logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 5

(Ringtone ng Nokia)
“Hello, Mr. Mortell! Yes po. Okay na po siya. Naku, maraming salamat po! Sige po at sasabihin ko sa kanya. Salamat po ulit!”
Lumingon sa akin si Ninong at masayang ibinalitang all paid na raw ang expenses ko dito sa hospital. Napakalaking tulong daw ng ginawa ko para malaman kung sino ang gumagawa ng kalokohan sa business niya. Naiyak na naman tuloy ako.
Itinanong ko na rin kay Ninong ang kabuuang kwento ng pagkakaligtas nila sa akin. Medyo nagtagal yun hanggang sa pakiramdam ko ay inaantok na ako kaya ayun, nakatulog na ako.
“Bianca..
“Bianca..”
Bigla akong nagising. Panaginip lang pala yun. Nilingon ko ang bintana at ang dilim na. Pagtingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding, pasado alas dose na pala ng hatinggabi. Ang haba pala ng itinulog ko. Nakita ko rin ang pagkain sa la mesa. Gutom na gutom ako. Tumayo ako dahil feeling ko ay kaya ko na. Pumunta ako sa table at tinanggal ang plastic na nakataklob sa pagkain. Kumain ako na para bang isang linggong di pinakain. Kahit na medyo namamaga pa rin ang aking pisngi ay di ako nagdahan-dahan sa pagnguya at nakagat ko na nga ang aking labi. Napahawak agad ako sa aking bibig at dali-daling kinuha ang bottled water sa mesa. Nawalan agad ako ng gana at dumiretso sa cr na nasa loob ng kwarto. Habang nasa loob ay narinig kong bumukas ang pinto. Bigla akong tumahimik sa loob ng cr at nakiramdam. Narinig kong parang may ibinaba siya sa mesa. Kabang-kaba ako dahil narinig ko ring ini-lock niya ang pintuan. Pinakinggan ko ng maigi ang bawat kilos niya hanggang sa napansin kong papalapit ang foot steps niya sa cr.
“Sino yan?! Huwag mong tatangkaing pumasok dito sa loob kung hindi, masasaktan ka!”
Wala akong naririnig na reply niya.
“Umalis ka na dito! Tumawag na ako sa front desk!” kahit ang totoo eh naiwan ko ang cp ko sa tabi ng higaan ko at telepono naman talaga ang pantawag sa front desk.
Narinig kong nagmadaling naglakad palabas yung tao at isinara ang pinto. Nagstay muna ako ng ilang minuto sa loob ng cr para makasiguradong wala na talaga yung taong yun. After ng ilang minutong pagkukulong, may biglang kumatok sa pinto. Isang boses ng babae ang tumawag sa pangalan ko.
“Ms. Bianca….”
Lumabas na rin ako nang mapalagay na nurse yung tumatawag sa akin. May iniabot siyang gamot na kailangan ko raw inumin para hindi ako pagsaktan ng tyan. Hinintay niya muna ako makainom bago iabot sa akin ang isang supot.
“Ms. Bianca, nakita ko ‘to sa labas ng kwarto mo.”
“Ahh sige po, makikilagay na lang po dyan sa mesa. Ah! Siyanga po pala, may nakita ba kayong lumabas sa kwartong ito kanina bago kayo pumasok?”
“Hm, wala naman akong nakita. Saka, gabi na rin kaya madalang na ang nagvivisit. Siyanga pala, sabi ni Doc., bukas daw ay pwede ka ng lumabas. Based naman sa mga check-ups na ginawa sa’yo, maayos naman. Niresetahan ka na lang ng pain killer if sumakit ang tyan mo saka vitamins pampalakas ng katawan.”
“Ah ganun ba? Narinig ko kasing may pumasok dito kanina kaya nagtago ako sa cr. Wala ka ba talagang nakita?”
Nag-smile lang si Ate nurse at lumabas na. Dali-dali akong sumunod para i-lock agad ang pinto sa takot na baka bumalik ulit yung tao kanina. Papanatilihin ko na lang na naka-lock yung pinto para safe ako hanggang bukas. Tumingin ako sa supot na nasa la mesa. Pinagmasdan ko siyang maigi at nilapitan. Napakagaan ng supot at nang buksan ko, isang card ang naroon na may note na:
“See you soon.”
Kinabukasan, nag-ayos na ako. Pinuntahan din ako ni Ate para tulungan na mag-ayos ng mga damit. Di rin siya nagtagal at umalis na agad dala ang aking mga pinagpalitan. Naiwan ako sa loob ng kwarto. Kinuha ko ang cp ko at nakita ko ang isang unread message na kanina pa palang madaling-araw sinend.
“See you soon.”
Naalala ko ang note sa supot. Pareho sila ng message. Kinabahan ako dahil hindi ako sigurado kung sino yun. Baka iisa lang sila nung taong pumunta dito sa kwarto. Nilalamig ang aking mga kamay. Di na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagmadali na sa pagkilos. Kagulat ko naman nang biglang bumukas ang pinto. Si Doc. pala. Iniabot niya sa akin ang mga resetang kailangan kong bilhin.
“Laya ka na.” Natatawang sabi ni Doc.
Napatawa naman ako ng konti sa sinabi niya pero ang totoo eh pinilit ko lang matawa para di naman siya mapahiya. Peace! Pagdating ko sa bahay, kinumusta ko agad si Nanay kay Ate.
“Ate, kumusta si mama? Hinanap ba ako?”
“Syempre! Ayun buti nakapagdahilan ako na may biglaan kayong online meeting sa school nung gabi kaya di ka nakapunta. Kagabi naman, sinabi kong nagre-review ka sa exams mo kaya di ka ulit nakabisita. Magkasunod na gabi agad ang pagsisinungaling ko Bi. Dapat talaga sinabi ko na kay tiyo ang nalaman mo eh para di na nangyari sa’yo yun. Natakot talaga ako na baka wala ka na.”
“Okay naman ako oh! Tingnan mo at nahinga pa nga at kaharap mo. Hehe! May siyam na buhay ata ako!” Pagyayabang kong sabi.
“Hay nako! Kumain ka na nga lang! Pinadala nga pala sa akin ito ni Tiyo nung napadaan ako sa kanila kanina pag-alis ko ng hospital. Kainin mo raw at ubusin ito!”
Pagbukas ko, adobo ang laman. Ikinuha ako ni Ate ng kanin para makakain na ako. Ipinaalala niya rin sa akin yung vitamins ko para mainom ko agad. Umalis din si Ate maya-maya para magpunta naman sa sakahan. Dala-dala niya ang basket kung saan nakalagay ang lutong ulam at kanin para sa mga magsasaka.
“Ate, samahan na kita ngayon. Mukhang dumami ata yan ngayon ah..”
“Ano ka ba! Bakit mo ko tutulungan? Magpahinga ka dyan. Kalalabas mo pa lang, hype na hype ka na agad. I-lock mo tong pinto pag-alis ko at matulog ka muna.”
“Ay teka lang pala ate, pwede ko bang mahiram saglit ang cp mo? May titingnan lang ako saglit.”
Dinial ko yung number na nagtxt sa akin kaninang madaling araw baka sakaling may lalabas na contact dun at isa sa aming mga kamag-anak na di lang naka-save ang number sa akin. Pero walang lumabas.
Nakatulog na naman ako. Ang sarap na ng tulog ko nang biglang may kumatok sa pintuan namin. Di ko agad binuksan at sinilip ko buhat sa taas na bintana kung sino yun. Si Ninang Alicia pala. Madadapa ako sa pagtakbo eh para mabuksan agad yung pinto.
“Oh, Bianca. Kumusta ka na?”
“Ninang! Mano po. Opo okay na po ako ngayon.”
“Naabala ba kita? Mukhang galing ka ata sa pagtulog ah. May bakas pa ng pagkakaipit yang pisngi mo oh.”
“Ahehehe. Ahh, opo Ninang. Nakatulog po ako pagkakain eh. Ang sarap po kasi nung adobo na bigay niyo. Pasok po!”
Pinagtimpla ko ng juice si Ninang at naghanap ng pwede kong ihanda man lang. Kaso, biscuit lang pala ang meron kami ngayon.
“Bianca, ‘wag ka ng mag-aabalang maghain ah at ako’y kumain na sa amin. Okay na ako dyan sa juice mong timpla.”
“Naku Ninang pasensya na po ha at biscuit lang po ang meron dito eh. Di naman po ako nakabili man lang ng pang-merienda.”
“Ayos lang ano ka ba. Dumaan lang ako para kumustahin ka. Nga pala, kumusta ka na? May masakit pa ba sa’yo? Si Munic asan?”
“Sa kabutihang-palad naman po ay ayos na po ako. Minsan lang naman pong sumakit itong tyan ko pero may gamot naman po akong iniinom. Si Ate po ay nagdedeliver ng pagkain sa kubo.”
“Eh sinong nagbabantay sa baby niya?”
“Ahhhh. Iniiwan naman po niya dun sa kanyang biyenan. Maayos naman po sila. Talagang yung asawa niya lang po talaga yung baluktot ang utak. Teka Ninang, matanong ko po, ano po palang nangyari na kina Kevin?”
“Natanong mo na lang din naman. Kinabukasan after mong dalhin sa hospital, maraming pulis ang dumating sa barangay natin. Nakita ko na lang na nakaposas na yung 2 nina Andrew at Wesley.”
“Eh si Kevin po, anong nangyari sa kanya? Nahuli rin po ba siya?”
“Nanlaban siya at nang-agaw ng baril kaya siya nabaril. Di na siya umabot sa hospital kasi namatay siya agad.”
“Eh di nakaburol pa po siya hanggang ngayon dito sa ating barangay?”
“Hindi na Bianca. Matapos ang nangyari, di na pinatagal ang katawan ni Kevin at inilibing agad. Ang sabi ng ilan sa mga kumare ko, galit na galit daw ang Nanay ni Kevin at isang kahihiyan sa pamilya nila kaya di na nila pinatagal.”

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    lozarescatherine

    very interesting story ❤️🙂

    01/08

      0
  • avatar
    CortezBryan Carl

    skskzkzkxkx

    29/05

      0
  • avatar
    7136411

    kkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkdgcgc6dlokirft8y7t6gg85d7gud6g9g6huftguvysihudy8t5r8huduhyd8hyfigydiggóooiiijjkkkjkkkasddddddddddfrfrfrffrffffffrrtfftrfffffffffffffffffffddffffffffffffft

    03/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes