logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 6 WINTER TORNADO

Lumabas sa pintos si Alfredo. Bumungad sa kaniya ang sundalong sina Zion at Emmanuel. "Napadalaw ka pala pinunong Alfredo. Kumusta ka?" masayang pagsalubong ni Emmanuel.
"Mabuti naman. Ako'y napadalaw lamang para sa aking asawa at sa aking pamangkin. Nakikiramay na rin ako."
"Sa iyong pamangkin?" si Zion.
"Oo, akin siyang dadalhin sa Iceland upang makapag-aral."
"Mabuting balita iyan, pinunong Alfredo."
Lumabas si Thymmze kasama ang mga taong bumisita sa kanilang bahay. "Mag-iingat ka anak," bilin ni Justina.
"Mag-iingat kayong dalawa," saad ni auntie Leave. Niyakap nito ang asawa.
Ang ingat sa kalangitan ay isang hudyat na nandyan na ang sundo nila. Tumakbo si Tomtom kay Thymmze. "Oo, isasama kita," saad ni Thymmze sa alaga.
Napabugtong hininga ang lahat. "Baka hindi mo maalagaan ang husky, Thymmze."
Sinagot niya si Emmanuel. "Magtiwala ka samin ni Tomtom. We can survive together."
"Tomtom can be your genuine friend. Just treat this husky better," komento ni Rose.
Ang ibang tao sa Hartville ay na-intriga sa Helicopter. Sila'y muling nagulat na aalis itong muli.
"Mag-iingat ka Thymmze Kalamity sa iyong pag-alis. Asahan mo kami ay narito at naka-suporta sayo," si Levy na sumaludo sa binata.
Baba ang helicopter ng dahan-dahan. Mahangin kaya't mas lalong lumamig ang paligid. Jacob can't smile anymore. Suzi Incarnadine was surprised. Ang hiing niya ay natupad na ngunit nakita niya, nahulaan niya ang mangyayari sa pag-alis ni Thymmze.
This is the consequences when Thymmze leave in this place. "Bakit ka pa aalis?" Suzi asked him.
"Mukhang nagulat kayo. Kakaiba ang kaba sa inyong mukha."
She gulped. Hindi niya pwedeng ilahad ang magaganap basta-basta sa mga taong naroon. "Maari ba kitang makausap?" she pleased him but Alfredo pulled Thymmze.
"Rose habulin mo siya!" utos niya sa anak.
"Ma, hindi pwede. Kailangan na nilang umalis."
"Bakit, Suzi, may problema ba?" tanong ni Emmanuel. Hindi masambit ni Suzi na isa si Emmanuel ang problema sa kaniyang mga hula.
"Wala ho, tara na Rose. Umuwi na tayo." Hinila niya ang anak kaya pinanood ito ni Jacob. Ang binata ay may hula na may nakita itong hindi maipahayag.
"Panghuhula lamang ang kaya niya ngunit hindi naman ibig-sabihin na mangyayari ang prediksyong nasa isip niya," mahinang sambit niya kay auntie Leave.
"Hindi naman lahat. Madaming maling hula ang nasabi niya noon. May pinangangambahan ka ba?"
"Ilan lamang doon ang natupaf, auntie Leave. Paano kung masama pala ang pangitaing nakita niya?"
"Hindi ko masasagot iyan."
Tumango si Jacob, pinanood sa kalangitan ang helicopter na sumundo sa dalawa. Si Thymmze ay kumakaway. Iniingatan si Tomtom. Kinakabahan ito para sa obligasyon niya sa husky ng ama.
"Hard-headed Thymmze Kalamity. Isinama ang husky," sarcastically Jacklyn said.
Pinanood nila ang unti-unting pagbaha ng niyebe sa lupa. Sila ay nagsipasok na sa kanilang mga tahanan. Habang si Jacklyn ay napa-isip sapagkat tama nga si Thymmze na hindi dapat nagtatanim.
"Kasalanan ito ni Planteer!" pagninisi niya sa taong nasa loob ng tahanan at inaayos ang kanoyang halaman.
Kumatok si Jacklyn. "Mali ang turo mo, sabi mo itanim ko sa bakuran namin!"
"Bakit nagre-reklamo ka sa'kin? Tama naman ang sinabi ko ngunit hindi sa ganitong panahon na taglamig ka magtatanim."
"Dapat sa paso..." Jacklyn remembered about Thymmze words.
"Oo, gayon nga."
Pinatuloy ni Justina ang mga sundalo. Inihayag na nais lamang nilang lumayo upang makapag-isip-isip ngunit hindi parin naging sapat ang dahilan niya.
"Mukhang nababahala ka sa itatalagang pinuno, Mrs. Justina," si Zion.
"Hindi naman."
Isinantabi ni Emmanuel ang usapang iyon at tinapos. Humigop ito ng kaniyang kape. Inilahad niya ang balak niya para sa Hartville na bigyan ang mga kababaihan ng trabaho.
"What kind of work are you offering, sir?"
"We plan to build a laundry for women."
Hindi nagustuhan ni Justina iyon. "Upang gawin niyong taga-laba? Sa palagay ko, hindi magandang ideya iyan."
Naupo so Auntie Leave matapos ihanda ang panibagong meryenda sa lamesa. "Laudry, mas mainam ko magtayo kayo nito para sa lalaki at para sa babae. Magkahiwalay."
"Maganda nga ang naisip mo, Leave. Ngunit ito ay balak palang namin at wala pa sa plano."
"Kung gayon, mauuna na kami. Maraming salamat sa meryenda," saad ni Zion. Kinuha ang coat sa sabitan.
Samantalang si Thymmze ay hindi mawari ang nasa kalooban. Natatakot siya para sa ina na iniwan niya. Sa alapaap ay nagdadasal siya na gabayan siya ng kaniyang ama at ingatan ang kaniyang ina.
"Huwag kang matakot, hijo," pagpapakalma ni Alfredo. "Makauuwi ka din sa tamang oras."
Sa ilang oras na paglalakbay ay may inanunsyo ang piloto na ikinatakot ni Thymmze. "Mabuti at hindi natin naabutan ang tornado."
"Pardon please?" Thymmze began to worry.
"May nagaganap na malakas na winter tornado sa lugar kung saan ko kayo sinundo."
"What! No!" He exclaimed. "Uncle Alfredo! My mother and autie Leave!"
"Kumalma ka bata, tatawagan ko sila upang masiguro ang impormasyon na iyon."
Ngunit mas nag-panic ito at nais bumalik sa Hartville. "Uncle!"
"Hello! Leave? Kumusta kayo?" Alfredo sighed. Magpapanic na din ito ngunit hindi niya pinakita sa binata. Wala itong kausap sa kaniyang telepono. "Nawalan ng signal... Tatawagan ko sila kapag nakababa na tayo."
"May sumagot?" nanlaki ang mga mata ni Thymmze. Kakaiba ang kaba nito na hindi niya maitago.
"Oo," Alfredo lied to him.
"Unang pagkakataon kong madinig ang winter tornado. Sana walang nabawian ng buhay." Thymmze can't stop thinking about it.
Ang piloto ay ngayon lamang nadinig ang lugar na Hartville. Nais nitong magtanong ngunit hindi niya na itinuloy pa. It feels like strange to him.
"Mr. Thymmze, what year were you born?"
"Mr. Pilot, don't ask anything!" Alfredo was shocked to his question.
"My apologies, sir."
Naguluhan si Thymmze. "Anong nais mong ipabatid?"
Si Emmanuel ay nagpasimula ng plano. Sapagkat tapos na ang bahay niya ilang linggo na ang nakalipas. Nais niya namang gawing katulong si Justina sa kaniyang bagong bahay.
Auntie Leave knew about it kaya naghanda na siya. "Mag-empake ka Justina. Lisanin na natin ang lugar na ito."
Ngunit bago pa sila lumisan ay malakas na ihip ng hangin ang sumalubong sa kanila kaya napapasok sila sa loob.
"This is the real disaster!" sigaw ni Suzi. "Rose protect yourself!"
Madami ang nagibang bahay matapos dumaan ang winter tornado na iyon. Pati na rin ang kakatayo pa lamang ni Emmanuel ay wasak na kaagad.
"Ang paglisan niya pala ay isang sumpa," natatawang pahayag ni Levy.
"Kung gayon siya ang kapayapaan ng Hartville," gulat na saad ni Zion.
"Hindi maari! Siya ay isang anak lamang ng dating pinuno!" sigaw ni Emmanuel.
Dumating si Sexton matapos mabalitaan iyon. "Mukhang wala na kayong pag-asa."
"May usapan na tayo Sir Sexton," pagpapaalala ni Emmanuel.
"Tanda ko subalit paano kayo ngayon na wala na si Mr. Thimmy Kalamity?" Bumaba ito sa kaniyang kabayo. Ang mga tauhan niya ay nakabantay lamang sa kaniya.
Lamig na lamig ang mga taong naroon gayon na wala na silang mga tahanan sa gitna ng taglamig. Lumabas si Justina, sumakay sa kabayo na dati ay pagmamay-ari ni Thimmy, ang kaniyang asawa.
"Mga minamahal kong mamamayan ng Hartville. We need to find a shelter before we die here. Hindi ko gusto ang pamumuno ni Sir Emmanuel. Ngayon lamang akong magsasalita para sa kaligtasan natin," matapang na pahayag niya.
Pinakinggan siya ni Sexton. "You have the rights, the power. Go on!"
"Sandali lamang, nasa iisang bayan tayo kaya dapat magkaisa ang lahat!" Pinaglalaban ni Emmanuel ang karapatan niya. "Let me decide para sa kaligtasan natin."
Umiling si Justina. "Kung gayon, aalis na'ko sapagakat ayokong kasama ka."

Comentário do Livro (44)

  • avatar
    Darwin Dela Cruz

    hahahahw

    28d

      0
  • avatar
    AndozonRachelle

    khuuuiii

    18/08

      0
  • avatar
    Meljhon Labs

    please

    21/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes