa akin, ngunit kung ano man ang nararamdaman ko ay sinubukan ko agad na pigilan.
"Isa pang salita mo hindi na ako magdadalawang isip na tuluyan kang ihulog dito." namamaos na boses kong sambit sa kanya at hindi na nga ito pumalag o kahit makapagsalita pa, mabilis ko nang pinagaspas ang pakpak ko para lumipad paakyat upang humanap ng lugar kung saan ibaba ang babae at masiguradong ligtas na ito.
"Hanggang sa muling pagkikita binibini," walang emosyon kong saad rito ng maibaba ko siya sa isang parke kung saan malayo sa mga tao.
Hindi ko na hinintay na sumagot ito at mabilis na ulit akong lumipad papalayo upang makauwi sa dorm ko upang makapagpahinga.
LINNEA
"Miss nandito na tayo." saad ng taxi driver dahilan para bumalik ang diwa ko mula sa malalim na pag-iisip, mabilis kong binayaran ang driver at agad akong bumaba. Mabuti na lamang at hindi ko nahulog ang pitaka sa bulsa ng pantalon kong suot.
Diretso rin akong naglakad papasok ng dorm habang wala pa rin sa sarili, hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari sa'kin na hindi ko pa rin magawang iwaglit sa isip ko.
"Linnea hoy anong mukha iyan sabog ka ba kakalipat mo lang ngayong araw paano kita kakausapin kung ganyan ka," paninita ni Ada sa'kin ng makapasok ako ng kwarto ko, si Ada ang kaibigan ko at magiging ka-room mate ko sa dorm na ito.
"There's something strange happened to me, I don't know how to explain it." wala pa rin sa sariling saad ko at naupo na sa kamang nakalaan para sa'kin.
"Anong sinasabi mo, share mo naman ano ba 'yon?" naka pamaywang pang saad nito upang kulitin ako kaya kahit alam kong hindi nya ako paniniwalaan ay susubukan kong sabihin sa kanya.
"Alam kong hindi mo 'ko paniniwalaan pero totoo 'to nakakita ako ng demonyo," walang preno kong saad sa kanya pero napailing ako bigla dahil mukhang hindi naman demonyo 'yon e.
"Ay hindi, aswang pala nakakita ako ng aswang, teka hindi e hindi aswang 'yon kasi hindi nakakatakot yung mukha niya, anghel nakakita ako ng anghel may pakpak tapos nilipad niya ako," mabilis kong saad sa kanya ngunit pinandilatan niya lang ako ng mata kasabay ng paghagalpak nito ng tawa.
"Hahahaha nagpapatawa ka ba anong pinagsasabi mo, demonyo, aswang tapos anghel ano ba talaga 'yon ang gulo mo?"
"Basta hindi ko rin alam kung anong klaseng nilalang siya pero may pakpak siya tapos lalaki itim 'yong damit tapos itim din iyong pakpak niya hindi ko ma-explain basta," naguguluhan ko nang sabi.
"Hahahaha." Sinubukan ko ulit ipaliwanag sa kanya ngunit mas tumindi lang ang tawa nito sa'kin.
"Alam mo simula pagkabata alam kong adik ka sa mga fairytale eh, hanggang ngayon ba naman adik ka parin hoy teh kahit sino pang kwentuhan mo n'yan hindi ka paniniwalaan tigilan mo na ang pagbabasa ng mga fantasy dahil na iimagine mo na sa real world gaga ka," panunumbat nito sa'kin dahilan para mapabuntong hininga na lang ako.
"It's true believe it or not it's true Ada he save me in bad guys and I see him with my two eyes." pagpipilit ko pa sa kanyang paniwalaan ang mga sinasabi ko.
"Oh come on gusto ko mang paniwalaan 'yang sinasabi mo pero malabo naman yatang makakakita ka ng ganyan sa panahon ngayon, halika na kumain na tayo baka nalipasan ka na ng gutom."
"I'm not hungry," tanggi ko rito.
"Stop day dreaming girl baka guni-guni mo lang 'yan."
"Okay fine alam ko namang 'di mo 'ko paniniwalaan."
"Aba sino maniniwala sa sinasabi mo, kung 3 years old lang sana ako baka naniwala ako sa mga pantasyang na iimagine mo pero ngayon hindi eh walang gano'n girl," mataray nitong saad pa sa'kin.
Malalim pa ulit akong napabuntong hininga sa mga sinabi nito, baka sa isip niya gawa-gawa ko lang ang kwentong ito, alam n'yang mahilig ako sa mga fairytale at fantasy story kaya niya nasasabi pero alam ko sa sarili kong totoo lahat 'yon kasi muntikan pa akong mamatay ng ihulog ako ng lalaking may pakpak.
Siguro mas mabuting sasarilinin ko na lang 'to kasi kahit sino pa ang pagsabihan ko wala naman maniniwala.
"Ano 'di ka ba talaga sasabay sa'kin tara na kumain ka na," pamimilit ulit nito sa'kin pero muli ko s'yang tinanggihan.
"Ikaw na lang magpapahinga na ako."
"Sure ka ah bumaba ka na lang pag gutom ka," saad pa nito na tinanguan ko na lang at agad na rin s'yang lumabas ng kwarto.
Mabilis na akong nag ayos saka naligo para makapagpahinga na, matapos maligo ay binuksan ko muna ang notes ko para tingnan kung anong schedule ko bukas,
'8:00 am - first day' basa ko sa unang notes na nakasulat, bukas nga pala ang unang araw ko sa bagong school na papasukan ko.
Si Ada ang nanghikayat sa'kin na magtransfer sa school na pinapasukan niya para magkasama raw kami kaya kakalipat ko lang dito kaninang umaga sa dorm kasama si Ada.
Sa kauna-unahang araw ko sa lugar na 'to, di ko lubos akalaing ganito ang sasalubong sa'kin at mangyayari 'yong kanina, nakakatakot na hindi ko maipaliwanag dahil nakakita ako ng lalaking may pakpak na hindi ko malaman kung anong klaseng nilalang.
Ako si Linnea Amper labing walong taong gulang ang babaeng adik sa fairytale story sa lahat ng disney princess na napanuod ko hindi ko alam kong bakit si Snow White ang pinaka paborito ko at kahit ulit-ulitin kong panoorin o basahin ang story niya ay hindi talaga ako nagsasawa.
Napasulyap pa ako sa isang note ko na Snow White rin ang design, napakarami kong gamit na lahat Snow White ang design ganoon ko siya kapaborito.
Matapos kong mablower ang buhok ko ay nagpasya na akong magpahinga at dina kumain dahil wala na rin naman akong gana. 'Di ko na hinintay na makabalik si Ada sa kwarto at tuluyan na akong nakatulog.

Comentário do Livro (59)

  • avatar
    AvelinoApril rose

    nice story,nakaka 😊

    24d

      0
  • avatar
    Raniya L Mamintal

    nice this game

    15/05

      0
  • avatar
    AconoBryan

    5000

    02/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes